ang aking unang Lantern Parade.

masaya naman. front row uli eh. sa likod nga lang. haha. pero at least kitang-kita ko yung.... mga likod nila. hahaha. ah basta. masaya pa rin noh.




hai nakoo. magk-kwento na ko ha. walang aangal.





hindi na ko sumabay kay daddy kaninang umaga kasi 7 yung alis niya eh parang kamusta naman yun kung darating ako ng ganun kaaga sa up db?? kaya naisipan ko na kay mommy na lang ako sasabay. para late naman kahit pano. ang unang plano niya, 10 daw aalis. pero ayun. inabot na kami ng alas dos sa bahay. kasi nagbalot pa siya nung mga pang-regalo ko. haha.



sinamahan ko siyang magpa-check up at maghanap ng medical certificate. una, sa fairview general hospital. hanggang sa nakarating kaming well of life. parang clinic siya. hai basta. diretso na nga.



edi aun na. pagkagaling dun sa clinic, naghiwalay na kami. siya, Ever ikot. ako, philcoa. tapos pagkarating ko nga ng philcoa, edi diretso UP na ko. tapos tinext ko na si marjo kasi sabi niya magkikita daw kami. tapos pala, may mga re-routing kanina. so ang layo pa ng nilakad ko mula sa jeep. dun ako bumaba sa may college of law. inikot ang sunken at naglakad patungong AS. nagtext siya, sabi niya nasa tambayan daw siya ng Aggre. tapos punta daw akong Eng'g steps, puntahan niya ko dun. edi parang kamusta naman db?! dinaanan ko na yung likod ng melchor kanina eh!!! tapos umikot pa ko sa kalahati ng acad oval, at dun din naman pala ko pupunta sa eng'g?!? haai.. eniweiz.


pagkarating ko dun, binigay niya yung gift niya para sakin. ayiee. buti pa siya may nabigay na sakin.. ako kasi wala pang nabibili na para sa kanya eh!! hahaha. edi aun. yun pala, kelangan niyang sumama sa parade. as in makiki-lakad siya. so nagpa-iwan na lang ako dun sa Eng'g steps. at tinext ko na lahat ng mga kakilala kong alam kong pupunta sa Lantern Parade. kasi dapat magmi-meet kami nina yna at jio. sasama dapat ako sa kanila. eh sabi nila mga 5:30 at 6 pa daw sila darating. so tinext ko sila aids, dana, klyn, at kylie. tinanong kung asan sila dahil wala akong kasama. at un naman pala, magkakasama sila sa archery range!! christmas party daw kasi nila..


eh nung una ayoko sanang pumunta dun kasi ang layo layo pa. iniisip ko kasi lalakarin ko kasi nagtitipid ako eh. kaya lang nung nainip na ko sa kaka-upo sa steps, napag-isip isip ko na puntahan na lang sila. edi nilakad ko hanggang dun sa may waiting shed na may dumadaan nang mga jeep, at sumakay na ng ikot. pagkarating ko, binabalik na nila yung mga bow nila. tapos na ata sila eh. tapos aun.


nung nagliligpit na, pinapauwi ba naman sakin yung brownies!! eh hello?!?! kakarating ko lang kaya at hindi ko pa kilala yung iba nilang mga kasama.. so nakakahiya db.. pero in the end, napilit din nila ko. (hahaha... ayun daw oh. "napilit" daw. sus. syempre pakipot muna sa umpisa. hahaha.) tapos nung tapos na silang mag-ayos, narinig na namin yung mga kaboom kaboom ng mga paputok. so ibig sabihin, START NA!!!!! edi ako naman nag-panic na. eh kasi baka hindi namin maumpisahan.


so takbo lakad na yung ginawa namin papuntang Quezon Hall. nadaanan nga pala namin yung mga nasa dulo sa huli na lanterns sa university avenue. haha. wala lang. sharing. edi nung una, andun na kami sa quezon hall. eh sila, lumipat pa dun sa ampitheater/amphitheater [ano bang tama?!?! help naman dyan.] so syempre, sunod naman ako. eh kaya lang feeling ko malayo dun sa pinwestuhan nila. so tumalon talon pa ko papunta dun sa harap. as in harap. pero likod nila. (wah. sori ang gulo. haha.)


eh tapos si kylie naman sumunod din. so aun na nga. start na!! yipee!!




umm... hindi ko na maalala yung pagkaka-sunod sunod. tignan niyo na lang sa pictures ko at sa pictures ng ibang tao. sori ah. haha.




basta basta basta. ang hindi ko makakalimutan (sa ngayon) ay si PIRS at si BUKNOY!!! ayiee!!! i lab dem bot. pramis!!!!


si PIRS kasi, siya yung isa sa mga higantes ng SOLAIR. eh wala lang. ang kulit niya kasi eh. may pa-supladita effect pa nung paalis na. haha. at otso otso siya nang otso otso sa harap. sus. pasikat. hahaha. pero kahit na. i lab it!


tapos si BUKNOY naman, siyempre, sino ba namang Isko/Iska ang hindi nakakakilala sa kanya?! (feeling ko meron pa rin eh.) wala lang. nakakatuwa lang siya kanina. dun naman siya sa kasama sa College of Fine Arts. yung maraming bato. kasama niya yung mga baradong Tamaraw, Tiger, Archer, at Eagle. but of course, my beloved BUKNOY RULES!!! you rock, Buknoy!!! woohoo!!! wala lang. sumayaw ng Papaya sa taas nung ladder. sabay oble pose pa. o daba?!



tapos isa pa rin pala, hmm... wala lang. natuwa lang din ako sa kanya kanina. dun kay Bonifacio. sa Fine Arts din siya eh. yung sumayaw nung "Katawan" na ang kumanta naman ay yung emcee. wala natuwa lang ako. parang feeling ko ang gwapo niya kasi sa malayo eh. hahaha. oh no. eto na naman ako. puro gwapo na naman bukambibig ko. hahaha. tama na nga.


btw, sino nga pala yung emcee? yung lalake? nakakatuwa siya eh. anlupet mag-adlib. tsaka yung mga banat niya kakaiba. parang hindi pilit. wala lang. gusto ko yung mga ganun eh. haha. ang babaw ko. yung girl, db prof yun? kasi naalala ko siya yung prof nila cathy sa comm3 last sem eh. aun.


tapos after na ng last na college (AIT), fireworks na!!! woohoo!! luv it!! ang saya saya talaga kasi ang lapit niya eh. like andyan lang. haha. pero syempre malayo pa rin naman. pero mukha talagang malapit. hahaha. sori ang gulo ko talaga!! o tapos aun. a


after na nga fireworks, uwian na!! hindi na namin nakita sila dana and co. ewan ko kung san na sila napadpad. sumabay na si kylie samin. tapos grabeh. habang naghihintay na dumating yung sasakyan (kasi super traffic eh), hinang-hina na ko. ang sakit sakit na ng paa at katawan ko. parang grabeh naman kasi yung ilang oras akong nakatayo db. bawal naman umupo kasi matatabunan ako at marami nang haharang sa harap. so aun. tiis na lang.


may free concert nga pala dun sa Bahay ng Alumni kanina. gusto ko nga sana pumasok at manood kaya lang wala naman akong kasama. tsaka kamusta naman yung kasama ko yung BUONG pamilya ko pauwi db.. so hindi na pwede. haai. sad naman. libre pa naman sana yun.



pero eniweiz, masaya talaga.



my first Lantern Parade experience in UP was really, really, memorable. :)






LINKS:
Lantern Parade Album
Fireworks Display
Post-Lantern Parade

0 comments: