but unfortunately, it's not the kind of end i was expecting. akala ko pa naman, mapapanood ko pa uli sila sa mga susunod na games. pero hindi pala. nagkamali na naman ako.
pagkatapos ng limang beses ng paghaharap, sa wakas ay napagdesisyunan na kung sino talaga ang aakyat at haharap sa UE Red Warriors sa finals. Umaasa pa naman ako na Ateneo yun, pero hindi. dakilang kontrabida talaga sa buhay nila ang La Salle.
haai nakoo.. bago pa ko magdrama at mang-away ng wala sa lugar, magkkwento na lang ako..
hahaha.. ayoko na.. tinatamad nnman ako.. andami nnman kasing nangyari eh.. naghahalo halo sa utak ko..
ayan.
before nung mismong game, meron pa muna nung Accenture High Performance Shootout. un ung parang namili sila ng contestants sa students at alumni ng la salle at ateneo tapos aun nagshoot cla from the three point line. umm.. line ba un? bsta.. dpat maka-shoot cla ng at least 5 out of 10 para makuha nila ung prize na 100,000.. at aun. so prang kmusta naman.. tig-iisa lng cla ng nashoot.. pero ung last, galing ng dlsu, nakadalawa xa.. so in short, walang nanalo sa kanila... hahaha...
tapos sabi dun sa paulit ulit na pinakita at sinabi ng mga commentators, 23,315 daw ang total paying patrons. basta aun daw ung bilang nung audience.. xempre madami na talaga.. last na eh.
ayy wait lng.. may share muna ko.. super natutuwa ako dun sa commercial ng sunkist iced tea!!! hahaha.. ung may tatlong players na naguusap galing ata sa game at awarding.. tpos ung guy sa gitna, xa ung MVP at xa daw ang "the man".. tpos aun.. pinainom xa nung iced tea.. tpos bsta.. ung pra tagline kc dun, "Sarap. Honest." so nalantad sa kanila na bading pala xa.. bwahahaha.. natawa talaga ko nung unang nood ko nun dati.. sayang gwapo pa naman sana xa.. hahaha...
ayoko namang idetalye ung bawat nangyari sa game kasi SOBRANG dami.
eto na lang.. natuwa ako dun sa isang sinabi knina nung commentator.. ung sabi nya na dun daw sa ateneo at la salle de sumthing (basta sa probinsya un), may parang joke daw na "ang ateneo, may SALAMAT. ang la salle naman daw, may TY." so parang ako naman, OKKEEEYYY... pero wag ka, natawa din ako nung una.. haha.
tapos isang napansin ko, nung sa 1st half, parang super pinag-initan ng mga refs si baclao.. parang 1st qtr pa lng ata andami nya na agad foul.. kea aun pinaupo muna xa.. e hello ang aga pa nun.. ndi tuloy nagamit ung galing nya.. hahaha..
tpos isa pa.. c walsham, epal. hahaha.. kainis.. gusto ko ngang sigawan ng, "hoy walsham! gusto mong sumunod kay ilad?!" kc ba naman.. tinulak c arao!! kainis.. as in tumalsik c arao.. e ang laking tao na nun db tpos napaupo pa talaga.. e nakatayo lang naman cla nun.. ac2ly ewan q kng tinulak nya nga o natulak or kng ano mang nangyari dun pero kahit na.... foul pa rin kaya nag-freethrow c arao.. buti na lang.. hahaha.. tapos nga pala.. nung 4th qtr na ata un, na foul out c walsham.. hahaha.. ganyan talaga napapala ng mga.......... oops. stop na ko.
haaii.. basta. un na un. in short talo nga ateneo. pero kahit na... cheer ko pa rin,
"manalo!! matalo!! cute pa rin si TIU!!!"
oo totoo yan.. at wala silang magagawa dun.. bwahahaha..
tapos eto.. edi tapos na nga ung game.. score nga pala 60-65.. haha.. kanina pa ko daldal ng daldal nkalimutan kong sbhin ung score.. tpos aun nga.. nung interview na after nung game, si coach franz pumaren ung iniinterview kc xmpre xa ung coach.. tpos bsta may cnabi xa na sumthing like "2 is greater than 3".. okei. no comment. pero bsta ang tinutukoy nya dun eh ung record nila na 3-2.. tatlong beses natalo ng ateneo ang la salle, at dalawang beses naman natalo ng la salle ang ateneo. at okeii.. aminin nten na ung dalawang un ang mga crucial games na napanalunan ng dlsu.. ung for the twice-to-beat advantage at ung ngaun nga.. pero kahit na. pag sa totoong buhay at totoong math mo tinignan, mas mataas pa rin ang three kesa sa two!!! hmp.
status ko ngaun sa ym: "panalo nga kau, eh may TIU ba kau?!? WALAAAA!!!! || go UE!!! isupalpal nyo sa mga mukha nila ang sweep nyo.. mag 2-0 kau sa finals!!! grr talaga.. || super BITTER ako kahit wala akong karapatan.. eh ano naman?!"
oo yan ang status ko.. at walang pakialamanan. kung may tablado jan, edi gumawa ka ng sarili mo.. bwahahaha.. parang ang sama ko naman.. bat ba ko nang-aaway?!? eh kc eh... haaii.. grr.
basta.. cguro mabuti na rin na ndi ateneo ang nakaabot sa finals.. kc kng cla man, hala.. malaki nnman problema ko.. cno kakampihan ko?? UE o ADMU?? so aun. buti na lang talaga ndi cla.. at least ngaun alam na alam na alam na alam (obvious ba??) ko na kng kanino ko kampi. xempre UE!! i believe they deserve the title.. SWEEP. naniniwala ako na this word says it all.. dalawang beses nila natalo ang bawat team. kahit ung kalaban nila sa finals ngaun.. pero xempre.. ssbhin ng iba, iba pa rin pag finals.. marami pang pwedeng mangyari.. bilog ang bola.. et cetera. baka nga may magsabi pang chamba lng ung sweep ng UE eh.. aysus. chamba pa ba ang 14-0?? kaya sana naman walang nagsasabing ganun.. hahaha..
tapos isa pang ngpapalungkot saken, last game na daw to ni tiu.. so parang "HUWAATT?!?!" ndi ko na xa mkikita next season?!? haaaiii... sad talaga. at mas sad, kasi last game na nga, talo pa.. pero honestly, para saken, ndi maxadong maayos at maganda ung laro niya kanina.. as in parang, yah, nakaka-shoot naman xa.. pero iba pa rin eh.. parang ndi ko maxadong na-feel ung intensity at aggressiveness nya.. pero xempre, wala naman akong karapatan para laitin ung paglalaro nya.. at kahit na talo sila ngaun, todo support prin ako.. hmm... naisip ko lang, may balak kaya xang mag-pro? aabangan ko. hahahaha...
tpos pla.. nbalitaan ko, last year na rin ni arao tska laterre ngaun.. sooo... it's so sad for them.. knina nga, as in nkita sa tv na umiiyak c arao!! aww... nalulungkot tlaga q pra sa knila... lalo na s knya (arao), kc nakita at napanood ko sa mga laban nila na he really worked (or played?) hard.. seryoso. pramis. so aun.. nalulungkot talaga ko.. actually, gusto ko silang napapanood na magkasabay ni maierhofer.. haha. prehong maangas eh... pero mas gusto ko prin c arao kc admu xa!!! hahaha.. pansin ko lng ah, may personal grudge ba ko sa la salle?!!?
haai.... nagpapaka-bitter ako eh ndi naman ako taga-ateneo in the first place.. ayoko na nga... shut up na ko.
** kung gusto nyo ng detailed (well ndi maxado) na report tungkol sa game, punta na lang kau sa UBELT. **
Finally, it's over.
by jesse at 9/30/2007 09:31:00 PM
Prepare for the Final Battle.
by jesse at 9/27/2007 10:51:00 PM
okeii... panalo ATENEO kanina!! ang saya saya.. haha..
wait lang.. taga-UP ako, pero mahal ko rin ang ateneo dahil kay chris tiu. hahaha...
ala lng.
aun.
ayy... before pala ko maging masaya, malungkot pala muna ang umaga ko.. kasi.................
last meeting na namin knina sa PE!!! tapos na ang maliligayang araw ko ng Duckpin Bowling!!! waaahh!!! nkakalungkot talaga... kasi.. as in naging masaya ang duckpin days ko.. kasi super walang pressure talaga every game.. as in parang naglalaro ka lang dahil gusto mo at dahil masaya pero hindi dahil sa grade... nkalimutan ko na nga na may grade palang katumbas ang bawat score q sa game eh.. haha.. kea ung mga nghahanap jan ng PE na kukunin next sem, mag-duckpin bowling na kau!! pramis mage-enjoy kau!!! :D
tapos aun.. since last day na nga, xempre nag-pichur pichur muna kami nung grupmates q.. ksama c sir na ngaun q nlng ata uli nkita na umattend samin.. ay ac2ly nung monday pla.. tpos pati ung scoresheet ndi q pinatawad.. kasi xempre eto na nga ung last tym na mkakakita aq ng scoresheet, kea nilubos-lubos q na... hahaha...
pati ung pag-babai q kay hannah, last tym q nang ggwin.. ung pagsakay q ng toki galing alumni center hnggang FC, last tym na rin.. nakakalungkot... haaaiii... ganito ba ang epekto ng pagiging mxadong madrama sa buhay?? ibig sbhin, ilang semesters kong pagdadaanan ang ganitong pakiramdam?!? o tpos aun nga.. pgdting q sa cal lib, nagbasa nlng aq ng dyaryo imbes na mag-aral para sa exam namin sa bio.. pasaway talagang bata.. eh kc naghanap ako nung mga articles about sa magaganap na game ng Ateneo at La Salle eh.. so aun.. halos sa lahat nga ng mga dyaryo dun meron.. haaaaiii..............
tapos math, sine/cosine law.. wala ako sa sarili knina kea ndi aq mxadong nkpag-concentrate sa pakikinig kay sir.. kc andami daming pinapaikot na papel and everything about sa kukunin naming subjects next sem.. kea aun.. hnggang sa nagbigay na ng assignment si sir, hindi q pa alam.
geog, game nanaman.. at LAST game namin yun... bat ba andami daming last?!?! nalulungkot talaga ko!!! xempre ndi nnman kmi nanalo... sayang, toblerone pa naman ung prize. pano na yan, wla nang next tym.. hahaha..
after geog, balak ko sanang mag-aral for bio... but no, inabot na ko ng alas tres, wala pa rin akong nauumpisahan!!! pano na yan.. 3:00 na, so xempre kelangan ko nang manood.. hahaha... bad gurl. inuuna pa ung panonood ng game na ndi q nman school ang involved kesa sa pag-aaral para sa exam na grade ko ang nakataya.. haaaii.. oh well... i guess that's what you call addiction. wala na sa lugar..
edi aun.. inabot na ko ng bio tym pero konti pa lng ang nababasa q... wla tlgang pumapasok sa utak q kc super cram sa loob ng isang oras!! grabeh naman un. edi ano pa bng mgagawa ko kundi mag-exam nang wlang laman ang utak.. buti nlng pwede stock knowledge!! bwahahaha... kayabangan.
hai nako dretso na nga sa game.
wala naman akong makkwento tungkol sa game kasi hindi ko napanood yung buo.
ung first quarter lng ata tska last 6 minutes ng 4th qtr ang napanood ko. eh kc nga kasabay ng exam namin sa bio ung game.. so aun. wlang chance pra mkapanood... ndi ktulad dti na dscussions at reports lng kea pde pang mkalusot.. haha..
bsta ang msasabi ko lang, go ateneo!!
hahaha... seryoso.. para sakin naman magaling talaga ung mga players nila eh.. xempre unang una c tiu (haha.. biased eh.. soree!! ).. tpos xmpre anjan dn cla arao, baclao (waw rhyme.), salamat, long, escueta, reyes, nkemakolam, etc. mga halimaw sa 3 pts. (xempre c chris tiu nnman unang-una)..
ung mga nagsasabing nabubuhay sila sa chamba, well, malas nyo.
chamba pa ba ung tatlong beses na silang nanalo? (hmm.. ac2ly puro less than 3 pts lng ung mga lamang eh.. haha.. pero kht na.. ang tatlo ay tatlo. wala na kayong magagawa dun.)
haai nakoo.. best part na nga.. hahaha... oi wag ka, eto ang napiling "turning point of the game"... so xempre alam nyo na un.. bat kelangan ko pang ikwento?? hahaha...
xempre cno pa bang bida kundi si CHRIS TIU!!! yey!!
nag-3 pts si tiu, naging 64-61, 1:54. tapos nag-layup si arao, 64-63.
last 7.3 seconds, naka-shoot si tiu, which sealed the game. 64-65
xempre, ano pa bang aasahan mo sa 7 seconds?! pero sayang. may chance pa sana ung la salle.. muntik na ngang maka-3 pts eh.. pero sablay. nag-attempt c malabes mag-3, pero ndi na-shoot, nag-offensive rebound si maierhofer, pero kulang. hindi pa na-shoot. nakuha tuloy ni long. pero 00:00 na eh.. hahaha..
pansin ko lang, nung isang game din nila, si maierhofer ung huling may hawak ng bola.. actually 00:00 na nga nasa kamay pa niya eh.. haha.. tapos ngaun, xa nnman ung huling humawak ng bola before mag-00:00... hmm.. ndi nman kea.............................................??
tapos eto.. d q sure kng c boom or ung ksama nya ung ngsabi..
"at that moment when nobody wanted to get the ball, chris tiu stood up and said, ' ...' "
soree nakalimutan q na... hahaha.. langkwenta tlaga.. ac2ly ndi un ung msmong cnabi nla.. pero bsta prang gnyan.. pina-drama ko lng pra msaya.. kng cno mang nkanood at nkarinig nung line na un at naaalala pa, paki-inform naman po ako para alam ko.. haha.. pramis ntuwa talaga ko dun sa banat na un.. ala lng..
haaii.. bsta aun.. madaming LAST ngaung araw na to sa buhay ko... pero definitely hindi pa ito ang last time na maghaharap ang ateneo at la salle... kea nga super inaabangan ko na ung game sa sunday.. do-or-die game, sudden death, however you call it, iyon pa rin ang game na magde-decide kung sino ang aakyat, at kung sino ang maiiwan para magpractice na lang uli for next season...
pero actually, malaki ang problema ko... oo MALAKI. kasi, hindi ko alam kung sino ang mas gugustuhin kong makalaban ng UE... pag la salle ang aabot sa finals, madali lang akong mag-decide kung sinong kakampihan ko.. xempre UE. kasi naniniwala ako dahil napanood ko talaga na magaling sila.. magaling ang bawat isa sa kanila, at ang mismong team nila.. kea i believe na they deserve the title.. pero kung ATENEO at UE ang maghaharap, nakoo... pano na yan.. wala neutral ako.. hahaha... para namang pwede un.
ah basta. super inaantay ko na ang sunday. gusto ko nang mapanood ang last game nila!!!! LIVE!!!!!!!! kea kung sino man jan ang nakakaalam kung saan pa pwedeng makabili ng tickets, pakisabihan naman ako.. salamat ng marami!!! :D
Game on Sunday, Sept. 30:
ADMU vs. DLSU
3 pm
(todo advertise na yan ah..)
0 comments Tags: Ateneo Blue Eagles, Basketball, Chris Tiu, UAAP, UP Life
UAAP Season 70. MADRAMA.
by jesse at 9/16/2007 06:56:00 PM
I guess this is true for us, the UP Fighting Maroons. I tell you, having a 0-14 record is not an easy task at all. On the part of the players, who take the name of our beloved school with them on our every game, they have to constantly deal with physical, emotional, spiritual, and academic stress. While for most us, fellow UP students, we just bother ourselves with counting how many losses are added in our record after every game. Now I ask you, isn’t it unfair for those players who sacrifice most of their time to practice for an upcoming game instead of just doing their homework, studying for their exams the next day, or maybe even just spending some time with their family?
Natapos na kahapon ang huling laban ng UP for this season. At yun na rin ang huling laban nila Vicmel Epres at VJ Serios para sa team. Sa totoo lang, nalulungkot ako para sa kanila kasi last year na nila sa UAAP, tapos ganun pa ang standing ng UP. Hindi ba mas maganda kung iiwan mo ang team mo na alam mo na kahit pano ay hindi ganun kasama ang sitwasyon? Mas lalo akong nalulungkot para kay Serios kasi batay sa mga napanood kong games nila sa buong season, masasabi kong isa siya sa mga players na nanatiling lumalaban. Kahit na huling minuto na lang, hindi pa rin siya sumusuko. Hangga’t makaka-shoot siya, sinusubukan niya talaga. Hanggang sa huli, pinatunayan niyang isa talaga siyang “Fighting Maroon”.
Isa sa mga bulung-bulungan ngayon ay ang sinasabing
Sa iba’t ibang mga websites, forums, at blogs tungkol sa UAAP na napuntahan ko, puro panlalait at pang-aasar sa Fighting Maroons ang nabasa ko. Oo inaamin ko na ako mismo ay may mga naisulat dati tungkol sa kanila na masasakit. Kapag nagsusulat ako ng tungkol sa team, puro sarcastic ang mga banat ko. Hindi mo naman ako masisisi db? Pero kahit pano ay meron pa rin naman akong mga napupuntahan na todo suporta pa rin sa kanila. Dito ay may mga nabasa ako tungkol sa paghihirap ng mga players para lang makapag-practice. Balita ko nga may tumutulo sa court kapag umuulan eh. May nadulas pa daw dati dun na player habang nagp-practice yung team. Isa pang mahalagang isinasakripisyo nila ay ang kanilang oras. Imbes na mag-aral na lang sila para sa exam nila sa susunod na araw, kelangan pa nilang mag-practice. Kahit na may paper silang kelangang ipasa bukas, magp-practice pa rin sila. Siguro nga masaya naman sila sa ginagawa nila dahil mahal nila ang basketball, pero grades pa rin nila ang nakasalalay dun. Ang pananatili nila sa UP ang nakataya.
Sa karamihan din ng mga articles na nabasa ko, isa sa mga idinadahilan nila sa pagkakaroon ng ganitong record ng UP ay ang pagiging rookie-laden ng team. Totoo naman na marami sa kanila ay bago pa lang samantalang ang iba ay nasa pangalawang taon pa lang. Pero halos lahat naman sila ay nanggaling sa high school na kasali din sa UAAP. In short, kasali naman sila sa Juniors dati. Halimbawa, si Mike Gamboa na isang dating Blue Eaglet. Kasama pa nga siya sa mythical five kung hindi ako nagkakamali. Ang tatlong rookies na galing sa FEU-Fern: sina Soc Rivera, Mark Lopez, at Dexter Rosales. At alam ko marami pang iba. May mga sophomores din na ang alam ko ay maganda naman ang ipinakita last season. Halimbawa na lang ay sila Migs de Asis na malupit daw sa three points dati, at si Woody Co na nag-Rookie of the Year pa. Oo nga’t puro rookies at sophomores sila, pero hindi ba mas maganda kung ipapakita nilang, “Kahit na puro baguhan lang ang team, may ibubuga kami. Lumalaban kami.” May nakapagsabi ngang isang forumer dati na ok lang matalo basta alam mo at nakikita mo na lumalaban sila. Yung hindi sila natatambakan, hindi nakikitang sumusuko sila.
Marami akong mga napupunang
Isa pang napapansin ko sa mga laban nila, puro sa umpisa lang sila. Kapag nakita nilang malaki na yung lamang ng kalaban, sumusuko na agad. Hinahayaan nang pumalpak ang laro nila at hinahayaan nang makuha ng kalaban ang game. Sa mga ganitong pagkakataon, hindi ko masisisi ang ibang tao na nagsasabing hindi na sila “Fighting Maroons”. Kasi nasaan na ba ang “fighting”?
Ang masasabi kong best game na napanood ko so far ay yung laban nila sa FEU nung first round. Alam kong marami rin ang nakapansin nito at marami ang sumasang-ayon. Sa game na to, naranasan nilang malamangan ang kalaban. Naranasan nilang maka-tie sa halftime. At naniniwala ako na kung hindi dahil sa pagma-manipula ng mga may kapangyarihan, marahil ay nakatikim na tayo ng ating unang panalo. Nanaig ang kagustuhan ng mga taong mas mahalaga ang reputasyon kaysa sa paggawa ng tama. Nung mga huling minuto ng fourth quarter, natatandaan ko lamang pa ang UP. Pero bigla na lamang nagsulputan ang mga fouls na ewan ko ba sa mga referees kung saan nila napulot. Kaya ayun, nagpakasawa sa freethrows ang FEU kaya nakahabol sila at sa huli nga, sila pa ang nanalo.
Siguro nga ay bitter ako sa mga nangyayari sa team. Pero may karapatan naman akong magdrama db? Kasi kabilang ako sa mga taong patuloy pa ring sumusuporta sa team sa kabila ng mga hindi magagandang pangyayari. Patuloy pa rin akong nanonood ng mga laban nila kahit na alam ko naman na kung ano ang dapat kong i-expect na kahahantungan ng laro.
Alam ko sa sarili ko na malaki ang naging epekto sakin ng UAAP. Ang totoo, ngayong taon lang naman ako nanood at nagpaka-adik dito. Naaalala ko pa noong grade 6 ako, nakiki-sawsaw lang ako sa mga laban ng Ateneo at La Salle dahil aminin man natin o hindi, isa ang rivalry nila sa mga pinaka-aabangan at pinaka-kontrobersyal sa mundo ng basketball (o baka sa UAAP lang). Dati kapag may nagtatanong sakin, “Ano ka, Ateneo o La Salle?”, nakikisagot lang ako ng “
Ngayong college na ko at may sinusuportahan na akong team na matatawag ko talagang akin, may dahilan na ko para manood. May inaabangan na akong team na papanoorin. May ikinakalungkot na ko pag hindi ako nakanood ng laban nila. Minsan alam ko sobra na,
Malapit nang matapos ang Season 70. Ilang linggo na lang finals na. Sana sa pagtatapos ng season na ito ay ang simula ng mga pagbabagong kailangan ng UP. Umaasa ako na sa Season 71, kung saan ay tayo na ang hosts kasabay ng ating Centennial Celebration ay malaki na ang maging improvements ng team. Alam ko na masyado nang mataas ang pangarap ko kung hihilingin kong Champion tayo. Pero kahit finals lang ok na. Kahit nga Final Four lang eh. Mababaw naman ang kaligayahan ko kaya ok na sakin yun. Basta makita at mapatunayan ko lang na karapat-dapat nga ang taguring “UP Fighting Maroons” sa atin, masaya na ko.
sweep.
by jesse at 9/13/2007 09:28:00 PM
as in mag-walis..
nyahaha.. korneeh q.
oo na.. alam ko naman na alam nyo na kung ano yang sweep na yan eh.
xempre UE with 14-0.
hahaha.. ang adeek talaga nila.. pero ang galing.
haaaiii.....
wala namang maxadong nangyaring maganda sa araw ko ngaun..
isa lang din naman to sa mga ordinaryong araw ko sa UP.
xempre pagkagaling sa alumni center dahil sa duckpin bowling, diretso na q sa CAL Lib after.. nagbasa lang naman ako ng diyaryo.. una ung people's journal ba un.. tpos ung philippine star... at xempre as expected, puro tungkol kay erap ang mga balita... puro mukha niya ang nasa frontpage.. puro ERAP at GUILTY ang nasa headlines.. nakakasawa.
den nung 11 na, punta na kong Math bldg.. hbang nglalakad ako, nkasalubong q c sir nathan.. dun xa patungo sa direksyon ng AS.. so tnanong q nman,
jesse: "sir san kayo pupunta?"
sir nathan: "dyan lang.."
jesse: "ah ok.. pero sir may klase?"
sir nathan: "oo naman.."
and then babai.
sori nman sir malay q ba kng lalayasan nyo kami at ndi nyo kami sisiputin sa klase nten..
so aun.. hanggang sa nakarating na q sa MB, sa room namin, at kinain ko na ang lunch kong sandwich.. den late si sir.. sabi na nga ba eh.. hahaha... after math, na mejo late din kami dinismiss dhil nga late si sir, sakay na ng toki papuntang AS.. geog 1 na.. nag-game muna kami.. ung may mga pictures na ipapakita c sir tpos huhulaan namin kung anng country un.. 1st picture(difficult): 3 points (pero may 5 points din nung mga last part na), 2nd(average): 2 points, 3rd(easy): 1 point. ang saya... nanalo grup namin!! hahaha... prize na binigay ni sir ung kitkat.. lugi nga xa samin kc 10 members kmi.. e 6 lng sa isang pack db.. so aun, nagbukas pa xa ng isa para mabigyan kmi lhat... haai.. ang bait tlaga ni sir!!! (pde bang mag-geog uli nxt yr tpos si sir saguin uli ang kuning prof?? bwahaha..)
after geog, edi dun uli aq sa tapat ng PH 204 tumambay.. pero 206 ang rum q.. haha.. anlabo.. tpos paglabas q nabasa q ung txt ni kara na ngtatanong kng may klase dw aq tska kng asan aq.. mgpapapasa dw kc xa nung news nya pra sa news sharing namin sa bio kc ndi xa mkakapasok.. so sbi q nman kakatapos lng ng klase q tpos andun nga q sa labas ng 204.. tpos aun.. after some time dumating xa... tpos aun.. kea pla ndi xa mkakapasok kc namumula ung parehong mata nya.. pero wla dw xang sore eyes.. bka na-irritate lng dw.. tpos aun.. bnigay nya na sken ung news nya at ung acetate.. tpos nagchikahan muna kami kc prang ndi pa xa decided kng uuwi na ba xa o papasok nlng sa bio... eh tpos nanonood kc aq nun ng game ng UST tska FEU eh.. so mejo diverted ang attention q.. nyahaha... tpos bglang dumating cla ate kristia and ate i forgot the name... tpos nkita nila si kara.. eh mejo teary eyed nga xa knina so akala nila umiyak.. waahh.. tpos sbi pinaiyak q dw!! eto namang c kara naki-ride pa.. grr.. tpos aun.. bsta.. in the end, shinare-an dn nila ate kristia c kara 2ngkol dun sa four spiritual laws.. so go kara.. mgpakabanal ka... habang ako nanonood ng game.. hahaha...
tpos ndi q npanood ng buo ung first game kc 2 bars nlng ung battery nung fone.. ndi q kc na-charge ng maayos.. so iniisip q isasave q nlng pra sa 2nd game khit na may spare battery pa q.. kea aun.. ndi q alam kng ano nngyari sa knila... tpos bsta.. after some time, ngkita na kmi ni kylie so sabay na kmi papuntang bio... eh napadaan nnman kmi dun sa bilihan ng ice cream na nkakaadik.. so nag-isip pa kmi kng bibili kmi kc taghirap na kmi pareho.. eh tpos nung npagdesisyunan nman na nming bumili, saka nman nmin nalaman na ubos na pala.. grr... natakam nnman aq..
tpos aun... bio... news sharing... puro headlines... puro acetate.. puro lcd projector.... etc.
haaaiii....
so pgkarating q sa rum, dun q nlng uli nabuksan ung fone tutal alam ko patapos nman na ung game... so pgkabukas q, aun.. lamang na ang FEU.. and then after some more minutes, tapos na ang game... talo UST.. so................ tie na cla ng feu sa 3rd place.
at hbang nag-n-news sharing ang mga tao sa paligid q, aq nanonood ng game ng UE at DLSU... hahaha... pasaway talaga kong bata... eh kc nman noh mas msaya nman manood ng game kysa mkinig ng mga news na ndi q nman naiintindihan ang mga pinagsasasabi ng mga ngrereport... tpos isa pang nkakainis... nung ako na ung mgrereport, ska nman cnabi ni mam na ipasa nlng dw ung mga ntitira... kc mga 5:15 na un.. so prang ok mam,.. ang galing galing mo talaga... kung kelan nman prepared na prepared na q...
o tpos aun.. 2ngkol na nga sa game ng UE at DLSU.
ano bang masasabi ko d2??
edi sweep!! hahaha..
prang nkakatamad naman magkwento.
ndi q npanood ng maayos ung intro.. ung pnakita ung mga players, etc.. ung db laging every game meron nun bago mag-umpisa... so knina ung sa UE, "the pursuit for perfection" ba un?? ewan q.. nkalimutan q na.. pati ung sa la salle.. haha.. npkawlang kwenta q tlaga..
buong bio period ndi aq nkanood ng maayos... zero ung volume dhl xempre may klase.. ndi rn nman aq pdeng mag-earphones dhl bka mahuli aq ni mam.. so ung msmong laro at galaw nlng ang pnanood q..
tpos aun.. grabeh ha... 1st qtr pa lng sobrang tindi na ng laban... ngkabatukan pa.. hahaha... c brian ilad kc binatukan si fampulme.. adeek. hahaha... aun tuloy na-eject agad xa sa game... edi sana kahit pano nka2long pa xa sa team nila pra manalo.. eh pinairal ang pgiging taga-la salle.. haaii..
ah basta tinatamad ako magkwento ang dami kcing nngyari eh...
bsta aun nga umabot pa sa overtime ung game... ayon kila boom gonzales, 4th na dw un na overtime ng la salle sa buong season, at first naman ng UE... so prang... waw. anlupet ng game na to... hahaha..
ang daming na-foul out.. sa mga naaalala q, sila maierhofer, casio, thiele, etc. hahaha... d q na maalala ung iba.. or bka nga cla lng ang na-foul out?? ewan q.
c ilad ba counted? hahaha.........
tpos aun nga pla... b4 mag-overtime, 76-77 ang score, lamang ang UE. e tpos ngka-foul.. so freethrow c casio.. so xempre db chance na un pra sa knila na manalo... e sumablay ung isa, kea aun.. nag-77 all.. haha.. malas tlaga oh.. db nung laban dn nla sa ateneo, last few seconds na bato nya ng bola, ndi rn na-shoot, ndi 2loy na-count ung offensive rebound ni maierhofer.. hhaaaiiii....
basta basta aun na... sa huli nanalo pa rin talaga ang UE.. 84-92.
ac2ly nung una, 84-91 na ung pinakita nilang final score... eh ndi pa nman tpos ung msmong game.. may 1 point sumthing seconds pa... may nagf-freethrow pa nga eh.. pero ngkakagulo na cla sa kbila kc aun nga nag-shake hands na sila.. nagyakapan etc na.. tpos aun.. eh may na-shoot pang isa dun sa freethrow kea nging 84-92..
tpos ang kyut nilang panoorin nung magkaka-akbay sila tpos umiikot hbang tumatalon talon.. haha.. d q lam twag dun bsta alam nyo na un kng npanood nyo.. natutuwa tlaga q sa knila.. pramis..
tapos pla.. ang ingay q dn hbang nanonood.. prang k2lad ng pgwawala q nung laban ng ateneo at la salle... grabeh knakabahan kc tlaga q pra sa knila knina.. although ndi q rn nman gnun ka-gusto na ma-sweep nila, pero ayoko rn nman na la salle ang tanging mkakatalo sa knila... mmya mas lalong yumabang at lumaki ulo ng mga un.. hmp.
so pano na yan ngaun... tie ang FEU at UST sa fourth place.... so ibig sbhin, apat na silang maglalaban-laban pra sa isang slot sa finals?? kc nga UE na ung isa... kaya ATENEO, LA SALLE, UST, at FEU. matira matibay. sa huli, isa lang ang pwedeng makalaban ng UE.. (sana ateneo.. hahaha... biased.)
sa saturday, sept. 15, UP Fighting Maroons vs. Adamson Soaring Falcons.
sana talaga maka-isa na ang UP.. pra khit pano nman tie sila ng adamson... 1-13.
kc prang ang saklap naman na naka-sweep ang UE, at mkaka-sweep din tayo..
ayoko naman ng ganun.
at humanda ka cabahug... because it's payback time!!! bwahahaha...
ah basta...
sa sunday, sept. 16, ibabawi ng UP Pep Squad ang UP Fighting Maroons.. cheering competition na!! :D
haai.. iba talaga pag Ateneo-La Salle game.
by jesse at 9/09/2007 09:26:00 PM
db totoo naman??
hahaha...
aun.
sunday ngaun. pero ndi kami nagsimba kc kgabi na kmi nag-mass since birthday ni mama mary khapon.
ang plan kc nila, mag-di-divisoria kami ngaun.. xempre ksama q sa nagplano nun.. haha.. super tagal ko nang nagaantay na mkabalik kami dun eh.. andami dami kong gustong bilhin.. so aun.. mga 11 na kami nakaalis dito sa bahay..
habang papunta kami dun, naitanong ko kay dadi kung alam niya kung saan ung san marcelino street. sabi naman niya, oo daw. tpos tnanong nya kng bket. sabi ko, wla lng. haha..
tapos aun.. bsta.. ndi kami agad nakarating sa divi kc umikot ikot pa kami sa maynila.. grabeh. nag-educational tour kami. inikot kami ni dadi sa lahat ng mga schools na kasali sa uaap. except nga lang sa NU kc ndi niya dw mxadong alam ung pasikot sikot dun. tska DLSU dn kc mejo malayo dw dun sa dadaanan nmin. basta nadaanan namin ang UST, FEU, UE, at ang puno't dulo ng lahat ng ito, ang Adamson. marami pa rin ibang universities kaming nadaanan pero ndi naman cla ang trip kong makita eh.. haha.. bad.
grabeh. nung napunta na kami sa AdU, parang woah. nagulat ako eh. hahaha.. ala lng.. ang babaw ko.. sosyalin pla ung campus nla.. basta. may mga color blue.. at may simbahan pa sa tabi.. ang galing.. haha.. tpos eto namang si dadi pinicture-an pa.. xempre aq dn naki-pichur.. hahahaha.. adeek!!! eh kc eh.. nkakalungkot nga lng kc wla xa dun kc may game cla ng 2 pm... hahaha.. yoko na nga..
tpos aun.. nkarating na kami sa 168 mall. dun na kmi nag-park.. and then nagstart na ng pag-iikot... tpos dun na rn kami kumain sa foodcourt nila... etc.
pero mejo boring ngaun kc nga halos sa 168 lng kami.. e db aircon dun.. so prang wlang thrill... hahaha... unlike pag sa bangketa ka tlaga namili.. ang saya saya.. haha.. kc ang gulo gulo ng mga tao sa paligid.. un nga lang maaapak-apakan ka tlaga. tska masisiksik ka.. pero ngaun kc nung lumabas kami para pmunta sa tutuban mall, mejo maluwag pa. ndi katulad pag mlapit na mgpasko, super daming tao.. maaga pa kc eh.
aun. nung lumipat na kmi sa tutuban mall, naghanap lng nman ako ng mabibiling mga bagong damit.. tska bumili na rin ako nung TICKET. as in ung mga tsinelas na galing Thailand.. hahaha... tsinelas tlaga eh.
haai nakoo... so aun.. grabeh.. inabot kmi ng 5:30 dun. e prang hello?!?! 4:00 ung start ng game ng admu-dlsu. ayy ac2ly ung 2pm game rn pla inaantay q.. ung UST vs. AdU. pero ok lng kht ndi q mpanood un kc yoko na sa knya.. turn off magsalita. parang c pacquiao. hahahaha... so aun nga.. edi ngmamadali na kong mkabalik sa sskyan pra mkanood na q..
pagbukas q nung fone, mejo start ng 3rd qtr. so lamang ang dlsu. edi aun. nood lng ng game khit maliit lng ang screen. bsta alam ko kng ano nngyayari.. tapos aun. buti dumating ung tym na nkahabol ang ateneo.. ang saya saya.. haha.. basta... aun.. 4th qtr xempre eto na ung tym na as in todo laro na tlaga kc mlapit na mtapos.. eh close prin ung score. kea aun mas nkakakaba tlaga.. kc ndi mo tlaga alam kng anng pdeng mangyari kea ndi mo alam kng cno mnanalo.. bsta pra saken ang key players ng ateneo sa part na napanood q, cla escueta, salamat, arao, at xempre si tiu. hahaha.. xempre ndi xa pdeng mawala noh. anlupet nila sa 3 points. lalo na c tiu. hahaha... ano ba yan puro chris tiu na lang. edi aun na nga. hahaha. ang gulo ko.. basta. last sumthing seconds 86-87 ang score. in favor of la salle. at xempre ndi papayag c tiu kaya nag-3 points xa. so 89-87. e tpos last sumthing seconds uli nag-shoot c casio. pero ndi na-shoot. kaya nag-rebound c maierhofer. tapos shinoot nya. na-shoot naman. pero. ayon sa mga referees, ndi na daw counted un. so in short, panalo na admu. hahaha... grabeh talaga. pano kea kng na-count un, so 89-89. overtime. marami pang pdeng mangyari sa loob ng limang minuto. sayang dn noh. hahaha.. edi sana mas mhabang time pa ng panonood.. pero cge na nga okei nang nanalo na agad ang ateneo.
nung after ng game, tpos kumakanta na ung mga tao, nalulungkot aq sa itsura nung mga players ng la salle. kc xempre db nkakasama nman tlaga ng loob ung gnun. wah. bsta. naaawa aq sa knila. although xempre masaya q kc ateneo nanalo. pero nalulungkot pa rin tlaga q pra sa la salle.. haha.. ang gulo q.
so ngaun, excited na q sa laban ng DLSU at UE.. bka ibuhos ng la salle lahat ng galit nila sa game na un. at xempre pressure sa UE kc last game na lang para maka-sweep na sila. kea lng bad3p kc thursday un so pahirapan nnman pra mkapanood aq. pero i'll try my best.
tpos excited na rn aq pra sa saturday.. UP Fighting Maroons vs. Adamson Falcons. last game ng UP for season 70. pero sana ang last game na to ang maging first win ng UP. umaasa pa rin talaga ko. seryoso.
pati na rin pala sa sunday. kc cheerdance competition na.. go UP Pep Squad!! hahaha.. kayang-kaya nyo yan!! :D
0 comments Tags: Ateneo Blue Eagles, Basketball, UAAP