I've been tagged twice. First by Ate Kristia, then JM. bat ba nauuso 'tong tag tag na 'to? haha.
THE RULES:
1. Each blogger starts with ten random facts/habits about themselves.
2. Bloggers that are tagged need to write on their own blog about their ten things and post these rules.
3. At the end of your blog, you need to choose ten people to get tagged and list their names.
4. Don't forget to leave them a comment telling them they're tagged, and to read your blog.
bahala na. kung anu-ano na lang ilalagay ko dito. haha.
1. lately ay na-a-adik slash naiirita ako sa Me na Me ad ng Smart Buddy. ilang posts na ang inilaan ko para lang awayin slash i-promote yun. nakoo. i even uploaded the TV Commercial! gosh. until now, di pa rin ako maka-over dun. ano ba yan.
2. i hate CRS as much as it hates me. HABIT na yan. every pre-enlistment period.
3. i'm currently drooling over ASUS EEE PC 900. i want it. i need(?) it. Buy me one, please!! hahaha...
4. whenever i want something, usually techie gadgets, i always search for it in Google, YouTube, and even here in Multiply. i always look for its reviews, pictures, user comments, and of course the price. but that's all i can do. SEARCH.
5. i hate NICOLE of PBB. period.
6. i'm a member of the PBBTEP group here in Multiply. but i hate that show, actually. although i watch it every night. hahaha. ang gulo. :))
7. i can't leave the house without: my cellphone, my comb, and money. that's all i need to survive.
8. i'm not into branded things. i even like imitation stuffs more than those super duper expensive whatevers. allergic ako sa kanila, actually. mas gusto kong bumili sa tiyangge kesa sa mga shops sa malls, boutiques, etc. maybe because i don't have the money to spend? haha. ewan. :)) pero kung libre, or regalo, why not, db?! :))
9. mabilis akong maawa sa mga pulubi/palaboy/streetchildren/abandoned people/street vendors/etc. i even cried once nung nasa gasoline station kami, eh naka-open yung window ng dad ko. then may isang nagtitinda na sumungaw sa window nya, selling a certain kind of basahan. sosyal na basahan, not those pranela kind. eh of course, we don't need that naman. first because may basahan na kami, second is mahal kasi. so my dad said na hindi sya bibili. eh the guy kept on showing it, na parang namimilit talagang bumili. until natapos nang magpa-gas and we had to go na. tas wala lang. ewan. naiyak ako nun. kasi.... basta. unexplainable. haha.
10. materialistic akong tao. gusto kong yumaman. gusto kong mabili lahat ng gusto ko. i love techie stuffs. gadgets. whatevers. so kung mag-re-regalo ka sakin, siguraduhin mong product of technology yun ah. haha. ;)
And now, I pass the ball (dribol, dribol) to:
1. Mara Atienza
2. Cathy dela Cruz
3. Therese Basco
4. DJ de Jesus (wala kang guestbook! but still, you're tagged! haha.)
5. Rose Chua
6. Jill Samson
7. Jio Victorino
8. Klyndale Mercado
9. Marjorie Turiano
10. Yna Jimenez
:)
Tagged Twice.
by jesse at 5/28/2008 11:01:00 PM
0 comments Tags: Jesse, repost
as usual, galit na naman sa'kin si CRS.
by jesse at 5/28/2008 01:49:00 AM
ano pa ba namang bago? lagi namang ganun eh. sanay na ko. 1st yr 2nd sem, 1st yr Summer. asan ang priority dun? 1st yr 1st sem ko lang naman talaga na-feel yang priority priority na yan eh. edi lalo na ngayon. lalo na siyang naging malupit sakin. hai nakoo.
9 units. underload. :|
pero hindi pwede. hindi ako makakapayag. kaya syempre, ano pa nga bang magagawa ko, kundi mag-prerog na naman. eh pano kung hanggang sa pag-p-prerog malasin ako?! ubos na lahat ng slots sa mga pag-p-prerog-an ko, hindi na tumatanggap ng prerog yung prof, etc. ano pa? san na ko pupulutin?
maswerte na nga ko kung tutuusin nung 2nd sem eh. tinanggap pa ko ni Mam Mangahas sa Soc Sci 1 (pero ang baba ng grade ko! huhu.) at nag-open ng bagong section sa Tenpin Bowling kaya hindi pa ko na-underload. eh pano kung ngayon, wala na? as in WALA. waaah. :((
oh well. ang luwag tuloy ng sched ko (look at the spaces). SA NGAYON.
pupunuan ko pa yan. PRAMIS. :|
DIAZ, MARY JESSELLE CRUZ 200703978
Bachelor of Science in Business Administration
1st Semester 2008-2009
Total units : 9.0
Note : Those in grey are subjects in conflict
Time | Monday | Tuesday | Wednesday | Thursday | Friday | Saturday | Sunday |
---|---|---|---|---|---|---|---|
08:30 AM - 09:00 AM | Stat 101 WFR2 | Stat 101 WFR2 | |||||
09:00 AM - 10:00 AM | Econ 100.1 HK3 | Stat 101 WFR2 | Econ 100.1 HK3 | Stat 101 WFR2 | |||
10:00 AM - 11:00 AM | |||||||
11:00 AM - 01:00 PM | PE 2 CHL WEG | ||||||
01:00 PM - 03:00 PM | |||||||
03:00 PM - 04:00 PM | Econ 100.1 HK3 | ||||||
04:00 PM - 05:30 PM | BA 99.1 THY | BA 99.1 THY |
Class Code | Subject | Units | Section | Schedule | Instructor(s) | Status |
---|---|---|---|---|---|---|
17705 | BA 99.1 | 3.0 | THY | T Th 04:00 PM-05:30 PM BA 305 | TBA | enlisted |
67276 | Econ 100.1 | 3.0 | HK3 | T Th 09:00 AM-10:00 AM SE AUDI Th 03:00 PM-04:00 PM SE 105 | TBA | enlisted |
24929 | PE 2 CHL | (2.0) | WEG | W 11:00 AM-01:00 PM NEW GYM | PERENA, LALAINE ROSENDA JUAREZ | enlisted |
70001 | Stat 101 | 3.0 | WFR2 | W F 08:30 AM-10:00 AM TBA | JACOB, REBECCA LEE | enlisted |
KAMUSTA NAMAN ANG 4 SUBJECTS?!? :))
"me na me" mania!
by jesse at 5/22/2008 12:15:00 AM
haha. whatevs.
si CJ ang adik. talagang nag-print screen pa para makuha yung banner ad ng Smart Buddy at ipang-asar sakin! hahaha... :))
so share ko na rin sa inyo. :D
tas may nahanap pa ko form other sites naman. grabehan na 'to ah. lakas ng powers ng smart. kaya aun. print screen din ako at crop isa isa! grabeh.
o db adik? ganyan ako ka-affected!!! hahaha... :))
from now on, mag-p-practice na me para naman maka-relate me sa inyo. hahaha..
ME NA ME talaga!!!!! :D
*multiply version*
*thanks to CJ for the effort. haha!*
0 comments Tags: Jesse, Other Life
Me na Me!
by jesse at 5/21/2008 12:40:00 AM
"si Piolo, naka-Smart Buddy na!!"
shet. shet. shet.
db kakasabi ko lang na iritang-irita ko sa ME?!?! at U?!?
leche. dumagdag pa 'tong smart na 'to.
nung napanood ko yung commercial, parang..
"wat da heck is dis?!"
eto ha. iisa-isahin ko.
kay Piolo:
"Dito Lang Me Merong Kakampi"
kay Angel:
"Dito Lang U Angat Palagi"
kay Kim at Gerald:
"Huling Huli Ang Kiliti" (ok, walang me and u dyan.)
at syempre, ilang beses inulit-ulit ang "me na me".
ayos db?
lakas mang-asar. X(
pagkatapos naman, nawindang ako. hanggang dito ba naman sa multiply sinusundan ako?!
arrgh.
pagtingin ko isang beses sa banner ad sa taas ng inbox ko, isang green na green na "me na me"!! kasabay ng mga mukha nila piolo, angel, kim, at gerald!!
ampotek.
nananadya ata talaga sila eh.
nakoo...
wala lang. at talagang nag-aksaya pa ko ng oras para mag-post ng tungkol sa Me na Me na yan dahil sobrang naiirita ko pag nababasa't naririnig ko yan. grr....
pero yung nanay ko ganyan ang ginagamit pag nagtetext sakin. :|
hahaha!!! adik!!! :))
0 comments Tags: Other Life
Vandalism: The UP Approach
by jesse at 5/17/2008 01:06:00 AM
got this from Nash. MAJOR LAUGHTRIP TALAGA!!! =))
FA Wall:
"nobody cares"
somebody answered:
"not even the carebears?"
then another:
"not even kier?"
then:
"not even zoren?"
lastly:
"not even zorro?"
all written by different people.
AS:
AS chairs:
"push button to eject seatmate"
"push button to eject urself"
"push button to kill teacher."
"push button to eject teacher"
....reply: "it's jammed! We're doomed!"
AS chair :
"you know bobo? bobo is you!"
AS 1st floor CR:
"if you forget the past, then you porget the purious.."
AS 1st floor CR uli:
" Im a simple gay "
tapos me sumagot
"sira! Dapat 'Im simple and gay!' Taga peyups ka ba? duh! "
tapos me sumagot ulit (with matching arrow pa na nakaturo dun sa reply)
"sira ka rin! yung simple is used as an adjective tapos yung gay is used as
a noun. kaya ok lang yung simple gay nya!"
CHEM:
Chem chair:
"push button to spray acid on prof's face."
Another chem chair:
"You Boron!!!"
BIO:
Bio chair:
"Push cadaver to haunt teacher."
FO Santos:
"SA MGA NAGTATAPON NG BASURA DITO... bawal."
ENG'G:
Sa Men's CR, facing the urinal:
"Hawak ko saking mga kamay ang kinabukasan ng bayan!"
Reply:
"the future you are holding is very small."
GAB:
sa likod ng armchair sa isang room sa GAB:
"takas ng ward 7"
MATH:
sa cr sa may math building:
"SUMAPI SA NPA! "
may sumagot:
"PAANO? "
may sumagot pa:
"MAGFILL UP NG COUPON AT IHULOG SA PINAKAMALAPIT NA DROP BOX SA SUKING TINDAHAN!"
sa math building, sa likod ng isang "teacher's chair" sa 3rd floor:
"BABALA: asawa ni babalu"
sa math 3rd floor, sa isang upuan uli.
"you'll NEVER find what you're looking for"
May nag-reply:
"find x."
sa math 3rd floor, sa isa pang upuan uli.
nakasulat sa armchair:
"F*CK DA WORLD! "
ta's may sumagot:
"F*CK U TOO!
--WORLD—"
3rd floor math cr:
"kaibigan, pagkapatos mong umihi, paki PLUS mo naman, hehehe."
UPIS
sa loob ng music room.
"maam _______(music prof) boses palaka! "
tas may sumagot
"nakarinig ka na ba ng boses ng palaka "
tas may sumagot uli
"weh "
tas may nag-react uli
"oo, sabi kokak!kokak!"
VINZONS:
Wall ng vinzons
"Do not steal. The government hates competition"
men's cr sa Vinzon's:
"remember: the hands that clean this toilet are the same hands that cook
your food."
men's cr waaaay above the urinal:
"if you can reach this, the fire department wants you!"
NIGS:
sa isang upuan:
"f*ck nigs!"
may nagreply:
"who's nigs?"
MAIN LIB
Sa isang lamesa ng main lib, filipiniana section:
"UP STUDENTS HAS BECOME PATETHIC"
tapos may sumagot...
" mali pang grammar at spelling mo, halatang di ka taga UP"
KALAI:
nietzsche-"god is dead"
God- "Nietzsche is dead!"
SC:
sa labas ng PNB:
"in case of emergency break ass and push butt"
sa girls' CR:
"Bawal ang vandal Dito!...
Mommy said: First Aid Terramycin"
"My boyfriend and I had sex and now I'm pregnant"
Reply:
"Pray to God"
hahahahaha... ayoko na!! =))
choose!
by jesse at 5/17/2008 01:03:00 AM
001. Coke ; Pepsi ; Moutain Dew ; Sprite ; 7-Up ; Diet ; Nestea ; Crush
002. American Idol ; America's Got Talent ; America's Next Top Model
003. Minesweeper ; Solitaire ; Hearts ; Backgammon ; Checkers ; Freecell
004. Cosmopolitan ; Teen Vogue ; Seventeen ; J-14 ; Teen People
005. TV ; computer ; music ; movies
006. Park ; movie theatre ; mall ; friend's house
007. Haircut ; manicure/pedicure ; waxing ; facial
008. Soap ; toothpaste ; shower gel ; bubbles
009. Ciggarettes ; drugs ; alcohol ; none
010. Earrings ; bracelets ; necklaces ; anklets ; rings
011. Prep ; goth ; skater ; rocker ; bitch
012. Mom ; dad ; sister ; brother
013. Blonde ; brunette ; redhead ; black hair
014. Dog ; cat ; rabbit ; hamster ; guinea pig ; mouse ; ferret ; lizard
015. Boys ; girls ; both
016. People ; animals
017. Cute ; sexy ; beautiful ; pretty ; good looking
018. Purse ; wallet ; bag ; backpack ; pocket
019. Nose ; eyes ; ears ; smile ; teeth
020. Pen ; pencil ; marker ; crayon ; pencilcrayon ; sharpie
021. Mp3 player ; iPOD ; CD player ; boom box
022. CDs ; cassettes ; DVDs
023. Horror ; comedy ; drama ; thriller ; action/adventure ; fantasy ; romance
024. Surveys ; icons ; quotes ; pictures ; banners
025. Numbers ; letters ; symbols
026. Water ; soda ; juice
027. Sun ; rain ; snow ; hail ; wind
028. Make-up ; hair products ; skin care products
029. Clothes ; jewellery ; trends/fashion
030. School ; summer ; summer school ; winter/spring break
031. Building snowmen ; making snow angels ; having a snow fight
032. Making surveys ; taking surveys ; posting surveys ; finding surveys
033. Rock ; pop ; hiphop ; alternative ; rap ; r&b ; classic rock ; punk rock ; metal
034. Lip gloss ; eyeliner ; foundation ; eyeshadow ; mascara
035. Reading ; writing ; singing ; dancing
036. Chips ; cake ; ice cream ; brownies ; popcorn
037. CSI ; Law & Order ; Missing ; Without a Trace ; Judge Judy
038. USA ; Canada ; South America ; Europe ; Asia ; Australia ; Africa
039. Laguna Beach ; The Hills ; Sweet 16 ; Made ; Room Rainders ; Pimp My Ride ; Yo Momma
040. Pizza ; burgers ; hot dogs ; chicken wings ; soup ; salad hahaha!!
041. Pink ; blue ; green ; red ; yellow ; orange
042. Videos ; songs ; soundtracks ; musicals
043. Reality TV shows ; comedies ; soap operas ; series ; crime shows
044. Webcam ; digital camera ; regular camera ; picture phone
045. Stickers ; temporary tattoos ; nail decals
046. Cups ; mugs ; clear glasses
047. Glasses ; contacts ; braces ; head gear
048. Muchmusic ; MTV ; MTV2 ; VH1 ; BET
049. Beyonce ; Britney Spears ; Christina Aguilera ; Avril Lavigne ; Hilary Duff
050. Eminem ; 50 Cent ; Joel Madden ; Gerard Way ; Pete Wentz
*got this from Judea. :)
0 comments Tags: Jesse, repost
ma-ART-e me!!
by jesse at 5/08/2008 12:47:00 AM
shet yang ME na yan. hahaha.. nakakainis. :))
parang, "wer na u? hir na me."
badtriiip!! hahaha... :))
pero wait!! hindi naman yan ang topic eh. game na!! :D
so yeah. maARTe ako. why? coz we went to the Vargas Museum!!
ngek, konek?! hahaha.. :))
ano ba, game na nga! :D
so kanina, pagdating ko na naman ng UP, diretso CASAA uli!!! :D
(lagi naman eh.) haha.. :))
nagbasa na naman ako ng readings for Art Stud 2, coz i'm such a studious student. hahaha. asa ka naman, jesse. :))
pero as usual na naman, NATULOG LANG ULI AKO!! masarap kaya matulog. TRY MO!! haha. :))
tas tinapos ko yung 16 pages na readings, dahil nga masunurin akong mag-aaral. but no!! pagdating ng prof ko, sabi ba naman, "We won't discuss the essay today. tomorrow na lang. kasi we'll go to Vargas Museum."
grrr............................ X(
talk about wrong timing!!! X(
pero syempre, ano nga ba namang magagawa ko, kundi kalimutan na lang lahat ng mga binasa ko. ano pa bang gagawin ko dun ngayon?! haai... :(
tas sabay sabay na kaming pumuntang Vargas. mahal ng bayad! bente!! hahaha... sana may discount pag required sa class. :))
tapos dun kami dinala sa 2nd floor. ayon kay Ate Louise (wow, close!! haha.), yung exhibit na yun ay parang ginawa for/after ng Komedya noon. ewan ko kung anong konek nun. siguro kasi madrama? ay ewan.
"Dramaturgical Revelations of Everyday Life" nga pala ang title ng naturang exhibit. so drama talaga. wahahaha... hai ewan!
obviously (nakoo, di naman masyado), tungkol sa everyday life ng mga tao tao yung mga art works dun. pero, puro luma na. mga 1948, 1939, etc. at ang pinakamatandang nakita ko dun, 1890. "Primeras Letras" by Simon Flores. o db, mas matanda pa sa lolo ng lolo ko. hahaha... ay hindi pala. tatay lang siguro ng lolo ko. haha, whatever. :D
so aun. nag-ikot ikot. it's non-linear, by the way. so kahit magpakahilo ka lang sa pag-iikot dun, ok lang. walang start, walang end. so mahihilo ka talaga. haha.
meron din silang interactive part dun, kung saan ay maaari kang mag-drawing ng mga kung anu-anong gusto mo. well, actually hindi naman as in kahit ano. mas masaya kung medyo related sa theme na "everyday life". gusto ko sana mag-drawing eh. kaya lang nakakahiya kasi ipo-post nila dun!! wahaha.. baka bigla pa kong ma-discover. i'm not yet ready eh. studies first. hahaha.. :))
habang ang iba sa mga classmates ko eh nag-d-drawing, ako ay nagliwaliw muna sa vargas. bumaba ako upang kumuha ng notebook at bolpen sa bag ko, tas sabi ni kuya guard, "meron pa dun, mam, oh." sabay turo ng isang pintong kulay puti.
eh tapos pala!! kasi nung habang nasa taas pa ko, may isang guy dun na naka-maroon na tumitingin tingin din. eh tapos nung pagbaba ko, andun din siya! tas nung tinuro ni kuya guard sakin yung puting pinto, tinuro din sa kanya!! edi magkasabay kami pumasok!! woohoo!!
ay hindi pala magkasabay. di kami kasya sa pinto eh. haha. siya muna nauna tas sumunod ako.
eh tapos tapos!!! sa loob, walang ibang tao!!! wahaha... kaming dalawa lang!!! hahaha.........
pero yun ang akala ko.
kasi biglang sumulpot ang isa pang kuya guard! nagbabantay ng gallery na yun. :(
haaai... oh well. at least sa unang mga limang paintings eh magkasabay kaming tumitingin. wahaha....
[hoi jesselle diaz, lumalandi ka na naman!! hahaha.. :))]
anyway, kung sa taas tungkol sa everyday life, yung sa baba naman eh tungkol kay GMA. hahaha.. nde. di naman masyado.
TIBAK works lang talaga yung mga nasa baba. may isang part dun na nakapost lahat ng mga MISSING, ABDUCTED, KILLED, etc. tas syempre hindi mawawala ang "OUST GMA!"
ayy.. hindi pala. REJECT GMA pala. haha. :D
tas meron din "OUST the Evil Bitch ARROYO"
tapos meron isa:
GLORIA
GOTO
with
HELL
sauce
si GMA, nagluluto, tas umuusok. tas may sungay siya. haha. nung unang kita ko, naisip ko, GOTO ba talaga 'to? hindi ko kasi nakita yung with tsaka sauce kasi maliit eh. tapos nung tinignan ko uli, GETS KO NA!!! GOTO nga!! nagluluto si GMA ng GOTO!! haha.
well, whatever. Gloria Go To Hell.
merong isa dun, di naman siya related sa ka-tibak-an. pero andun siya sa gallery na yun. nung una kong kita, "WOOOOW....." (di talaga exclamation point.)
"The Last Resort" ang title. may girl na nasa harap ng isang medyo lumang building. para siyang papasok sa loob. tas basta, parang club yung papasukin niya eh. in short, LAST RESORT nya na ang pagbebenta ng kanyang laman. (wow, drama.)
ahhh basta. madami pang magagandang works dun. try niyong pumunta if you have time. bente pesos lang naman eh. masarap tumambay dun! kasi aircon!! :D
tapos, tapos!! last na to, pramis.
may isa dun, CSI (yard) at CSI (laundry). can't explain kung anong andun, eh. sori. ang dami kasi. pero ang pinaka-nakapukaw ng aking atensyon ay ang mga nakasulat sa medyo baba.
magulo yung dating nito, kasi halo-halo sila dun. kaya kinuha ko na lang yung medyo naiintindihan ko.
love is real
love is you
love is feeling
love is knowing
love is free
love is living
love is needing to be
love is reaching
love is asking to be loved
ah basta. magulo noh? eh ganun eh, anong magagawa ko. haha. punta ka na lang dun para masaya!! :D
mwaah. :)
*akala ko Upperclass ka!*
by jesse at 5/06/2008 07:10:00 PM
*ALLSTARS* (na-starstruck ako!! sa UP pa!!)
*Paint Me a Picture Game*
*FFFUUUUUUNNN!!!!!!!*
my ordinary day in UP started nice. yes, nice lang. haha. as usual, since maaga kami dahil coding ang car, maaga na naman ako sa UP. at syempre, peyborit tambayan pag umaga:
CASAA!!! :D
pag-upo, basa agad ng readings. ay actually, hindi pala. tumunganga pala muna pansamantala. pinapanood ang mga dumadaan sa labas. pinagmamasdan si langgam sa mga ginagawa niya. tinititigan ang table ni kuya guard na "Please Wear Your ID".
at after some time, bumalik na ko sa aking sarili. nagbasa na ko for Art Stud 2. tinorture ko na naman ang aking sarili na basahin ang pagka-kapal kapal na readings.
pero syempre naman, knowing jesse, natulog lang ako. TULOG. TULOG. TULOG.
at pagkagising ko, WHATTA SURPRISE!! nakita kong pumasok ang ilang mga kalalakihan sa loob. medyo madami sila. hala! holdap!
hahaha.. whatever, jesse.
nakita ko ang dalawa sa kanila na nakasuot ng black na shirt. at sa likod:
AllStars
hmm... star talaga yung "a" dun sa Stars. gets? :D
eh di wala lang. na-starstruck lang ako. pero hindi sila kumpleto eh. puro mga guys lang ang andun. kain. usap. atbp.
eh naknangchorba naman, mga 8:25 na sila dumating. eh kelangan ko nang umalis ng 8:45 eh! kasi may class pa ko ng 9. edi aun. nakakalungkot. sana naman kasi inaga-agahan man lang nila ng konti. hmp.
ART STUD 2.
our topic: NAKEDNESS vs. NUDITY
cool db? may group activity kami. part 1, i-re-relate ang kalendaryo ni Angelica Panganiban (GSM Blue ata yun, or San Mig Light? ah basta, alcohol.) sa essay ni John Berger. (Ber-jer ha! hindi Burger! o ngaun alam mo na, pa-cheeseburger ka naman!!) (weh jesse, you're so korny talaga.)
tas part 2, Paint Me a Picture Game!!!!! ang saya saya. first time akong nag-enjoy sa Art Stud 2 class ko ngaung buong summer. para siyang charades, pero hindi. haha. basta, gets mo na yun!
mga pinagawa ni mam: James Bond, Maria Clara, Darna, FHM picture, at Spoliarium.
walang nanalo. eh kasi tie kaming 4 groups eh. haha. sayang nga eh, kasi 2 points talaga kami. eh hindi kinonsider yung una, kasi parang practice lang. hmp. haha.
tas yehey! lunch na! Katag mode na! :D
nothing special. binasa lang ang "Faith, Love, Time and Dr. Lazaro". weird. di ko masyadong gets kung ano nangyari. wala naman nagbago. ganun pa rin si Dr. Lazaro. :-/
naki-share sa table namin si Dessa, my Eng11 classmate and seatmate. :)
wala lang. :))
Eng 11!!!!!! as usual................................................. hmm.......... aun. :|
ay pero eto bago. habang wala pa si sir, nag-usap muna kami ni Meg my other seatmate. tas chorba, chorba. talk, talk. chika, chika.
eh nakita nya ung form 5 ko. kasi nakabungad sa file case ko. tas tinanong nya kung anong mga subjects ko this summer. di ko na sinagot kasi tinitignan nya naman na eh. haha. tapos sabi nya,
M: "ay first year ka pala?"
J: "hmm.. oo." (with the 'hala-bakit-bawal-ba-maging-freshie look')
M: "akala ko upperclass ka!"
J: "ahehe.." [speechless]
J: "bakit ikaw?"
M: "mag-f-fourth year na."
J: "ahh talaga?!"
M: "sabi nga nila, simula first year ako, hanggang ngayon, mukha pa rin akong first year eh." [tawa]
J: "hahaha.. hindi naman masyado eh." [di na alam sasabihin]
M: ".................."
J: "................"
o un. wala lang. haha. mukha na pala kong matanda. :))
umuulan kanina!!! kung kelan naman pauwi na ko oh. si rain talaga, lagi na lang wrong timing magparamdam. :(
if you read until the end, I LOVE YOU!! :)
0 comments Tags: Other Life, UP Life
my mental age is 18.
by jesse at 5/02/2008 10:26:00 PM
got this from cesca. :)
You know when your birthday is, but how old should you really be?
(Just put an x on the things you do)
[x] I know how to make a pot of coffee.
[x] I can cook for myself.
[x] I think politics are exciting.
[ ] My parents have better things to say than my friends.
= 3
[x] I show up for school/college/work everyday early.
[x] I always carry a pen/pencil in my pocket/purse.
[x] I've never gotten a detention
[x] I've watched talk shows.
[x] I know what credibility means without looking it up.
[ ] I drink coffee at least once a week.
= 5
[x] I know how to do the dishes.
[ ] I can count 1 to 10 in Japanese.
[x] When I say I'm going to do something, I do it.
[x] My parents trust me.
[ ] I can mow the lawn.
[ ] I can make adults laugh without being stupid.
[ ] I remember to water my plants.
[x] I study when I have to.
[x] I pay attention at school/college.
[ ] I remember to feed my pets.
= 5
[x] I can spell experience without looking it up.
[x] I clean up my own mess.
[ ] The first thing I do when I wake up is get caffeine.
[x] I can go to the store without getting something I don't need.
[x] I understand jokes the first time they are said.
= 4
[ ] I have realized that the weather forecast changes every hour.
[ ] I have realized that no one will take you seriously unless you are over the age of 25 and have a job.
[x] I can read a book and actually finish it.
= 1
yeebaah!! halos tama lang. i'm just 17, turning 18 on october. so ok lang. malapit-lapit na. haha.. :D
0 comments Tags: Jesse
mura lang! P555! bilhin niyo na ko!
by jesse at 5/01/2008 02:29:00 AM
Look over the following list and see how many things you have done. Add up how much you cost along the way.
TOTAL: P555
mura lang po ako. bilhin niyo na. hahaha... :))
0 comments Tags: Jesse