Ikot o Toki?

Around UP Diliman in a Jeepney - a tour for visitors


nung nabasa ko 'tong post na 'to, namangha ako.


Magaling, magaling, magaling.



haha.. basahin niyo din. libre campus tour ito. :)

help, pipol op da pilipins.

guys, i seriously need an answer. please. please. please.






I want to have my own business. Something that i can proudly call MY OWN.


Ayoko nang maging pabigat sa mga magulang ko, lalo na ngayon na sobrang dami naming major projects for this year.

1) Pagpapagawa ng bahay (total renovation kasi gusto ng tatay ko eh);

2) Kung makakabili ng sarili naming kotse (company car lang po kasi yung gamit namin at maaaring kunin ng kumpanya anytime);

3) My debut in October (syempre gusto ko yung memorable. i wanna feel like a princess even for just one night. MY NIGHT.); and

4) hopefully even my braces makahabol before the debut (sana!).




Ayoko nang humingi ng pera sa kanila for my daily needs/allowance and even sa mga school projects ko. Ayoko nang maging pabigat sa kanila... [btw, hindi nila alam ang tungkol dito. :(]



And siguro, gusto ko na kahit freshie pa lang ako eh ma-practice ko na ang business chorva skills ko. Ano pa bang silbi ng pagiging BA ko kung hindi ko naman mai-a-apply? Although balak ko naman talaga mag-shift sa BAA sa hinaharap. Pero basta ayun.




Gusto kong mag-business. Pero ano? At pinakamahalaga, paano?!







**pasensya kung mababaw ang problema ko.

Change...

is really the only permanent thing in this world. In just a tick of the clock, a blink of an eye, everything you know may not be the same as you have known it just seconds ago. You can never tell what happens next, or if there is even a "next".

In your last conversation with a friend, you might say, "See you later!" or "kitakits bukas!". But how sure are you that you're still breathing tomorrow morning when you wake up? or if you WOULD even wake up.




One thing's for sure: that nothing in this world is sure. Nothing's certain, but change.

i found my First Love...

at the most unexpected place.



Where?



At the Zoo.


Avilon Zoo to be exact.



When?


Yesterday.
January 19, 2008.




How?



Nagkasalubong kami.


And that was it. Dun na nagsimula ang lahat.



Why?





Anong why?!? pwede bang tanungin kung bakit?! ano ba.






hahaha... but wait, the most important question:



Who?



his name's Louie.

we have a picture together. as in kaming dalawa lang. shucks, kinikilig ako!!! haha.. ang sweet niya talaga, grabeh. no wonder nahulog agad ang loob ko sa kanya.


haai.. sana magkita pa uli kami. pero parang ang imposible kasi eh.... nagkataon lang na nagkita kami kahapon... :(







~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~




Yesterday, Alexis, Nash, and I went to the Avilon Zoo. we had to go there for our reaction paper in Soc Sci 1 about the primates' behavior. even if our report's about them na, kelangan pa rin namin silang i-observe nang malapitan sa totoong buhay. syempre para mas real yung dating.


we arrived there at about 11:00 am. diretso gala na kami para makarami. we decided to just have a late lunch. lunch-erienda na lang.


sa dami ng mga nakita namin, ayoko nang isa-isahin. and besides, nakalimutan ko na rin kasi yung iba. i'd just kwento the highlights.


habang nag-iikot kami, napunta kami sa gitna ng zoo. andun yung mga pwede kang magpa-picture sa birds (na nasa balikat mo) at sa snake (na nakapulupot sa leeg mo). syempre tingin tingin kami. tsaka nga pala, may mga kasabay kaming NAPAKAraming bata. kasi madaming may fieldtrip kahapon. edi aun. magulo.


tapos eto na. may nakita kami sa isang side, may mga koreanong may pinagkakaguluhan na ewan namin kung ano. so pinuntahan namin para maki-usiyoso. and what did we see?!?! AN ORANGUTAN!! woohoo!! hahaha... ang babaw eh noh. wala lang. eh kasi yun kaya report namin! primates.



pero wait, hindi naman yung pagiging orangutan niya yung nakatuwaan namin eh. what amazed us was the fact na binubuhat siya nung mga batang koreano!! ang galing!! hahaha... so syempre kami naman, naki-FC kay Kuya Trainer niya. at palalampasin ba naman namin ang chance na mabuhat din si orangutan guy?! of course not! so pagkaalis nung mga koreans, kami naman. bwahahaha....


nalaman namin kay kuya habang kinakausap namin siya na ang binuhat pala namin ay si Louie. yes, he's Louie. he's a 2 y.o orangutan na pakalat-kalat sa Avilon. may sarili pa nga siyang tambayan eh. adik. siga sa zoo!

magaan lang siya. hairy, mabuto, pero fun. fun na as in fun siyang kasama!! fun siyang buhatin, fun siyang kausapin, etc. haai.. ang saya talaga. first time ever in my life na nakabuhat ako ng primate. (oops! primates din pala ang humans. hahaha.)


oh well. aun. syempre hindi naman pwedeng ubusin namin ang oras kay Louie kaya nagpasya na kaming humiwalay sa kanya. malungkot man pero kailangan. :(



pagkatapos kay Louie ay gumala uli kami. ngunit nakatatak na sa aming mga puso't isipan ang larawan ni Louie. (shucks, bat ba ang drama ng mga banat ko?!?)


nang nagutom na kami ay nagpasya na kaming bumalik sa entrance/lobby/whatever upang kumain at mag-luncherienda na. but wait, nawindang kami (lalo na ako) nang makita namin ang presyo ng "packed lunch" nila. tumataginting na 95 pesos. kamusta naman un db?! daig pa ang Jollibee/Mcdo/etc. sa presyo.


eh singkwenta pesos lang, mabubusog na ko sa No. 7 ng Mcdo eh. may dala pa kong McMoney nun so may discount pa sana. haai.. pero ano pa nga bang magagawa namin kundi bumili. Grilled Porkchop kay Nash at "Chicken Teriyaki" sakin. May baon na bacon si Alexis.


bakit may quotation marks ang Chicken Teriyaki? wala lang. naiinis lang ako. kasi nung pagkabukas ko nung styro, ano ang tumambad sa aking gutom na gutom na mga mata?! isang pagka-liit liit na Chicken nuggets lang ata. badtrip talaga. sa Mcdo, malayo na ang mararating ng 100 ko!! may BIG MAC na ko nun!!! grr. pero uli, ano ang magagawa ko, kundi kainin yung "Chicken Teriyaki" na yun.


haai.. o tapos aun, pagkatapos kumain, ikot uli. kung san san na naman napunta.

nakarating kami sa caves na "NO CAMERAS ALLOWED" DAW. pero ano, pasaway kami eh. syempre picture dito, picture dun pa rin. kelangan kaya namin yun!


nakapunta kami sa mga Arapaima na pwedeng pakainin. bibili sana kami ng pangpa-kain kaya lang sabi namin babalikan na lang namin after namin kumain, pero wala. nakalimutan na namin. haha. [grabeh, puro NAMIN yun ah.]


napunta kami sa reptile house, kung nasan ang mga ahas, iguana, etc. syempre picture picture uli. but no, sabi ni kuya tour guide ng mga may fieldtrip, BAWAL DAW MAG-PICTURE dun. buti na lang patapos na kami bago sila dumating. at least madami na kaming nakunan. bwahaha.. sinita pa nga ko eh. hmp.


nadaan kami sa may White Peafowl. and as expected, white siya talaga. ang ganda nga eh. kasi para siyang ikakasal. ang sarap ilagay sa gown yung mga mata niya. [oops! bawal yun!!]



at ayun. nung malapit nang mag-3:30 (dahil yun ang sabi ni dadi na time na susunduin niya kami), medyo nagmadali na kami. tapos nung napag-usapan namin ang kangaroo, naisip ko na may nadaanan kaming "kangaroo" kanina. so sabi namin, pupunta kami dun.


pero wait, hindi kangaroo ang nakita namin, kundi another orangutan!! woohoo!! kasi habang naglalakad kami, may nakita kaming mga tatlong tao na may hawak na orangutan. as in kasabay nilang naglalakad at hawak nila sa kamay. kaya akala namin, si Louie uli!!

pero nang makita namin na pambabae na yung damit, napaisip kami. pero syempre nilapitan pa rin namin. at nakita nga namin si Kuya Trainer na naka-blue na may dala kay Louie kanina. so kami, tawag nang tawag ng "Louie!! Louie!!"tapos sabi ni Kuya, "Si Camille yan."


edi pahiya kami. bwahahaha... edi aun. namangha naman kami dahil hindi lang pala si Louie ang taong orangutan sa Avilon. tapos aun.nagkwento si kuya na lima daw sila, pero yung dalawa, nasa Tiendesitas. So tatlo na lang sila na andito sa Avilon. Si Louie, Camille, and Trixie. si trixie hindi namin nakita eh. sayang.


napag-alaman namin na mas matanda si Camille kesa kay Louie. Mas mabigat kasi siya tsaka mas makulit eh. makulit in a sense na may pagka-pasaway. nang-hahablot ng kamay. haha. mas mabait si Louie. tsaka sabi ni kuya kaya nangungulit na daw yun, kasi gutom na daw tsaka malapit na daw kasi sa bahay nila. kaya aun. after magpa-picture, nag-babai na kami kay Camille at kay Kuya Trainer na naka-blue.



after dun, pinuntahan na namin yung Tree Kangaroo para ma-disappoint na hindi pala yun ang Kangaroo na ine-expect namin. so bumaba na kami at nagdesisyong pumunta na sa Exit ng Zoo. kasi andun na daw si dadi.

pero bago lumabas, dumaan muna kami sa souvenir shop. bumili ako nung kanina ko pa gustong bilhin na transparent na colored na hat. (ang gulo noh?) ah basta. pink yun.

tapos may nakita kaming shirt na may picture ng primate sa harap. sabi ni ate nagtitinda, si Camille daw yun. so kami parang, "Wow! sikat si Camille!" "mas sikat siya kay Louie." et cetera.


then aun, lumabas na kami at tuluyan nang nagpaalam sa Avilon Zoo.





~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


habang nag-iikot kami at tinitignan at pinapanood ang mga hayop sa loob ng mga kulungan nila, naaawa ako. kasi kung iisipin mo, gano katagal na sila dun? ilang taon na silang nasa loob ng mga cage/kulungan na yun? matagal na. at ano lang ang ginagawa nila? patakbo-takbo sa napakaliit na lalagyan.


yung mga leopard, tiger, puma, etc, paikot-ikot lang sa loob ng masisikip na kulungan imbes na sa kagubatan kung saan ay malaya silang nakakatakbo.

yung mga ahas, nasa kulungan lang na kasing laki ng aquarium, imbes na sa mga puno sa kabundukan.

yung mga pagong at mga isda, nasa mga aquarium na maliliit na ilang taon na atang hindi napapalitan yung tubig imbes na sa malawak na karagatan.

yung mga ibon, nakakulong sa mga hawla imbes na malayang nakakalipad sa kalangitan.

yung mga unggoy na report namin, nasa kulungan imbes na malayang nakakalakad at nakakasabit sa mga puno sa liblib na kagubatan.


kumbaga, yung mga hayop na dapat eh malayang nakakapamuhay, unti-unting namamatay sa loob ng mga kulungan nila. nakakamatay din kaya ang sobrang pagka-bore! pero seryoso, hindi sila karapat-dapat na nakakulong dun.


kung tao nga, ayaw na ayaw na nakakulong eh. at saka, bakit ganun? marami diyang mga kriminal na malayang nakakagalaw, malayang nakakapamuhay, imbes na dapat eh pinagbabayaran nila yung mga kasalanan nila sa kulungan.


BAKIT ANG MGA HAYOP SA ZOO, NAKAKULONG KAHIT NA NANANAHIMIK NAMAN SILA SA MGA KANYA-KANYA NILANG TIRAHAN?


Bakit, pumapatay ba sila ng tao? Hindi naman ah. maliban na lang kung tao rin mismo ang kakanti sa kanila. malamang manlalaban sila.


at habang tinitignan ko sila, yung iba, nakatingin din sakin. sa mga mata ko. at nakikita kong malungkot sila. hindi sila masaya. sino ba namang magiging masaya sa ganung kundisyon? kung pagaganahin ko ang imagination ko, para silang humihingi ng tulong. pero ano nga bang magagawa ko?! wala naman akong pera para bilhin lahat ng mga hayop na yun at sabay sabay silang pakawalan. wala naman akong kapangyarihan para ipag-utos na ipasara ang lahat ng mga zoo sa mundo. WALA. wala akong magagawa.






oo nagda-drama ako dito. pero siguro, nabuksan lang talaga ang isipan ko pagkatapos ng pagbisita ko sa zoo kahapon. at hindi rin naman ako manhid noh. may puso ako. at hindi bato ang puso ko. marunong akong maawa. marunong akong maki-simpatiya. kaya nga nalulungkot din ako para sa kanila eh. HINDI SILA KARAPAT-DAPAT MAKULONG DUN. :(








** pictures namin!! woohoo!! ZOO-fari Trip!

Congrats to the Big Winner.

congrats ruben for being the PBB Celebrity Edition 2 Big Winner!! i believe na sa inyong apat, YOU deserved it most. :)



kakatapos lang ng Big Night and here i am, blogging about how HAPPY i am with what happened

PBB. isang malaking kalokohan.

may favoritism. biased.


unfair. sabik sa pera.







isa lang naman gusto kong sabihin eh. walang kwenta ang PBB.



oo pinapanood ko 'to. kaya nga alam kong NAPAKA-walang kwenta nito eh.


nakakainis.




ang dami dami kong gustong sabihin. pero sa sobrang dami, nagkakagulo na. kaya yung recent issue na lang.






GABY -> another WENDY.


although hindi naman talaga siya ka-level ni wendy kasi si WENDY ang reyna ng mga kupal sa mundo. si gaby medyo mababa pa.


ah basta. naiinis talaga ko.


BIG 4:
Ruben, Will, Riza, Gaby



ayoko kay riza. ayoko kay gaby.

si will din ayoko pero no choice na.


maraming may ayaw kay riza.
marami din namang ayaw si gaby.

ewan ko kung bakit pero ganun talaga.




pero ano ba!!
hindi yun ang issue dito.


mag-fo-focus ako kay Gaby, ha.





unang una, peyborit siya ni kuya.

bat ko nasabi? ano ba naman, ilang pabor na ba ang nagawa sa kanya ni kuya?




nung kelangan niyang sumali sa isang competition sa subic nun, pinayagan siya ni kuya na lumabas for a day. nanalo siya. (eh ano naman?!)


nung may seminar siyang kelangang puntahan sa states nun (for 3 days ata), pinapili siya ni kuya. kasi db 24 hrs maximum lang ang pwedeng ipag-stay sa labas ng bahay? so pinapili siya kung mag-s-stay siya o aalis siya. PINILI NIYANG LUMABAS.



dun pa lang, kitang-kita nang hindi siya ganun ka-interesado sa PBB. sa pag-stay nya. she decided to leave FOR HERSELF. she's selfish, in short.



lumipas ang mga araw, linggo. nawala na sa isip ng mga tao si gaby. pero isang araw, pinakita na lang nila na sinusundo nila si gaby sa airport. ayon nga kay gaby, she was "KIDNAPPED AT THE AIRPORT".



pinabalik siya sa loob ng bahay ng walang kung anu-ano. walang sabi sabi. walang botohan.



karamihan sa mga tao, walang pakialam. pero ako, kami ng nanay ko, inis na inis. unang-una, SIYA ANG NAGDESISYONG LUMABAS. pangalawa, DALAWANG LINGGO NA SIYA NASA LABAS NG BAHAY NI KUYA (states pa ha). oo nga't bahay ni kuya yun. kaya SIYA ANG MAY KARAPATANG MAMILI NG MGA PAPAPASUKIN AT PATITIRAHIN NYA SA BAHAY NIYA. at yun nga ang nakakapagpainis sakin eh. kung sinong gusto niya, andun lahat ng pabor. kahit na unfair na para sa ibang tao.




isa pang ikinaiinis ko kay gaby. ang arte nya. hindi yung kaartehan na parang OA na kikay or whatever. in fact, she's a tough girl. pero ang ayoko sa kanya, kung anong gusto nya, yun ang susundin nya. madami nang beses na napatunayan un. isang halimbawa, lately yung sa mga baboy. inaway nya si kuya. sinabi pa nga nya na she'll just spend christmas sa loob ng bahay and then she'll go out na. so ano yun, HOTEL BA ANG BAHAY NI KUYA NA PWEDE SIYANG LUMABAS KUNG KELAN NIYA GUSTO AT BABALIK NANG BASTA BASTA?! isa pa yung dati, nung halloween ata un. nung naging statue sila ni ruben, inaway nya din si kuya nun. just because big brother was not able to tell them na tapos na yung task?! shoot gaby. ang babaw mo. NAPAKA-PAIMPORTANTE MO.





at isa pa. although hindi na si gaby yung focus ko dito. yung tungkol sa nangyari kay yayo.


first of all, KASALANAN BA NIYA KUNG NAMATAY YUNG NANAY NIYA HABANG NASA LOOB SIYA NG BAHAY?!?


oo binigyan siya ni kuya ng chance para makalabas at puntahan yung nanay nya sa ospital. but unfortunately, hindi siya nakaabot. nakabalik siya before the "24-hr deadline". at pagkatapos, kinausap siya ni kuya. tinanong kung lalabas ba siya para makapunta sa libing ng nanay niya or mag-s-stay.


PINILI NIYANG MAG-STAY dahil yun din naman ang dahilan niya sa pagpasok sa bahay. para sa nanay nya at sa pamilya nya. pero eto namang si kuya nagpaka-epal. kinonsensya siya na basta ang gustong palabasin eh lumabas siya dahil yun daw ang gawain ng isang mabuting anak. at para daw hindi pagsisihan ni yayo pagdating ng panahon.


edi si yayo, pumayag naman. so lumabas nga siya. maraming nanghinayang. at isa ako dun. dahil sa umpisa pa lang, kasama na siya sa Big 4 ko. pero siyempre, wala namang magagawa ang mga tao.


at siguro, pumayag na rin siya dahil iniisip niya (at marahil pati ni kuya) na makakabalik pa siya. may chance pa.


but no. nung lumapit siya uli sa pbb AFTER 3 OR 4 DAYS para tanungin kung pwede pa siyang bumalik, biglang nagkaron ngayon sila ng "MGA RULES".


at ang pinaka-nakakainis sa MGA RULES na ito, yung kelangan may mag-sacrifice ng slot niya para kay yayo. and guess who volunteered? syempre nobody else but "GABY THE HERO". ang reason niya is because nakapag-promise na daw siya dati na "if ever yayo decided to come back, she'll give up her slot". and she'll stick to it daw. SO WHAT?!


buti sana kung ganun lang yun eh. ang problema, pinalabas na lang na naman ng pbb na "bayani" si gaby. na she was willing to give her slot to yayo. PERO SYEMPRE HINDI NILA PAPAYAGAN NA LUMABAS SI GABY. and so dinaan nila sa botohan. TAONG BAYAN "DAW" ang magdedesisyon. but sa unang season/edition pa lang ng PBB, never naman nang nasunod ang tao ah. DESISYON NG MGA NAKATATAAS NA TAO siguro, pwede pa. or siguro yung mga mayayaman. and i guess yun ang nasunod ngayon sa kanilang dalawa.


compare naman, pare. GABY is an elite person. she's a race car driver. a socialite. in fact, magkakakilala na nga sila nung mga karamihan sa mga housemates dati nung start ng season eh. she doesn't need the money. pinatunayan niya yun sa ilang beses niyang pagde-desisyon na lumabas.


YAYO. malungkot mang sabihin pero she's not that popular anymore. halos wala na nga siyang projects eh. so joining pbb was her only chance to at least man lang give something to her family. she sacrificed her daughter's debut because she has to stay inside the house. kahit nga namatay yung nanay niya, mas pinili pa niyang mag-stay because SHE REALLY NEEDED THE PRIZE. hindi naman sa pinagmumukha kong pulubi si yayo, pero that's the reality. i even sympathize with her. kaya ko nga ginagawa 'to eh.


basta ang gusto ko lang namang palabasin, bakit si Gaby, ang dali dali nilang pinapasok, kinidnap pa sa airport. walang botohang nangyari kung gusto pa bang pabalikin si gaby sa loob or what. did they ask the people? NO. they decided on their own.


tapos biglang pagdating kay Yayo, nagkaron ng "botohan". ang sabi ng Endemol, as long as someone is willing to give up his/her slot, pwede na. pero ano, dinaan pa rin nila sa text votes. maybe because AYAW TALAGA NILANG PAKAWALAN SI GABY.




so now let's go back to the Big 4 issue.



ngaung mga nakaraang araw, nagkagulo (OA naman) sa bahay ni kuya. dahil din mismo sa mga housemates.


eto din naman kasing mga housemates na 'to, mga pa-epal din. lang kwenta. masyado silang pa-safe. kahit si kuya kakalabanin nila basta masunod yung gusto nila. (ehem. gaby, istatchu?) may pa boycott boycott pang nalalaman.


o aun nga. nomination nang harap-harapan. it's a traditional "ritual" sa bawat season ng pbb na kelangan pagdaanan ng last 5 housemates. pero anong ginawa nila, binalewala nila. tinapon at inapak-apakan pa yung mga medallions. Will even said, "kuya, you wear this!". so ano kaya sa tingin nila ang mararamdaman ni kuya nun? kahit na sabihin nilang joke yun, duh?! seryosong bagay yun gagawin mong joke. pare, hindi lahat ng bagay nadadaan sa joke. and tulad nga ng sabi ni kuya, dapat matutunan nilang mag-joke at the right place and at the right time.


then after some time ng hindi pagkausap sa kanila ni kuya, pinaulit niya yung nomination. but this time, they really have to do it, OR ELSE. this would prove kung paninindigan ba nila yung sinasabi nilang "BOYCOTT". pero aun, wala silang nagawa kundi sumunod sa utos. but wait, there's more! si jon, nagpauso nung "there are 5 medallions. there are 5 people." basta gusto niyang palabasin na i-nominate nila ang isa't isa. and so they did.


hai nakoo.. basta. gaby even supported the idea. kaya nga na-gets na rin nung ibang housemates eh. pero siguro kung kay gaby nanggaling yun, wushoo.. baka hindi nila pinatawan ng forced eviction yun. haha.


kung tutuusin nga, kay gaby pa nanggaling yung first move/idea eh. siya ang unang nagsabi na "What if they ask us to nominate, should we walk out?" at lumabas pa yung boycott boycott. dun pa lang, obvious naman na db? pinag-usapan din naman nila ang nomination SA LABAS NG CONFESSION ROOM. so bakit kelangang yung sinabi ni Jon na "Are you thinking what I'm thinking..." ang paulit-ulit na iparinig sa kanila?! sus kuya. napaghahalataan ka niyang pinaggagagawa mo eh. tsk tsk.



at aun nga. lalo pang nakapagpadagdag sa inis ko, si jon ang na-forced eviction because of what he said. although kasalanan niya nga naman talaga eh. nagpakatanga siya. nagpauto siya dun sa mga kasama niya. parang, hello?!? kahit naman sabihin nilang mahal nila ang isa't isa at para sa kanila ay wala dapat matanggal, competition pa rin yan. talo-talo pa rin yan sa huli. kaya ngayon, ano? asan si jon? andun sa labas. nawala ang chance na makasama sa Big 4. sabi nila sama-sama hanggang sa huli ah? edi samahan dapat nila si Jon sa paglabas niya. WALA NA DAPAT BIG WINNER.



tapos pa, nung inulit kagabi yung harapang nomination, na pinasabi sa mga housemates kung sino yung ni-nominate nila kay kuya at yung mga reasons na sinabi nila, eto na naman po si gaby.


ang ni-nominate niya kay kuya, si riza. ang sinabi niyang reason KAY KUYA, na si riza daw yung parang pinaka-hindi nag-improve sa kanilang lahat. pero nung pagdating na sa HARAP NI RIZA, ang sinabi niya is because parang naniniwala nga siya na Riza is beautiful and she will have a good career naman outside the house. kung anu-ano pa nga sinabi niya para lang paikut-ikutin yung sagot nya eh. but still, WALA DUN YUNG TOTOONG SINABI NIYA KAY KUYA.



bat ba ko galit na galit kay gaby?! bat ko ba siya inaaway ngayon? wala lang. naiinis lang talaga ko sa kinalabasan ng buong celebrity edition 2. napaka............ alam mo na.




madami pa kong nakikita at napapanood na kalokohan ng ABS especially PBB. pero hindi ko na iisa-isahin dahil baka abutin pa tayo ng next season. kung tutuusin, mas gusto ko pa yung PDA eh. kasi at least dun, talent talaga ang tinitignan. magpaka-plastic ka man, so what?! basta magaling ka, panalo ka. (well, i guess that's not for yeng's case. haha.)







basta isa lang masasabi ko ngayon para tapusin na 'tong hate post na 'to.





ang ayoko sa lahat eh yung MUKHANG PERA. inuuto yung mga tao para lang kumita sila. tsk tsk. mabilis bumalik ang karma. maghintay lang kayo.

















** ang haba pala nito. hahaha... **