at the most unexpected place.
Where?
At the Zoo.
Avilon Zoo to be exact.
When?
Yesterday.
January 19, 2008.
How?
Nagkasalubong kami.
And that was it. Dun na nagsimula ang lahat.
Why?
Anong why?!? pwede bang tanungin kung bakit?! ano ba.
hahaha... but wait, the most important question:
Who?
his name's Louie.
we have a picture together. as in kaming dalawa lang. shucks, kinikilig ako!!! haha.. ang sweet niya talaga, grabeh. no wonder nahulog agad ang loob ko sa kanya.
haai.. sana magkita pa uli kami. pero parang ang imposible kasi eh.... nagkataon lang na nagkita kami kahapon... :(
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Yesterday, Alexis, Nash, and I went to the Avilon Zoo. we had to go there for our reaction paper in Soc Sci 1 about the primates' behavior. even if our report's about them na, kelangan pa rin namin silang i-observe nang malapitan sa totoong buhay. syempre para mas real yung dating.
we arrived there at about 11:00 am. diretso gala na kami para makarami. we decided to just have a late lunch. lunch-erienda na lang.
sa dami ng mga nakita namin, ayoko nang isa-isahin. and besides, nakalimutan ko na rin kasi yung iba. i'd just kwento the highlights.
habang nag-iikot kami, napunta kami sa gitna ng zoo. andun yung mga pwede kang magpa-picture sa birds (na nasa balikat mo) at sa snake (na nakapulupot sa leeg mo). syempre tingin tingin kami. tsaka nga pala, may mga kasabay kaming NAPAKAraming bata. kasi madaming may fieldtrip kahapon. edi aun. magulo.
tapos eto na. may nakita kami sa isang side, may mga koreanong may pinagkakaguluhan na ewan namin kung ano. so pinuntahan namin para maki-usiyoso. and what did we see?!?! AN ORANGUTAN!! woohoo!! hahaha... ang babaw eh noh. wala lang. eh kasi yun kaya report namin! primates.
pero wait, hindi naman yung pagiging orangutan niya yung nakatuwaan namin eh. what amazed us was the fact na binubuhat siya nung mga batang koreano!! ang galing!! hahaha... so syempre kami naman, naki-FC kay Kuya Trainer niya. at palalampasin ba naman namin ang chance na mabuhat din si orangutan guy?! of course not! so pagkaalis nung mga koreans, kami naman. bwahahaha....
nalaman namin kay kuya habang kinakausap namin siya na ang binuhat pala namin ay si Louie. yes, he's Louie. he's a 2 y.o orangutan na pakalat-kalat sa Avilon. may sarili pa nga siyang tambayan eh. adik. siga sa zoo!
magaan lang siya. hairy, mabuto, pero fun. fun na as in fun siyang kasama!! fun siyang buhatin, fun siyang kausapin, etc. haai.. ang saya talaga. first time ever in my life na nakabuhat ako ng primate. (oops! primates din pala ang humans. hahaha.)
oh well. aun. syempre hindi naman pwedeng ubusin namin ang oras kay Louie kaya nagpasya na kaming humiwalay sa kanya. malungkot man pero kailangan. :(
pagkatapos kay Louie ay gumala uli kami. ngunit nakatatak na sa aming mga puso't isipan ang larawan ni Louie. (shucks, bat ba ang drama ng mga banat ko?!?)
nang nagutom na kami ay nagpasya na kaming bumalik sa entrance/lobby/whatever upang kumain at mag-luncherienda na. but wait, nawindang kami (lalo na ako) nang makita namin ang presyo ng "packed lunch" nila. tumataginting na 95 pesos. kamusta naman un db?! daig pa ang Jollibee/Mcdo/etc. sa presyo.
eh singkwenta pesos lang, mabubusog na ko sa No. 7 ng Mcdo eh. may dala pa kong McMoney nun so may discount pa sana. haai.. pero ano pa nga bang magagawa namin kundi bumili. Grilled Porkchop kay Nash at "Chicken Teriyaki" sakin. May baon na bacon si Alexis.
bakit may quotation marks ang Chicken Teriyaki? wala lang. naiinis lang ako. kasi nung pagkabukas ko nung styro, ano ang tumambad sa aking gutom na gutom na mga mata?! isang pagka-liit liit na Chicken nuggets lang ata. badtrip talaga. sa Mcdo, malayo na ang mararating ng 100 ko!! may BIG MAC na ko nun!!! grr. pero uli, ano ang magagawa ko, kundi kainin yung "Chicken Teriyaki" na yun.
haai.. o tapos aun, pagkatapos kumain, ikot uli. kung san san na naman napunta.
nakarating kami sa caves na "NO CAMERAS ALLOWED" DAW. pero ano, pasaway kami eh. syempre picture dito, picture dun pa rin. kelangan kaya namin yun!
nakapunta kami sa mga Arapaima na pwedeng pakainin. bibili sana kami ng pangpa-kain kaya lang sabi namin babalikan na lang namin after namin kumain, pero wala. nakalimutan na namin. haha. [grabeh, puro NAMIN yun ah.]
napunta kami sa reptile house, kung nasan ang mga ahas, iguana, etc. syempre picture picture uli. but no, sabi ni kuya tour guide ng mga may fieldtrip, BAWAL DAW MAG-PICTURE dun. buti na lang patapos na kami bago sila dumating. at least madami na kaming nakunan. bwahaha.. sinita pa nga ko eh. hmp.
nadaan kami sa may White Peafowl. and as expected, white siya talaga. ang ganda nga eh. kasi para siyang ikakasal. ang sarap ilagay sa gown yung mga mata niya. [oops! bawal yun!!]
at ayun. nung malapit nang mag-3:30 (dahil yun ang sabi ni dadi na time na susunduin niya kami), medyo nagmadali na kami. tapos nung napag-usapan namin ang kangaroo, naisip ko na may nadaanan kaming "kangaroo" kanina. so sabi namin, pupunta kami dun.
pero wait, hindi kangaroo ang nakita namin, kundi another orangutan!! woohoo!! kasi habang naglalakad kami, may nakita kaming mga tatlong tao na may hawak na orangutan. as in kasabay nilang naglalakad at hawak nila sa kamay. kaya akala namin, si Louie uli!!
pero nang makita namin na pambabae na yung damit, napaisip kami. pero syempre nilapitan pa rin namin. at nakita nga namin si Kuya Trainer na naka-blue na may dala kay Louie kanina. so kami, tawag nang tawag ng "Louie!! Louie!!"tapos sabi ni Kuya, "Si Camille yan."
edi pahiya kami. bwahahaha... edi aun. namangha naman kami dahil hindi lang pala si Louie ang taong orangutan sa Avilon. tapos aun.nagkwento si kuya na lima daw sila, pero yung dalawa, nasa Tiendesitas. So tatlo na lang sila na andito sa Avilon. Si Louie, Camille, and Trixie. si trixie hindi namin nakita eh. sayang.
napag-alaman namin na mas matanda si Camille kesa kay Louie. Mas mabigat kasi siya tsaka mas makulit eh. makulit in a sense na may pagka-pasaway. nang-hahablot ng kamay. haha. mas mabait si Louie. tsaka sabi ni kuya kaya nangungulit na daw yun, kasi gutom na daw tsaka malapit na daw kasi sa bahay nila. kaya aun. after magpa-picture, nag-babai na kami kay Camille at kay Kuya Trainer na naka-blue.
after dun, pinuntahan na namin yung Tree Kangaroo para ma-disappoint na hindi pala yun ang Kangaroo na ine-expect namin. so bumaba na kami at nagdesisyong pumunta na sa Exit ng Zoo. kasi andun na daw si dadi.
pero bago lumabas, dumaan muna kami sa souvenir shop. bumili ako nung kanina ko pa gustong bilhin na transparent na colored na hat. (ang gulo noh?) ah basta. pink yun.
tapos may nakita kaming shirt na may picture ng primate sa harap. sabi ni ate nagtitinda, si Camille daw yun. so kami parang, "Wow! sikat si Camille!" "mas sikat siya kay Louie." et cetera.
then aun, lumabas na kami at tuluyan nang nagpaalam sa Avilon Zoo.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
habang nag-iikot kami at tinitignan at pinapanood ang mga hayop sa loob ng mga kulungan nila, naaawa ako. kasi kung iisipin mo, gano katagal na sila dun? ilang taon na silang nasa loob ng mga cage/kulungan na yun? matagal na. at ano lang ang ginagawa nila? patakbo-takbo sa napakaliit na lalagyan.
yung mga leopard, tiger, puma, etc, paikot-ikot lang sa loob ng masisikip na kulungan imbes na sa kagubatan kung saan ay malaya silang nakakatakbo.
yung mga ahas, nasa kulungan lang na kasing laki ng aquarium, imbes na sa mga puno sa kabundukan.
yung mga pagong at mga isda, nasa mga aquarium na maliliit na ilang taon na atang hindi napapalitan yung tubig imbes na sa malawak na karagatan.
yung mga ibon, nakakulong sa mga hawla imbes na malayang nakakalipad sa kalangitan.
yung mga unggoy na report namin, nasa kulungan imbes na malayang nakakalakad at nakakasabit sa mga puno sa liblib na kagubatan.
kumbaga, yung mga hayop na dapat eh malayang nakakapamuhay, unti-unting namamatay sa loob ng mga kulungan nila. nakakamatay din kaya ang sobrang pagka-bore! pero seryoso, hindi sila karapat-dapat na nakakulong dun.
kung tao nga, ayaw na ayaw na nakakulong eh. at saka, bakit ganun? marami diyang mga kriminal na malayang nakakagalaw, malayang nakakapamuhay, imbes na dapat eh pinagbabayaran nila yung mga kasalanan nila sa kulungan.
BAKIT ANG MGA HAYOP SA ZOO, NAKAKULONG KAHIT NA NANANAHIMIK NAMAN SILA SA MGA KANYA-KANYA NILANG TIRAHAN?
Bakit, pumapatay ba sila ng tao? Hindi naman ah. maliban na lang kung tao rin mismo ang kakanti sa kanila. malamang manlalaban sila.
at habang tinitignan ko sila, yung iba, nakatingin din sakin. sa mga mata ko. at nakikita kong malungkot sila. hindi sila masaya. sino ba namang magiging masaya sa ganung kundisyon? kung pagaganahin ko ang imagination ko, para silang humihingi ng tulong. pero ano nga bang magagawa ko?! wala naman akong pera para bilhin lahat ng mga hayop na yun at sabay sabay silang pakawalan. wala naman akong kapangyarihan para ipag-utos na ipasara ang lahat ng mga zoo sa mundo. WALA. wala akong magagawa.
oo nagda-drama ako dito. pero siguro, nabuksan lang talaga ang isipan ko pagkatapos ng pagbisita ko sa zoo kahapon. at hindi rin naman ako manhid noh. may puso ako. at hindi bato ang puso ko. marunong akong maawa. marunong akong maki-simpatiya. kaya nga nalulungkot din ako para sa kanila eh. HINDI SILA KARAPAT-DAPAT MAKULONG DUN. :(
** pictures namin!! woohoo!! ZOO-fari Trip!
i found my First Love...
by jesse at 1/20/2008 07:22:00 PM
Tags: Jesse, Other Life
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment