I guess this is true for us, the UP Fighting Maroons. I tell you, having a 0-14 record is not an easy task at all. On the part of the players, who take the name of our beloved school with them on our every game, they have to constantly deal with physical, emotional, spiritual, and academic stress. While for most us, fellow UP students, we just bother ourselves with counting how many losses are added in our record after every game. Now I ask you, isn’t it unfair for those players who sacrifice most of their time to practice for an upcoming game instead of just doing their homework, studying for their exams the next day, or maybe even just spending some time with their family?
Natapos na kahapon ang huling laban ng UP for this season. At yun na rin ang huling laban nila Vicmel Epres at VJ Serios para sa team. Sa totoo lang, nalulungkot ako para sa kanila kasi last year na nila sa UAAP, tapos ganun pa ang standing ng UP. Hindi ba mas maganda kung iiwan mo ang team mo na alam mo na kahit pano ay hindi ganun kasama ang sitwasyon? Mas lalo akong nalulungkot para kay Serios kasi batay sa mga napanood kong games nila sa buong season, masasabi kong isa siya sa mga players na nanatiling lumalaban. Kahit na huling minuto na lang, hindi pa rin siya sumusuko. Hangga’t makaka-shoot siya, sinusubukan niya talaga. Hanggang sa huli, pinatunayan niyang isa talaga siyang “Fighting Maroon”.
Isa sa mga bulung-bulungan ngayon ay ang sinasabing
Sa iba’t ibang mga websites, forums, at blogs tungkol sa UAAP na napuntahan ko, puro panlalait at pang-aasar sa Fighting Maroons ang nabasa ko. Oo inaamin ko na ako mismo ay may mga naisulat dati tungkol sa kanila na masasakit. Kapag nagsusulat ako ng tungkol sa team, puro sarcastic ang mga banat ko. Hindi mo naman ako masisisi db? Pero kahit pano ay meron pa rin naman akong mga napupuntahan na todo suporta pa rin sa kanila. Dito ay may mga nabasa ako tungkol sa paghihirap ng mga players para lang makapag-practice. Balita ko nga may tumutulo sa court kapag umuulan eh. May nadulas pa daw dati dun na player habang nagp-practice yung team. Isa pang mahalagang isinasakripisyo nila ay ang kanilang oras. Imbes na mag-aral na lang sila para sa exam nila sa susunod na araw, kelangan pa nilang mag-practice. Kahit na may paper silang kelangang ipasa bukas, magp-practice pa rin sila. Siguro nga masaya naman sila sa ginagawa nila dahil mahal nila ang basketball, pero grades pa rin nila ang nakasalalay dun. Ang pananatili nila sa UP ang nakataya.
Sa karamihan din ng mga articles na nabasa ko, isa sa mga idinadahilan nila sa pagkakaroon ng ganitong record ng UP ay ang pagiging rookie-laden ng team. Totoo naman na marami sa kanila ay bago pa lang samantalang ang iba ay nasa pangalawang taon pa lang. Pero halos lahat naman sila ay nanggaling sa high school na kasali din sa UAAP. In short, kasali naman sila sa Juniors dati. Halimbawa, si Mike Gamboa na isang dating Blue Eaglet. Kasama pa nga siya sa mythical five kung hindi ako nagkakamali. Ang tatlong rookies na galing sa FEU-Fern: sina Soc Rivera, Mark Lopez, at Dexter Rosales. At alam ko marami pang iba. May mga sophomores din na ang alam ko ay maganda naman ang ipinakita last season. Halimbawa na lang ay sila Migs de Asis na malupit daw sa three points dati, at si Woody Co na nag-Rookie of the Year pa. Oo nga’t puro rookies at sophomores sila, pero hindi ba mas maganda kung ipapakita nilang, “Kahit na puro baguhan lang ang team, may ibubuga kami. Lumalaban kami.” May nakapagsabi ngang isang forumer dati na ok lang matalo basta alam mo at nakikita mo na lumalaban sila. Yung hindi sila natatambakan, hindi nakikitang sumusuko sila.
Marami akong mga napupunang
Isa pang napapansin ko sa mga laban nila, puro sa umpisa lang sila. Kapag nakita nilang malaki na yung lamang ng kalaban, sumusuko na agad. Hinahayaan nang pumalpak ang laro nila at hinahayaan nang makuha ng kalaban ang game. Sa mga ganitong pagkakataon, hindi ko masisisi ang ibang tao na nagsasabing hindi na sila “Fighting Maroons”. Kasi nasaan na ba ang “fighting”?
Ang masasabi kong best game na napanood ko so far ay yung laban nila sa FEU nung first round. Alam kong marami rin ang nakapansin nito at marami ang sumasang-ayon. Sa game na to, naranasan nilang malamangan ang kalaban. Naranasan nilang maka-tie sa halftime. At naniniwala ako na kung hindi dahil sa pagma-manipula ng mga may kapangyarihan, marahil ay nakatikim na tayo ng ating unang panalo. Nanaig ang kagustuhan ng mga taong mas mahalaga ang reputasyon kaysa sa paggawa ng tama. Nung mga huling minuto ng fourth quarter, natatandaan ko lamang pa ang UP. Pero bigla na lamang nagsulputan ang mga fouls na ewan ko ba sa mga referees kung saan nila napulot. Kaya ayun, nagpakasawa sa freethrows ang FEU kaya nakahabol sila at sa huli nga, sila pa ang nanalo.
Siguro nga ay bitter ako sa mga nangyayari sa team. Pero may karapatan naman akong magdrama db? Kasi kabilang ako sa mga taong patuloy pa ring sumusuporta sa team sa kabila ng mga hindi magagandang pangyayari. Patuloy pa rin akong nanonood ng mga laban nila kahit na alam ko naman na kung ano ang dapat kong i-expect na kahahantungan ng laro.
Alam ko sa sarili ko na malaki ang naging epekto sakin ng UAAP. Ang totoo, ngayong taon lang naman ako nanood at nagpaka-adik dito. Naaalala ko pa noong grade 6 ako, nakiki-sawsaw lang ako sa mga laban ng Ateneo at La Salle dahil aminin man natin o hindi, isa ang rivalry nila sa mga pinaka-aabangan at pinaka-kontrobersyal sa mundo ng basketball (o baka sa UAAP lang). Dati kapag may nagtatanong sakin, “Ano ka, Ateneo o La Salle?”, nakikisagot lang ako ng “
Ngayong college na ko at may sinusuportahan na akong team na matatawag ko talagang akin, may dahilan na ko para manood. May inaabangan na akong team na papanoorin. May ikinakalungkot na ko pag hindi ako nakanood ng laban nila. Minsan alam ko sobra na,
Malapit nang matapos ang Season 70. Ilang linggo na lang finals na. Sana sa pagtatapos ng season na ito ay ang simula ng mga pagbabagong kailangan ng UP. Umaasa ako na sa Season 71, kung saan ay tayo na ang hosts kasabay ng ating Centennial Celebration ay malaki na ang maging improvements ng team. Alam ko na masyado nang mataas ang pangarap ko kung hihilingin kong Champion tayo. Pero kahit finals lang ok na. Kahit nga Final Four lang eh. Mababaw naman ang kaligayahan ko kaya ok na sakin yun. Basta makita at mapatunayan ko lang na karapat-dapat nga ang taguring “UP Fighting Maroons” sa atin, masaya na ko.
0 comments:
Post a Comment