debut. 18. party. pano?

honestly, hindi ko alam. wala akong idea.

i just want to have my OWN party!

i wanna have a night i can call my OWN.

yung ako yung bida.


ako ang prinsesa.




i know ang corny nang dating, but it's true. that's how i feel.

pero sa mga nangyayari ngayon sa mundo (actually sa amin lang), parang ang hirap nang mag-imagine nang ganun.

ang hirap nang mag-isip na may mangyayari talagang ganun.


yung posible.



kasi, unang-una, mahirap akong mag-organize at mag-ayos ng sarili kong party dahil hindi ko alam kung magkano ang ibibigay saking budget.

eh ni hindi ko nga alam kung may budget pa eh! (dahil nga sa wrong timing na pagpapagawa ng bahay na yan.)

kahit na gustuhin ko mang mag-search na sa net, sa mga mags, dyaryo, etc. na tungkol sa parties (e.g venue, photographer, invitations, sovenirs, etc), WALA AKONG MAGAWA.


hindi ako nag-e-expect ng Manila Hotel or kung ano mang five-star hotel dito sa Pilipinas. pero syempre, yung presentable naman sana kahit pano. as i said, i wanna be a princess even for just a night. masama ba yun?


i once thought of giving/having an "online invitation". yung tipong sa email ko na lang isesend yung invitation. parang e-card. para tipid db? no need for those printed cards na itatapon lang din naman ng mga guests mo after. and besides, sa online invitation ko na yun, pumunta ang gustong pumunta. GM siya kumbaga. Group message. send to many. basta lahat makakatanggap. kahit di tayo close, pumunta ka kung gusto mong maki-party. it's open for all.



habang nag-i-internet ako dati, may nadaanan akong site. basta tungkol siya sa onsite photo booths. yung magpo-pose ka lang sa camera/booth na yun for four consecutive shots and then after a few minutes, printed na. galing db. Fotoloco yung una kong nakitang ganun. But then siyempre, para ma-compare, I tried to search for other booths na ganun din ang concept. i found Fabfoto, Cliquebooth, and Bai Capture. basically, pare-pareho lang naman silang photo booths. pero sa presyo lang nagkakataluhan.


well actually hindi naman masyado eh. 11k-15k yung range ng unlimited shots/prints (for 3 hrs). kung iisipin, mahal talaga. pero pag naman naiisip ko yung mga bigla ka na lang papalingunin at papangitiin kasi pipicture-an ka. tas after ng party, pag pinapakita na sayo, ang panget ng itsura mo. and worse, ikaw pa magbabayad. eh at least kung yung photo booth, pwedeng group kayo. at least masaya db?


haai... sandali, sandali.


nagugulumihanan na ko. hindi ko na 'to kaya.


alam ko almost 7 months pa before ng 18th birthday ko. medyo matagal pa. pero syempre naman noh, ayoko namang madaliin yun kung kelan malapit na. crammer na nga ko sa school, crammer pa rin ako hanggang sa debut ko?! NO WAY!!

0 comments: