I'm anti-Ateneo na.

nakakainis ang ADMU, panira ng mga plano ko. haha.


kasi naman, super sayang ng FEU!!!!! sila dapat panalo eh. waaah. one point na lang sana, Overtime na.

kelangan matalo ng FEU ang ADMU by at least 5 points para sila ang maging Number 1 sa standings. overtime na lang sana ang pag-asa nila, pero wala eh. sayang yung last freethrow ni Cervantes. :((


super hot pa naman nila nung 1st quarter!!! ang laki laki ng lamang... tapos natalo pa rin sa huli.... :((

kelangan ko na tuloy mamili ngayon between UE at FEU kung sino ang gusto kong makalusot sa Finals. ang hirap naman. pano sa first game nila?! kanino ako kakampi?!? ang hiraaaaaaap...

for that, i'm anti-Ateneo na. sinira nila ang napakaganda kong mga plano. haha. gusto ko FEU dahil kay Barroca, Ramos, Cawaling, basta yung mga nag-Smart Gilas Team. gusto ko naman UE dahil kay Paul Lee, Llagas, at syempre Elmer Espiritu. so ano na?!?! ang hirap talaga....... :((

eh ang Ateneo naman, naka-Champion na last season eh. sana naman they can learn how to give chance to others. i hope they know how to share. haha.. oo na, magaling na sila kung sa magaling, pero namaaaan.. NAKAKASAWA.

pero grabe lang.. napakaraming twists ngayong Season 72.

una, natalo ng UP ang ATENEO at DLSU. haha. big deal yun noh. :))

pangalawa, first time na hindi nakasama sa Final 4 ang DLSU!! at pano ba yan, 6th place sila ngayon. ouch ba? WALA NA KASI SI CASIO AT MAIERHOFER EH. sila lang naman gusto ko dun. :P

pangatlo, UP lang ang nakatalo sa ATENEO sa eliminations. UP ang 1 sa "13-1" ng Ateneo. sabi sayo big deal yun eh. haha. :))

pang-apat, SIZZLING HOT ANG UE ngayon. hahaha. twist ba yun? ewan. basta umaapoy lang sila ngayon. :)) kaya talagang sila ang GUSTO kong mag-Champion.

hindi naman yan sa pagka-sweep mo eh (almost! say thanks to UP, Ateneo. hahaha.). remember Season 70? 14-0 ang UE, pero hindi pa rin nag-champion. (kinakalimutan na dapat yung mga panahong yun eh. haha.)

although AFTER that season, bigla na lang nilang naisipan yung rule na pag naka-sweep ang isang team sa eliminations, automatic Champions na. ang badtrip lang db. salamat sa pag-iisip nun ah. napakaganda ng timing niyo. THANKS BUT NO THANKS.

pang-lima, hirap na hirap ang UST sa elimination round. period. wala na daw kasi si Jervy Cruz. though pumalit naman ang "ATM" na Ababou, Teng, at Mirza. pero keber. sino lang bang mga natalo nila? NU, UP, at ADAMSON? hello. bottom three kaya un. and besides magaling ang Adamson ngayon ah. puro close fights sila. as in tipong mga 1 point lang ang difference ng final score. kung tutuusin, sila pa nga ang mas karapat-dapat na pumasok ng Final Four (para sakin, ok?). oo nga't leading candidate ngayon for MVP si Ababou. pero ano naman? ano siya na lang palagi magtatrabaho para sa team niya? edi next Jervy Cruz nga sya kung ganun. one-man team. (di ako galit sa UST. ayoko lang sa UST. lalo na Cheerdance Competition na bukas!! i can feel the spirit!! hahaha.)

pang-anim, i felt the competitiveness of UP this Season. last place nga uli siguro tayo, pero so what? at least nakita't napanood ko na kahit pano eh nag-improve at natuto na silang lumaban. may mga overtime games, mga super liit na final score difference, at may mga nag-step up at bagong dating na players. Welcome, Alvin Padilla!!! hahahahaha. ok. pero syempre may mga oldies but goodies pa rin. like Woody Ko (ay Co pala. haha) and Martin Reyes, oh yes.

ay, i have to say good bye nga pala to Arvin Braganza who played his last game kanina as a Fighting Maroon. suuuuuper thanks sa paglalaro for the team!!! kahit na last year lang kita napansin, isa ka sa mga players na confident ako pag nasa court. kasi alam kong once in a while ay magpapasabog ka ng 3 points. hindi ko nga akalain na last season mo na pala 'to. kasi nga last year lang kita nakita. anyway..

Thanks, #8! super.

tsaka Condolence din. at least the last game that your Dad saw was one of your breakout games. Good luck, Arvin, and God Bless!


o tapos pang-pito, super kawawa ang Adamson. i feel their heartaches and heartbreaks. balak pa ata nilang palitan si Shawn Michaels bilang "Heartbreak KidS". :)) kasi nga... ang dami nilang game na super lapit (i.e 5 points and BELOW. marami kasing 1 point loss lang.) may mga nag-overtime pa. bastaa... to summarize their season in one word, "SAYANG".

pang-walo, pinatunayan na naman ng NU na sila ang major upsetters at spoilers ng UAAP. remember Season 70 uli nang talunin nila ang ADMU which caused ADMU's chance for the twice-to-beat advantage to suddenly disappear? ngayon naman, tinalo nila ang DLSU sa huling laban nila. at sa pinakamahalagang game pa for that matter. dahil nga natalo ang DLSU, wala na silang chance for a playoff game with UST. at dahil nga dun, tanggal sila sa Final Four. ouch talaga for them. haha. swerte ng UST. pasalamat sila mas mahina ang La Salle ngayon kesa sa kanila. tsk. pag maka-chamba ka nga naman. balita ko sila ata ang may lowest win-loss record na nakapasok sa Final 4? 6-8. well at least record holder sila. ok na un. :))

pang-siyam, nami-miss ko na ang Cheerleading class!!!!! nami-miss ko na yung mga panahong pupunta ko sa Araneta or sa Philsports Arena para manood at mag-cheer. nami-miss ko na yung reserved tickets namin for the Cheerdance Competition! nami-miss ko na yung attendance card ko. nami-miss ko na yung mga kung anu-anong pinamimigay sa labas ng venue na may mga nakasulat na names ng mga schools na maglalaban for that day. hai. gusto ko na uli manood ng live.

at pang-sampu, MANANALO ANG UP PEP SQUAD BUKAS. walang aangal!!! =))




0 comments: