I Didn't!!!

MAHIRAP MAPAGBINTANGAN SA ISANG BAGAY NA HINDI NAMAN IKAW ANG GUMAWA.

lalo na kung alam mo sa sarili mo na malinis ang kunsensya mo.

na hindi ikaw ang may kasalanan.

na wala kang ginawang masama.


na nadamay ka lang.



simula nang tumuntong ako sa kolehiyo, ipinangako ko na sa sarili ko na magbabago na ko.


hinding-hindi ko na uli gagawin ang mga masasamang gawain ko dati sa high school.


at handa akong panindigan yun.



pero bakit ganun?


kung kailan namang wala akong kasalanan, saka naman sakin ibinabato ang sisi.




at ang nakapagpapasama lang talaga ng loob ko,

alam kong wala talaga akong ginawa.

ni hindi nga pumasok sa isip ko ang bagay na yun.



pero iyon ang ibinibintang sakin.




alam ko na pagkatapos ng araw na to, iba na ang tingin niya sakin.


at alam kong wala akong magagawa dahil opinyon nya yun.



pero gusto kong sabihin sa kanya,


"simula ngayon, papatunayan ko sayong hindi ko na kailangang gawin yan para lang makakuha ng mataas na grado!"



umaasa ako na darating ang panahon na maiisip niyang hindi nga talaga ako ang may gawa nun.


dahil ayokong masira agad ang isang pagkakaibigan na kasisimula pa lamang.


ayokong dahil lang sa isang pagkakamali, mag-iiba ang tingin namin sa isa't isa.



sana matapos na 'to.




sana kayanin ko pa hanggang dumating ang araw na yon.

0 comments: