oo.
tama.
isang buwan na nga ang nakalipas mula nang una akong tumapak sa UP bilang isang estudyante rito.
hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa aking isipan ang mga nangyari noong araw na yon.
mula sa paghihintay ko sa tapat ng UP Theater, hanggang sa freshman welcome assembly, sa kaguluhang naganap nang may mga umakyat sa stage at nagsisisigaw, sa pagkabigla ko nang makita ko sa stage ang kanina lang ay katabi ko at akala ko ay freshman din, hanggang sa pagtawag ng JPIA sa Block D3 at dinala kami sa CBA para sa Block Orientation, sa pagtatagpo namin sa unang pagkakataon ng buddy ko na si Ate Jan, hanggang sa pag-uwi ko na bangag pa rin sa mga nangyari.
isang buwan na ang nagdaan.
ilang buwan pa ang darating?
ilang taon pa?
sana.
sana makatagal pa ko.
sana makayanan ko ang ilan pang mga taon na kailangan kong pagdaanan.
inaasahan ko na sa tagal ng panahon na ilalagi ko sa UP, matututo na kong maging iba.
maging ibang tao.
iba kaysa sa kilala ng mga tao sa ngayon.
basta.
IBA.
*ang saya ng JPIA. pangarap ko yun paglaki ko.
pagdating ko ng third year, susubukan ko ang tadhana.
** kakatapos ko lang manood ng laban ng UP at ADMU.
at ikinalulungkot ko man ang resulta, masaya pa rin ako.
go UP FIGHT pa rin ako!! :)
(at go chris tiu pa rin!!!! anlabo ko talaga.)
one month na!! (close na ba kami ni oble?)
by jesse at 7/12/2007 06:38:00 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment