haha! spell BITTER, pare. :))
eh kasi naman noh, ROBI should've won!! he deserves the title.
take note, the title. kasi ok, let's admit, Ejay deserves the prize. but not the title "Pinoy Big Brother Teen Edition Plus BIG WINNER"!! hindi. hindi. hindi!
you may ask, sino ba naman ako para magsabi kung sinong deserving at kung sinong hindi. pero care mo ba? may kanya-kanya naman tayong pananaw sa buhay noh! hahaha.. syempre nagtataray na ko dito. :))
kasi kasi kasi!
nakakainis. haha!
ayoko pa rin kay NICOLE. kahit anong gawin nya. wala nang magbabago! bwahahaha!!! >:)
o anyway, back to the topic na nga. i still believe that ROBI deserves to be the big winner. the heck with charity! e ano ngayon kung si ejay ang nangangailangan ng premyo? napatunayan ba nya ang napatunayan ni Robi? naipakita niya ba ang naipakita ni Robi?
i know i don't have the right to judge whoever was able to prove and to show something that should make him the big winner. but as a viewer, may karapatan ako para sabihin kung sino ang para sakin ay tunay na naging huwaran at modelo para sa kabataang pinoy.
i know it sounds madrama, pero ganun eh. yun naman talaga dapat ang purpose nyang show na yan db? para maghanap ng Big Winner. ng isang taong maraming naipakita't napatunayan, hindi lamang sa kanyang sarili ngunit maging sa mga manonood. isang taong nagsilbing mabuting ehemplo para sa mga sumusuporta sa kanya. isang taong matino.
at lahat ng yan, sobrang opposite kay Nicole. kaya ayoko talaga sa kanya! hahahahaha... :))
si Ejay, ok. may napatunayan din naman. ok din naman siya kahit pano. pagdating sa mga physical stuffs, hindi naman siya nagpapahuli. tumutulong din naman. mabait din (siguro?). probinsyano.
kapos sa buhay. yan ang tumatak sa isip ng mga taong nanonood. pero sapat na ba yong dahilan para siya ang tanghalin na PBBTEP Big Winner?
lagi na lang ganun eh. kung sinong nangangailangan, siya ang nagiging Big Winner. kasi siya ang may kelangan ng premyo.
pero ano ba naman!!!!! akala ko pa naman, magbabago na ngayong edition na 'to. akala ko, ang mananalo na, yung talagang pang-Big Winner. pero as usual, hindi. BINIGO NA NAMAN AKO NG ABSCBN.
boses ng bayan? huh. ASA PA KO. kelan pa ba naman nasunod yan? ah tama. nung every eviction nights na kasali si Robi. laging siya ang nase-save. ang lalaki pa nga nung margin ng votes eh! tapos biglang nung Big Night, nasapawan pa siya ni Ejay?! sabagay...... pinagkakitaan lang naman nila yung text votes kay Robi nung mga evictions nights na yun eh. tas nung Big Night, nilaglag na siya. DUN NAMAN SILA MAGALING EH.
sa simula ng Big Night, magkalapit si Housemate B at C. pero lamang pa si B ng mga ilang percent. uulitin ko, ILANG PERCENT. (where ILANG = 0 to 5)
at sa pagtatapos ng botohan, poof! it became koko crunch!
panalo na si HM C. ayon sa PBB site, 36.31% vs. 34.39% daw in favor of HM C. so sino si Housemate C? duh, edi malamang yung nanalo. si Ejay.
to be exact, 620,934 votes for Ejay while 588,115 votes for Robi.
kung iisipin, WOW. ang galing naman ng supporters ni Ejay. in less than 2 hours, nalagpasan nila ng ganun kalaki yung votes for Robi! compute, compute, compute. 32,819 ang difference! WWOOOOOOOWW!!!!!!!
ang galing talaga nila! natalo nila ang powers ng Ateneo + other fans and supporters of Robi (including me, of course)! biruin mo, ilang evictions na ang na-survive ni Robi, na malaki ang agwat ng votes, tapos natalo pa nila?! WOW TALAGA.
well, ang sinasabi ko lang naman dito, oo nga't sabihin natin, maaaring marami rin talagang sumusuporta kay Ejay. pero ganun kabilis nagpalit?! na sa umpisa ng show, lamang na lamang pa si Robi, tas sa pagtatapos, biglang naging si Ejay?! in less than 2 hours, 32819 na tao agad ang nagtext for him! ang galing galing galing.....
so parang nagsayang lang pala ko ng sampung piso para kay Robi. kasi i thought, masusunod talaga ang tao. hindi lang naman ako eh. MADAMI KAMI. pero bakit kaya ganun? akala ko pa naman, totoo ang sinasabi nilang MAJORITY WINS. pero syempre, pag sa ABSCBN na, MANAGEMENT WINS na.
now tell me, where's JUSTICE in that?
*for additional info/details/whatevers regarding the issue, visit this:
Was Robi Domingo robbed of a win last night??? read here...
Mikee Lee's (the former PBB Teen Edition Housemate) take on PBB being almost a charity show:
Support Robi! Big Brother is NOT Primarily a Charity Show
ROBI, the true Pinoy Big Brother Teen Edition Plus Big Winner. (for me! haha.)
so, EJAY won. now what?
by jesse at 6/09/2008 07:00:00 PM
Tags: Other Life
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment