got this from melai. :)
1. Ang buhay ay parang IKOT jeep. Ang iyong patutunguhan ay siya ring iyong pinanggalingan.
2. U.P. lang ang may TOKI, sa buhay wala nito. Pero nasasa-iyo na yon kung nais mong pabaligtad ang takbo ng buhay mo.
3. Sa IKOT, pwede kang magkamali ng baba kahit ilang beses, sasakay ka lang uli. Sa buhay, kapag paikot-ikot ka na at laging mali pa rin ang iyong baba, naku, may sayad ka.
4. Sa U.P., lahat tayo magaling. Aminin nating lahat na tayo'y magagaling. Ang problema dun, lahat tayo magaling!
5. Kung sa U.P. ay sipsip ka na, siguradong paglabas mo, sipsip ka pa rin.
6. Sa U.P., tulad sa buhay, ang babae at ang lalake, at lahat ng nasa gitna, ay patas, walang pinagkaiba sa dunong, sa talino, sa pagmamalasakit, sa kalawakan ng isipan, sa pag-iibigan; at kahit na rin sa kabaliwan, sa kalokohan at sa katarantaduhan.
At ang panghuli:
7. Sa U.P. tulad sa buhay, bawal ang overstaying.
-- Prof. Ryan Cayabyab
nice. mukhang tama lahat ah. :D
at nakakatuwa kasi coming from Ryan Cayabyab himself....... ANG DRAMA!! hahaha.. :))
Pitong bagay na natutunan ko sa UP -- Ryan Cayabyab
by jesse at 6/29/2008 10:26:00 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment