shet yang ME na yan. hahaha.. nakakainis. :))
parang, "wer na u? hir na me."
badtriiip!! hahaha... :))
pero wait!! hindi naman yan ang topic eh. game na!! :D
so yeah. maARTe ako. why? coz we went to the Vargas Museum!!
ngek, konek?! hahaha.. :))
ano ba, game na nga! :D
so kanina, pagdating ko na naman ng UP, diretso CASAA uli!!! :D
(lagi naman eh.) haha.. :))
nagbasa na naman ako ng readings for Art Stud 2, coz i'm such a studious student. hahaha. asa ka naman, jesse. :))
pero as usual na naman, NATULOG LANG ULI AKO!! masarap kaya matulog. TRY MO!! haha. :))
tas tinapos ko yung 16 pages na readings, dahil nga masunurin akong mag-aaral. but no!! pagdating ng prof ko, sabi ba naman, "We won't discuss the essay today. tomorrow na lang. kasi we'll go to Vargas Museum."
grrr............................ X(
talk about wrong timing!!! X(
pero syempre, ano nga ba namang magagawa ko, kundi kalimutan na lang lahat ng mga binasa ko. ano pa bang gagawin ko dun ngayon?! haai... :(
tas sabay sabay na kaming pumuntang Vargas. mahal ng bayad! bente!! hahaha... sana may discount pag required sa class. :))
tapos dun kami dinala sa 2nd floor. ayon kay Ate Louise (wow, close!! haha.), yung exhibit na yun ay parang ginawa for/after ng Komedya noon. ewan ko kung anong konek nun. siguro kasi madrama? ay ewan.
"Dramaturgical Revelations of Everyday Life" nga pala ang title ng naturang exhibit. so drama talaga. wahahaha... hai ewan!
obviously (nakoo, di naman masyado), tungkol sa everyday life ng mga tao tao yung mga art works dun. pero, puro luma na. mga 1948, 1939, etc. at ang pinakamatandang nakita ko dun, 1890. "Primeras Letras" by Simon Flores. o db, mas matanda pa sa lolo ng lolo ko. hahaha... ay hindi pala. tatay lang siguro ng lolo ko. haha, whatever. :D
so aun. nag-ikot ikot. it's non-linear, by the way. so kahit magpakahilo ka lang sa pag-iikot dun, ok lang. walang start, walang end. so mahihilo ka talaga. haha.
meron din silang interactive part dun, kung saan ay maaari kang mag-drawing ng mga kung anu-anong gusto mo. well, actually hindi naman as in kahit ano. mas masaya kung medyo related sa theme na "everyday life". gusto ko sana mag-drawing eh. kaya lang nakakahiya kasi ipo-post nila dun!! wahaha.. baka bigla pa kong ma-discover. i'm not yet ready eh. studies first. hahaha.. :))
habang ang iba sa mga classmates ko eh nag-d-drawing, ako ay nagliwaliw muna sa vargas. bumaba ako upang kumuha ng notebook at bolpen sa bag ko, tas sabi ni kuya guard, "meron pa dun, mam, oh." sabay turo ng isang pintong kulay puti.
eh tapos pala!! kasi nung habang nasa taas pa ko, may isang guy dun na naka-maroon na tumitingin tingin din. eh tapos nung pagbaba ko, andun din siya! tas nung tinuro ni kuya guard sakin yung puting pinto, tinuro din sa kanya!! edi magkasabay kami pumasok!! woohoo!!
ay hindi pala magkasabay. di kami kasya sa pinto eh. haha. siya muna nauna tas sumunod ako.
eh tapos tapos!!! sa loob, walang ibang tao!!! wahaha... kaming dalawa lang!!! hahaha.........
pero yun ang akala ko.
kasi biglang sumulpot ang isa pang kuya guard! nagbabantay ng gallery na yun. :(
haaai... oh well. at least sa unang mga limang paintings eh magkasabay kaming tumitingin. wahaha....
[hoi jesselle diaz, lumalandi ka na naman!! hahaha.. :))]
anyway, kung sa taas tungkol sa everyday life, yung sa baba naman eh tungkol kay GMA. hahaha.. nde. di naman masyado.
TIBAK works lang talaga yung mga nasa baba. may isang part dun na nakapost lahat ng mga MISSING, ABDUCTED, KILLED, etc. tas syempre hindi mawawala ang "OUST GMA!"
ayy.. hindi pala. REJECT GMA pala. haha. :D
tas meron din "OUST the Evil Bitch ARROYO"
tapos meron isa:
GLORIA
GOTO
with
HELL
sauce
si GMA, nagluluto, tas umuusok. tas may sungay siya. haha. nung unang kita ko, naisip ko, GOTO ba talaga 'to? hindi ko kasi nakita yung with tsaka sauce kasi maliit eh. tapos nung tinignan ko uli, GETS KO NA!!! GOTO nga!! nagluluto si GMA ng GOTO!! haha.
well, whatever. Gloria Go To Hell.
merong isa dun, di naman siya related sa ka-tibak-an. pero andun siya sa gallery na yun. nung una kong kita, "WOOOOW....." (di talaga exclamation point.)
"The Last Resort" ang title. may girl na nasa harap ng isang medyo lumang building. para siyang papasok sa loob. tas basta, parang club yung papasukin niya eh. in short, LAST RESORT nya na ang pagbebenta ng kanyang laman. (wow, drama.)
ahhh basta. madami pang magagandang works dun. try niyong pumunta if you have time. bente pesos lang naman eh. masarap tumambay dun! kasi aircon!! :D
tapos, tapos!! last na to, pramis.
may isa dun, CSI (yard) at CSI (laundry). can't explain kung anong andun, eh. sori. ang dami kasi. pero ang pinaka-nakapukaw ng aking atensyon ay ang mga nakasulat sa medyo baba.
magulo yung dating nito, kasi halo-halo sila dun. kaya kinuha ko na lang yung medyo naiintindihan ko.
love is real
love is you
love is feeling
love is knowing
love is free
love is living
love is needing to be
love is reaching
love is asking to be loved
ah basta. magulo noh? eh ganun eh, anong magagawa ko. haha. punta ka na lang dun para masaya!! :D
mwaah. :)
ma-ART-e me!!
by jesse at 5/08/2008 12:47:00 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment