Link
Please watch this video and support the ORIGINAL HOUSE A girls, especially RICA who's being ridiculed by her "new" guy housemates. Let's make the House B boys realize that they're not too perfect either.
Please, please, please. Thanks!
PBB Double Upload Weekly Task - House B Video
by jesse at 11/26/2009 11:20:00 PM
The Battle's Over.
by jesse at 10/08/2009 05:23:00 PM

But good job, UE!

Reaching the Finals where no one expected you to be is such a huge achievement already, and I salute you for that.

Elmer Espiritu, Pari Llagas, Rudy Lingganay, and Val Acuna, I wish you all the best on your journey outside the collegiate arena. Thanks for being a part of the UE Team I used to love and will always love.
Elmer. For me, no player in the coming future can ever replicate the dunk only you can do with such character and conviction. Your dunk, your block, your rebound, all those I will surely miss. But of course, I will miss YOU.

Pari, I don't know how long UE can find a big man to replace you and your remarkable skill and talent. Your presence on the court makes a huge difference to the team's game.
Rudy, I know, you're small but terrible. It's just so sad that throughout your collegiate career, you weren't given the credit you rightfully deserve.
Val, I only noticed you this season, but you already left a mark in my memory. Thanks for your 3-pointers that led UE to the Finals.
Again, I would like to congratulate you guys for finishing this season strong. Though others may not see it, I can surely feel it. If other people's definition of 'finishing strong' is becoming the Champions, then mine's different. It's slowly climbing to the top, even if everybody already judged you out. No one ever considered you as a contender, but then you proved them wrong by 'beating twice' the twice-to-beat advantage. It's giving the Defending Champions the wake-up call they need by sending the Final Series into Game 3.
With four veterans graduating this season, the future of the UE Red Warriors seems unclear. What will happen to them now that their master dunker and shot blocker is gone? Who can fill the gap left by the big man who always makes his presence felt on the court? Who will have the courage to take 3-point shots that two of the team's former members usually do?
At least I know there are still players who'd be willing to step up and take the challenge. Next year, Paul Lee will be the main man. I know he has the skills, the talent, and leadership to take the team where they should be. Also, there's Raffy Reyes. The ever aggressive, intense, and dedicated player who can serve as the spark the team needs to explode. James Martinez will be coming back next season. I hope he delivers the same, if not a better performance, he showed last season. And of course, the rest of the Red Warriors will serve a vital role to steer the team to success. I wish them the best.

To Coach Lawrence, good job on your first year as a collegiate coach! I'm looking forward to watch the next season of PBL, and of course UAAP 73. Keep up the good work!

I wasn't able to watch the Game 3. Maybe that's why UE lost. HAHA. Because look, I missed Game 1, Ateneo won. I watched Game 2, UE won. And now that I failed to watch Game 3, Ateneo won! arrgh. I knew it! I'm the lucky charm of UE! HAHAHA.
Oh well... Despite the ampalaya-ness I feel, I should congratulate Ateneo for a good season. 13-1. Thanks to UP for that '1'. haha. It would be boring if Ateneo won all their 14 games. If I'm not mistaken, they'd be the automatic Champions if they finished 14-0. And that's BOOOOORIIIIIIIIIIING.......
I have to say goodbye to Jai and Nonoy.
Jai-namite! Thanks for your 3-pointers! You're one of the consistent 3-point shooters I know in the UAAP. But that's not what I'll remember about you. You will forever stay in my memory as the Eagle that looks like Chris Tiu. And both your 3-point shooting skills. :)
Nonoy BLOCK-lao.. The memory you left in my mind was that strong, powerful block you made on Rico Maierhofer last season. That was a-w-e-s-o-m-e. I know you're just the silent worker and masipag player in the team. That's one of the things I admire about you, your humility. Doesn't brag about his strengths and skills, but just shows what he got on the court.
Rabeh, BYE.
Another season of the UAAP Men's Basketball came to an end, but as always, it just keeps me hungry for more. I feel excited for next year. Who are the new players? Who would enter the Final Four? Which teams would face each other in the Finals? I'm just soooo excited to know the answers!!

Franz Pumaren Resigns
by jesse at 10/06/2009 06:30:00 PM
News spread like wildfire in La Salle today when it was learned that Franz Pumaren resigned as coach of the De La Salle Green Archers. Effective January 1, 2010, Dindo Pumaren is taking over as coach. With Dindo as coach, that makes him the last of the Pumaren family to mentor the Green Archers.
It was learned that Manager Tery Capistrano also resigned.
The reason for the resignation of Coach Franz is his desire to run for congress in the coming elections, something eveyone close to him knew for quite some time. It is noble of him to choose which of the two is more important to him at this time.
Game 2: UE won it BIG.
by jesse at 10/04/2009 03:38:00 PM
And, don't think too highly of yourselves -- especially if the season's not yet over.
Game 1 is just Game 1.
It's not yet the end of the Finals.
Learn from FEU. they had the twice-to-beat advantage coming into the Final Four, but it became useless. We all know what happened. They were beaten twice.
Overconfidence can kill..... games.
in short, wag mag-feeling. (magpaka-defensive, guilty. :P)
Game 2: UE Red Warriors!!

They won B-I-G-T-I-M-E against the "Defending Champions", the Ateneo Blue Eagles.
88-68
whew. 20 points!

while in the games where Ateneo won against UE, they won by an average of 8.5 points. wala lang. :))
They had nothing to lose, but they have everything to gain.
kung matalo man sila ngayong season, syempre masakit. andun na kasi eh. isang game na lang.
pero kung manalo sila, WOW. sobrang saludo na talaga ako sa kanila. and they'll become a part of UAAP's history.

haaaaiiii........
i love UE!

haha. though i love UP more (of course!), UE is now the 2nd team i really support. third na lang Ateneo. wala na kasi si Chris Tiu! :))
anyway, sa sobrang dami ng nangyari sa game, nakalimutan ko na lahat! hahaha.
basta ang alam ko lang talaga, UE ang gusto kong manalo sa Game 3. kei? :P
Elmer Espiritu
Paul Lee
Pari Llagas
Raffy Reyes
Val Acuna
Rudy Lingganay
sige si Tagarda na rin! (hindi pa tayo bati, ok?)
Paul Zamar
Duran (sori di ko sya kilala.)
at lahat ng UE Red Warriors
syempre si Coach Lawrence Chongson din!
at ang buong coaching staff.
CONGRATULATIONS!!!

Highlight move na naman yung slam dunk ni Espiritu! grabe... halos himatayin na ko kanina. soooooobrang mami-miss ko sya.

SILA LANG ANG MAKAKAGAWA NUN, OK? WAG MAGPAKA-TRYING HARD GAYAHIN. ehem, ehem. dalawang beses kong nakita yun kanina.

isa pa, kung hindi mo naman gulo, wag ka nang eepal. gagatong ka pa eh. tatayo na nga gaganunin mo pa. hindi naman ikaw yung natalunan, kuya. muntik na tuloy mag-away yung dating teammates dahil sayo. hmp. gusto kita dati dahil magaling kang mag-3 points pero medyo nabawasan. :|
anyway, sa klase ng laro ni Raffy Reyes, nafi-feel kong may future talaga siya nang bonggang-bongga. aggressive, nakiki-rebound kahit na ang mga kaagaw niya eh mga higante (i.e. Al-Hussaini, Baclao, Salva, Llagas, Espiritu), todo effort sa pag-pilit na maka-steal, ETC. haaai... cute/gwapo pa. HAHAHA. yun pala yun eh. :))
aalis na ngayon sila Espiritu, Llagas, Acuna, at Lingganay. pero confident naman ako kasi maiiwan sila Paul Lee, Raffy Reyes, Paul Zamar, at babalik na si James Martinez. yun nga lang..... puro maliliit na yun! sino na lang matangkad sa UE?!?! oh no...
pero kaya yan. naniniwala ako kay Coach Lawrence. nung sa PBL ko lang siya unang nakita't napanood, pero naging Cobra supporter na rin ako nun dahil sa team (na majority ay UE players) at sa laro nila. syempre salamat kay Coach!

speaking of Coach... rookie coach siya ngayong season. ADMU ang kalaban sa Finals. Si Coach Norman Black ang coach ng Ateneo. nanalo ang ADMU sa Game 1, nanalo ang UE sa Game 2. hmm......... Season 69, isdatchu? HAHA. ouch yun eh. :))
ang matalo ka ng isang "Rookie Coach" sa GAME 2 at GAME 3. oooooouuuuccchhhh......
hindi ko inaaway si Coach Norman ah. :))
naalala ko lang kasi yung Finals na yun. :))
hai nakoo... mukha na kong Ateneo hater nito. haha. hello, hindi kaya. gusto ko rin naman Ateneo. hindi lang sa Finals Series na 'to. :))
wala nang sense 'tong post na 'to. kasi dapat tungkol sa game yung ilalagay ko kaya lang nakalimutan ko na nga. masyado kasi akong natuwa sa pagkapanalo ng UE. sorry ha. :P
basta, basta... sa Game 3 na lang siguro ako mag-b-blog ng matino. manalo man o matalo ang UE, PUPURIHIN KO PA RIN SILA. HAHA. pasensya na, biased kasi eh. :))
at syempre, hindi ko makakalimutang magpasalamat kay Lord, kasi dininig nya ang prayer ko simula pa lang nung Thursday after ng Game 1. hanggang sa dasal ko kanina sa mass. SALAMAT, SALAMAT, SALAMAT PO.
kung hindi man po abuso, SANA HANGGANG SA GAME 3 PO, UE PA RIN ANG PANALO. thank you po.

Our Adventures while Volunteer-hopping
by jesse at 10/01/2009 07:16:00 AM
Nagsimula ang araw ko nang dalhin ako ni daddy sa may Brgy. Tumana sa Marikina. Binaha din sila nang matindi at may kasama pang putik dahil katabi lang nila ang Tumana River. pagdaan namin ay kanya-kanyang linis, laba at pag-aayos ang mga tao sa kalsada. Maputik talaga. (see pictures here.) Habang nakikita ko yung ginagawa at itsura ng inabot ng mga bahay nila, mas lalo akong nalulungkot para sa lahat ng mga nasalanta, at mas lalo akong nagpapasalamat na hindi ganun ang nangyari samin. Kung sa TV nakakaawa na, mas lalo na pag LIVE. :(
Pagkagaling namin dun, hinatid na ko sa BA. as usual, ang tahimik ng BA pag walang tao. anyway, 9:30 dumating na si Joan and her cousin Shawn/Shaun (di ko lam spelling! sorry. :P). sabi ni rose, mauna na daw kami tas susunod na lang siya. so our first stop: Church of the Risen Lord (CRL).
Pagdating namin, madami nang tao. pero nag-sign pa rin kami. pagpasok namin sa loob, MAS madaming tao. halos lahat super busy na sa ginagawa nila. pero madami din na kakarating lang na naghihintay pa ng i-a-assign sa kanila. at isa (tatlo) na kami dun. so after ilang minutes ng panonood sa mga busy people, ginather na kami nung isang parang head volunteer.
tapos sabi, sobra na daw yung volunteers so mamaya pa kami ma-a-accommodate. sabi, 12 pm, mag-p-prepare ng food. tas 1 pm, deliver na to different places. e asbi nila joan, di daw pwede i-deploy kasi di ata pinayagan yung pinsan nya. so ayun, nagpaalam na kami na lilipat na lang kami sa UPSCA kasi meron din daw sila Chloe. pumayag naman sila. :)
tapos pagdating naman namin sa entrance ng Parish of the Holy Sacrifice (sa likod na side), natakot sila/kami kasi para makapunta dun sa kabilang side, kelangan pa dumaan sa may parang mga nakaburol. eh nakakahiya (and at the same time, scary) naman na makidaan dun. so ayun, ang tagal namin naghintay sa labas ng church. tas nagtext si chloe na after lungch pa siya makakarating.
eh si Joan naiinip na. haha. atat na atat nang magtrabaho. so sabi niya, "ABS kaya?" edi ayun. hinintay muna namin si Rose tapos hinatid pa kami hanggang ABS-CBN. kaya lang nung nagtanong na kami kay Kuya Guard, closed na daw ang registration. FINE. haha. dami din naghihintay sa labas. puro mga kabataan din. feeling ko tuloy para kaming nasa auditions para sa PBB. :))
pero ayun nga. no chance for ABS. so naghanap muna kami ng makakain. halos lunch time na nun eh. at grabe lang yung nilakad namin mula dun sa entrance ng Sagip Kapamilya (ELJ Comm. Tower side) hanggang Crossings sa Quezon Ave. winner! haha. Alay Lakad ang drama namin. :))
sa Subway kami nag-lunch. napakagandang volunteer work db? wala pa nga kaming nagagawa tas bongga na yung kinain namin. :)) malapit na kaming sumuko nun kasi naka-kalahating araw na pero wala pa kaming napag-volunteer-an. dinedicate pa naman namin ang araw na 'to para sa pagtulong. :(
pero syempre, ayoko namang masayang ang effort namin. so nagtext ako kay Roy kung kelangan pa ba sa Red Cross. eh sabi niya kaninang 7 am pa daw. tas tanungin ko daw si Carol kasi nasa Miriam daw siya. so nagka-glimmer of hope sa aming mga puso kahit pano. may pag-asa pa! :)
edi tinext ko na si Carol tas nagtanong ako kung kelangan pa ba ng volunteers dun. tas sabi nya baka pwede pa daw, chuva chuva. basta in short, nag-decide na kaming apat na pumunta sa Miriam College.
and so there we were. :)
nung una, sabi sa 1-4 pm shift daw, tatlo lang ang pwede. e apat kami db. so sabi nila, ang next na shift ay 4-7 pm. wow, gabi na 'to. pero sige, since ayaw na talaga naming masayang ang araw namin at para maka-experience na rin talaga mag-volunteer, ok na lang. eh mga 1:30 pa lang nun eh. so sabi namin, alis muna kami. balik kami ng mga 3:30. iniisip namin kung mag-iikot ba sa MC o lilibot sa Ateneo. we chose the latter. gusto na rin kasi sana namin tignan yung relief drive sa kanila.
sa ayun... ikot ikot, lakad lakad, tingin tingin sa Ateneo. sa buong Ateneo tour namin, kung anu-ano nang napag-usapan. mula sa course namin dapat dun kung dun kami pumasok, pareho kaming CommTech ni Joan! Health Sciences daw si Rose. (layo sa BA! haha.), hanggang sa iba't ibang religions at culture and practices nila, yung mga napagdaanan namin sa loob ng isang araw, kung gaano ka-iba ang Ateneo sa UP (in both positive and negative ways), at syempre pati si Chris Tiu nasali sa usapan! (hanap kasi ako nang hanap sa kanya. di ko naman siya nakita.)
after some time, naghanap kami ng makakainan or kahit vendo machine. at dahil dun, halos kung san san na kami napadpad. gusto ko rin kasi sana hanapin yung JGSOM. dun sana kami kung sa Ateneo kami. :P gusto ko din sana makita yung Chinky Chickens!!! at dahil sa pag-iikot ikot namin, napadpad kami sa College Covered Courts. naglalabasan na yung ibang mga tao! tapos na ata. so di na kami tumuloy pumasok.
tas sa wakas... nakarating na rin kami sa gusto kong puntahan. nakahanap na rin sila ng vendo so ok na kami pare-pareho. nag-stay muna kami sa mga upuan dun. at nag-chikahan muna. :)
dami na naman napag-usapan. haaii... ang sarap ng ganitong times. plus masarap pang tumambay dun kasi tahimik tsaka maluwag tsaka puro green (plants, trees, grass). sarap ng feeling! sabi nga ni Joan, "parang park". hai nako, wish ko may ganun sa BA. haha. kaya lang malabo. puro semento sa BA eh! :))
tapos nang malapit nang mag-3:30, umalis na kami kasi nag-allot talaga ng time kasi mawawala/maliligaw pa kami eh. para may allowance sa time kung maghahanap pa kami ng tamang daan. haha.
buti naman at nakabalik kami sa Miriam befor 4. so naghintay muna kami sa bench. at yes, nag-usap-usap na naman. naka-ilang kwento kaya kami ngayong araw na 'to? (meron pa kasi mamaya!) tapos mga 4, tinawag na kami. tinanong kung ok lang bang paghiwa-hiwalayin kami. pero mukhang napansin nila na ayaw namin so sabi sa registration/receiving area na lang daw "muna" kami. edi ok. happy. at least may gagawin na kami. masaya na ko dun. haha. so in-orient na kami and everything.
Gusto ko pa sanang isa-isahin lahat ng donors na dumating at naghatid ng donations eh. kaya lang baka sumoooooobrang haba na nito. basta nakakatuwa at nakakataba lang ng puso na totoo pala yung ganun. may mga nag-e-effort at may mga magagandang loob talaga na nagbibigay at nag-do-donate.
basta ilan sa mga naalala ko, yung nagdala ng 150+ bottles ng 1 L na water, na may kasamang mga batang cute yung naghatid. nung binababa na sa van, gusto nila sila magdala dun sa table. talagang willing silang buhatin yun e ang bibigat. pero ang cuuute nila! syempre ako nakibitbit din. yey! tapos grabe kasi nung paalis na yung matandang nag-donate, sya pa yung nag-sorry kasi parang hindi daw maayos yung packaging nila. (pero ok naman eh, maayos naman. may mga naka-plastic at naka-box pero meron nga lang isa na butas ata kaya tumutulo. pero keri lang.)
may iba't ibang donations kaming ni-receive. may tubig, instant noodles, powdered milk, medicines, sardines, pork and beans, crackers, uniforms (ng MC), used clothes, etc.
kelangan ipa-fill up sa donor yung name, address, contact nos. tapos kami, name and signature tsaka date. tapos kami din ang naglalagay ng items and quantity. ang original instruction samin, wag nang bilangin kung ilan yung laman ng bawat plastic/box. pero may lumabas na galing dun sa mga nag-re-repack na sabi, i-specify daw namin. syempre para nga naman sa inventory nila. so ayun, natuto na kami. binibilang na namin.
meron din palang mga lumalapit samin at nagtatanong kung pwede pa mag-volunteer. kaya lang sad kasi hindi na daw pwede sabi ni ate carla. tomorrow na lang daw. 7-12, 1-4, 4-7. so ayun. :(
btw, ang ganda ng CR nila. basta parang mall. malayong-malayo sa UP. at kahit BA. and even Econ na may hand dryer at mukhang pang-SM ang doors. yung sa kanila maganda talaga. oo nga pala, private school nga pala yun. :P
tuwing idle kami, syempre ano pa bang gagawin namin kundi mag-usap. haha. umabot pa sa ghost stories nung gabi na. dapat pala binilang ko kung naka-ilang topics kami ngayong buong araw. :)) bonding to the max ang drama namin. :P
pero ito. yung pinaka-"aww" moment namin ngayong araw.
kasi nung medyo kaka-umpisa pa lang namin, may dumating na nagtatanong kung open pa ba for volunteers. eh hindi na nga daw so ayun sabi namin tomorrow na lang bumalik. tas konting usap-usap pa. tapos nung paalis na sya, nasabi niya samin na yung Kuya Guard daw dun sa may gate parang nakwento na taga-Payatas daw sya tas sila din daw nasalanta. kaya lang sila mismo wala pang natatanggap na relief doon. so syempre kaming lahat na-sad. naisip ko parang kanina pa kami pabalik-balik dun sa gate tapos tinatanong kami kung san kami pupunta, tas kung para san. edi sinasagot namin volunteers po para dun sa relief drive. tapos yun pala sya mismo wala pang na-re-receive na tulong. :((
edi ayun. pagdating nung Secretariat dun sa table namin kasi may kinuha sya or binilin ata, sinabi na ni Joan yung tungkol nga dun sa guard. so ayun, nag-radyo sila dun sa mga guards sa gate tas tinanong kung sino yung taga-Payatas. so pinasa na nila dun sa Kuya Guard nga. tas tinanong ni Ate Secretariat kung affected area ba sila. tas sumagot si kuya "Yes, mam." waaah. nalungkot talaga ako/kami nun. :((
so after some time, may dumating nang Kuya Guard/s sa labas. dalawa pala sila. edi yun, paglabas na nila dun sa bldg, may dalawa na silang tig-isang box. haai. at least masaya kami kasi naging daan kami para matulungan sila. pero syempre super thank you din dun kay ate na nagsabi samin tungkol dun sa problema ni kuya guard. syempre kung hindi nya naman nasabi samin, hindi rin namin masasabi sa kanila.
for me yun talaga yung pinaka na-feel ko na nakatulong kami. feeling ko nga, mas masaya mag-volunteer sa receiving area. kasi doon, ikaw mismo yung tatanggap ng goods na dinonate. tapos yun nga, may interaction with the donors tas kami din nag-t-turnover sa mga nagpa-pack. tapos dun yung makikita at mararamdaman mo talaga yung mga gustong tumulong. both donors and volunteers sayo lalapit. :)
haaai... all in all, masaya talaga 'tong araw na 'to. kahit napagod kami kakalakad at kakahanap ng tatanggap samin na relief drive, at least napadpad kami dun sa kailangan talaga ng tulong namin at dun sa trabaho na self-fulfilling din. :)
salamat sa Miriam College sa pagtanggap sa amin. kahit na wala ni isa samin ang alumni ng school niyo, ok lang. naalala ko tuloy yung dati kong school (SHS). sana sa mga susunod pang mga relief drives na ganito makasama uli ako. :)
----------------------------
Sept. 30, 2009
4 days after Ondoy
I'm still for Andy Barroca no matter what.
by jesse at 9/19/2009 06:58:00 AM
hai nalulungkot talaga ko sa mga nangyayari...
pero kasi naman di ba... bawal na bang magkaron ng off game ang isang magaling na player? may batas bang nagsasabi na dapat lahat ng games niya eh perfect? TAO DIN SIYA, ok? may mga panahon talagang minsan parang may magnet yung ring na palaging nashu-shoot ang bola, at minsan din parang same poles sila na laging nag-re-repel. hindi talaga mag-konek kahit anong gawin mo.
eh bakit last season, kahit si Chris Tiu at JV Casio may mga napanood akong games na parang wala talaga sila sa mga sarili nila kasi hirap na hirap talaga sila maka-shoot. pero bakit wala naman akong narinig na issue ng pagtatapon ng laro? unfair naman kay Barroca yung nangyayari ngayon.
tsaka oo nga... ang basketball ay isang TEAM GAME. kung off ang isa at sa tingin ng teammates niya eh wala naman siyang naitutulong, aba dapat naman eh may mag-step up sa kanila. hindi yung isisisi pa sa isang tao kung natalo man sila. which just shows na highly dependent sila kay Barroca. yang si RR Garcia (ayoko sa kanya, actually eh.), anong ginawa niya nung game against Ateneo? si Cawaling (na puro salita lang, pero parang bilang na bilang ang mga nashu-shoot)? si Jens Knuttel naka-ilang turnover? tas may dalawang players na nakalimutan ko na yung pangalan pero parang wala namang naitulong pero nag-ipon lang nang nag-ipon ng fouls, kaya ayun, 6 minutes pa ang natitira sa 4th quarter, penalty na agad sila. KASALANAN BA NI BARROCA YUN?
eh parang ang nagtrabaho lang naman sa kanila nun, si Ramos at Sanga. tas asa pa silang manalo sila? oo nga't nakalamang sila ng bonggang bongga nung first quarter. tapos nag-collapse. pero hindi naman kasalanan ni Barroca lahat yun. bakit kelangan sa kanya isisi lahat?
naiinis lang ako sa FEU, sa mga walang magawang matino sa buhay nila na nandadamay pa ng buhay ng may buhay para lang lalong dumami ang pera nila sa kaka-'bet', at kelangan pang bumili ng laro, sa mga nakikisawsaw pa (isa na ko dun. haha).. at naaawa ako kay Barroca. pangalan at kinabukasan niya ang nakasalalay dito.. alam kong magaling siya kaya may future pa siya. pero syempre db, nabahiran na ng issue yung reputasyon niya. siguro nga mas gugustuhin ko pang umalis na lang siya sa FEU kesa naman feeling niya eh lahat na lang ng nasa team eh masama ang tingin sa kanya.

haai... mas lalong gustong-gusto ko nang UE ang manalo. dati medyo naguguluhan pa ko kasi nga gusto ko pareho ang UE at FEU. pero ngayon, nawala na yung main reason kung bakit ko sinusuportahan ang FEU, edi buong-buo na sa UE ang support ko.

basta Barroca, just go on with life. wag mong hayaang itong issue na 'to eh sirain ang buong buhay mo at kinabukasan mo. eventually, makakalimutan din yan... basta kung alam mong wala kang ginawang masama, fight for it! we're here to support you!

I'm anti-Ateneo na.
by jesse at 9/12/2009 03:41:00 PM
nakakainis ang ADMU, panira ng mga plano ko. haha.
kasi naman, super sayang ng FEU!!!!! sila dapat panalo eh. waaah. one point na lang sana, Overtime na.
kelangan matalo ng FEU ang ADMU by at least 5 points para sila ang maging Number 1 sa standings. overtime na lang sana ang pag-asa nila, pero wala eh. sayang yung last freethrow ni Cervantes. :((
super hot pa naman nila nung 1st quarter!!! ang laki laki ng lamang... tapos natalo pa rin sa huli.... :((
kelangan ko na tuloy mamili ngayon between UE at FEU kung sino ang gusto kong makalusot sa Finals. ang hirap naman. pano sa first game nila?! kanino ako kakampi?!? ang hiraaaaaaap...
for that, i'm anti-Ateneo na. sinira nila ang napakaganda kong mga plano. haha. gusto ko FEU dahil kay Barroca, Ramos, Cawaling, basta yung mga nag-Smart Gilas Team. gusto ko naman UE dahil kay Paul Lee, Llagas, at syempre Elmer Espiritu. so ano na?!?! ang hirap talaga....... :((
eh ang Ateneo naman, naka-Champion na last season eh. sana naman they can learn how to give chance to others. i hope they know how to share. haha.. oo na, magaling na sila kung sa magaling, pero namaaaan.. NAKAKASAWA.
pero grabe lang.. napakaraming twists ngayong Season 72.
una, natalo ng UP ang ATENEO at DLSU. haha. big deal yun noh. :))
pangalawa, first time na hindi nakasama sa Final 4 ang DLSU!! at pano ba yan, 6th place sila ngayon. ouch ba? WALA NA KASI SI CASIO AT MAIERHOFER EH. sila lang naman gusto ko dun. :P
pangatlo, UP lang ang nakatalo sa ATENEO sa eliminations. UP ang 1 sa "13-1" ng Ateneo. sabi sayo big deal yun eh. haha. :))
pang-apat, SIZZLING HOT ANG UE ngayon. hahaha. twist ba yun? ewan. basta umaapoy lang sila ngayon. :)) kaya talagang sila ang GUSTO kong mag-Champion.
hindi naman yan sa pagka-sweep mo eh (almost! say thanks to UP, Ateneo. hahaha.). remember Season 70? 14-0 ang UE, pero hindi pa rin nag-champion. (kinakalimutan na dapat yung mga panahong yun eh. haha.)
although AFTER that season, bigla na lang nilang naisipan yung rule na pag naka-sweep ang isang team sa eliminations, automatic Champions na. ang badtrip lang db. salamat sa pag-iisip nun ah. napakaganda ng timing niyo. THANKS BUT NO THANKS.
pang-lima, hirap na hirap ang UST sa elimination round. period. wala na daw kasi si Jervy Cruz. though pumalit naman ang "ATM" na Ababou, Teng, at Mirza. pero keber. sino lang bang mga natalo nila? NU, UP, at ADAMSON? hello. bottom three kaya un. and besides magaling ang Adamson ngayon ah. puro close fights sila. as in tipong mga 1 point lang ang difference ng final score. kung tutuusin, sila pa nga ang mas karapat-dapat na pumasok ng Final Four (para sakin, ok?). oo nga't leading candidate ngayon for MVP si Ababou. pero ano naman? ano siya na lang palagi magtatrabaho para sa team niya? edi next Jervy Cruz nga sya kung ganun. one-man team. (di ako galit sa UST. ayoko lang sa UST. lalo na Cheerdance Competition na bukas!! i can feel the spirit!! hahaha.)
pang-anim, i felt the competitiveness of UP this Season. last place nga uli siguro tayo, pero so what? at least nakita't napanood ko na kahit pano eh nag-improve at natuto na silang lumaban. may mga overtime games, mga super liit na final score difference, at may mga nag-step up at bagong dating na players. Welcome, Alvin Padilla!!! hahahahaha. ok. pero syempre may mga oldies but goodies pa rin. like Woody Ko (ay Co pala. haha) and Martin Reyes, oh yes.
ay, i have to say good bye nga pala to Arvin Braganza who played his last game kanina as a Fighting Maroon. suuuuuper thanks sa paglalaro for the team!!! kahit na last year lang kita napansin, isa ka sa mga players na confident ako pag nasa court. kasi alam kong once in a while ay magpapasabog ka ng 3 points. hindi ko nga akalain na last season mo na pala 'to. kasi nga last year lang kita nakita. anyway..
Thanks, #8! super.
tsaka Condolence din. at least the last game that your Dad saw was one of your breakout games. Good luck, Arvin, and God Bless!
o tapos pang-pito, super kawawa ang Adamson. i feel their heartaches and heartbreaks. balak pa ata nilang palitan si Shawn Michaels bilang "Heartbreak KidS". :)) kasi nga... ang dami nilang game na super lapit (i.e 5 points and BELOW. marami kasing 1 point loss lang.) may mga nag-overtime pa. bastaa... to summarize their season in one word, "SAYANG".
pang-walo, pinatunayan na naman ng NU na sila ang major upsetters at spoilers ng UAAP. remember Season 70 uli nang talunin nila ang ADMU which caused ADMU's chance for the twice-to-beat advantage to suddenly disappear? ngayon naman, tinalo nila ang DLSU sa huling laban nila. at sa pinakamahalagang game pa for that matter. dahil nga natalo ang DLSU, wala na silang chance for a playoff game with UST. at dahil nga dun, tanggal sila sa Final Four. ouch talaga for them. haha. swerte ng UST. pasalamat sila mas mahina ang La Salle ngayon kesa sa kanila. tsk. pag maka-chamba ka nga naman. balita ko sila ata ang may lowest win-loss record na nakapasok sa Final 4? 6-8. well at least record holder sila. ok na un. :))
pang-siyam, nami-miss ko na ang Cheerleading class!!!!! nami-miss ko na yung mga panahong pupunta ko sa Araneta or sa Philsports Arena para manood at mag-cheer. nami-miss ko na yung reserved tickets namin for the Cheerdance Competition! nami-miss ko na yung attendance card ko. nami-miss ko na yung mga kung anu-anong pinamimigay sa labas ng venue na may mga nakasulat na names ng mga schools na maglalaban for that day. hai. gusto ko na uli manood ng live.
at pang-sampu, MANANALO ANG UP PEP SQUAD BUKAS. walang aangal!!! =))
UE gives FEU their 2nd loss for the season.
by jesse at 8/23/2009 02:58:00 PM
87-72.
kung sana laging ganun ang ipinapakita nila sa mga games, edi bonggang-bonggang pang-championship na sana sila.
first of all.....
I SUPER LOVE ELMER ESPIRITU!!!!!!!

blocker, rebounder, DUNKER, all in one!!
grabe lang kung naka-ilang blocks sya. kung ilang dunks na bonggang-bongga. ka-windang.
sabi na nga ba di ako nagkamaling maging UE (Elmer Espritu) fan eh!!

first quarter pa lang, nag-pasabog na agad ang UE. first minutes pa lang, 13-4 agad. dun pa lang na-foresee ko na agad ang pagkapanalo nila. haha. pero seriously, na-feel ko agad na iba yung laro nila ngayon sa usual na laro nila this season. siguro kasi na-feel nilang nanonood ako. hahaha. sabi na nga ba ako ang lucky charm sa mga gusto kong teams eh. :))
actually, gusto ko naman pareho ang UE at FEU eh. it's just that... based on the standings, mas gusto kong manalo ngayon ang UE. kasi.... since nanalo kanina ang ADMU, sila na ang solo first. ang gusto kong maging standings:
ADMU (twice-to-beat advantage)
FEU
UE
UST (UP sana eh. haha. hindi kasi kasali ang UST sa real Final 4 ko.)
para at least.. kung twice-to-beat ang ADMU at UST ang makalaban nila, mas malaki ang chance na sila ang mapuntang Finals. sa FEU at UE naman... hmm... FEU sana sa finals. (kasi mas may kakayahan silang lumaban sa ADMU).
o anyway... back to the game.
winner talaga ang UE today. nagtulong-tulong ang lahat para manalo ang team.
pero syempre, may mga kelangan i-special mention.
Champ of the Game: Pari Llagas
okay naman yung laro niya. naka-24 points eh. lagi naman silang tatlo nila Paul Lee at Espiritu ang nagbubuhat sa team. :))
Maaasahan Player of the Game: Elmer Espiritu!!
woohoo!!! love talagaaaa....... lalo na pag nag-d-dunk sya... may kasamang angas!!!! hindi katulad ng ibang nag-d-dunk sa UAAP (ehem, Maierhofer). sa iba kasi may halong YABANG eh. sa kanya, ANGAS. magkaiba yun! :))
Doubles Duo: Paul Lee and Pari Llagas
Paul Lee!! as usual... napakagaling nya na naman gumawa ng plays. at mag-drive sa basket. at mag-3 points. at least sya, kung nag-a-angas man siya pagka-shoot, may karapatan siya! kasi nakakatulong siya sa team. hindi katulad ng iba, puro angas puro yabang, wala namang binatbat. HAHAHA. wala akong pinatatamaan, ok? :))
masaya din dahil nag-step up ang ibang players. sila Rudy Lingganay, Raffy Reyes, Paul Zamar, at iba pa... sorry hindi ko kilala lahat. pero naku ha, may isang player na pahamak. minsan na nga lang siya ipasok, puro Turnovers pa ang dala sa UE. tsk tsk. feeling kasi. sino kaya yun? haha.
alam ko magaling ang FEU. in fact, i want them to advance to the Finals. pero siguro, mas lamang lang talaga ang hunger at intensity ng UE ngayon. tsaka medyo off din talaga ang FEU ngayon. mahina ang defense (at offense na rin). wala rin yung Barroca na gusto ko. physically present but skillfully (?) absent. in short, OFF.
ayun. sana masunod yung Final Four standings na gusto ko. hindi man nakapasok ang UP ngayon, abangan niyo next year!! hahaha. :))
again, congrats to the UE Red Warriors and Ateneo Blue Eagles!!

The Eagles broke the Archers' arrows once again.
by jesse at 8/16/2009 04:41:00 PM
There was no chance for an Overtime.
The Ateneo Blue Eagles dominated the whole game, up until the very end.
an EXCELLENT game, I must say.
81-65.
Game 1 (1st Round): ATENEO BLUE EAGLES
Game 2 (2nd Round): still ATENEO BLUE EAGLES
Good Job, Ateneo!

masaya ako.. kasi hindi nasayang ang panonood ko. hindi ko man nagawa ang 114 homework ko, ok lang kasi nanalo naman ang Ateneo. haha.
sa simula pa lang ng game, umaapoy na ang ateneo. 8-0 run sa first few minutes ng game. 12-2 sa mga sumunod pa.
ewan ko ba pero malas lang siguro talaga ang DLSU. kasi yung mga shots nila hindi maka-connect sa ring. tumatama man, lagi namang hindi pumapasok. pero sa Ateneo, lalo na kay Rabeh, parang feeling ko may magnet sa gitna ng ring na hinihila yung bola papasok. yun bang magugulat na lang ako na-shoot na pala. ang smooth kasi.
Champ of the Game si Rabeh Al-Hussaini. 26 points. his usual score. lalo na last season! no wonder siya ang MVP.
Doubles Duo sina Nico Salva at Eric Salamat. They deserve it!
ang mga super nag-lift ng team sa game na 'to for me ay sina Al-Hussaini, Nico Salva, Eric Salamat, Jai Reyes..
si Nico Salva, in fairness ngayon ko lang siya napansin na as in napansin as a player. kasi dati pinapasok siya, pero parang di ko siya maramdaman masyado. pero ngayon, wow.. may future ka, bata.

si Salamat... Thank you!! swiper ka talaga, kuya. hangga't makaka-steal ka, ita-try mo talaga. magaling, magaling. at natuwa ako nung naka-shoot ka nung isang fastbreak, tas sumaludo ka sa Ateneo crowd. that was nice.

si Jai Reyes. three-pointer talaga. kaya hindi ko masyadong ma-feel ang pagkawala ni Chris Tiu dahil sayo. magkamukha na nga, pareho pa kayong nag-ti-3 points. hanggang ngayon di ko pa rin ma-absorb na may asawa ka na. hahaha. i know, walang konek sa game. :))
si Kirk Long!! naka-ilang shots siya na nakakawindang. parang hindi mo maiisip na magagawa niya. haha. ilang beses niya ring napatayo si Chris Tiu! hahaha. i'm happy for you, Kirk! at least ngayon marami ka nang playing minutes.

si Baclao ok lang pero hindi siya yung tulad ng dating "I am Nonoy".na feel na feel ang presence sa court. medyo nakulangan lang ako sa kanya. pero nakaka-shoot din naman siya at syempre nakaka-block. yun naman talaga ang expectation sa kanya eh. mahusay na defender.
si Buenafe, hindi ko rin masyadong na-feel yung dating "rookie with a heart of a veteran" spirit niya. siguro medyo off lang siya ngayon. pero ok lang.. i know babawi siya sa ibang games. :D
all in all, masaya ako sa pinakita nila. pinapatunayan lang nila na sila talaga ang karapat-dapat na Champions last season. (hindi ko masabi na ngayong season dahil honestly, FEU ang gusto kong mag-champion. haha. but that's another story. :P)
si Chris Tiu, grabeeeeee.... ilang beses siya na-focus sa camera. at as usual, gwapo pa rin. hahaha. ang swerte naman ni Ambassador Kristie Kenney. lagi na lang siyang katabi ni Chris tsaka ni TY Tang. nung first game sila sila din magkakatabi eh.
sa La Salle.... umm... better luck next time na lang mga tsong. HAHA. palakas muna kayo. :))
P.S: Congrats uli sa UP Fighting Maroons!! dagdagan pa natin ang 2!!

at kung hindi mo pa napapanood ang bagong commercial ni Chris Tiu na sooooobrang cheesy.... heto, panoorin mo. :))
http://dyecee.multiply.com/video/item/47/Chris_Tiu_--_Cheesy_Greenwich_Commercial_Pare_Sobrang_Cheesy
Maroons collar Bulldogs
by jesse at 8/15/2009 07:10:00 PM
Learning from its 69-77 overtime loss to University of the East in the first round, UP did not give NU a chance to attempt a game-tying triple in the dying seconds.
With UP clinging to a precarious three-point lead, 78-75, Moriah Gingerich fouled NU’s Joseph Hermosisima before he could launch a three-point shot in the final two seconds.
After sinking his first free throw, Hermosisima intentionally missed his second attempt but NU failed to follow-up that could have sent the game into overtime.
“We have learned from our loss to UE. I specifically gave instruction to foul before they (NU Bulldogs) could attempt. I’d rather give up two free throws than a three-point shot in that kind of situation,” UP coach Aboy Castro said.
In that overtime loss, UP watched UE’s Val Acuna sank a game-tying triple at the buzzer sending the game into overtime where the Red Warriors wrested control.
UP trailed NU in the first half but a near bench-clearing melee helped the Fighting Maroons turn their fortunes around.
Migs Maniego, who erupted for 15 points in the first half, was involved in a scuffle with NU’s Joseph Terso at 5:24 mark of the second period. The shoving escalated as Jewel Ponferrada and Jerome Tungcul entered the court to join the melee.
Ponferrada and Tungcul were assessed with disqualifying fouls for leaving the bench while Maniego, Terso and NU Coach Manny Dandan were each slapped with a technical foul.
Without Ponferrada inside the paint for NU, the Fighting Maroons pounded the hapless Bulldogs in the third canto as they took a 78-69 lead going into the payoff period.
The Maroons exploded for 33 points on an eye-popping 82 percent shooting from the field in that game turning third period.
Martin Reyes poured in 15 of his team-high 17 points in the second half to lead UP to its second win of the season.
Hermosisima saw his career-high 25 points went for naught as NU went down to 2-5 tying UP and Adamson Falcons at the cellar.
The Scores:
UP 78 – Martin Reyes 17, Maniego 15, Mikee Reyes 14, Sison 10, Co 10, Padilla 4, Carlo 2, Gamboa 2, Astorga 2, Lopez 1, Juruena 1, Gingerich 0, Braganza 0.
NU 76 – Hermosisima 25, Cabaluna 18, Singh 10, Baloran 8, Manito 7, Terso 4, Ponferrada 2, Magat 1, Luy 1, Tungcul 0, Roy 0, Fabula 0, Batac 0.
Quarters: 22-23, 35-43, 68-59, 78-76.
http://uaapsports.com/features/143/maroons-collar-bulldogs/
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
YEHEY!!!!
second win for UP!!!!
magandang panimula yan sa 2nd round!
sana magtuloy-tuloy...
GO UP!!!

------
sa 2nd game, nanalo ang FEU against UST. yehey din!!! ang saya saya ng mga nananalo sa simula ng 2nd round!
Adamson vs. DLSU -- nanalo ang AdU!! sa wakas!!
FEU vs. UST -- nanalo ang FEU!! yehey!
UP vs. NU -- NANALO ANG UP!!! i'm so happyyyy!!!!

---------------------
grabeh.. habang nanonood ako kanina ng game.. nawindang ako sa isang commercial...
si CHRIS TIU!!!!!
panoorin mo..... waaah.
ang swerte nung pizza. sana ako na lang yun. hahaha. :))
CLICK HERE for the video.
0 comments Tags: Basketball, Chris Tiu, repost, UAAP, UP Fighting Maroons
UP beats Ateneo, 68-58.
by jesse at 7/26/2009 03:32:00 PM
NAKATIKIM NA NG PANALO ANG UP!!

at...
ATENEO pa ang tinalo nila..
ang number 1 team ngayon sa UAAP!
undefeated pa sila sa 3-0 bago ang laban na 'to.. pero ngayon, 3-1 na!!
Thanks to UP. ngek. hahaha...
ui pero i love Ateneo. UP lang kasi ang kalaban ngayon so syempre stick ako sa school ko db.

sobrang saludo ako kila:
-Woody Co (mo, niya, nating lahat.)
-Mark Lopez (hey, Eng1 classmate! haha.)
-Carlo Gomez (bongga ka boy!)
-Alvin Padilla (di kita masyadong trip dahil tinira mo si Salamat nung una. pero fine, isa ka naman sa nagpapanalo sa UP eh. haha.)
-Arvin Braganza (go Number 8!!)
-Magi Sison
and others na in one way or another ay nakapag-contribute sa win ng UP!
Yehey to us all!!

i'm your lucky charm!! dahil ito ang first na panonood ko ng game ng UP ngayong season 72. tapos ito rin ang first win niyo!! hahaha.
grabeh lang.. parang tanga ko habang nanonood dito sa bahay. sigaw na ko nang sigaw.. tas para akong nag-exercise ng isang buong araw sa kakatalon. nakakapagod mag-cheer! pero k lang. fun naman!

super nag-boom sila nung 3rd quarter. tas buti na-sustain nila hanggang sa dulo.. kasi yun ang problema sa kanila eh. ok sa umpisa, tas biglang mag-co-collapse. pero at least ngayon, nakita ko talaga na aggressive sila. tas hinahabol talaga nila yung bola. nag-re-rebound at nag-de-defend sila ng maayos. yun ang UP Fighting Maroons na alam kong kayang makasama sa Final Four! woooo!!!
grabe. di talaga ko maka-get over. 68-58. sabi na nga ba i go for an upset eh!! woohoo!!! Major upset.

although i feel bad din for Ateneo. kasi syempre di ba. matatalo ka na nga lang, dun pa sa tinalo ng tatlong bottom dwellers din. ouch db.
nalulungkot ako sa itsura ni Kirk Long pag fino-focus ng camera. mukhang kaawa-awa. i like him pa naman kasi ang bait. tapos parang medyo madami siyang na-commit na turnovers kanina so ayun. baka na-gi-guilty. :(
anyway.. bonggang-bonggang panalo ito. morale-boosting! sana masundan pa!! haha.
YEHEY TALAGA. hahaha. yehey. yehey. yehey.

-------------
dun naman sa naunang game. yung Adamson-DLSU. sooooobrang nalulungkot ako for Adamson. lahat ng games nila, andun na eh. yung tipong one point na pagkatalo. OUCH. super ouch. mas masakit pa yung ganung pagkatalo kesa sa tambak eh.

yung against UST, one point lang. eh Adamson pa naman gusto ko manalo nun!!!! kasi they deserve to win. at syempre, ayoko lang sa UST. haha. (taga-UST ka ba? :P)
tas sa FEU, leading sila nung umpisa.. tapos yung tipong sila na sana eh. pero biglang nag-collapse. sayang. pero ok lang.. kasi FEU naman gusto ko manalo nun eh.

tapos kanina, against DLSU. one point na naman. sa overtime pa. 63-64 yata (nakalimutan ko na agad). as in one point na lang, pangalawang overtime na sana. edi mas may chance sana sila manalo.
at napansin ko lang.. yung against UST at DLSU na laban, parehong nanood ako. parehong 1 point loss. so naisip ko....
kung ako ang swerte sa UP, ako naman ang malas sa Adamson. sorry. :(
anyway......
i super missed UAAP talaga.
nakaka-miss manood ng games. nakakamiss yung ganitong nag-b-blog ako about it. nakakamiss yung nagbabasa ako ng articles tungkol dun. hai... the UAAP life.
tsaka i'm super excited na for the Cheerdance!!
UP Pep Squad na!!!

sana makakuha ako ng tickets. gusto ko uli manood ng live! :)
ayun.
Congratulations, UP Fighting Maroons!

let's go for 11-3!!! HAHAHA.

UP-DLSU Comparison
by jesse at 7/26/2009 09:00:00 AM
makikigulo lang ako. bwahaha.. *evil laugh*
binura na yung original post. even the multiply page of the author, wala naaa. na-flood na naman kasi ng comments. kasi naman.
---------
The difference between two Universities.
My stay here in UP has been as confusing as a tip to toe, induced feeling, specially when i’m confronting fellow UP students that seem to elaborate the very fact that they’re flawless when it comes to mental processes that require outstanding common sense. A feeling that I have concluded that I really don’t belong. I confront people who have worked there asses out from high school; people who have not failed to attain above average grades and would be serious with every aspect of educational matters. I dont blame them, they’re downright smart asses, that’s why they’re in the University of the Philippines, they’re a bunch of over experienced students who have been on the primary state of intelligence, not to mention the fact that UP students are outrageously cocky. Yes, it’s a given fact. Though exclude me from this matter, I’m not a fully allege UP student, no; I still have a lot to prove before I could join the cliched bandwagon of State U.
My blood still runs in the Taft life, yes, state for the matter of what I express, this is De La Salle University. A University from Manila that has proved its worth in the educational system. From here on you would see the differences between; an organized and well established University, from a University that has been supported by the government, manifesting its corruption throughout the campus. From Palma Hall (AS building), to the statue that upholds a bold representation of what it means to be a jackass; there on would you see students walking while working there fucking eyes out to the vast numbers of readings for a simple exam that could be associated with the prelims of the University of Santo Tomas. Classrooms in the University are hot, as hot as the afternoon delight that you would feel in the Mega rail Transit whose air conditioner is busted for the matter. Yes, life sucks as I presume when it comes to facilities.
In De La Salle University, you would feel comfort and relaxation, not to mention the fact that you could sleep while classes are going on, for this matter, I love this part; feeling no pressure or stress when it comes to learning, we do our part when it comes to studying, we could easily work our way out of reading a 200-paged essay, due to the fact that air cons are working and you could breathe fresh and scented air inside the campus. Students in De La Salle University are cocky and bastards, this is not a negative aspect in which one should uphold; this is an attribute that runs in the campus. We’re creative, fun to be with and we sure arent as devoted as the nerds in the University of the Philippines. We know how to handle and deal with our problems in a well respected manner. We don’t end up on killing each other as the students in the University of the Philippines. We dont have disgusting chairs and a hundred year-old paint that still lies upon the shallow corners of State U. We are cool people who have a judgment that could be dealt with other individuals.
So why am I studying in the University of the Philippines? Simple, I could drive going to school, I’m just 30mins away from home, and to hell am I sure that I should have a bright future ahead of me. The benefits of a UP graduate, hmm, perhaps this is the only thing that upholds a pleasing attribute in the University itself..
-----------
http://paytrick.multiply.com/journal/item/25/The_difference_between_two_Universities
but personally, i think hindi na siya dapat pag-aksayahan ng panahon. if he thinks that way, then bahala siya. kung hindi niya trip ang culture at environment sa UP, then he's free to go. like hello? wala namang pumipigil sa kanya. it's not UP's loss naman in the first place kung bumalik siya dun sa original alma mater niya. makakatulong pa nga siya sa UP dahil mababawasan ang kelangan bayaran na tuition ng taong bayan. at least may isa pang mas nangangailangang estudyante ang makikinabang sa slot niya. grr him. X(
COLLEGE = LOVE
by jesse at 7/04/2009 05:31:00 PM
This is all about your current course in college. ONLY COLLEGE STUDENTS ARE REQUIRED TO ANSWER THIS.
1.Anong course mo?
BS Business Administration and Accountancy
(pero BS Business Administration at heart. babalik na nga ako eh! )
2.Saan ka nag-aaral?
University of the Philippines.
proud Iska.
3.Napilitan ka lang bang kunin yang course na yan?
hmm... hindi naman. na-pressure lang. haha. :))
yung BS BAA, medyo napilitan na hindi. gusto ko din naman siya dati. pero ngayon... ewan. :))
BS BA, yun ang gusto ko ngayon! ;)
4.Sino nag-papaaral sayo?
mga magulang ko. :)
5.Anong year mo na?
3rd year. Junior.
6.Nag-e-enjoy ka ba sa college life mo?
NAMAN!
7.Eh, sa college barkada?
of course!! lalo na UP ABAM!! go go go!!
8.First college friend?
hmm... yung first ever nakausap ko sa college (CBA), si Richelle. pero yung as in naging friend na friend ko, si JOAN! :)
9.First college boyfriend/girlfriend?
si *TOOT*!! hahaha. ASA. :))
10.Ano yung top 2 choices mo na course?
BS Business Administration and BS Business Economics
11.Have you ever felt out of place at school?
hmm... siguro? dahil sa College ko. lalo na nung first year, SUPER. puro sosyal kasi mga tao. eh ako, jologs! =))
12.Irreg ka ba o regular?
Regular naman.
13.May crush ka sa school mo?
SYEMPRE NAMAN NOH. hindi pwedeng mawalan nun. HAHAHA. :))
14. Favorite subject?
for the current sem, BA 101!!!
pero kung for my whole stay in college, Landscape Architecture (because of the prof) and BA 101 (because of the prof, too!).
15.Sang subject ka natutulog?
Nat Sci 1 and 2!!! hahahahaha... pero minsan lang naman. pag puyat. ang sarap kasi ng aircon eh. :))
16.Pinakahate mong subject?
BA 114.1 and BA 141. SERYOSOOOOOOOOOOOOOO.
17.Kilala ba school mo?
tinatanong pa ba yan? haha. yabang. :))
18. Ever thought of taking up Nursing?
Honestly, no. NEVER.
19.Gusto mo bang magshift?
umm... from BAA to BA? OO. hahaha. ang gulo ko. nung summer lang, namomroblema ako ng paglipat from BA to BAA, tas ngayon gusto ko na agad bumalik! HAHA.
20.Anung course naman?
BS Business Administration. promise na yun.
21.Do you miss your highschool life?
yes, i do.
22.Anung balak mong unang gawin pagkagraduate mo?
maghanap ng trabaho. gusto ko nang magka-pera noh! :))
23.San ka naman magttrabaho?
basta may pera, dun na. HAHA. mukhang pera talaga. :))
24.Do you have plans of going abroad?
no, for vacation lang. :D
25. 10 years from now ano ka na?
TAO. :))
but seriously, CEO ng isang top company.
yeeess... taas ng pangarap. :))
26.Do you love college life?
YES! YES! YES!
27.Anung gusto mong gift ang matanggap mo sa graduation mo?
KOTSE. BAHAY (o kahit condo unit lang). CASH (and I mean CASH). trip abroad. etc........
pero maka-graduate lang, keri na. masaya na ko. :))
28.May bf/gf ka ba?
ano ba. wag na nga kasing ipamukha. kanina ka pa tanong nang tanong eh. sabi na ngang ASA PA diba?!
29.Recent school problem?
BA 114.1 at BA 141.
pero hindi yung subject ang problema ko.... YUNG PROOOOOOF! (as in prof, pero pasigaw, ok?)
30.Pinakahate mong prof?
ayan. kakasabi ko lang. yung prof ko sa 114 at 141.
tapos biglang nabasa nya to eh noh. PATAAAAY. :))
31. Pinakafavorite mong prof?
Mam Elizabeth Espino. Landscape Archi prof ko!! wooooo!! uno. uno. uno!
pero more than the uno, i love her talaga. kasi she made me appreciate nature, architecture, and everything else even more.
32. Crush mong prof?
ay, secret. HAHA.
wala eh. puro babae prof ko. yung mga lalake naman, wala namang crushable. :))
33. Crush mong kaklase?
si ano. si.. si. sicret!
34. Pinakakaclose mo sa college friends?
si joan. :)