F4 Fever is back!!! ♥ ♥ ♥

well, at least for me. haha!


lately, i've been addicted again to F4 and their songs i can't even understand. After about, hmm, 5 years (?) of forgetting them, now it's back. Thanks to Hana Kimi Taiwan. hahaha.


Kasi nga, nung last week, naadik din ako sa Hana Kimi (Taiwan). ang masaklap, kung kelan last episodes na lang, saka lang ako naging attached sa chinovela na yun. :(


i even planned to download every episode nga eh! both the original and the tagalog-dubbed ones. and then i want to compile it sana into one cd each. para instant VCD! pwedeng panoorin pag bored. or pag namiss ko bigla si Wu Chun (Brian) or si Jiro Wang (Wesley). grabeh, they're so cute talaga!! (ayy.. fan girl, oh!! hahaha..)


but since syempre, ilang episodes din yun, malaking memory ang kelangan! e malapit nang sumuko ang memory space nitong lappy toppy ko eh. so aun. nagtiyaga na lang ako sa web viewing. eh badtrip naman, wala na sa youtube! epal kasi ABSCBN eh. tinanggal at sinuspend lahat ng accounts na may mga shows nila! grr. DAMOT!! X(


edi aun. i found other sources. ganun ata talaga pag determinadong makahanap eh. NAKAKAHANAP TALAGA. :D


pero secret na lang kung san. baka tanggalin na naman eh. ;)


tapos pa, i even searched for the songs (OST) sa imeem!! at syempre pati lyrics na din, db. pero di ko kaya. hanggang chorus lang ako. hahaha! :))




and from that, naalala ko ang F4. since Wu Chun and Jiro are members of a boyband called Farenheit, and they're also from Taiwan, edi naalala ko ang pinakamamahal kong F4!! :D


naman noh, grade 6 pa ata ako nung sumikat yung Meteor Garden eh. syempre kasama na ang F4, si Barbie Xu, mga kanta nila, etc etc. malamang naadik ako noh! kasi naman kahit san ka lumingon, nakikita sila. kahit san, naririnig yung mga kanta nila. kahit san ka pumunta, F4 ang pinag-uusapan.


siguro kung ngayon iisipin, ang OA ng sinasabi ko. pero seryoso, umabot talaga sa point na ganyan. kaya aun. pati ako, nadamay. at syempre, since kapamilya naman kami dito sa bahay, nakaka-relate talaga kami sa Meteor Garden Mania at F4 Fever!! so i can say na genuine ang addiction ko sa kanila. at hindi yung nakiuso lang. :))


naalala ko pa, sa Myx kasi, may ilang specials din na inilaan para kanila. like nung pumunta ata sila dito sa Manila. i remember na as in ni-record ko pa talaga using our videocam yung buong special na yun!! grabeh. nakakapagod ah. kahit yung lahat ng videos nila, recorded. even the interviews!! shocks. now talk about a diehard fanatic. haha!


but sadly, nawala lahat nang yun. pinatungan kasi ng nanay ko!! kasi wala na kaming blank tapes dito sa bahay!! GGRRR. X(


at syempre, since fan na nga ako, kelangan may posters din ako! so aun, bumili ako ng sangkatutak na posters na puro mukha nila! hahaha. well actually apat lang naman eh. haha. di naman ganun karami. solo ni Jerry Yan, then isa ding solo ni Vic Zhou, tapos yung dalawa, group na sila. AND! syempre fan na ko all the way, so dinikit ko na rin sa pader ng kwarto ko. hahaha!! :))


isa pa. nung concert nila nung pumunta sila dito sa Pilipinas, syempre nanood ako! pwede bang hindi?! di na ko fan kung ganun. sa Ultra yun eh. kaya lang, punung-puno na sa loob. so yung mga sobrang tao, dun nila pinaupo sa may parang bleachers sa field. tapos may dalawang screen na lang na malaki. oh well. wala naman akong magagawa eh. di ko rin sila nakita sa personal kahit mukhang langgam man lang. sana pala pinanood ko na lang sa tv. :(


ang dami na! pero kkwento pa ko. :D


kasi naging endorser din sila ng Pepsi noon. may kanta pa nga sila para dun eh. yung Ask For More. eh tapos dati, sa SM ata yun, merong parang promo na may bibilhin kang certain Pepsi product, tapos may free na CD nila na merong video nung kantang yun. so aun. since pinanindigan ko na nga ang pagiging fan, syempre bumili ako! :))



but of course, to be able to proudly say na you're a FAN, dapat alam mo ang kanta ng idol mo. and malamang nagawa ko yan! kaya nga naging F4 fan ako eh. ;)


syempre hindi naman as in memorize to the max na as in every word, every syllable eh alam ko. MANDARIN kaya yun! good luck naman sakin noh! :))

nakikisabay lang ako. memorize ko lang yung most parts. pero syempre mali mali ang pag-pronounce. hahaha. walang accent. walang whatever. ni hindi ko nga naiintindihan pinagsasasabi ko eh! haha. basta kumakanta ako!! :))




madami pa kong mga ka-gagahang ginawa noon eh. pero yung iba, either di ko na maalala, or ayoko lang talagang ikwento. dahil baka tawagin niyo na kong OBSESSED!!! XD



kaya ayan. bumabalik na naman. gabi gabi, imeem. F4 playlist ang pinapakinggan!! hahaha. sana naman di na katulad ng dati. :))



haai... ngayon tuloy, i wanna learn MANDARIN/CHINESE/TAIWANESE whatever! pare-pareho lang ba yan!? ewan. basta gusto kong matuto ng language nila!! hey, Chinese friends!! HELP ME!! hahaha!!!! =))





IKAW? NAGING F4 FAN KA NA BA? :D

0 comments: