nasaktan ka na ba?

ako, oo.


eh ikaw?




anong ginawa mo nung nasaktan ka? lalo mong sinaktan sarili mo? nagpaka-suicidal ka ba?

grabeh ka naman, if ever. haha.




drama.


ang sarap magdrama lalo na kung inspired ka..




masarap din mag-reminisce ng past...




malungkot.


nakakaiyak.


pero marami akong natutunan.






kahapon, nahalungkat ko yung box na naglalaman ng kung anu-anong bagay mula nung high school ako hanggang ngayong college.. at nakita ko dun yung mga sulat na pinaggagawa ko nung high school.


at kahapon ko lang uli na-realize. shucks. ang drama ko pala nung high school!! lalo na nung 2nd year at 3rd year. puro ka-senti-han ang alam ko. haha. at aun. habang binabasa ko, parang hindi ko maintindihan yung feeling. magulo. malungkot. pero ang sarap balikan. kasi parte yun ng buhay ko.



eto. naisipan kong i-share sa mga tao. kasi ilang taon ko ring itinago 'to eh. and i guess it's time to free myself. haha. :)




*ilan lang 'to sa mga sulat ko.. hindi ko na isinama yung iba kasi may pagka-confidential na talaga eh.. hahaha..


**verbatim. ito yung as in nakasulat sa papel. mismong spelling. mismong punctuation. mismong space. adik! hahaha.. :))




WELCOME TO MY LIFE! ^_^





08/17/05


hhmm... ayoko na talaga... suko na talaga ko! hindi ko na to ma-take... kung ayaw niya talaga, bahala na siya sa buhay niya... kung talagang gusto ni God na hanggang dito na lang... na hindi na kami mag-usap forever, then so be it... hayaan na lang... hanggang dito na lang talaga... kasi sobra na talaga e... napakaraming luha ko na ang tumulo at nasayang nang dahil lang sa kanya... i think it's time to stop this kabaliwan... kung hindi ko talaga maalis thru walang pansinan, then i'd just choose the last one...

galit... ayoko man na gawin to, pero kelangan talaga... gusto ko na talagang matahimik ang buhay ko... tutal naman, sanay naman na kong walang pansinan, hindi nag-uusap na parang hindi magkakilala o magkagalit... so, it's better na ituloy tuloy na lang... sa ngayon, pag naririnig ko na ang pangalan niya, sumisikip ang dibdib ko... ewan ko kung bakit... cguro nga dahil galit ako... basta... sasanayin ko na talaga ang sarili ko... coz i think there's really no chance na maayos pa ang problema sa pagitan namin dalawa... hindi na talaga maalis yung napakalaking barrier sa gitna naming dalawa... matutuloy ang buhay kong 38 ang classmates ko, pero 37 lang ang kilala ko... kung ako lang naman, ayoko ng ganun! pero anong magagawa ko?! siya din naman mismo ang gumagawa ng dahilan para lalo kong magalit at mailang sa kanya, e... oo, alam ko at inaamin ko na may kasalanan din ako kung bakit humantong sa ganito ang lahat... pero, hindi naman ako magkakaganito kung nagtino siya eh... minsan tuloy pinagsisisihan ko na rin kung bakit ba naging classmate ko siya last year... kung dati, ang pagiging magkatabi lang namin ang pinagsisisihan ko, ngayon, buong taon na naging klasmeyt ko siya... siguro kung hindi ko siya naging klasmeyt last year, medyo tahimik pa ang buhay ko... at least, kung this year ko lang siya naging crush, dalawang taon lang ang poproblemahin ko... e ang problema, nag-start nung 2nd year e... edi halos tatlong taon kong dadalhin to... haai... ano ba tong nararamdaman ko!!! ayoko na... wala... hindi ko na itutuloy ung pag-so-sorry ko... nawalan na ko ng gana... bahala na nga sabi siya sa buhay niya... sabi ko magbabagong buhay na ko bukas... pero ewan talaga...


------------------------------------------------------------------------------------------


11/18/05


bakit nga ba?! hindi ko rin alam, e... basta ang alam ko, galit ako sa kanya... naaasar ako... naiinis... nagtatampo... pero bakit ganun?! despite all those, mahal ko pa rin xa... ewan ko ba... tanga talaga ko... bobo... bakit nga ba naman ako nagpapakagaga sa isang tulad niya?! hmm... ewan...
oo... galit ako sa kanya... galit ako sa sarili ko... galit ako sa lahat ng tao... bakit? kasi, lahat ng tao, kahit gano man kaliit, naging dahilan ng pagkaka-ganito ng buhay ko... simula pa lang dun sa mga pa-"ui... uyy..." ng mga tao last year, hanggang ngayong year na to... kaya kahit anong pilit ko mang magseryoso, hindi ko kaya... hmm... galit ako sa sarili ko... dahil simula pa lang naman sa umpisa, ako na ang may kasalanan... at hinayaan ko pang umabot ng isang taon... umabot yun nang isang taon na wala man lang akong ginawa... wala akong ginagawa para pigilin un... wala akong ginagawa para mawala na yun... pero bakit ganun?! kahit na gustuhin ko man sisihin ang sarili ko, hindi ko pa rin magawa... may part ng isip at puso ko na tumututol... ayaw pumayag... ayaw pumayag na ako lang talaga ang may kasalanan ng lahat... kasi, alam ko naman talaga na hindi eh... kasi sa tingin mo ba, magkakaganito ko ngayon kung hindi ko naman sya nakikita... hindi ko naman xa naririnig... at kung wala yung mga tao sa paligid?! edi cguro, tahimik buhay ko... walang magulo... sana hindi nadudurog yung puso ko... sana sarili ko pa rin ang mahal ko ngayon... hindi ibang tao... pero naisip ko, oo nga... magiging tahimik ang buhay ko... pero... kung hindi ko naman sya nakilala, at nakatabi... edi hanggang ngayon ganun pa rin ako... edi hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam ang feeling ng marunong magmahal... hindi ko alam kung pano yung feeling ng masaya... pinaramdam nya sakin yun... kahit sandali lang... at kahit hindi nya alam... at sa kanya ko rin nalaman ang pakiramdam ng umiyak... pero kahit na, nagpapasalamat pa rin ako sa kanya... para sa lahat ng ginawa nya... :)


---------------------------------------------------------------------------------------


11/30/05


huling araw... huling minuto... huling segundo ng buhay ko... ang aking huling hininga... ang pinakahuling pagkakataon na buhay ako at makakausap ko xa... hmm... ano nga bang gagawin ko? iiyak na lang ba ko buong araw, buong magdamag?! hanggang sa maramdaman ko na lang na unti-unti nang hinuhugot ang aking huling hininga... ang huling hininga ng aking buhay...

"CUT!!!!!"

haai... tama na nga ang drama... tama na ang senti mode... ayoko na... sawang-sawa na ko sa ganung buhay... puro na lang lungkot, iyak, galit... wala na bang iba?! wala na ba kong ibang pwedeng maramdaman?! hmm... i need a change... as in change talaga... pero alam ko naman e... hanggang salita lang ako... ndi ko un kaya... hindi ko kayang tiisin lahat ng sakit... pero bakit hindi?! e ilang buwan ko na rin naman tiniis lahat un?! ilang buwan na kong umiiyak nang mag-isa... kasi alam ko, na sarili ko lang ang lubusang makaka-intindi sakin... sarili ko lang ang makapagpapatahan sakin... syempre, kc sarili ko lang ang talagang nakakakilala sakin... sa pinaka-loob-looban ko... ung talagang laman ng puso't isipan ko... kc syempre, hindi naman pwedeng lahat e ikwento at i-share ko sa mga tao... kahit na alam kong maiintindihan din naman nila ko kahit pano... kc un din naman ang nararanasan nila... pero syempre, kelangan ko pa rin ng privacy... kelangan ko pang mag-keep ng kahit konting secret sa sarili ko... kasi ang hirap nang maraming may alam ng isang sikreto... hindi ka makakapag-deny... kahit anong pilit ang gawin mo na ndi totoo un, wala ka nang magagawa... maraming may alam, e... kahit pano, sa sulat, ikaw lang ang may alam... pero at least may napaglalabasan ka ng sama ng loob... kasi, mahirap ung tinatago lang... sa sarili mo... hindi mo nilalabas... masakit at mahirap ung feeling... kasi alam mo na ndi mo kaya... pero wala ka ngang mapagsabihan... wala tuloy makikiramay sayo... haai... ano ba yan... wala nang sense tong mga pinagsasasabi ko... wala nang patutunguhan... kaya... siguro hanggang dito na lang... wala kasi ako sa mood e... wala ako sa mood umiyak at magpaka-senti... nxt tym nlng... kasi feeling ko, mas maganda ang magiging resulta ng mga sinusulat ko, kung biglaan lng... i mean ndi ko pinaplano na gagawa ko ng letter... mas gusto ko ung bgla nlng susulpot ung idea na mgsusulat ako... pag trip ko lang... :)


-------------------------------------------------------------------------------------

03/14/06


dahil sayo, natuto akong magmahal… magmahal nang walang hinihintay na kapalit… magmahal nang buong puso at bukal sa loob… kahit anong hirap at sakit ang maranasan, tuloy pa rin sa pagtitiis… oras-oras, minu-minuto, laging nalulungkot, tahimik at tulala, nakatingin sa kawalan… iniisip ang mga panahong kasama ka… kausap ka… natutuwa at masaya… unti unti nang nahuhulog ang loob ko… sa tuwing nakikita’t naririnig ka, napapangiti nang di sinasadya… iba na ang pakiramdam ko, pero hindi mo alam… wala ka pang alam… kaya’t patuloy pa rin ang iyong paglapit… patuloy pa rin ang pangungulit… kaya kahit na ayaw ko na, wala akong magawa… puso ko na ang nagsasalita… ang nagdedesisyon… tumututol na ang isip ko, ang utak ko… sinasabing wag nang ituloy, tigilan na… pigilan na ang damdamin… pero kahit anong gawin ko, patuloy pa rin talagang tumitibok ang puso ko… kaya ngayon… ito ako… hirap na hirap na kalimutan ka… sinasabi ko na sa sarili ko na dapat noon pa lang tinigilan ko na… tama nga ang sinasabi nila… laging nasa huli ang pagsisisi… ngayon, inaaway ko na ang sarili ko… sa kamaliang ginawa ko… isang pagkakamali, na lumaki at lumala… isang maling pagbunot ng numero, na nagpabago nang malaki sa buhay ko… dahil sa nag-iisang numero na yun, napuno ng kapaitan at kalungkutan ang buhay ko… at dahil sa numerong yon, nakilala kita… at dahil sayo, natuto akong magmahal… magmahal nang walang hinihintay na kapalit… pero dahil din sayo, nagkaron ng takot ang puso ko na magmahal muli…

-----------------------------------------------------------------------------------

03/14/06 (part 2)


ikaw ang nag-iisang taong nagbigay sakin ng kaligayahan na ndi ko naranasan kailanman sa piling ng ibang tao... in short, ikaw lang ang nag-iisang taong nakapagparamdam sakin ng sobra-sobrang saya... pero ndi ko akalain, na ang mismong tao na nagpasaya sakin, ay siya ring magpapaiyak at magpapa-lungkot sakin nang ganito... at sana, ikaw rin ang taong makakapagturo sakin kung pano ka kalimutan...


-----------------------------------------------------------------------------------


07/06/06
11:48 am


hey... i wish this would be the last I'd be writing about him... hmm... right now, i'm here inside the rum with my classmates... some of the bec 3, jimmy, erika, aimee, hannah, and me... we had our diagnostic test and now, we're just waiting for the gates to open. i really miss him... i miss talking to him... i miss having someone who always makes me laugh... and yes, it's him... two years have already passed since all those moments with him... but they are still fresh here inside my mind... i still remember that time when i asked him to open my Demolino... and after he opened it, he pinched my cheeks... actually, it's just a cheek... but for me, it's so memorable... there was also this dried "sinigwelas" candy which have been passed around, and he gave it to me... i opened it, but i didn't like the smell so i just threw it away... there was also an incident in Math wherein we were both involved... it was the first day of Ms. Bucalig in our section, and she seems strict... at that time, he wants to borrow my cellphone because he'll play the Townsmen game... i don't want to give it because Mam Bucalig might catch him then confiscate my fone... but he kept on asking me so i gave it to him... then suddenly, Mam Bucalig told the whole class that she doesn't want cellphones and she doesn't want anyone sleeping in her class... i knew it was us... anyway, there were moments wherein i really enjoyed his presence... that's why right now, without us talking, i really miss him... honestly, i really, really wish i could turn back time and be with him again... beside him... but with all the people around us, i know it's impossible... i know that we would continue to ignore each other, and pretend that each of us does not exist...


GOODBYE... FAREWELL...


jesse :)
12:09 pm






[sorry ang barok ng english ko... ang bano ko pa nung high school eh... hahaha... pagpasensyahan na.]









MAHAL. pakshet 'tong salitang to. honestly, kinikilabutan ako habang binabasa ko yung mga sulat ko. lalo na pag nababasa ko yang epal na salitang yan. siguro nga dahil bitter pa rin ako hanggang ngayon. pero seryoso, i hate it.





0 comments: