I miss Fr. Jboy...

Si Fr. Jboy ang favorite priest namin ng mommy ko. Every Sunday, we make sure na makakaabot kami sa 11 am mass sa UP Chapel (Parish of the Holy Sacrifice). Kelangan maabutan namin ang mass ni Fr. Jboy, especially his Homily.


malayo ang bahay namin sa UP. sa Fairview pa kami nakatira, pero dinadayo pa rin namin ang UP para lang maka-attend ng mass ni Fr. Jboy. kung tutuusin, marami naman kaming pwedeng ibang pagsimbahan na mas malapit. andyan ang St. Peter's Church, andyan ang Good Shepherd, at andyan ang chapel namin sa subdivision. pero mas gusto pa rin talaga namin kay Father. Iba siya eh.


Hindi siya katulad ng ibang mga pari na maraming nakakatulog pag Homily. Hindi siya katulad ng iba na halos binabasa lang ang kanilang mga sasabihin sa Homily. Hindi siya monotonous, hindi siya scripted, hindi siya traditional. Iba siya.

I know it's not right for me to compare him with other priests, since they are all for the service of God naman. But for a common churchgoer like me, mahirap hindi mag-compare. lalo na kung kapansin-pansin naman.

I think that's what we need nowadays eh. Someone who conveys the message in an interesting way. In an interactive way. In a cheerful way. In an effective way. Although i know that it's our responsibility to listen to the Word of God in whatever way there is. Pero di ba mas maganda at mas nakakatulong kung masaya ang paraan ng pagpaparating sayo ng Salita ng Diyos? Mas makaka-relate ka. Mas tatatak sa isip at puso mo.

At yun ang sa tingin ko ay nagagawa ni Fr. Jboy. Masaya siya mag-mass. Ang mga Homily niya, hindi lang panandalian. Hindi yung papasok sa isang tenga, lalabas sa kabila. Maaalala mo talaga. Maaaliw ka pa habang nakikinig. Hindi ka makakatulog at ma-e-engganyo ka pang mag-participate. Pag may itatanong siya, sasagot ka. Pag pinag-raise ng hand, itataas mo din ang kamay mo. He has his own way of making things interesting.


Ang tawag ni Mommy kay Fr. Jboy, "Fr. Bitoy". I don't know why. Sabi niya, kamukha daw kasi ni Fr. Jboy si Michael V. But I can't see it. Pero siguro nga magkahawig sila.... at pareho rin silang masayahin at witty. No wonder marami rin ang may favorite sa kanya.


In fact, siya pa ang napiling mag-preside sa Simbang Gabi noon sa PBB Celebrity Edition 2. Siya rin ang nagkasal kay Ruben at sa asawa niya. May segment din siya pag umaga sa ABS-CBN na Kape't Pandesal. o di ba, sosyal si Fr. Jboy..


basta for me, siya ang pinaka-cool na pari. I've seen him during UAAP games ng Men's Basketball. Todo cheer siya for UP Fighting Maroons! And he's musically inclined din. galing talaga. did you know na siya ang nag-compose ng "Panunumpa"? yung kanta ni Carol Banawa. ang cool, di ba. kung tama ang pagkakaalam ko, sinulat niya ata yun para sa mga magpapari. it's their panunumpa to God.



Pero lately, actually medyo matagal-tagal na rin, napansin namin ng Mommy ko na hindi na namin nakikita si Fr. Jboy. Hindi na siya ang nag-ma-mass pag 11 am. Medyo matagal din kasi kaming hindi nakapag-simba sa UP due to some conflict of scheds. Sa iba na kami nakapagsimba. So pagbalik namin, ayun, namiss namin si Fr. Jboy. Not knowing na hindi na pala namin siya maaabutan.


I tried to search for some answers to my questions. Asan na si Fr. Jboy? Bakit wala na siya dito? Bat hindi na siya ang nag-ma-mass? Bat ni anino niya, hindi na namin makita? I tried to go to his multiply site. and I found out na wala na nga siya sa UP.

"not anymore. Am out of UP. My mass is now on Sundays, 6PM, Church of the Gesu, Ateneo de Manila. See you."


Ayon sa kanya, ayaw daw ng parish priest sa kanya? bakit kaya? eh ako naman ayoko sa parish priest. seriously. even my Mom. sorry pero mas gusto ko talaga si Fr. Jboy eh.



If ever it's true, nakakalungkot naman na kelangan mahaluan ng personal (or maybe not) motives ang pagka-lipat ni Fr. Jboy. Marami ang nalungkot, marami ang nanghinayang, marami ang nakaka-miss sa kanya. at isa na ko dun. kami ng mommy ko.


Ang hirap kayang dumayo pa ng Ateneo tas gabi pa. although siguro kahit once or twice a month, sabihin ko kila mommy na dun kami mag-mass. para makita na uli namin si Fr. Jboy.




0 comments: