UP beats Ateneo, 68-58.

sa wakas.

NAKATIKIM NA NG PANALO ANG UP!!

at...

ATENEO pa ang tinalo nila..

ang number 1 team ngayon sa UAAP!

undefeated pa sila sa 3-0 bago ang laban na 'to.. pero ngayon, 3-1 na!!
Thanks to UP. ngek. hahaha...


ui pero i love Ateneo. UP lang kasi ang kalaban ngayon so syempre stick ako sa school ko db.


sobrang saludo ako kila:
-Woody Co (mo, niya, nating lahat.)

-Mark Lopez (hey, Eng1 classmate! haha.)

-Carlo Gomez
(bongga ka boy!)

-Alvin Padilla
(di kita masyadong trip dahil tinira mo si Salamat nung una. pero fine, isa ka naman sa nagpapanalo sa UP eh. haha.)

-Arvin Braganza
(go Number 8!!)

-Magi Sison


and others na in one way or another ay nakapag-contribute sa win ng UP!


Yehey to us all!!


i'm your lucky charm!! dahil ito ang first na panonood ko ng game ng UP ngayong season 72. tapos ito rin ang first win niyo!! hahaha.

grabeh lang.. parang tanga ko habang nanonood dito sa bahay. sigaw na ko nang sigaw.. tas para akong nag-exercise ng isang buong araw sa kakatalon. nakakapagod mag-cheer! pero k lang. fun naman!


super nag-boom sila nung 3rd quarter. tas buti na-sustain nila hanggang sa dulo.. kasi yun ang problema sa kanila eh. ok sa umpisa, tas biglang mag-co-collapse. pero at least ngayon, nakita ko talaga na aggressive sila. tas hinahabol talaga nila yung bola. nag-re-rebound at nag-de-defend sila ng maayos. yun ang UP Fighting Maroons na alam kong kayang makasama sa Final Four! woooo!!!

grabe. di talaga ko maka-get over. 68-58. sabi na nga ba i go for an upset eh!! woohoo!!! Major upset.


although i feel bad din for Ateneo. kasi syempre di ba. matatalo ka na nga lang, dun pa sa tinalo ng tatlong bottom dwellers din. ouch db.

nalulungkot ako sa itsura ni Kirk Long pag fino-focus ng camera. mukhang kaawa-awa. i like him pa naman kasi ang bait. tapos parang medyo madami siyang na-commit na turnovers kanina so ayun. baka na-gi-guilty. :(

anyway.. bonggang-bonggang panalo ito. morale-boosting! sana masundan pa!! haha.


YEHEY TALAGA. hahaha. yehey. yehey. yehey.


-------------

dun naman sa naunang game. yung Adamson-DLSU. sooooobrang nalulungkot ako for Adamson. lahat ng games nila, andun na eh. yung tipong one point na pagkatalo. OUCH. super ouch. mas masakit pa yung ganung pagkatalo kesa sa tambak eh.


yung against UST, one point lang. eh Adamson pa naman gusto ko manalo nun!!!! kasi they deserve to win. at syempre, ayoko lang sa UST. haha. (taga-UST ka ba? :P)

tas sa FEU, leading sila nung umpisa.. tapos yung tipong sila na sana eh. pero biglang nag-collapse. sayang. pero ok lang.. kasi FEU naman gusto ko manalo nun eh.

tapos kanina, against DLSU. one point na naman. sa overtime pa. 63-64 yata (nakalimutan ko na agad). as in one point na lang, pangalawang overtime na sana. edi mas may chance sana sila manalo.


at napansin ko lang.. yung against UST at DLSU na laban, parehong nanood ako. parehong 1 point loss. so naisip ko....

kung ako ang swerte sa UP, ako naman ang malas sa Adamson. sorry. :(


anyway......




i super missed UAAP talaga.

nakaka-miss manood ng games. nakakamiss yung ganitong nag-b-blog ako about it. nakakamiss yung nagbabasa ako ng articles tungkol dun. hai... the UAAP life.

tsaka i'm super excited na for the Cheerdance!!

UP Pep Squad na!!!

sana makakuha ako ng tickets. gusto ko uli manood ng live! :)


ayun.



Congratulations, UP Fighting Maroons!


let's go for 11-3!!! HAHAHA.



0 comments: