feelingerong Pacquiao...

fan ka ba ni Manny Pacquiao?

kung oo, wag mo nang basahin 'to. baka ma-hurt ka lang. haha.




joke lang. bat ko naman aawayin si pacquiao?!? ang ating "Pambansang Kamao"? dapat siyang igalang dahil siya ang makabagong bayani natin ngayon. tuwing may laban siya, nagkakaisa daw ang mga Pilipino. so hindi siya dapat inaaway.... (nangangamoy sarcastic ba?)



ayoko kay Pacquiao.


maraming dahilan na hindi ko rin alam kung ano. pero basta, ayoko sa kanya. :|


kahit na marami akong naririnig/nababasa (ehem, Chris Tiu) tungkol sa kanya na mabait siya, at kung anu-ano pa, CARE KO?!

eh sa ayoko sa kanya eh.

lalo na ngayon.....




actually napa-post lang naman ako dahil nabalitaan kong hindi na matutuloy ang laban nila ni Hatton.

ang dahilan? DAHIL HINDI SILA NAGKASUNDO SA HATIAN ng kikitain sa laban.


at lalo akong nainis kay pacquiao. ang offer sa kanya, 50-50. equal.

pero AYAW NIYA. gusto niya, 60-40. syempre sa kanya yung 60.

tas last offer sa kanya, 52-48. siya pa rin ang mas malaki.


PERO AYAW PA RIN NIYA.




eh ano pa ba namang gusto niya?? hindi ko gets eh. siguro dahil wala naman akong alam sa boxing. pero bakit ganun. ganun na ba siya ka-sabik sa pera? hindi pa ba sapat kung ano mang karangyaan ang tinatamasa niya ngayon? bakit kelangan pa niyang maghangad ng mas malaki?

para makabawi dun sa laban nila ni De La Hoya na mababa lang ang napunta sa kanya? pero kahit na. parang ano ba naman. pa-importante ka masyado ha. porke ikaw ang "Pound for Pound" boxer ngayon, feeling mo ang galing galing mo na.

grr. naiinis ako. haha.


syempre affected naman daw ako masyado di ba. bat kaya. haha. ewan ko... naiinis lang talaga ko kasi bakit ganun. kelangan laging may lamang, laging may lugi.

WHY IS LIFE SO UNFAIR??


yun lang actually ang point ng pag-post ko nito. HAHA.







I'm such an irresponsible TRANS.

nalulungkot ako.


I KNOW.

wala akong kwentang trans.

ang dami ko nang pagkukulang.

marami akong mga hindi nagagampanang tungkulin.

  • madami akong events na hindi napuntahan.
  • ang points ko sooobrang layo pa sa required number of points.
  • tambay hours ko feeling ko kulang pa.
  • mga pirma sa tablet ko, kulang pa sa Fin at SE.
  • wala pang cover yung Tablet ko.
  • wala pa kaming plano ni Kuya Nico sa Buddy Date namin.
  • hindi pa ko naghahanda para sa Formal Interview.
  • marami pa kong hindi kilalang mems at kahit yung ibang co-trans.
  • at marami pang iba

ang hirap. kasi nagsabay-sabay lahat ng mga commitments ko ngayong sem.

ACADS
CWTS
UP ABAM
PERSONAL LIFE


ang week ko ngayon, parang bawal na kong mag-relax. araw-araw napakaraming kelangan gawin. gabi-gabi, kung hindi gumagawa ng pagkahaba-habang homework, nag-aaral para sa exam.

ang weekends, kung hindi for ABAM, kelangan naman sa CWTS. tapos sasabayan pa ng Exam sa BA 99.2 at Econ 100.2. wish ko makaabot pa ko nang buhay ng Monday.


ang hirap mag-schedule ng pang-araw-araw na buhay ko. parang lagi na lang may conflict. fieldtrip at seminar sa L. Arch 1, GK Build at food stall project every week para sa CWTS, different events for ABAM, at Multiply para sa pansariling kaligayahan ko.


lately naiisip ko, dahil kaya sa Christmas Break kaya nagkakaganito ako ngayon? kasi nung before naman magbakasyon, halos lahat (one missed lang) ng events napuntahan ko. lahat ng mga kelangan gawin, i-submit, sign-up-an, nagawa ko.

pero bakit ngayon, parang wala na.


hindi ko na alam.




minsan naiisip ko nga, E KUNG MAG-DEFER NA LANG KAYA AKO?