Talo UP, Pero Masaya Ako.

UP vs. FEU
70 - 71


Masaya ako hindi lang dahil one point lang ang lamang ng kalaban. Masaya ako dahil sa buong laro na ipinakita ng Fighting Maroons.


Sa umpisa pa lang ng laban, kita na ang determinasyon ng team. Unang 3 points ng game, sa UP. Pero alam ko namang umpisa pa lang yan, marami pang pwedeng mangyari.


Ngunit habang tumatagal, lalo nilang pinatunayan na "this is for real". Totoong gusto nilang manalo. Totoo ang magandang larong ipinapakita nila.

At kahit na sa huli, hindi nila nakuha ang panalong gusto nila, ang magandang larong ipinakita nila ang mahalaga sakin.



UI SERYOSO. OK SILA KANINA.


ayon dun sa commentator, ang pinakamalaking naging lamang daw ng FEU ay 9 points. o db, hindi lumagpas ng 10?! AT, ilang beses din nagpalit-palit ang lead. UP, FEU, tas UP uli, tas FEU na naman. MASAYA.

pero tulad din ng sabi ng commentator, parang hindi yun ang normal na FEU. ang lamya ng laro nila nung first half. overconfidence siguro? dahil UP nga lang naman ang kalaban nila. TSK. sadly, bumawi sila nung 4th quarter. at UP naman ang bumaba ang energy.


ito nga pala ang first game na nakita ko uli si Mac Baracael. pansin ko lumago yung hair niya. (wala lang, napansin ko lang, bat ba.) although nung thursday pa yung first game niya talaga, nung against sa NU. pero di kasi ako nakanood nun eh. so ngayon ko na lang siya uli nakita. at in fairness, hindi siya mukhang nabaril.


si Cawaling ko, parang off siya ngayon. ewan ko ba. ang daming attempts, isa lang ata na-shoot. PERO, yung na-shoot niya, it mattered most. less than 1 minute na lang, naka-3 points pa siya. naging 66-71 na tuloy. kaya nung naka-3 points pa si migs de asis less than 30 seconds ata (?), 69-71. KULANG PA.

may nag-freethrow sa UP. naging 70-71. and that was it. END.

si Cawaling ko pa tuloy ang naging balakid sa pagkapanalo ng UP. haha.
(pero ok lang, di ko naman siya pwedeng awayin. kaya ok lang kahit siya nagpapanalo sa kanila.)

si De Asis, nung last 30 seconds lang ata pinasok. haha. PERO NAMAN, nung pagkapasok niya, nagdagdag agad siya ng score. 3 points agad, pare. yun nga yung 66+3=69. o db. sabi ko nga nung na-shoot niya, "in your face!". haha. i mean yun dapat yung sabihin niya sa mga tao. kasi nun lang siya pinasok. hahaha.

si Lopez, another factor! ganda ng laro niya ngayon ah. ilang beses kong narinig sa commentator ang "athleticism", tuwing may ginagawa si lopez. haha. rebound, 3-points, etc. o daba. Go Lopez! :))

si Agbayani din, galing galing. though may mga palpak shots din siya, pero ok lang. bumabawi naman eh. :)

and of course, Martin Reyes!! SO NICE. Mr. 3-Pointer ko yan. haha. siya nagpataas ng points, sa pamamagitan ng kanyang mga 3-point shots. yun nga lang, dahil siya ang pointer (haha), syempre siya din ang binabantayan nang mas matindi. well, ganyan talaga pag magaling. :))



naisip ko lang, sayang noh. kasi, FEU lang ang nakatalo pareho sa Ateneo at DLSU. so kung UP sana ang nanalo ngayon, edi parang natalo na rin natin sila! HAHAHA. pangarap eh noh. hayaan na. kahit sa ganyan man lang. :))



oh well.


Talo UP, pero keri lang.



0 comments: