The Battle's Over.

Congrats, Ateneo.

But good job, UE!

Reaching the Finals where no one expected you to be is such a huge achievement already, and I salute you for that.

Elmer Espiritu, Pari Llagas, Rudy Lingganay, and Val Acuna, I wish you all the best on your journey outside the collegiate arena. Thanks for being a part of the UE Team I used to love and will always love.

Elmer. For me, no player in the coming future can ever replicate the dunk only you can do with such character and conviction. Your dunk, your block, your rebound, all those I will surely miss. But of course, I will miss YOU.


Pari, I don't know how long UE can find a big man to replace you and your remarkable skill and talent. Your presence on the court makes a huge difference to the team's game.

Rudy, I know, you're small but terrible. It's just so sad that throughout your collegiate career, you weren't given the credit you rightfully deserve.

Val, I only noticed you this season, but you already left a mark in my memory. Thanks for your 3-pointers that led UE to the Finals.

Again, I would like to congratulate you guys for finishing this season strong. Though others may not see it, I can surely feel it. If other people's definition of 'finishing strong' is becoming the Champions, then mine's different. It's slowly climbing to the top, even if everybody already judged you out. No one ever considered you as a contender, but then you proved them wrong by 'beating twice' the twice-to-beat advantage. It's giving the Defending Champions the wake-up call they need by sending the Final Series into Game 3.

With four veterans graduating this season, the future of the UE Red Warriors seems unclear. What will happen to them now that their master dunker and shot blocker is gone? Who can fill the gap left by the big man who always makes his presence felt on the court? Who will have the courage to take 3-point shots that two of the team's former members usually do?

At least I know there are still players who'd be willing to step up and take the challenge. Next year, Paul Lee will be the main man. I know he has the skills, the talent, and leadership to take the team where they should be. Also, there's Raffy Reyes. The ever aggressive, intense, and dedicated player who can serve as the spark the team needs to explode. James Martinez will be coming back next season. I hope he delivers the same, if not a better performance, he showed last season. And of course, the rest of the Red Warriors will serve a vital role to steer the team to success. I wish them the best.

To Coach Lawrence, good job on your first year as a collegiate coach! I'm looking forward to watch the next season of PBL, and of course UAAP 73. Keep up the good work!



I wasn't able to watch the Game 3. Maybe that's why UE lost. HAHA. Because look, I missed Game 1, Ateneo won. I watched Game 2, UE won. And now that I failed to watch Game 3, Ateneo won! arrgh. I knew it! I'm the lucky charm of UE! HAHAHA.


Oh well... Despite the ampalaya-ness I feel, I should congratulate Ateneo for a good season. 13-1. Thanks to UP for that '1'. haha. It would be boring if Ateneo won all their 14 games. If I'm not mistaken, they'd be the automatic Champions if they finished 14-0. And that's BOOOOORIIIIIIIIIIING.......

I have to say goodbye to Jai and Nonoy.

Jai-namite! Thanks for your 3-pointers! You're one of the consistent 3-point shooters I know in the UAAP. But that's not what I'll remember about you. You will forever stay in my memory as the Eagle that looks like Chris Tiu. And both your 3-point shooting skills. :)

Nonoy BLOCK-lao.. The memory you left in my mind was that strong, powerful block you made on Rico Maierhofer last season. That was a-w-e-s-o-m-e. I know you're just the silent worker and masipag player in the team. That's one of the things I admire about you, your humility. Doesn't brag about his strengths and skills, but just shows what he got on the court.

Rabeh, BYE.


Another season of the UAAP Men's Basketball came to an end, but as always, it just keeps me hungry for more. I feel excited for next year. Who are the new players? Who would enter the Final Four? Which teams would face each other in the Finals? I'm just soooo excited to know the answers!!



Franz Pumaren Resigns

News spread like wildfire in La Salle today when it was learned that Franz Pumaren resigned as coach of the De La Salle Green Archers. Effective January 1, 2010, Dindo Pumaren is taking over as coach. With Dindo as coach, that makes him the last of the Pumaren family to mentor the Green Archers.

It was learned that Manager Tery Capistrano also resigned.

The reason for the resignation of Coach Franz is his desire to run for congress in the coming elections, something eveyone close to him knew for quite some time. It is noble of him to choose which of the two is more important to him at this time.

Game 2: UE won it BIG.

Never underestimate your opponent -- especially if it's the UE Red Warriors.


And, don't think too highly of yourselves -- especially if the season's not yet over.


Game 1 is just Game 1.

It's not yet the end of the Finals.


Learn from FEU. they had the twice-to-beat advantage coming into the Final Four, but it became useless. We all know what happened. They were beaten twice.

Overconfidence can kill..... games.

in short, wag mag-feeling. (magpaka-defensive, guilty. :P)



Game 2: UE Red Warriors!!


They won B-I-G-T-I-M-E against the "Defending Champions", the Ateneo Blue Eagles.


88-68


whew. 20 points!


while in the games where Ateneo won against UE, they won by an average of 8.5 points. wala lang. :))

They had nothing to lose, but they have everything to gain.

kung matalo man sila ngayong season, syempre masakit. andun na kasi eh. isang game na lang.

pero kung manalo sila, WOW. sobrang saludo na talaga ako sa kanila. and they'll become a part of UAAP's history.


haaaaiiii........


i love UE!


haha. though i love UP more (of course!), UE is now the 2nd team i really support. third na lang Ateneo. wala na kasi si Chris Tiu! :))



anyway, sa sobrang dami ng nangyari sa game, nakalimutan ko na lahat! hahaha.

basta ang alam ko lang talaga, UE ang gusto kong manalo sa Game 3. kei? :P


Elmer Espiritu
Paul Lee
Pari Llagas
Raffy Reyes
Val Acuna
Rudy Lingganay
sige si Tagarda na rin! (hindi pa tayo bati, ok?)
Paul Zamar
Duran (sori di ko sya kilala.)
at lahat ng UE Red Warriors

syempre si Coach Lawrence Chongson din!
at ang buong coaching staff.

CONGRATULATIONS!!!




Highlight move na naman yung slam dunk ni Espiritu! grabe... halos himatayin na ko kanina. soooooobrang mami-miss ko sya. ang tandem nila ni Paul Lee. ibabato ni Lee yung bola papunta sa ring tas i-d-dunk ni Espiritu!!! waaaaahhhh... :((


SILA LANG ANG MAKAKAGAWA NUN, OK? WAG MAGPAKA-TRYING HARD GAYAHIN. ehem, ehem. dalawang beses kong nakita yun kanina.


isa pa, kung hindi mo naman gulo, wag ka nang eepal. gagatong ka pa eh. tatayo na nga gaganunin mo pa. hindi naman ikaw yung natalunan, kuya. muntik na tuloy mag-away yung dating teammates dahil sayo. hmp. gusto kita dati dahil magaling kang mag-3 points pero medyo nabawasan. :|

anyway, sa klase ng laro ni Raffy Reyes, nafi-feel kong may future talaga siya nang bonggang-bongga. aggressive, nakiki-rebound kahit na ang mga kaagaw niya eh mga higante (i.e. Al-Hussaini, Baclao, Salva, Llagas, Espiritu), todo effort sa pag-pilit na maka-steal, ETC. haaai... cute/gwapo pa. HAHAHA. yun pala yun eh. :))

aalis na ngayon sila Espiritu, Llagas, Acuna, at Lingganay. pero confident naman ako kasi maiiwan sila Paul Lee, Raffy Reyes, Paul Zamar, at babalik na si James Martinez. yun nga lang..... puro maliliit na yun! sino na lang matangkad sa UE?!?! oh no...

pero kaya yan. naniniwala ako kay Coach Lawrence. nung sa PBL ko lang siya unang nakita't napanood, pero naging Cobra supporter na rin ako nun dahil sa team (na majority ay UE players) at sa laro nila. syempre salamat kay Coach!

speaking of Coach... rookie coach siya ngayong season. ADMU ang kalaban sa Finals. Si Coach Norman Black ang coach ng Ateneo. nanalo ang ADMU sa Game 1, nanalo ang UE sa Game 2. hmm......... Season 69, isdatchu? HAHA. ouch yun eh. :))

ang matalo ka ng isang "Rookie Coach" sa GAME 2 at GAME 3. oooooouuuuccchhhh......

hindi ko inaaway si Coach Norman ah. :))

naalala ko lang kasi yung Finals na yun. :))


hai nakoo... mukha na kong Ateneo hater nito. haha. hello, hindi kaya. gusto ko rin naman Ateneo. hindi lang sa Finals Series na 'to. :))

wala nang sense 'tong post na 'to. kasi dapat tungkol sa game yung ilalagay ko kaya lang nakalimutan ko na nga. masyado kasi akong natuwa sa pagkapanalo ng UE. sorry ha. :P


basta, basta... sa Game 3 na lang siguro ako mag-b-blog ng matino. manalo man o matalo ang UE, PUPURIHIN KO PA RIN SILA. HAHA. pasensya na, biased kasi eh. :))


at syempre, hindi ko makakalimutang magpasalamat kay Lord, kasi dininig nya ang prayer ko simula pa lang nung Thursday after ng Game 1. hanggang sa dasal ko kanina sa mass. SALAMAT, SALAMAT, SALAMAT PO.

kung hindi man po abuso, SANA HANGGANG SA GAME 3 PO, UE PA RIN ANG PANALO. thank you po.




Our Adventures while Volunteer-hopping

Ang saya saya ng araw na 'to. Kahit na bonggang bonggang kapaguran ang inabot ko, keri lang. at least alam kong in my own little way, indirectly ay nakatulong ako sa mga nangangailangan. hindi man sakin nanggaling ang kinain at ginamit nila pansamantala, ako naman ang naging daan para magkatagpo sila. :)

Nagsimula ang araw ko nang dalhin ako ni daddy sa may Brgy. Tumana sa Marikina. Binaha din sila nang matindi at may kasama pang putik dahil katabi lang nila ang Tumana River. pagdaan namin ay kanya-kanyang linis, laba at pag-aayos ang mga tao sa kalsada. Maputik talaga. (see pictures here.) Habang nakikita ko yung ginagawa at itsura ng inabot ng mga bahay nila, mas lalo akong nalulungkot para sa lahat ng mga nasalanta, at mas lalo akong nagpapasalamat na hindi ganun ang nangyari samin. Kung sa TV nakakaawa na, mas lalo na pag LIVE. :(

Pagkagaling namin dun, hinatid na ko sa BA. as usual, ang tahimik ng BA pag walang tao. anyway, 9:30 dumating na si Joan and her cousin Shawn/Shaun (di ko lam spelling! sorry. :P). sabi ni rose, mauna na daw kami tas susunod na lang siya. so our first stop: Church of the Risen Lord (CRL).

Pagdating namin, madami nang tao. pero nag-sign pa rin kami. pagpasok namin sa loob, MAS madaming tao. halos lahat super busy na sa ginagawa nila. pero madami din na kakarating lang na naghihintay pa ng i-a-assign sa kanila. at isa (tatlo) na kami dun. so after ilang minutes ng panonood sa mga busy people, ginather na kami nung isang parang head volunteer.

tapos sabi, sobra na daw yung volunteers so mamaya pa kami ma-a-accommodate. sabi, 12 pm, mag-p-prepare ng food. tas 1 pm, deliver na to different places. e asbi nila joan, di daw pwede i-deploy kasi di ata pinayagan yung pinsan nya. so ayun, nagpaalam na kami na lilipat na lang kami sa UPSCA kasi meron din daw sila Chloe. pumayag naman sila. :)

tapos pagdating naman namin sa entrance ng Parish of the Holy Sacrifice (sa likod na side), natakot sila/kami kasi para makapunta dun sa kabilang side, kelangan pa dumaan sa may parang mga nakaburol. eh nakakahiya (and at the same time, scary) naman na makidaan dun. so ayun, ang tagal namin naghintay sa labas ng church. tas nagtext si chloe na after lungch pa siya makakarating.

eh si Joan naiinip na. haha. atat na atat nang magtrabaho. so sabi niya, "ABS kaya?" edi ayun. hinintay muna namin si Rose tapos hinatid pa kami hanggang ABS-CBN. kaya lang nung nagtanong na kami kay Kuya Guard, closed na daw ang registration. FINE. haha. dami din naghihintay sa labas. puro mga kabataan din. feeling ko tuloy para kaming nasa auditions para sa PBB. :))

pero ayun nga. no chance for ABS. so naghanap muna kami ng makakain. halos lunch time na nun eh. at grabe lang yung nilakad namin mula dun sa entrance ng Sagip Kapamilya (ELJ Comm. Tower side) hanggang Crossings sa Quezon Ave. winner! haha. Alay Lakad ang drama namin. :))

sa Subway kami nag-lunch. napakagandang volunteer work db? wala pa nga kaming nagagawa tas bongga na yung kinain namin. :)) malapit na kaming sumuko nun kasi naka-kalahating araw na pero wala pa kaming napag-volunteer-an. dinedicate pa naman namin ang araw na 'to para sa pagtulong. :(

pero syempre, ayoko namang masayang ang effort namin. so nagtext ako kay Roy kung kelangan pa ba sa Red Cross. eh sabi niya kaninang 7 am pa daw. tas tanungin ko daw si Carol kasi nasa Miriam daw siya. so nagka-glimmer of hope sa aming mga puso kahit pano. may pag-asa pa! :)

edi tinext ko na si Carol tas nagtanong ako kung kelangan pa ba ng volunteers dun. tas sabi nya baka pwede pa daw, chuva chuva. basta in short, nag-decide na kaming apat na pumunta sa Miriam College.

and so there we were. :)

nung una, sabi sa 1-4 pm shift daw, tatlo lang ang pwede. e apat kami db. so sabi nila, ang next na shift ay 4-7 pm. wow, gabi na 'to. pero sige, since ayaw na talaga naming masayang ang araw namin at para maka-experience na rin talaga mag-volunteer, ok na lang. eh mga 1:30 pa lang nun eh. so sabi namin, alis muna kami. balik kami ng mga 3:30. iniisip namin kung mag-iikot ba sa MC o lilibot sa Ateneo. we chose the latter. gusto na rin kasi sana namin tignan yung relief drive sa kanila.

sa ayun... ikot ikot, lakad lakad, tingin tingin sa Ateneo. sa buong Ateneo tour namin, kung anu-ano nang napag-usapan. mula sa course namin dapat dun kung dun kami pumasok, pareho kaming CommTech ni Joan! Health Sciences daw si Rose. (layo sa BA! haha.), hanggang sa iba't ibang religions at culture and practices nila, yung mga napagdaanan namin sa loob ng isang araw, kung gaano ka-iba ang Ateneo sa UP (in both positive and negative ways), at syempre pati si Chris Tiu nasali sa usapan! (hanap kasi ako nang hanap sa kanya. di ko naman siya nakita.)

after some time, naghanap kami ng makakainan or kahit vendo machine. at dahil dun, halos kung san san na kami napadpad. gusto ko rin kasi sana hanapin yung JGSOM. dun sana kami kung sa Ateneo kami. :P gusto ko din sana makita yung Chinky Chickens!!! at dahil sa pag-iikot ikot namin, napadpad kami sa College Covered Courts. naglalabasan na yung ibang mga tao! tapos na ata. so di na kami tumuloy pumasok.

tas sa wakas... nakarating na rin kami sa gusto kong puntahan. nakahanap na rin sila ng vendo so ok na kami pare-pareho. nag-stay muna kami sa mga upuan dun. at nag-chikahan muna. :)

dami na naman napag-usapan. haaii... ang sarap ng ganitong times. plus masarap pang tumambay dun kasi tahimik tsaka maluwag tsaka puro green (plants, trees, grass). sarap ng feeling! sabi nga ni Joan, "parang park". hai nako, wish ko may ganun sa BA. haha. kaya lang malabo. puro semento sa BA eh! :))

tapos nang malapit nang mag-3:30, umalis na kami kasi nag-allot talaga ng time kasi mawawala/maliligaw pa kami eh. para may allowance sa time kung maghahanap pa kami ng tamang daan. haha.

buti naman at nakabalik kami sa Miriam befor 4. so naghintay muna kami sa bench. at yes, nag-usap-usap na naman. naka-ilang kwento kaya kami ngayong araw na 'to? (meron pa kasi mamaya!) tapos mga 4, tinawag na kami. tinanong kung ok lang bang paghiwa-hiwalayin kami. pero mukhang napansin nila na ayaw namin so sabi sa registration/receiving area na lang daw "muna" kami. edi ok. happy. at least may gagawin na kami. masaya na ko dun. haha. so in-orient na kami and everything.

Gusto ko pa sanang isa-isahin lahat ng donors na dumating at naghatid ng donations eh. kaya lang baka sumoooooobrang haba na nito. basta nakakatuwa at nakakataba lang ng puso na totoo pala yung ganun. may mga nag-e-effort at may mga magagandang loob talaga na nagbibigay at nag-do-donate.

basta ilan sa mga naalala ko, yung nagdala ng 150+ bottles ng 1 L na water, na may kasamang mga batang cute yung naghatid. nung binababa na sa van, gusto nila sila magdala dun sa table. talagang willing silang buhatin yun e ang bibigat. pero ang cuuute nila! syempre ako nakibitbit din. yey! tapos grabe kasi nung paalis na yung matandang nag-donate, sya pa yung nag-sorry kasi parang hindi daw maayos yung packaging nila. (pero ok naman eh, maayos naman. may mga naka-plastic at naka-box pero meron nga lang isa na butas ata kaya tumutulo. pero keri lang.)

may iba't ibang donations kaming ni-receive. may tubig, instant noodles, powdered milk, medicines, sardines, pork and beans, crackers, uniforms (ng MC), used clothes, etc.

kelangan ipa-fill up sa donor yung name, address, contact nos. tapos kami, name and signature tsaka date. tapos kami din ang naglalagay ng items and quantity. ang original instruction samin, wag nang bilangin kung ilan yung laman ng bawat plastic/box. pero may lumabas na galing dun sa mga nag-re-repack na sabi, i-specify daw namin. syempre para nga naman sa inventory nila. so ayun, natuto na kami. binibilang na namin.

meron din palang mga lumalapit samin at nagtatanong kung pwede pa mag-volunteer. kaya lang sad kasi hindi na daw pwede sabi ni ate carla. tomorrow na lang daw. 7-12, 1-4, 4-7. so ayun. :(

btw, ang ganda ng CR nila. basta parang mall. malayong-malayo sa UP. at kahit BA. and even Econ na may hand dryer at mukhang pang-SM ang doors. yung sa kanila maganda talaga. oo nga pala, private school nga pala yun. :P

tuwing idle kami, syempre ano pa bang gagawin namin kundi mag-usap. haha. umabot pa sa ghost stories nung gabi na. dapat pala binilang ko kung naka-ilang topics kami ngayong buong araw. :)) bonding to the max ang drama namin. :P

pero ito. yung pinaka-"aww" moment namin ngayong araw.

kasi nung medyo kaka-umpisa pa lang namin, may dumating na nagtatanong kung open pa ba for volunteers. eh hindi na nga daw so ayun sabi namin tomorrow na lang bumalik. tas konting usap-usap pa. tapos nung paalis na sya, nasabi niya samin na yung Kuya Guard daw dun sa may gate parang nakwento na taga-Payatas daw sya tas sila din daw nasalanta. kaya lang sila mismo wala pang natatanggap na relief doon. so syempre kaming lahat na-sad. naisip ko parang kanina pa kami pabalik-balik dun sa gate tapos tinatanong kami kung san kami pupunta, tas kung para san. edi sinasagot namin volunteers po para dun sa relief drive. tapos yun pala sya mismo wala pang na-re-receive na tulong. :((

edi ayun. pagdating nung Secretariat dun sa table namin kasi may kinuha sya or binilin ata, sinabi na ni Joan yung tungkol nga dun sa guard. so ayun, nag-radyo sila dun sa mga guards sa gate tas tinanong kung sino yung taga-Payatas. so pinasa na nila dun sa Kuya Guard nga. tas tinanong ni Ate Secretariat kung affected area ba sila. tas sumagot si kuya "Yes, mam." waaah. nalungkot talaga ako/kami nun. :((

so after some time, may dumating nang Kuya Guard/s sa labas. dalawa pala sila. edi yun, paglabas na nila dun sa bldg, may dalawa na silang tig-isang box. haai. at least masaya kami kasi naging daan kami para matulungan sila. pero syempre super thank you din dun kay ate na nagsabi samin tungkol dun sa problema ni kuya guard. syempre kung hindi nya naman nasabi samin, hindi rin namin masasabi sa kanila.

for me yun talaga yung pinaka na-feel ko na nakatulong kami. feeling ko nga, mas masaya mag-volunteer sa receiving area. kasi doon, ikaw mismo yung tatanggap ng goods na dinonate. tapos yun nga, may interaction with the donors tas kami din nag-t-turnover sa mga nagpa-pack. tapos dun yung makikita at mararamdaman mo talaga yung mga gustong tumulong. both donors and volunteers sayo lalapit. :)

haaai... all in all, masaya talaga 'tong araw na 'to. kahit napagod kami kakalakad at kakahanap ng tatanggap samin na relief drive, at least napadpad kami dun sa kailangan talaga ng tulong namin at dun sa trabaho na self-fulfilling din. :)

salamat sa Miriam College sa pagtanggap sa amin. kahit na wala ni isa samin ang alumni ng school niyo, ok lang. naalala ko tuloy yung dati kong school (SHS). sana sa mga susunod pang mga relief drives na ganito makasama uli ako. :)


----------------------------
Sept. 30, 2009
4 days after Ondoy