Hindi na muna siguro ngayon...

baka hindi ko pa time. baka hindi ko pa kaya. baka mag-fail lang ako. baka ma-disappoint lang sila.


ang dami-daming "baka".

alam ko, pano ko malalaman kung hindi ko susubukan?


pero natatakot talaga ko....


gusto kong subukan pero nauuna yung takot. huhu. kelangan ko ng confidence booster! :((



sorry, ate diane. next sem kaya, pwede?



nakapag-compose na ko ng answers. nasa drafts na nga sa email ko eh. pero di ko na-send. huhu. di ko na kasi alam kung pano itutuloy. WAAH.


==============================================================

*sorry late na.. kung hindi na umabot, ok lang.
*wala akong specific position in mind. kahit saan na lang siguro.
*maikli lang... sorry. tas puro wrong grammar pa. haha. hindi ko alam kung tama ba 'tong pinaggagawa ko. sori kung mali.
*baka sobrang madrama yung mga sagot ko. sori naman.



1. Why are you applying for the position?

Just like what I said in my formal interview when asked why I chose HR, I would like to have the chance to get to know my fellow ABAMers more. Being a shy little girl, I find it hard to have the initiative to talk to people. I believe that if I become a director, I'd have a reason to communicate with my orgmates. I know that getting this position entails great responsibility, but together with that would be the privilege of being trained by my seniors and proving myself as worth of being a new ABAMer.
2. What can you contribute to the department and the ABAM as a whole given this position?

I know I lack people skills, but that exactly is what I can offer to the HR Department and UP ABAM. I would turn my desire for experience and incapabilities into inspiration to work at my utmost best in everything I do for the organization. With this, I hope to dedicate my time in the activities of ABAM, and make sure that our every event would be fun-filled and worthwhile.
3. What extra twist would you add to this position/event to make it more fun and better?

There are two positions I want to try out: the Director for TransOrn, and Director for Member Involvement and Development.

For the TransOrn, I would like the transitionals to feel that they belong. I want to have games wherein the transitionals could enjoy and at the same time introduce themselves to the members, so we will already have an idea about them. I think the TransOrn should be more about the Transitionals, so most of the activities would involve their participation. Also, more transitional/buddy interaction. I think the first time they meet, there should already be a connection. ;)

I would also want to have a simple souvenir for those who will attend. Something that could make them remember that night when they first entered the ABAM family. It will be personalized, with his/her name and the buddy.


For the Member Involvement and Development,

4. How do you intend to get the full cooperation and participation of the ABAM population in all your endeavors?


5. What position is your next choice?


==============================================================


AYOKO NA. WAAH TALAGA. :(( :(( :((




define 'fashionable'.

huhu. wala akong mahanap na pwedeng isuot para sa induction. :((


di naman kasi ako maporma. simpleng shirt at pantalon lang ang get-up ko everyday. huhu. anong isusuot ko?! :((





ate diane, mag-s-submit na ko mamaya. wait lang.





si Chris Tiu na yun.. sa wakas!

voice niya na yung nasa latest (as in latest) Milo commercial! yehey!! mas maikli na siya ngayon. pero ok lang.. at least mukha at boses na talaga ni Chris ang ginamit.

MASAYA NA KO DUN!! hahaha.


grabeh noh.. ang big deal niya para sakin!! haha. wala lang.


hindi pa kino-confirm ni chris na siya na nga yun, pero alam ko.. i know, i can feel deep inside my heart, na siya na nga yun. it's his voice na talaga. haha, ang drama.



anyway, drink Milo na!!



i will not cram anymore.

promise. :|


i have learned my lesson (thanks buddy docu for teaching me).


so from now on, i will learn how to prioritize things.

i will not let temptation win over me.

i will study if i HAVE to study, and play only if i CAN play.

i will not waste my time in unimportant things like daydreaming.

i will learn to use my planner, and follow whatever i have written.

i won't let the internet control my life.




in short, hindi na ko magpapakatamad.


magpapakatino na ko.

magseseryoso na ko sa buhay.




magiging SUMMA CUM LAUDE ako pagka-graduate ko.




sabi ko na nga ba eh....


hindi si CHRIS TIU yun!! hindi niya boses yung sa Milo commercial!! HAHA. wala lang. :P


the first time i saw/heard that commercial, alam ko na agad na hindi niya boses yun. kasi naman, ang lalim nung boses. eh yung boses niya sa Pinoy Records at Ripley's eh parang boses ng bata. biruin mo yun, ang laki laking tao, tas ang liit at ang tinis ng boses?! hahaha.

although sa medyo last part nung commercial, medyo kahawig na ng voice niya.... pero kahit na. HINDI PA RIN SIYA YUN.


pero ok lang kahit hindi niya totoong boses ang ginamit. siya pa rin naman yung nakikita sa screen. mahaba-habang exposure din yun.... tuwing pinapakita yung commercial, humihinto talaga ko at pinapanood ko. kahit na parang ilang beses ko nang napapanood. HINDI AKO NAGSASAWANG TIGNAN SIYA....


HAHAHA. ANG GWAPO NAMAN KASI DI BA.


ang swerte nung mga batang nakalaro niya.... HAHAHA. sana ako na lang yung bola. o kaya kahit yung ring lang, ok na rin. :))


---------------------

from his blog: http://chris-tiu.blogspot.com


Hi it's me again after 3 weeks! Actually I've been a bit lazy lately to exercise my brain cells and articulate various thoughts. Honestly, I can't think of any interesting topic to write about. Ergo, I will do my best to touch on the many questions that I have been receiving through this blog and the FANATXT. Thanks to those who continue to subscribe btw :)

First, the latest MILO commercial. Yes, it is not my voice. I initially did the voice over but because of some internal matters, they had to use a dubber at the last minute. But , I already did the voice over again and I believe it was approved and should be airing with my voice pretty soon.... i hope! Nevertheless, the essence of the commercial doesn't change. Glad you guys liked it!

Next, many have been wondering what I've been up to lately. Well, the usual, training with the National Team, hosting and doing some business on the side. But one thing that's really kept me busy this past month is my involvement in socio-civic activities. Once the PBL Conference starts again this summer, I won't have much of a life outside of basketball again. Going back, there are several causes that I truly wish to advocate. That's why I've been doing my best to reach out to them. Sadly, we cannot accommodate them all.

Recently, Volvo had its Voice of Leadership culmination activity with an elocution contest where I was the host and ambassador. The participants were amazing with the content and delivery of their speeches. But the highlight of the event for me was being able to watch Lea Salonga perform just a few meters from me and meet her for the first time! I was being teased non-stop after the event for appearing so star struck on stage! I guess she's one of the very few local personalities who can truly mesmerize me because I'm a huge fan hers and I love watching musical plays especially those like Les Miserables, Miss Saigon and others where she played major roles.

During Valentines Day, together with my family and friends, we made an effort to experience the life of a construction worker for about 3 hours with the Habitat for Humanity group. Wasn't easy at all! But an eye opener indeed. I hope that more Filipinos can get involved not just in building homes but in building communities and individuals with values as well.

[n640447970_1487643_1585.jpg]


I'm also helping out the Get Caught Reading campaign with their promo materials to hopefully encourage the youth to love reading because I believe that reading (the right materials) is such a powerful weapon in developing an individual as well as nation building! Like what Jose Rizal said himself, "a pen is mightier than the sword..." Coincidentally, I am currently reading a book entitled "Lolo Jose", a very detailed description of the life of our national hero coming straight from the point of view of his very own grand niece, Asuncion Lopez Bantug. The book was given to me but it might be available in some bookstores. Very interesting!

I've also done my rounds in various schools giving short talks and messages about various topics. I've visited, of course, the Ateneo High School, Southridge, Philippine Science High School and Northfield among others. But I think I'll have to put those on hold first as my commitments are starting to pile up again. So, these are the things that's been keeping me pre-occupied lately! Bored? Well, from youth leadership, to perseverance, to education, to Christ, and whatever other topics I've been chattering about, I sure hope that I'm making sense and getting through to them! So do you still want to hear about what's going on with me?? :) haha!

Chris


--------


naku naman, Chris. tinatanong pa ba yan? of course gusto pa namin!! hahaha. so keep us updated. post lang nang post, ha?


I miss Fr. Jboy...

Si Fr. Jboy ang favorite priest namin ng mommy ko. Every Sunday, we make sure na makakaabot kami sa 11 am mass sa UP Chapel (Parish of the Holy Sacrifice). Kelangan maabutan namin ang mass ni Fr. Jboy, especially his Homily.


malayo ang bahay namin sa UP. sa Fairview pa kami nakatira, pero dinadayo pa rin namin ang UP para lang maka-attend ng mass ni Fr. Jboy. kung tutuusin, marami naman kaming pwedeng ibang pagsimbahan na mas malapit. andyan ang St. Peter's Church, andyan ang Good Shepherd, at andyan ang chapel namin sa subdivision. pero mas gusto pa rin talaga namin kay Father. Iba siya eh.


Hindi siya katulad ng ibang mga pari na maraming nakakatulog pag Homily. Hindi siya katulad ng iba na halos binabasa lang ang kanilang mga sasabihin sa Homily. Hindi siya monotonous, hindi siya scripted, hindi siya traditional. Iba siya.

I know it's not right for me to compare him with other priests, since they are all for the service of God naman. But for a common churchgoer like me, mahirap hindi mag-compare. lalo na kung kapansin-pansin naman.

I think that's what we need nowadays eh. Someone who conveys the message in an interesting way. In an interactive way. In a cheerful way. In an effective way. Although i know that it's our responsibility to listen to the Word of God in whatever way there is. Pero di ba mas maganda at mas nakakatulong kung masaya ang paraan ng pagpaparating sayo ng Salita ng Diyos? Mas makaka-relate ka. Mas tatatak sa isip at puso mo.

At yun ang sa tingin ko ay nagagawa ni Fr. Jboy. Masaya siya mag-mass. Ang mga Homily niya, hindi lang panandalian. Hindi yung papasok sa isang tenga, lalabas sa kabila. Maaalala mo talaga. Maaaliw ka pa habang nakikinig. Hindi ka makakatulog at ma-e-engganyo ka pang mag-participate. Pag may itatanong siya, sasagot ka. Pag pinag-raise ng hand, itataas mo din ang kamay mo. He has his own way of making things interesting.


Ang tawag ni Mommy kay Fr. Jboy, "Fr. Bitoy". I don't know why. Sabi niya, kamukha daw kasi ni Fr. Jboy si Michael V. But I can't see it. Pero siguro nga magkahawig sila.... at pareho rin silang masayahin at witty. No wonder marami rin ang may favorite sa kanya.


In fact, siya pa ang napiling mag-preside sa Simbang Gabi noon sa PBB Celebrity Edition 2. Siya rin ang nagkasal kay Ruben at sa asawa niya. May segment din siya pag umaga sa ABS-CBN na Kape't Pandesal. o di ba, sosyal si Fr. Jboy..


basta for me, siya ang pinaka-cool na pari. I've seen him during UAAP games ng Men's Basketball. Todo cheer siya for UP Fighting Maroons! And he's musically inclined din. galing talaga. did you know na siya ang nag-compose ng "Panunumpa"? yung kanta ni Carol Banawa. ang cool, di ba. kung tama ang pagkakaalam ko, sinulat niya ata yun para sa mga magpapari. it's their panunumpa to God.



Pero lately, actually medyo matagal-tagal na rin, napansin namin ng Mommy ko na hindi na namin nakikita si Fr. Jboy. Hindi na siya ang nag-ma-mass pag 11 am. Medyo matagal din kasi kaming hindi nakapag-simba sa UP due to some conflict of scheds. Sa iba na kami nakapagsimba. So pagbalik namin, ayun, namiss namin si Fr. Jboy. Not knowing na hindi na pala namin siya maaabutan.


I tried to search for some answers to my questions. Asan na si Fr. Jboy? Bakit wala na siya dito? Bat hindi na siya ang nag-ma-mass? Bat ni anino niya, hindi na namin makita? I tried to go to his multiply site. and I found out na wala na nga siya sa UP.

"not anymore. Am out of UP. My mass is now on Sundays, 6PM, Church of the Gesu, Ateneo de Manila. See you."


Ayon sa kanya, ayaw daw ng parish priest sa kanya? bakit kaya? eh ako naman ayoko sa parish priest. seriously. even my Mom. sorry pero mas gusto ko talaga si Fr. Jboy eh.



If ever it's true, nakakalungkot naman na kelangan mahaluan ng personal (or maybe not) motives ang pagka-lipat ni Fr. Jboy. Marami ang nalungkot, marami ang nanghinayang, marami ang nakaka-miss sa kanya. at isa na ko dun. kami ng mommy ko.


Ang hirap kayang dumayo pa ng Ateneo tas gabi pa. although siguro kahit once or twice a month, sabihin ko kila mommy na dun kami mag-mass. para makita na uli namin si Fr. Jboy.




ANG GWAPO NI JOHN LLOYD!

HAHAHA. gusto kong magkaron ng isang Miggy Montenegro!! hahaha.. gusto kong magpaka-Laida Magtalas. HAHAHA.

at may naiisip na kong pwedeng maging Miggy ng buhay ko..... hahaha.


Miggy Montenegro = CHRIS TIU


HAHAHAHAHAHA!

- mayaman
- business-minded
- Bachelor magazine = Meg magazine
- gwapo
- gwapo
- gwapo
- at gwapo


ayoko na.... :))



kakapanood ko lang ng You Changed My Life, ang sequel ng A Very Special Love.

at ang masasabi ko lang............. GUSTO KO PA NG PART 3!!!!!!!!!!


haha. parang adik lang eh. pero oo, adik na ko sa Sarah - John Lloyd loveteam!!! WOOHOO!!! HAHAHA..


katulad ng dati, marami pa ring funny scenes, maraming simpleng patawang mga linya, at na-utilize nila nang bonggang bongga ang ALPHABET.


example: (hindi eksakto)
  • "siguro A ka, coz you're not meant to B."
  • "sana V na lang ako, para always beside U."
  • "Y is she in a hurry? ...... kasi andito na si X -- eX-boyfriend."

basta, basta.. hindi ko na maalala yung mismong mga pinagsasabi nila eh. pero aliw talaga.

tas may mga lines pa na....

  • "siguro magaling ka sa puzzle, kasi di pa nagsisimula araw ko, nabuo mo na."
  • "i'm not jealous! i don't get jealous! i've never been jealous! ngayon lang!"
  • "siguro pagod na yang Laida na yan.. buong maghapon magdamag siyang tumakbo diyan sa utak mo eh."


i know right? sobrang gasgas na the pick-up lines. but i don't care... i love them. HAHA!


random comments:
- parang hindi na ata nagpalit ng sapatos si Sarah. sa parehong scenes na naghubad siya ng sandals, parehong parehong wedges ang suot niya. ok.. haha.

- bongga talaga maging boypren si miggy. talagang nag-helicopter pa sila nung papunta sa birthday ng dad niya.

- 3 products na ine-endorse nila sarah at john lloyd ang lumabas (na napansin ko, dahil sobrang kapansin-pansin): Greenwich, Biogesic, at Jollibee.

- nakakainis na nakakatuwa na nakaka-carried away si Direk Rowell Santiago as Kuya Art ni miggy. nakakainis siya pag pinag-iinitan niya si miggy. nakakatuwa siya nung dun sa may planta na nag-p-plantsa siya, tas nung sabay silang bumaba ni miggy ng kotse tas nakita niyang naka-coat and tie pa si miggy. nakaka-carried away ang acting niya. galing. effective!

- ang kulit nila joross at gio alvarez! pati si matet keri din. nakakaloka pag may ganyan kang barkadang kasama araw-araw! pero masaya.. :)

- si rayver, epal lang naman ang role. pero appreciate ko siya. :)

- ang cute ni john lloyd nung nag-s-sundance siya! haha. (pero actually, parang sa lahat naman ata ng scenes.)

- kinilig ako dun sa scene na pinalabas niya si sarah ng bahay, tas pagtingin ni sarah, may mga heart-shaped balloons na nakasabit pababa. tapos sa pinakadulo, may malaking lip-shaped balloon na nakatakip sa mukha ni miggy. tas nung inalis niya, GRAABEEEEHHH.... hahaha!

- tapos yung sa birthday party, ang kuleeet... lalo na nung stop dance. (kahit yung pinakita dun sa bloopers) ang kulit ni john lloyd!! haha. si rayver naman, karir. (i know, kelangan kasi sa role niya.)

- hindi ko masyadong type ang "power hug" at "power kiss". mas benta pa rin talaga sakin ang sundance. haha.

- yung kinanta ni rayver dun sa wedding na "kapag ako ay nagmahal", eh kinanta ko lang yun last week eh!! so ayun, na-carried away din naman ako habang pinapatugtog siya... haha! pero in fairness, ang gwapo ng boses niya. :))

- naiirita ako sa "bebe ko" ringtone nila. ka-loka! kamusta naman yung nag-mi-meeting eh biglang may sisigaw ng "bebe ko.. bebe ko! BEBE KO!!!!" potek yan. dyan siguro nakuha ni Bebe (Gandanghari, dating Rustom) yung pangalan niya! hahaha.

- ka-windang yung magtawaran daw ba kung ilang seconds yung kiss. grabehan lang ha.. tas sa last part naman, hindi naman pinakita.. tsk. buti na lang nakakatuwa si sarah sa last scene na yun ha. para talaga siyang loka-loka. :))



o game, serious mode na....

yung tungkol dun sa gustong iparating ng movie na ang pagmamahal, wala dapat sukatan. para sakin totoo yun. kasi tulad nga nung sinabi ni rayver na kung laging ganun, na may mas mahal, hindi talaga sila magtatagpo. lagi na lang may sumosobra at laging merong may pagkukulang.

tulad nung kay Laida.. pag nag-i-iloveu si miggy, laging ang sagot niya, "mas mahal kita". so kasabay nun, ang mas mataas din na expectations niya. eh kung titignan mo naman yung situation ni Miggy, he's trying din naman talaga na as much as possible eh maipakita nya kay laida yung pagmamahal niya. pero para nga kay girl, kulang pa.

naawa talaga ko kay miggy nun. kasi sobrang na-ha-haggard na nga siya sa lahat ng mga kelangan niyang gawin araw araw. tas sasabay pa yung hatid sundo kay laida sa office. to the point na dun na lang sya natulog sa kotse sa labas ng bahay nila sarah. :(

tas eto namang si laida, nasobrahan naman ata sa pagmamahal. hindi tumuloy ng canada, dahil kay miggy. balak mag-resign sa matinong trabaho niya, para sumunod kay miggy sa planta. parang.... kung iisipin mo, may ganun ba talagang tao? yung iiwan at i-sa-sakrpisyo na lahat para lang sa mahal niya? siguro nga meron, pero para sakin wala....


anyway...


nung pumasok na si rayver sa scene, tas sinabi na ngang classmate siya nung high school.. tas bestfriend niya si sarah noon.. tas "yats/yatz" ang tawag niya kay laida dahil "payatot".. tas matagal hindi nagparamdam, etc... may naisip ako. secret na kung sino. HAHAHA.




ah basta... masaya ko dahil nakanood ako.. kakanood ko pa lang ng A Very Special Love, sinabi ko na agad papanoorin ko talaga yung part 2 eh. so ngayon namang napanood ko na yung You Changed My Life, papanoorin ko talaga yung part 3. SANA MAGKARON PA! haha.

pero promise, sana magkaron pa. dapat sinusulit na nila 'to, habang patok sa tao ang Sarah-John Lloyd loveteam. kasi bihira lang yung mga ganito na magkasunod na Box Office Hits. (ay, assuming ako masyado. hahaha.) pero basta... pag nagkaron ng part 3, watch talaga ako!!