isang mahalagang panawagan.

Seryoso, mahalaga talaga 'to.







Kung ikaw ay isang certified Isko/Iska, at gusto mong patunayan (at ipagmayabang) sa lahat ng tao na sa Unibersidad ng Pilipinas ka nag-aaral, eto na ang pagkakataon mo.



Inihahandog sa inyo ng University Student Council ang "2008 UP Centennial Planner"!!!!


yehey!!



Para sa mga karagdagang detalye, pumunta lamang sa UP Centennial Multiply at dun ay magbasa, mag-ikot, at magtanung-tanong.



Sinisigurado ko sa inyo na hindi kasyo magsisisi sa pagkuha nito... promise!!





************************************************************************************


o tama na sa pag-a-advertise.. masaya ako!!! kasi naka-order na ko sa wakas!!! ilang araw ko nang binabalak na umorder ngunit ilang araw ko na ring nakakalimutan.. kaya kanina, nang makita ko sa isang bulletin board sa AS ang poster na ito, hindi na ko nag-atubili pa na dumiretso sa AS Lobby pagkatapos ng klase ko... eh kasi yung dating procedure, sa USC Office pa sa Vinzon's.. eh feeling ko parang ang layo layo layo pa eh.. hahaha... so buti na lang at naisipan nilang mag-lagay ng booth dun sa AS... accessible sa mga estudyante dun.



kaya ngayon, kayo naman ang inaanyayahan ko na mag-order... masaya talaga siya pramis!!! alalahanin, isang beses lang mag-ce-centennial ang UP nating mahal!! kaya't wag sayangin ang pagkakataon na magkaron ng souvenir sa centennial ng ating pinakamamahal na paaralan... yipee!!





at ngayon, gusto ko munang magpasalamat sa dalawang tao.



kay Kuya whatever-your-name-is: maraming salamat sa pag-acommodate sakin kanina sa pag-order ko. salamat din sa pagbibigay ng libreng flat tops at fruit tella. nakain ko na yung fruit tella habang nasa jeep ako ng philcoa. at yung flat tops ko, tuluyan nang na-flat sa bag ko. pasensya na, kuya.


kay Ate na may lollipop (na red na yung bibig): salamat sa pagpapasalamat sakin sa pag-order. na-appreciate ko ang iyong pagpapasalamat. kaya't salamat din.


kina Alexis, Nash, at Leane: kanina nang paalis na ko dun sa table ni Kuya whatever-his-name-is, sinabi niya na "O yung mga classmates mo baka gusto din bumili". pero alam ko namang hindi kaya't nasabi ko na lang, "Sige kuya, pipilitin ko sila." kaya't eto ako ngayon. pinipilit kayo. at wag kayong pasaway. magpa-pilit kayo. haha.


at para sa lahat ng nagbabasa nito: BUMILI NA KAYO!!! i assure you, sulit 'to. although mahal nga talaga. pero db naman, isipin niyo na lang na once in a lifetime lang mag-ce-centennial ang UP!! at maging proud naman kayo na estudyante at nag-aaral kayo dito sa ika-isandaang taon nito!! aun lang. haha.



actually ako, hindi naman talaga ko nag-p-planner eh. hindi uso sakin yung ganun. kasi kahit naman sulatan ko, hindi ko naman nasusunod eh. wala ring silbi yung pagka-PLANner niya. pero bumili lang talaga ko dahil nga minsan lang 'to. pang-souvenir lang kumbaga. haha. tsaka para naman matulungan na rin natin ang USC na magka-funds. db mga kapwa ko isko at iska? :)




o basta ha, ORDER NA! ^_^

0 comments: