nalulungkot ako. 
I KNOW.
wala akong kwentang trans.
ang dami ko nang pagkukulang.
marami akong mga hindi nagagampanang tungkulin.

I KNOW.
wala akong kwentang trans.
ang dami ko nang pagkukulang.
marami akong mga hindi nagagampanang tungkulin.
- madami akong events na hindi napuntahan.
- ang points ko sooobrang layo pa sa required number of points.
- tambay hours ko feeling ko kulang pa.
- mga pirma sa tablet ko, kulang pa sa Fin at SE.
- wala pang cover yung Tablet ko.
- wala pa kaming plano ni Kuya Nico sa Buddy Date namin.
- hindi pa ko naghahanda para sa Formal Interview.
- marami pa kong hindi kilalang mems at kahit yung ibang co-trans.
- at marami pang iba
ang hirap. kasi nagsabay-sabay lahat ng mga commitments ko ngayong sem.
ACADS
CWTS
UP ABAM
PERSONAL LIFE
ang week ko ngayon, parang bawal na kong mag-relax. araw-araw napakaraming kelangan gawin. gabi-gabi, kung hindi gumagawa ng pagkahaba-habang homework, nag-aaral para sa exam.
ang weekends, kung hindi for ABAM, kelangan naman sa CWTS. tapos sasabayan pa ng Exam sa BA 99.2 at Econ 100.2. wish ko makaabot pa ko nang buhay ng Monday.
ang hirap mag-schedule ng pang-araw-araw na buhay ko. parang lagi na lang may conflict. fieldtrip at seminar sa L. Arch 1, GK Build at food stall project every week para sa CWTS, different events for ABAM, at Multiply para sa pansariling kaligayahan ko.
lately naiisip ko, dahil kaya sa Christmas Break kaya nagkakaganito ako ngayon? kasi nung before naman magbakasyon, halos lahat (one missed lang) ng events napuntahan ko. lahat ng mga kelangan gawin, i-submit, sign-up-an, nagawa ko.
pero bakit ngayon, parang wala na.
hindi ko na alam.
minsan naiisip ko nga, E KUNG MAG-DEFER NA LANG KAYA AKO?
0 comments:
Post a Comment