SuperManuel is still my "El Ultimo Participante"

yes... Manuel Chua, Jr. is the real winner for me.

Naniniwala ako na siya ang karapat-dapat na maging ka-una-unahang El Ultimo Participante ng Pinoy Fear Factor. Kung paramihan rin lang ng World Records, at ng mga pinangunahang stunts, obvious na obvious naman na kung sino dapat ang nanalo. DI BA?

sa dinami-dami ba naman ng mga stunts na pinagdaanan nila, sino ba ang laging nangunguna? sino ang laging kinatatakutan? kanino laging ikinukumpara ang mga participantes? sino ang nagsisilbing standard at benchmark pagdating sa pagalingan? sino ang gusto ng karamihan na manalo?


... tinatanong pa ba yan?


edi si SUPERMANUEL!!






Si SuperManuel lang naman ang:

- kumain ng Combo dun sa Candy Shop stunt nila. siya ang kumain ng halu-halong mga ipis, worms, scorpions, at dalawang hilaw na DAGA. yes, kakapatay lang nung daga at fresh na fresh pa. haha. habang yung iba, isang klase lang ang kinain, siya lang naman ang sinuwerteng kelangan kumain ng lahat. At nagawa naman niya.

- naka-break ng World Record dun sa naka-hang na car tas paunahan makuha sa hood ang key at buksan ang pinto. HABANG UMUULAN. (kasama sa stunt)

- naka-break din ng World Record sa helicopter stunt na lilipat from one side to another habang nakasabit sa net. o diba, SuperManuel na, SpiderManuel pa!! san ka pa??

- nakapagpa-suko sa kabayo dun sa stunt nila na kakaladkarin sila paikot ng ilang beses sa putikan. ayos di ba, kahit kabayo hindi siya kinaya. :))

- ilang beses nang na-feature sa Pharmaton segment. sige nga, bilangan nga tayo ng na-feature dun na mga participantes, ILAN KAYA YUNG KAY MANUEL?

- ilang beses na ring na-save sa mga ronda ronda dahil laging nangunguna.

- at marami pang iba na hindi ko na maalala dahil sa sobrang dami. HAHA.




fine. i know 3 days na ang nakalipas mula nang matapos ang Pinoy Fear Factor. pero di pa rin ako maka-get over. BITTER pa rin ako ha. kasi naman, kasi naman.... hindi ako masaya sa kinalabasan. HINDI. HINDI. HINDI.

oo nga't umabot si Manuel hanggang sa Fearless Four. pero siya naman ang unang natanggal sa apat. hmp. AT, alam kong hindi naman talaga dapat siya ang natanggal!! grr.


sige.. maglibot ka sa mga forums at makikita mo na marami ang hindi sumasang-ayon sa nangyari nung elimination. KASI NAMAN. kitang-kita naman na nalugi si Manuel eh.

kasi yun nga. yung stunt nila nun is yung tatabunan ng buhangin habang nasa ilalim tas huhukay para makalabas.

ang dalawang pinakamatagal, sila Janna at Manuel. inaamin ko matagal talaga si Manuel. at mali naman kasi talaga yung diskarte niya nun. palpak siya talaga kumbaga.

pero ang hindi ko lang matanggap ay yung nangyari nun kay Janna. kasi habang naghuhukay siya palabas, naguhuan siya nung buhangin so nabaon siya uli. eh tapos, yung mga Argentine staff or whatever, TINULUNGAN SIYANG MAGHUKAY. as in NAGHUKAY DIN SILA. kahit na sabihin pang sinabi ni Janna na "I'm okay, I'm okay." at tumigil na sila, NAGHUKAY PA RIN SILA at MALAKING BAGAY DIN YUNG NAIBAWAS NILA. buti sana kung binalik eh, PERO HINDI. so ang nangyari, NABAWASAN NA YUNG HUHUKAYIN NI JANNA.

eh kung tutuusin, part naman talaga ng stunt yung ganun ah. yung naguguhuan ng buhangin. kasi kung bawat maguhuan eh tutulungan nila, ano pang silbi ng stunt stunt na yan? WALA. kung sila rin naman pala yung maghuhukay...

AND, to give more details about what happened sa stunt, eto.. nakuha ko from http://pinoy-fearfactor.blogspot.com/2009/02/super-manuel-out-na.html

--------------

"MANUEL WAS CHEATED!!!
1. Janna started even before the timer starts! Kung naalala nyo dati si Savanah nagkaroon ng penalty dahil hinawakan nya ang padlock before the timer starts, kahit binitiwan nya yun ulit nagkapenalty pa rin sya di ba? So, bakit si Janna walang Penalty dito????

2. When the FF argentine staff helped Janna, nabawasan na ang buhangin na nakatabon sa kanya, may camera naman sa loob di ba? nakikita naman nila dun kung ok pa si Janna di ba? at paano na ang nabawas na buhangin sa kanya? ganun na lang un? sasabihin lang nila na for safety reason kaya tumulong yung staff? WTF!!! para saan pa ang camera nyo sa loob?!!!!

3. Janna said help me! help me! I want to get out! pero ano walang tumulong? bakit???? kung ung natabunan sya hindi sya nanghingi ng tulong tinulungan sya, tapos ng nanghihingi na sya ng tulong deadmahin ba naman sya!!!!!!! why again? because she didn't use the give up sign! Darn!!!

Sino ba naman ang hindi maniniwala na hindi nadaya si Manuel! ....of course ung mga anti-manuel lang! pero ang Pro-Manuel at neutral viewers I'm sure they would be one in saying that Manuel was cheated!

KAHIT ANONG DAMAGE CONTROL ANG GAWIN NYO! AT KAHIT ANONG INTERVIEW KAY SUPERMANUEL NA SABIHIN NYA NA "BILOG ANG BOLA SA PFF", AT HINDI NYA NA-ANTICIPATE ANG MAIPIT ANG BINTI NYA! HINDI PA RIN AKO KUMBINSIDO NA NATALO SYA DAHIL SA MISCALCULATION NYA SA STUNT!..... ILANG SECONDS LANG ANG DIFFERENCE NILA NI JANNA, IF IT WAS NOT FOR THE ARGENTINE STAFF WHO HELPED HER TO REDUCE THE SAND AND IF PROPER PENALTY WAS GIVEN TO HER FOR STARTING BEFORE THE TIMER STARTS...PAG PINAGSAMA SAMA MO LAHAT LALABAS NA SI JANNA TALAGA ANG DAPAT NA NATANGGAL!!!!"

-----

o ano, gets mo na? ako OO. GETS NA GETS ko. kasi napanood ko mismo. ano, bitter na naman ako? FINE. bitter naman talaga ko eh. HAHA.


kaya after nung elimination, HINDI NA KO NANOOD. HANGGANG SA HULING EPISODE, HINDI KO PINANOOD. SERYOSOOOO.... BOYCOTT KUNG BOYCOTT.

so wala na kong pakialam kung sinong nanalo. si Jommy? fine. KANYANG-KANYA NA YUNG 2 MILLION. pati yung bahay. pakasawa siya dun.

I have learned in Economics the difference between Short run and Long run. and I know that material things don't last forever. ang mahalaga ay ang mga taong sumusuporta sayo kahit sa kabiguan. kahit talo ka, MARAMI pa ring naniniwala sayo. di ba JOMMY??? di ba??


anyway, marami akong nabasang mga kung anu-ano pa tungkol kay SuperManuel. like this:

"Balita namin ipapasok daw si Manuel sa Bahay ni kuya for this upcoming PBB Season 3 Celebrity edition. Dahil dito, madami tagahanga ni Manuel ang natuwa at nasabik na muli siyang masilayan sa pinakasikat na bahay sa buong bansa ang "Bahay ni kuya". Kabayaran ba ito ng ABS CBN management sa nagawang irregularidad sa huling stunts nya sa Pinoy fear factor na naging dahilan upang sya ang matanggal sa naturang reality show?

Matatandaang naging paborito sya ng mga tagahanga ng show dahil sa mga nagawa nyang New world record na nagpataob sa lahat ng fear factor records. Hindi rin matatawaran ang kanyang pagiging ulirang ama sa kanyang anak na gagawin ang lahat mabigyan lamang ng magandang buhay ang anak at pagiging isang tunay na kaibigan nang minsan ay kinalimutan nya ang sarili bagkus ay ipinagkaloob pa niya ang kanyang premyo sa kapwa participantes na nagbigay daan upang makausap nila RJ, Savanna at Janna ang mga kani-kanilang pamilya sa Pilipinas.

Tunay nga na kahanga-hanga si Manuel sa kanyang ipinamalas na galing sa Pinoy fear factor. Hindi kagulat gulat na marami ang tumanggap, nagmahal at nag-abang sa kanya sa naturang show. Ngunit, ang daming reaksyon ang lumabas mula sa fans nang siya ang matanggal sa huling linggo ng pinoy fear factor dahil ayon sa mga fans ay dinaya at walang consistency daw ang rules ng naturang show. Kaya umaasa ang mga Manuel fans na makakapasok sya sa PBB after ng Pinoy fear factor.

Malalaman kung gaano karami ang supporters at nagmamahal kay Manuel sa pamamagitan ng text votes. Makikita na ba ang tunay na galing ni Manuel sa pangalawang pagkakataon na ito at maririnig na kaya ang boses ng masa kung sino ang kanilang nais mahirang na PBB Big winner Celebrity edition na walang ibang kung hindi si SuperManuel? Abangan natin ang kanyang muling paglipad!! Uno, dos, tres, Vamos!"

from http://pinoy-fearfactor.blogspot.com/2009/02/super-manuel-out-na.html

---------

say ko? PAGKAKAKITAAN NA NAMAN SIYA NG ABS. ganyan naman lagi eh. ipapatalo sa isang contest, tas pagkakaperahan sa isa na namang contest dahil alam nilang maraming taga-suporta. ganyan maglaro ang ABS. hindi pa ba naman kayo nasanay sa sangkatutak na seasons ng PBB at PDA??

akala ko pa naman iba ang Fear Factor. pero hindi rin pala. sumablay pa sila sa huling linggo. kahit ano atang ipalabas sa ABS may kababalaghan eh. at ako naman, patuloy pa rin na nagpapauto. haai..


ah basta.. ako, kung sa totoong buhay, si Spiderman ang favorite superhero ko. pero sa Pinoy Fear Factor, isa lang ang TUNAY na kasing-lakas at sing-galing ng superhero. OBVIOUS BA?


edi si SUPERMANUEL!!!!


ok. na-hack ang account ko?

pano ba malalaman pag na-hack yung account? kasi kasi.. feeling ko na-hack talaga ako. pero ayoko pa munang maniwala.

ganito kasi.. nagstart siya nung mga 2 or 3 weeks ago. pag-open ko ng site ko, nakita ko sa guestbook na may bagong message. hindi ko siya kilala. tapos nakita ko dun sa may part na pag-t-type-an ng message, may nakalagay:


Stop being gay --
you were hacked

by TcH0Rt


syempre natakot agad ako pagkabasa ko. pero sabi ko baka joke lang yan. kaya binura ko na lang yung bagong message sa guestbook, kasi baka pag dinelete ko, mawala na rin yan.

tas nawala naman.



tapos.. tapos...


kagabi, nung nag-ch-check ako ng inbox ko dito sa Multiply, nakita ko may bagong post AKO pero hindi naman ako. nagulat talaga ko.......


so tinignan ko. tapos eto yung nakalagay sa blogpost:






so ayan. wala na. natatakot na ko for my account. i love my Multiply!! waah. tulungan niyo naman ako kung may alam kayo sa pag-ayos ng mga ganito.. please, please, please....


-------------------------------------------------------------------


EDIT: grabeh. ka-loka. paranoid naman ako masyado. haha. kasi pinuntahan ko yung class blog namin sa BA 180.1 dahil titignan ko kung may nag-post na ng website review. tapos nakita ko yung post sa taas. yung "some words of encouragement?".

si mam pala nag-post nun!!!






waaaah. halos mamatay naman na ko sa kaba, tapos yun lang pala. haai..

pero yung TcH0Rt, totoo yun.. may ganun talagang lumabas. :-S


pero wait, bakit ganun, yung pinost niya dun sa blog, na-post dito sa Multiply ko? BAKIT?


Ma'am, hacker ka ba? HAHA.


ah alam ko na... siguro dahil naka-enable yung cross-posting ko. so nung nag-post siya sa blog (na admin din ako), na-post dito! yey! alam ko na! alam ko na!!


pero yung TcH0Rt.................................. sana wala lang yun.....



bakit ba maraming namamatay sa rides?

kakapanood ko lang ng balita sa TV Patrol tungkol dun sa lalakeng nahulog sa Star Flyer ride ng Star City.

at nung narinig ko yung mga explanations at kwento nung mga nag-imbestiga at nung empleyado, naniwala ako. kasi tama naman db? isa lang yung nag-co-control dun sa mga safety chuva nung mga ganun. kaya nga pagkasakay db, sabay sabay bumababa yung mga harang?

so bakit siya lang ang nahulog sa mga nakasakay? sinasabi nung kamag-anak niya, bakit naman mahuhulog siya kung walang diperensya yung ride. eh tanong ko naman sa kanya, BAKIT YUNG IBA PANG MGA NAKASAKAY HINDI NAMAN NAHULOG? bakit sa dinami-dami ng mga sumasakay sa ride na yun araw araw, siya lang ang nahulog? siguro naman hindi siya ang unang sumakay sa mismong upuan na yun db. so bakit nga?

ewan ko. sabi nila baka suicide. pero hindi ko alam. baka may problema lang siya sa buhay, kaya tinanong niya dun sa babaeng empleyado na mamamatay ba siya dun pag nahulog siya. EWAN. siya lang nakakaalam nun.


siguro oo nga hindi naman talaga maiiwasan ang aksidente. lalo na kung kulang sa safety measures ang rides. tulad na lamang dati nung sa bata na nahulog naman sa Wild River sa Star City din. kung tumalon o tumayo man siya dahil sa takot, walang nakaharang para hindi siya mahulog. kaya ayun, nahulog.

pero ako naman, kung alam mo namang matatakutin ka sa mga ganun at feeling mo e medyo bata ka pa at hindi mo kaya, wag ka munang sumakay. darating din naman ang time na pwede ka na eh. kaya nga may mga height requirements sa mga ganyan di ba? siguro minsan, dapat yung mismong mga sumasakay na rin ang maging responsable sa sarili nila.

though may mga pagkakataon naman na wala sa sumasakay ang pagkakamali. tulad na lamang nung nahulog dati sa octopus sa perya. diba nagka-technical malfunction something ata nun so ayun, nakalas yung sinasakyan nila.


so tanong ko uli, bakit nga ba maraming namamatay sa mga rides?





alam ko na ngayon ang feeling ng mawalan ng cellphone.

I lost my phone.


hindi ko na-break ang curse.


malas talaga ako sa Friday the 13th.


----


so nagpunta nga ako ng Loverage nung Friday. mag-isa akong pumila at pumasok sa loob. buti na lang pagpasok ko, nakita ko sila Mich at Nat. tas nood, nood.

tapos after some time, nakita ko sila Ate Tin, Ate Jam, Ate Abi, Ate Majo, at Kuya RC. so sumama na lang ako sa kanila. tas nagkita-kita na rin ng iba pang ABAMers.

nag-perya perya sila. yung mag-babato ng piso tas pag na-shoot sa loob ng box, mapapanalunan mo. may isa kong nakita ang galing niya. expert ata sa ganun.

tapos lumipat sila dun sa may parang darts tsaka sa may pellet gun. gusto ko din sanang mag-try kaya lang nagtitipid eh. ;)


pero nung nagyaya silang mag-caterpillar, sumama ako. tagal ko na rin kasing hindi nakakasakay dun eh. elementary pa ata yung last. so na-excite naman ako...


at ayun.. masaya naman. ang bilis umikot.


AT...........


pagbaba ko, nung kinakapa ko na yung phone ko, wala na.




alam ko umiral ang katangahan ko kaya nawala siya. nasa bulsa lang kasi ng bag ko.


hindi ko alam kung dinukot o nahulog nung nasa caterpillar kami.


nung kinapa ko na sa lahat ng bulsa ko baka nailagay ko dun at wala pa rin, hindi pa rin nag-si-sink in sakin. parang wala lang. natulala. lumutang yung isip ko. hindi ko na alam. blangko.


salamat nga pala kila ate tin at ate jam kasi nung napansin kong wala na yung phone ko, tinawagan nila. pero unattended.

naisip ko, baka kung may kumuha, pinatay na. kung nahulog sa caterpillar, baka sobrang lakas ng impact kaya nawasak at namatay.

pero ewan, nawala talaga ako sa sarili ko...

naisip ko agad, YUNG SIM CARD KO.

mahal ko yun eh. Grade 5 pa lang ako, yun na sim card ko. ilang cellphones na ang pinagdaanan nun, pero matatag pa rin. 2nd year college na ko, gamit ko pa rin. tapos, biglang sa isang iglap, mawawala nang ganun ganun lang?


OUCH.


may sentimental value yun. SOBRA. tapos yung mga contacts ko sa phonebook, andun lahat. mga messages ko since time immemorial, andun din lahat. so nung naglaho siya, naglaho na rin lahat ng memories.


tapos yung cell phone. kahit China phone yun, mahal ko yun! isa't kalahating taon din kaming nagkasama. iniisip ko pa naman noon, papaabutin ko yun ng dalawang taon sakin nang hindi nasisira. pero wala.... hindi na siya inabot ng 2nd birthday niya.


at naisip ko rin siyempre kung pano ko sasabihin sa mga magulang ko. magagalit sila, alam ko. mas madaling sabihing na-holdap ako kaya nawala ang phone ko. wala kasi akong magawa. pero yung nawala siya dahil sa sariling katangahan ko? pano ko ipapaliwanag? MAHIRAP.


tas sinabi ko nung habang nasa kotse ako, hindi ako iiyak. HINDI KO IIYAKAN 'TO.

cellphone lang yan. sim card lang yan. mas mabuti na yung nawala siya o nadukot kesa naman na-holdap ako tas pinatay ako. mas masaklap yun di ba?


pero kinabukasan, hindi ko na napigilan. NAPAIYAK NA KO. as in IYAK. hagulgol and all that stuff. kaya pagkatapos kong mag-crying session, ayun, magang-maga yung mata ko. kaya nakita ng nanay ko at tinanong kung anong nangyari.

so no choice naman ako kundi sabihin na. sinusubukan ko kasi muna sanang tawagan at itext eh baka sakaling mag-reply at mabawi ko pa. pero wala na talaga eh. ring lang nang ring. parang nagsasayang na lang ako ng load ng nanay ko.


so ayun. kinwento ko habang patuloy na umiiyak. eh wala eh. di ko mapigilan. at buti naman hindi ako pinagalitan. buti na lang talaga.

Thank you Lord for giving me such understanding parents.


so kahapon, Valentine's Day, nag-Greenhills kami at bumili ng kapalit. sabi ko nga wag na muna eh. pero sabi naman ni mami mahirap din daw kasi kung wala akong gagamitin. edi GO. :)


Salamat sa lahat ng mga tumulong sa pangungulit sa number ko. Ate Tin, Marjo, Ate Jam.. sobrang thank you. Ate Adz, salamat sa pagtatanong kay Ate Tin, sorry naabala pa kita.


Sa ABAMers, salamat kasi nagkaron ako ng kasama nung Loverage, kundi ewan ko, boring siguro ng gabi ko. sayang lang di ako nakasama sa backstage!


Sa mga JJs na nanggulo, sige lang, magpapansin lang kayo. dyan naman kayo magaling eh. ipagpatuloy nyo lang yan.


Sa kung sino mang may hawak ng phone ko, sana'y maging masaya ka sa buhay mo. ilang beses na kitang tinawagan, pero hindi mo sinagot. gets ko na ang ibig mong iparating. pero hindi pa rin ako titigil. tatawagan ko pa rin nang tatawagan ang number ko (09198667485, tawagan niyo rin. haha.)

hindi mo rin naman magagamit yan eh. kasi wala kang charger. china phone yan, san ka hahanap? kaya sana, kahit yung sim lang ibalik mo. please lang.



Friends, Romans, Countrymen, give me your number.

And save mine as well.


it's 09192850311.


Thanks!


LOVERAGE 3: Break the Curse / JJ alert!

Na-break nga ba ang curse ng Friday the 13th? Hindi ko alam.

Basta ako alam ko minalas pa rin ako. NAWALA ANG CELLPHONE KO sa Loverage.



idagdag mo pa ang riot na nangyari, thanks to the ever-papansin na mga JJ.


panira ng event, ng mood, at ng FENCE.

pati mga walang kamalay-malay na bricks sa oval dinamay pa.

TSK.


---------------


last UP Fair 2008, LoveRage 2 ang pinanood ko. first ever UP Fair ko yun, syempre dahil first year pa lang ako nun. at natuwa naman ako, kaya nag-promise ako na kung mag-U-UP Fair man ako every year, sisiguraduhin kong sa LoveRage pa rin ako pupunta.

though nung Loverage 2 din, ginawa na ng mga JJ ang trabaho nila. pagpapansin at panunulak at pagtalon at pagbabanggaan na parang mga life-size Beyblade.

pero keri lang, nakauwi naman ako nang buhay. so ngayong UP Fair na 'to, maaga pa lang bumili na ko ng ticket for LoveRage 3. excited eh.

------------

pagdating ng hapon ng Friday the 13th, mag-isa akong naghintay at pumila para makapasok. gabi na rin yun. malungkot. kasi wala akong kasama. LONER.

nasa labas pa lang ako, kitang-kita ko na ang iba't ibang mga klase ng tao na manonood din ng concert. naisip ko, keri ko kayang manood mag-isa? baka mamaya bigla na lang may lumapit sakin at bigla na lang akong saksakin ng icepick.

ayoko pang mamatay. may exam pa ko sa BA 99.2 sa Sunday.

pero sige, go with the flow. nakipila ako. mahaba.. umabot pa ata hanggang AS. seryoso.

pagkatapos ay pumasok na ko. pinunit ang ticket ko. tinatakan. binigyan ng flyers. at ayun. sa wakas nasa loob na ko. marami-rami na rin ang tao. pero mas marami pa rin ang nasa labas. naisip ko, hindi naman kaya abutin na nga valentines 'tong mga tao sa labas sa kakapila?

hindi ko naman inakalang yung mga taong yun din pala ang magiging dahilan ng pagkahinto ng concert.


tatlong araw akong pumuntang fair dahil may booth kami dun. pero masasabi ko na ngayong Loverage at Friday ang pinakamarami (as in PINAKAmarami) akong nakitang tao. JJ man, estudyante ng UP, pamilya, at kung sinu-sino pa.

siguro dahil sobrang na-publicize 'tong event, o dahil sikat lang talaga yung mga banda, o baka dahil Friday at walang pasok bukas kaya maraming tao. masasabi kong SIKAT at pinupuntahan talaga ang Loverage. kaya nga sila umabot ng 3 eh.

--------------

STOP. na-bo-bore na ko.

--------------


basta ang gusto ko lang naman sabihin kaya ako nag-post, nakakainis ang mga kumag na JJ na yan. kung wala naman silang magawang matino sa buhay nila, sana wag na silang mandamay ng ibang taong trip lang magsaya. at kung yun ang paraan nila ng pagsasaya, puwes wag sila sa UP maghasik ng lagim.

nagpupunta ang mga matitinong tao sa concert para makikanta sa mga banda, para makita at makipag-picture sa mga idol nila, o para magliwaliw lang. wala yung mga magbabatuhan ng bote ng mineral, magtutulakan at magbabanggaan na parang mga kiti-kiti, at aasta na parang mga bangag na high na mga kaka-tira lang.

siguro may mga magsasabi na wag masyadong mag-discriminate. tao rin naman sila. pero bakit sila ba, iniisip nila kung may nasasaktan silang ibang tao? naiisip ba nila kung nakaka-perwisyo at nakakagulo lang sila? HINDI. dahil kung oo, walang mangyayaring kaguluhan sa mga concert, ke may Chicosci pa dyan o Greyhoundz.

at kung talagang may karapatan silang igalang, sila mismo dapat marunong gumalang. hindi naman porke hindi sila nakapasok (dahil walang ticket o dahil puno na sa loob) eh mambabato at maninira na sila ng bakod. may mga nasaktan, may mga duguan. kawawa naman yung pulis. yun, naisip ba nila? HINDI rin. dahil kung oo, hindi sila tatakas nung dumating na yung iba pang security.


siguro oo nga masyadong na-j-judge ang mga JJ. pero hindi rin naman kami masisisi kung ganito kami makapagsalita sa kanila. kasi sila mismo ang gumagawa ng ikinasisira nila.

------------

sana sa susunod na Loverage (kung magkakaroon pa nga ng kasunod), maging mas maayos na. dagdagan ang security. ayusin ang sistema ng tickets. kung kinakailangang mag-abang ng sampung firetruck sa paligid ng sunken, gawin nila. kasi siguro sa ngayon, mas mabuti nang sugatan lang yung mga biktima. sana hindi na umabot sa point na may mamamatay pa dahil sa UP Fair. siguro naman walang may gusto ng ganun, di ba?


at siguro kung pagbabawas (dahil alam kong imposibleng mawala) lang din sa mga JJ, baka pwedeng wag nang mag-imbita ng mga banda na nakapag-papa-wild sa kanila. kasi parang pag tumugtog na yung isang banda na hinihintay nila, biglang nagiging parang mga asong ulol na sila. sorry kung panget yung term, pero ganun ko sila nakikita eh. yun ang ipinapakita nila.

i know wala nang sense 'to. naging blog post for JJs na lang. ayan, masaya na sila. pinapansin na sila.




feelingerong Pacquiao...

fan ka ba ni Manny Pacquiao?

kung oo, wag mo nang basahin 'to. baka ma-hurt ka lang. haha.




joke lang. bat ko naman aawayin si pacquiao?!? ang ating "Pambansang Kamao"? dapat siyang igalang dahil siya ang makabagong bayani natin ngayon. tuwing may laban siya, nagkakaisa daw ang mga Pilipino. so hindi siya dapat inaaway.... (nangangamoy sarcastic ba?)



ayoko kay Pacquiao.


maraming dahilan na hindi ko rin alam kung ano. pero basta, ayoko sa kanya. :|


kahit na marami akong naririnig/nababasa (ehem, Chris Tiu) tungkol sa kanya na mabait siya, at kung anu-ano pa, CARE KO?!

eh sa ayoko sa kanya eh.

lalo na ngayon.....




actually napa-post lang naman ako dahil nabalitaan kong hindi na matutuloy ang laban nila ni Hatton.

ang dahilan? DAHIL HINDI SILA NAGKASUNDO SA HATIAN ng kikitain sa laban.


at lalo akong nainis kay pacquiao. ang offer sa kanya, 50-50. equal.

pero AYAW NIYA. gusto niya, 60-40. syempre sa kanya yung 60.

tas last offer sa kanya, 52-48. siya pa rin ang mas malaki.


PERO AYAW PA RIN NIYA.




eh ano pa ba namang gusto niya?? hindi ko gets eh. siguro dahil wala naman akong alam sa boxing. pero bakit ganun. ganun na ba siya ka-sabik sa pera? hindi pa ba sapat kung ano mang karangyaan ang tinatamasa niya ngayon? bakit kelangan pa niyang maghangad ng mas malaki?

para makabawi dun sa laban nila ni De La Hoya na mababa lang ang napunta sa kanya? pero kahit na. parang ano ba naman. pa-importante ka masyado ha. porke ikaw ang "Pound for Pound" boxer ngayon, feeling mo ang galing galing mo na.

grr. naiinis ako. haha.


syempre affected naman daw ako masyado di ba. bat kaya. haha. ewan ko... naiinis lang talaga ko kasi bakit ganun. kelangan laging may lamang, laging may lugi.

WHY IS LIFE SO UNFAIR??


yun lang actually ang point ng pag-post ko nito. HAHA.







I'm such an irresponsible TRANS.

nalulungkot ako.


I KNOW.

wala akong kwentang trans.

ang dami ko nang pagkukulang.

marami akong mga hindi nagagampanang tungkulin.

  • madami akong events na hindi napuntahan.
  • ang points ko sooobrang layo pa sa required number of points.
  • tambay hours ko feeling ko kulang pa.
  • mga pirma sa tablet ko, kulang pa sa Fin at SE.
  • wala pang cover yung Tablet ko.
  • wala pa kaming plano ni Kuya Nico sa Buddy Date namin.
  • hindi pa ko naghahanda para sa Formal Interview.
  • marami pa kong hindi kilalang mems at kahit yung ibang co-trans.
  • at marami pang iba

ang hirap. kasi nagsabay-sabay lahat ng mga commitments ko ngayong sem.

ACADS
CWTS
UP ABAM
PERSONAL LIFE


ang week ko ngayon, parang bawal na kong mag-relax. araw-araw napakaraming kelangan gawin. gabi-gabi, kung hindi gumagawa ng pagkahaba-habang homework, nag-aaral para sa exam.

ang weekends, kung hindi for ABAM, kelangan naman sa CWTS. tapos sasabayan pa ng Exam sa BA 99.2 at Econ 100.2. wish ko makaabot pa ko nang buhay ng Monday.


ang hirap mag-schedule ng pang-araw-araw na buhay ko. parang lagi na lang may conflict. fieldtrip at seminar sa L. Arch 1, GK Build at food stall project every week para sa CWTS, different events for ABAM, at Multiply para sa pansariling kaligayahan ko.


lately naiisip ko, dahil kaya sa Christmas Break kaya nagkakaganito ako ngayon? kasi nung before naman magbakasyon, halos lahat (one missed lang) ng events napuntahan ko. lahat ng mga kelangan gawin, i-submit, sign-up-an, nagawa ko.

pero bakit ngayon, parang wala na.


hindi ko na alam.




minsan naiisip ko nga, E KUNG MAG-DEFER NA LANG KAYA AKO?






Batang 90's ka ba?

at dahil isang araw na lang, 2009 na, sasagutan ko 'to! alam ko walang koneksyon, pero pareho silang may 0 at 9. ok?


• Masaya ka kapag naglalaro ka ng Tex at Pog. Kadalasan ang design dito ay yung mga palabas sa TV, mga drama o kaya anime, may dialogue pa. lol.

-- hindi. huhuhu. exclusive at catholic school kasi ako nun. walang mga ganyan. pero sa subdivision namin... siguro meron. pero ako hindi.

(ano ba yan. unang-una, 'hindi' agad yung sagot. haha.)


• May comics pa ang bazooka. Kahit di mo maintindihan yung Fortune Cookie sa huli ay collection mo pa rin yun.

-- haha! binabasa ko talaga yung comics sa wrapper!! minsan nga bumibili ako para lang dun eh. :))
• Ang mga babae naglalaro ng paper dolls na tigpipiso bawat isang set sa sari-sari store.

-- oh my.. mga pinsan ko kalaro ko nito! haha.

• Nagwa-watusi ka kapag New Year kahit pinapagalitan ka ng nanay mo.

-- hindi eh. taga-nood lang ako ng mga nag-wa-watusi. :))

• Meron kang sapatos na umiilaw yung swelas kapag iniaapak mo. Mas sikat kung iba-iba yung kulay.

-- yes!!! pink na red yung kulay nung ilaw sakin. at talagang feel na feel kong maglakad nun pag yun ang suot ko. :))

• Pinapatulog ka ng yaya/nanay mo tuwing tanghali o hapon para raw lumaki. Hindi na kasi pinapatulog ang mga bata ngayon tuwing tanghali di tulad nung panahon natin.

-- TRUE. sobrang utang na loob ko sa pagtulog sa hapon kung bakit umabot pa ko sa height ko ngayon. kasi nung mga grade 3 o 4, malaki ako sa age ko. pero ngayon, WALA NAAAAA.....

• Kung babae ka, nagkaroon ka ng butterfly hairclips/rings. ( si Jolina ang nagpauso nito.) haha.

-- hahaha!! meron nga!! ang dami kong nakolektang ganyan!! yung lumilipad/gumagalaw yung pakpak!! haha.

• Naglalagay ka ng Kisses (yung mabango) sa pencil case mo, o kaya sa isang lalagyan na may bulak, alcohol at tinutusok ng karayom para mabilis manganak.

-- ay grabeh. ginawa ko 'to! nagpauto ako ng bonggang-bongga. as in inaalagaan ko sila. tas hindi alcohol yung ginamit ko nun eh. powder yung nilalagay ko. tas hindi ko naman tinutusok. pero kahit hindi man nanganak, at least mabango naman. :P

• Ang mga stationeries na uso: Papemelroti, Tsukuba, Sashikibuta. Pwedeng ibenta, pwedeng trade lang.

-- bentang-benta sakin 'tong mga statio na ganito. :))

• Pampalipas oras mo dati ang paglalaro ng Brick Game, at swerte yung mga may advanced version na may tumatagos na blocks para mapuno na yung gap sa loob. Mas advanced ka kung Tamagotchi ang nilalaro mo. Pinapakain mo, pinapatulog mo, at inililibing mo kung namatay na. At kung talagang kaya nyong bumili, Game Boy ang sayo. Pero kung wala ka talaga, yung laruan na lang na may tubig sa loob tapos dapat ma-shoot mo yung mga bilog sa stick na maliit.

-- meron ako dating Brick Game. masaya na ko dun. although nangarap din naman ako ng Tamagotchi, kaya lang hindi natupad eh. poorita kasi. haha. tas yung may tubig sa loob, hanggang ngayon naman may mga ganyan pa rin at nilalaro ko pa rin. :))

• Bago magsimula ang klase, nakikilaro ka muna sa 10-20, jackstone, langit lupa, ice water, taguan, dr. quack quack, tumbang preso, pepsi seven up at agawan base. Di bale nang madumi na ang uniform mo pagpasok ng classroom.

-- mga pinsan ko ang playmates ko sa mga ganitong laro. wala ako masyadong experience na ganyan sa elementary. :))

-- pero meron din naman pala. yung jackstone (original at yung japanese ba yun? yung something na parang may monggo sa loob. haha), ice ice water, 10-20. mga ganun. tsk. hirap kasi ng pinalaki ng mga madre eh. haha.

-- pag yung mga brutal na laro, at LARO TALAGA, mga pinsan ko ang kasama ko. ;)
• Sinasabi mo sa kaklase mo na "Liars go to hell" kapag tingin mo nagsisinungaling sya. "Cross my heart, hope to die" kapag nangangako ka. "Period no erase" kapag gusto mo walang kumontra sayo. Kaya lang wala kang lusot kapag sinabi ng kaklase mo na "Akin yung factory ng pambura".

-- haha! oo naman. gasgas na gasgas yang "Liars go to hell" at "Cross my heart, hope to die" na yan dati! meron pa nga, yung pag nag-p-promise, yung sa fingers na pinag-ko-konek. uhh. di ko ma-describe. basta yung pinky namin, ginaganun. :))

• Di ka baduy kung ang notebook mo nung elementary ay may mukha ng artista.

-- umm.. private eh. :((
• Nagpabili ka ng Baby-G sa magulang mo.

-- oo naman!! hahaha.
• Wala pang PS/PS2, XBox, Wii, atbp. noon. Family Computer pa lang, yung cartridge yung bala. Usong laro ang Mario Bros., Battle City at Rambo.

-- meron kami nyan!! haha. peyborit namin yung si Super Mario. ayoko kay Luigi. :))
• Meron ka ng isa sa mga ito: Family Computer, Nintendo, Sega, roller blades, brick game, Tamagochi, Swatch Watch w/ matching guard, Troll collection.

-- sorry naman. poor eh. Family Computer lang. :)) pero meron ako nung rubber shoes na may gulong. :))
• Alam mo ang mga linyang ito sa mga kanta: "Natatawa ako, hi hi hi hi", "Anong paki mo sa long hair ko", "Dahil sa bawal na gamot", "Mga kababayan ko, bilib ako sa kulay ko".

-- haha. alam ko yan hanggang ngayon. :))
• Isa dito ay theme song mo: "I Swear" by All 4 One, "What's Up" by 4 Non Blondes (And I say, Hey ey ey ey ey ey. I said hey, What's goin on!), "Zombie" by Cranberries.

-- umm... pwede all?

• Sumasayaw ka ng Macarena.

-- hihihi.. peyborit ko yan sayawin dati. :))
• Malamang ay naging fanatic ka ng isa sa mga sumikat na boy bands.

-- N' Sync, Westlife, Backstreet Boys, at A1 :)) masyado pa ata kong bata nung panahon ng The Moffats eh.

• Ang tinutugtog lagi sa radyo ay mga kanta ng mga banda gaya ng Eraserheads, Parokya ni Edgar nung nagpapalda pa lang sila, Alamid, Rivermaya, True Faith, The Youth, Afterimage at kung anu-ano pang pinoy bands.

-- yeahboi. ano, Singing Bee tayo ngayon, gusto mo? :))

• Tape pa ang uso, di CD or MP3 players. Pag gusto mo yung kanta kailangan tantyahin mo kung ilang seconds i-rewind yun para mabilis paulit-ulitin.

-- hahaha. oo nagawa ko na 'to. minsan nga namamaga na yung daliri ko sa kakapindot eh. rewind, play, forward. sus. :))
• Kinakanta nyo dati sa school yung "Heal the World", "Tell the World of His Love", "Jubilee Song", etc.

-- yess!!! memorize ko pa yan!! pati actions pa eh. :)) tas nung medyo mga Grade 5 o 6 na ko, Only Selfless Love na. :))
• Nanonood ka dati ng Power Rangers, Captain Planet o Ninja Turtles. Nagkukunyari pa kayo ng mga kaibigan mo na kayo yun at nagkakasipaan kayo.

-- haha. Power Rangers. Kimberly girl. :))
• Di ka papagalitan ng magulang kahit magbabad ka sa TV, basta ang pinapanood mo ay Hiraya Manawari, Bayani at Sine Skwela, kung saan nakilala mo sila Teacher Waki, Ugat Puno, Palikpik, at ang buong barkada nila lalo na kapag nakasakay sila sa space ship o sa jeep na lumilipad.

-- haha. halos lahat ata ng episodes ng Hiraya Manawari napanood ko. :)) tas hanggang ngayon naaalala ko pa rin yung babaeng pintuan na pinapakita pag mag-uumpisa na.

-- yung Bayani, di ako masyadong fan nun eh. minsan kasi na-bo-bore ako. pero keri na rin. naalala ko pa si lola (Caridad Sanchez) na napalitan na din after some time.

-- Sineskwela, ok lang. di rin masyadong fan. pero oo, kilala ko si Ugat Puno at Palikpik. :))

-- bat walang Math-tinik? lagi ko din pinapanood yan eh.
• Sinubaybayan mo ang Ghost Fighter at ang Dragon Ball. Naging favorite mo si Eugene at si Goku.

-- yes naman! Ghost Fighter! kahit na ilang beses nang ni-replay yan, pinapanood ko pa rin. haha. pero sorry, hindi ko favorite si Eugene at ang Ray Gun niya. gusto ko dyan si Master Jericho at ang kanyang pacifier. pati si Master Jeremiah na rin. :))

• Sinubaybayan mo ang Sarah ang Munting Prinsesa, Julio at Julia, at Cedi. Pinanood mo pa nga yung movie version ng Sarah ang Munting Prinsesa with Camille Prats. • Alam mo din yung "Ang Pulubi at ang Prinsesa" with Camille Prats and Angelica Panganiban.

-- OO NA. napanood ko na yan lahat.

-- "alam mo, kung lahat ng nagmamahal sa'yo, tinataboy mo, hindi ka magiging masaya..."
--> favorite line ko yan sa Ang Pulubi at ang Prinsesa. line yan ni Camille Prats kay Angelica. at soobrang inis na inis ako kay Angelica nun. affected?! haha. :))

• Gusto mong sumali sa ANG TV. Pero alam mong hindi na pwede. kaya kuntento ka na lang sa panonood nito tuwing 4:30 ng hapon.

-- "4:30 na!! Ang TV na!!" haha. naabutan ko ata yung original nito. kasi alam ko nung elem ako, sinubukan nilang i-revive to eh. pero di na nag-click.
• Batibot ang usong palabas. Akala mo nga mag-dyowa o mag-asawa sina Kuya Bodjie at Ate Sheena.

-- haha. sa GMA 7 'to di ba? therefore, hindi siya masyadong naging part ng life ko. pero keri na rin. :))

• Alam mo yung tono ng pinausong kanta ng show na "ATBP.": Isa.. dalawa-tatlo.. apat-lima.. anim-pito-walo.. syam-sampu... labingisa-labingdalawa... labingtatlo... labingapat-labinglima...

-- eto ang pinapanood ko (hindi Batibot). at alam ko ang tono nyan. :))

-- at mas kilala ko yung aso at pusa na nagtitinda sa tindahan kesa sa characters sa Batibot. haha.

• Napanood mo ang Batang X.

-- yes! :)

• Sabay kayo nanonood ng yaya mo ng Marimar.

-- hindi yan Channel 2 di ba? again, hindi yan part ng life ko. at kahit ngayon na ni-revive ni Marian, lalong hindi. :))

• Nanonood ka ng kahit alin dito: "Okay Ka Fairy Ko", "Oki Doki Doc", "Abangan ang Susunod na Kabanata", "Palibhasa Lalake", "Ober da Bakod", at "Home Along Da Riles"

-- medyo bata pa ko nung Palibhasa Lalake at Abangan kaya di pa siya masyadong nag-re-register sa utak ko. pero oo, pinapanood yan sa bahay dati. yung Oki Doki Doc at Home Along Da Riles naabutan ko na yan. :) pinanood ko pa nga kahit yung movie version nung Home Along eh. :))

• Galit ka kay Clara kasi sobra naman talaga sya mang-api kay Mara.

-- umm.. bata pa ko nun. di pa ko affected masyado.

• Pinanood mo din yung "Villa Quintana", "Esperanza", "Anakarenina" atbp.

-- Esperanza!! oo naman. haha. pati yung theme song niyan kinakanta ko eh. :))

• Mga love teams na nagpakilig sayo: Juday and Wowie. Jolina and Marvin.

-- ayikee. Juday-Wowie daw oh! haha. FINE. Jolina-Marvin? not much. basta yung movie nila na,

"OH YES, kaibigan mo ako. kaibigan mo LANG ako. and that's all i ever was to you, your best friend. takbuhan mo pag may problema ka, tagasunod, tagabigay ng advice, taga-enroll, taga gawa ng assignment. tagapagpatawa sayo kapag nalulungkot ka. taga tanggap ng kahit na ano. and i'm so stupid to make the biggest mistake of falling in love with my best friend. dahil kahit kailan hindi mo naman ako makikita eh. kahit kailan hindi mo akong kayang mahalin na higit pa sa isang kaibigan. ngayong alam mo na, i think you can get out of my life."

ok. ni-copy paste ko lang yan. haha! pero basta yang movie na yan, benta. :))

• Alam mo yung commercial ng Tender Juicy hotdog na ganito: "Dear diary, Carlo sat beside me today. He's so cute! Sabi niya I'm pretty kaya lang I'm fat."

-- HAHAHAHA!!! alam ko yan!!!! :))

• Kinakanta mo yung "Thank God it's Sabado, pati na rin Linggo..." at "Isa pa, isa pa, isa pang Chicken Joy".

-- yesss.. "isa pa, isa pa, isa pang Chickenjoy!!" haha. Serena, isdatchu??

• Nasa channel 2 pa ang Eat Bulaga at ang Mel and Jay.

-- ah really? di ko ata naabutan yan. :))
• Nakikita mo sa balita na may mga kultong nagtatago na sa kweba, kasi magugunaw na ang mundo sa year 2000, at yung mga computer daw bigla na lang mag-shu-shut down at mawawala na daw ang technology.

-- umm.. hindi rin.

• Chinese variety shows ang palabas tuwing umaga ng linggo.

-- OO!!! haha. pag yung before/after ng Sunday TV Mass.
• Matapang ka kung napanood mo lahat ng Shake, Rattle and Roll movies.

-- haha. may kasama naman akong nanood eh. :))
• Kung babae ka, naging crush mo si Leonardo di Caprio dahil sa Titanic. Kaya nga lang, bawal ka pa tumingin sa kissing scenes nina Jack at Rose. Haha.

-- ay hindi naman. pwede naman tumingin. kahit nung andun sila sa loob tapos yung kamay ni Rose, biglang gumanon dun sa window, keri. napanood ko. :))



haai.. nami-miss ko ang mga panahong yun... :(



Violence over Golf


Politicians are hopeless. Kaya lalong nalulugmok ang Pilipinas ay dahil sa mga taong katulad nila. nakakainis. ang sarap nilang tirahin ng dambuhalang golf club.

If this happened to my dad, tsk, MAGKAKA-WORLD WAR 3.

--------------

The world has gone crazy.

So, I just had the worst day of my life.

At around 1:30 PM today, at Valley Golf and Country Club, Antipolo City, Mayor Nasser Pangandaman, Jr., Mayor of Masiu City, Lanao del Sur, his father, Secretary Nasser Pangandaman of the Department of Agrarian Reform, and company, beat my defenseless 56-year-old dad and my 14-year-old brother to a pulp because of some stupid misunderstanding on the golf course.

This is a golf course. I have been a golfer all my life, and I have never seen anything like this. NOTHING. This is hard to comprehend. And it happened to my own father and my own brother too. Right in front of my eyes.

My brother and I were playing golf at the South Course of Valley. We were on the 3rd hole, and we see two golf carts going past us, overtaking our flight, and setting up to tee off on the next hole. My dad goes up to them and asks them why they would do that, why they would overtake us without even asking for our permission. Golf etiquette 101. One of the guys says that they're with the flight in front of us. (So what? That doesn't give them the right to just pass us WITHOUT asking.) So, we go to the 5th hole. The flight behind us catches up with us, and asks us what caused the hold up. We said that this flight just slipped in front of our flight. So we complained to the marshall. We play the 5th hole and walk towards the next hole, where there is a teehouse, and both the flights in front of us were there, talking with the marshall. The mayor of Masiu City, Lanao del Sur talks with my dad. Things get heated up. Voices were raised. But never, in my wildest dreams, did I ever imagine that someone would pull out a punch. Apparently not. He attacks my father. His flightmates, maybe 2 or 3 of them, rush to his aid and beat up my father. My 56-year-old father. My younger brother and I could not just watch. We rushed to break the fight. My younger brother pleads to the mayor to please stop it. To not hurt my dad. To just stop. His words still ring through my head..."Sorry na po, sorry na po...tama na...tama na po..." With his hands in front of his chest in a praying position. PLEADING. The mayor socks him in the face. My brother defended himself. My dad is still on the ground getting clobbered. My brother is the same way. I try to stop the fight, but all I can do is stop one person. There were 4 or 5 of them attacking now.

Someone breaks up the fight. I thought it was all over. The mayor shouts to his caddy: "Hindi nila kami kilala! Sabihin mo nga sa kanila kung sino ako!" And believe me, I had no idea who this person was. But now I know. He's the person who, with 4 other men, beat up my 56-year-old father and my 14-year-old brother. He's the person who sacks a pleading 14-year-old kid in the face. He's a person who, I am sure, is gonna rot in hell.

I lash out, but my dad held me back. I was screaming my lungs out, shouting to this mayor, telling him about what he had done. I said: "Nakakahiya kayo. Singkwenta'y sais anyos ang tatay ko. And kapatid ko kakatorse anyos. Anong ilalaban nila sayo?"

The mayor looks at my brother, point to his face, and says, "Tatandaan kita!" And he tells me that my brother has a bad attitude and that I need to watch him. WHAT THE HELL?! So, my brother's bad for defending his father?!

We leave. We walk to the clubhouse to file a complaint. My brother asks for a doctor. My dad could barely walk. Their group comes to the clubhouse, sees my brother. Once again my brother pleads, says sorry, and is crying. He was CRYING, for crissakes. But no. The relentless mayor still punches him in the face, and then sees my dad and goes after my dad again. Him and his friend pull my dad to the ground, pulls at his feet, and steps on him like he's dirt. I run to him and try to hold him back, holding him back by his shirt, while this other guy and this girl tries to stop me. She tells me to just stop it. I scream in her face "they're beating my father up and you want me to stop?!" I pull at his shirt--I don't let go. All I can see was my dad being trampled on. I didn't even see my brother getting beat up.

People pull them away. I get my dad, and I saw my brother. His right ear was bleeding. I freaked out. I told the receptionists to bring my brother to the clinic. I pull my dad away. People were separating us.

My mom and my older brother come. I tell her Bino's right ear is bleeding. They both look like they could kill. My dad holds my brother off, I hold off my mom. When I finally got my mom under control, my older brother gets away and I hold him off. Two of the mayor's bodyguards pull out guns. I embraced my brother from the back, just holding him back, crying. The receptionists came to us, crying, hugging me, my dad, and my mom, whispering to us to just leave. "Maam, umalis na po kayo, may mga baril sila...Maam...umalis na po kayo please..."

I am pretty sure the Secretary of DAR did not take part in the fight, but he just watched all this happen. He watched two of his sons, as we figured out, the other guy was his son, too, beat up my father and my 14-year-old brother. He didn't do anything to stop it. And this person is what now? A cabinet member. A politician.

Sounds like something out of a movie, doesn't it? But this is what happened. TODAY. The day after Christmas. To my family. And all I ask for is JUSTICE. The people at Valley Golf did not seem to want to help us. None of the security guards even tried to stop the fight. Right in the clubhouse. I came back after the fight was over and talked to the receptionists. They say they did not see anything. The general manager of Valley Golf would not give us the names of the men who made my brother's ear bleed. It took him an hour. Maybe even more than that. He seemed to not want to help us. Because, we were against the SECRETARY OF THE DEPARTMENT OF AGRARIAN REFORM and the MAYOR OF MASIU CITY, LANAO DEL SUR. They were all scared.

The world has gone crazy. Two politicians beat up a defenseless 56-year-old father and his 14-year-old son. At a golf course. I swear to God, I thought golfers were decent people. You would think politicians were decent people. I guess not. I guess they gang up on 56-year-old men and beat up pleading 14-year-old kids.

Please pray for my dad, my brother and for my whole family. Please pray that we get JUSTICE. Oh God, please, give these people what they deserve.


----

Thanks to Wilson for posting this.

For the original post of the daughter: http://vicissitude-decidido.blogspot.com/2008/12/world-is-fucked-up.html

Please take time to go to her blog and leave a comment. Thanks.




Small Business Options For the Work at Home Entrepreneur

By Alex Cadens

When we talk about small businesses some people will think about a small retail store, a small restaurant, an errand service or some other small operation running from as low profile location. This is what usually qualifies as a small business within many people's minds.

However, the concept of small business can end up becoming a big disappointment if you start short on capital or miscalculate the requirements for a safe start and a solid operation.

This leads us to the first problem of starting a traditional small business: you will need to have money or at least borrow some, and if things do not go exactly as planned you could end up choked in debt.

15 years ago this was the only way to go for the small entrepreneur, but over time the advent of the internet has opened the most fertile ground for the small business owner to flourish and succeed away from the common risks of starting a small business within the traditional model.

And I am not talking about hypes or get-rich-quick schemes, I am talking about truly entrepreneurial options that require from you what any new business would: brain power and hard work.

Indeed, building a profitable online business that you can make a living from is possible, but you need knowhow and the necessary tools to get it up and running.

The knowhow will only come as a result of education, and the tools might not be essential, but will certainly help you achieve results faster.

The good thing about this option is that unlike the traditional business model, you will not have to borrow thousands of dollars to start on solid profits, because starting a $10,000 per month online business will cost you less than $500 and you will be able to run it entirely from your home office. Of course, no matter what education or tools you get, this outcome will only come after a few months of study and hard work.

But the very best part is that once you reach a level you feel comfortable with, you will gradually be able to literally let your business structure work for you, as the internet can deliver something no other business model can: automation.

The internet is a multi-billion dollar industry, and if you manage to get yourself just a microscopic chunk of its profit potential, you will be making more money than you would within any other business.

http://ezinearticles.com/?Small-Business-Options-For-the-Work-at-Home-Entrepreneur&id=1619481

--------------


I NEED CAPITAL.

i neeeeeeeeeeeeeed CAPITAL.


i need it.


I NEED CAPITAL.