seryoso.. ok lang talaga..
kahit natalo kami for the 7th time, at least alam kong lumaban sila.. lumaban sila till the very end (hnggang sa last second nga ba??).. ibinalik nila kanina ang meaning ng "FIGHTING" sa UP Fighting Maroons.. hindi ko nakita kanina ang mga maroons na napanood ko sa unang anim na laban na basta basta na lang sumuko nang maramdaman na wala nang pag-asa... na hinayaan na lang na lumaki nang lumaki ang lamang... na pumayag na matambakan sila.
biruin mo, nagkaron pa ng chance ang UP na makalamang ng 10 points... at oo.. 10 points pa nga lang yun, pero masaya na ko... mababaw man pero pasensya... sabik eh.. (hahahaha... )
and i'm proud to say talaga na ilang beses nakalamang ang UP sa buong game... half time nga 45-45 pa eh.. at parang wait lang, first time kong nkapanood ng performance sa halftime break na sabay ang dalawang teams... as in nagulat ako nung parang andaming tao sa court tapos mgkahalo ung costumes nila na maroon at yellow... tpos nrinig ko chini-cheer pa nila, "UP Fight!!".... so akala ko naman UP pep squad lng lahat un.. tpos ndi pla... ayy... ewan ko.. bsta magulo utak ko kanina... hahaha...
tapos aun.. akala ko talaga makakaisang panalo na kami... tapos bglang................ basta.
haaii... ganyan talaga ang buhay... oo nga nakakalamang ka sa first 3 quarters.. pero hangga't hindi nagbu-buzzer na nagsasabing "game over", hindi mo pa rin talaga masisigurado ang panalo... maraming maaaring mangyari sa loob ng huling limang minuto... maaring sa isang iglap, biglang bumaliktad ang ikot ng mundo.... lagi nating tatandaan, "bilog ang mundo".. hahahaha....
*status sa ym: "kahit natalo kami for the 7th time, ok lang. seryoso, ok lang talaga. kasi nakita kong lumaban sila. ibinalik nila ang "fighting" sa UP Fighting Maroons. And at last I can proudly say, "go UP!!"
(napansin nyo ba yan din halos yung umpisa ko ng post na 'to?)
Ok Lang.
by jesse at 8/05/2007 08:23:00 PM
Tags: Basketball, UAAP, UP Fighting Maroons
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment