kapag sinabi bang "Attire: Strictly Formal", anong ibig sabihin nun? gaano ka-formal ang formal? pano ko malalaman kung ano ang formal sa pananaw ng ibang tao?
pano kung overdressed na pala ako? or kung semi-formal lang pala yung suot ko kumpara sa iba? wah. as in WAH.
tapos...
pano pag nakalagay:
"Please confirm your attendance on or before November 20, 2008"
eh nung Novermber 20, 2008 lang din mismo sakin nabigay yung invitation at November 20, 2008 ko lang din nalaman na invited pala ako.
di naman ako nakapag-confirm that day mismo dahil syempre itatanong ko pa sa parents ko kung baka may lakad kami that day/night. (lalo na holiday the next day, so baka aalis kami.)
tsaka...
nakalagay din:
"We have reserved 1 seat/s for you..."
eh pano pag hindi ako nakapunta? sinong uupo sa seat ko? eh reserved yun for me?
(HAHAHA. pati yun pinroblema eh. )
oh well...
bahala na.
define "FORMAL".
by jesse at 11/23/2008 07:26:00 PM
0 comments Tags: Jesse, Other Life
Business Convention 2: Money 'Talks'
by jesse at 11/23/2008 07:03:00 PM
i am a BS Business Administration (+A sana. HAHA.) student in UP.
so, gusto ko sanang pumunta dito sa BizCon II (Business Convention 2) ng UP ABAM para naman maka-experience ako ng mga ganyan ganyan.
kaya lang, wala akong kasama. huhu. parang nakakatakot naman pumunta nang mag-isa db.
at kaya ako nag-post ay para maghanap ng kasama.
SAMAHAN NIYO KO, PLEASE!!!!!
Jesse @ 18: Metamorphosis
by jesse at 11/15/2008 08:12:00 AM
Oct. 25, 2008
Aberdeen Court, Great Eastern Hotel
after 18 years, sa wakas naman ay na-upload ko na rin 'tong mga pictures na matagal nang nakatambak sa laptop ko. haha.
mga pictures na nakuha ko sa multiply ng iba't ibang mga tao.
pero syempre yung mga may mukha ko lang ang sinama ko! HAHA. sorry. :P
thanks to MARJO, JILL, ROSE, MIKAH, and FAYE for the pics! sobra-sobrang salamat salamat salamat talaga!!! :D
and of course, to all those who came, SUPER DUPER ULTRA MEGA THANK YOU TO THE MAXIMUM LEVELACIOUS!!
i love you guys. :)
*i edited some of the pictures.
no, most.
actually, lahat. HAHAHA.
0 comments Tags: Jesse, Other Life, Thank You
Sana lagi na lang First Day...
by jesse at 11/11/2008 04:08:00 PM
kasi tuwing First Day, feeling artista ako.
Bakit?
- dahil madaming nanghihingi ng pictures ko.
- madami akong
stalkersfans na kung anu-anong info tungkol sa sarili ko ang tinatanong sakin. (e.g contact numbers, e-mail address, and even my sched! gosh.) - kelangan sundin ang call time. bawal ma-late. baka badshot agad kay direk (aka the prof).
- i get to meet new friends (like pag sa shooting na, you meet my new co-stars, director, staff and crew. mga ganun.)
and of course, kaya gusto ko talaga ang first days..... ay dahil walang ginagawa.
dinidiscuss lang ang syllabus, and then BYE.
CLASS DISMISSED.
Iisa Pa Lamang winner lines. :))
by jesse at 11/06/2008 11:33:00 AM
compiled from different sites. iba-ibang versions pa nga eh. haha.
pero syempre karamihan, mula sa pinakamamahal kong si Isadora. haha! ui naiyak ako sa kanya kagabi...


*kung may mga mali, pakisabi na lang. ;)
Isadora: Masahol ka pa sa dumi ng putik!
Katherine: Kung ako ay putik, ikaw ang imburnal... o say mo? Mas madumi yun kesa sa tae!!
Katherine: Ikaw lang ang alam kong may kakayahang pumatay ng tao, Isadora!
Isadora: Well, I'm flattered!
Bakit ako magrereport sayo? Anong palagay mo sakin, reporter?
Ba't ang daming bobo? Ang bilis naman nila manganak!
Alam mo bibinyagan na lang kita ng bagong pangalan 'Mrs. Katherine Maperang-mapera y Huthutera Byuda de Impostora!'
Lola Aura: Magkaka-patayan tayo, Isadora!
Isadora: Dahan-dahan ka dyan sa wini-wish mo. Baka magkatotoo!!
Hindi ako defensive... . offensive ka lang!
Talaga nga namang may pakpak ang balita at may tenga ang lupa. O talagang chismosa ka lang?
Perfect ako pero nagkakamali rin...
Lola Aura: Kung ako sa iyo, magbalot-balot ka na, at malapit ka nang mapatalsik sa Amadesto.
Isadora: Kahit kelan di mo ako mapapaalis sa Amadesto. Akin ang lupang iyon…
Aura: Lupa lang ba ang gusto mo? Ilang paso ang gusto mo?
Isadora: Haciendera ako, Aura.. hindi hardinera.
Lola Aura: Magumpisa ka ng matakot Isadora. Dahil kaharap mo na ang tunay na may dugong castillejos!
Isadora: At baket ako matatakot? Isa ka lang dumi sa paningin ko.
Lola Aura: Tandaan mo, balang araw, ang duming ito ang makakapuwing sa yo!
Isadora: Eh di magshe-shades ako!
Isadora to Rolando: Aalis ka ba dyan (dahan-dahang hinuhugot ang baril sabay tutok)? O babarilin ko yang bad trip mong mukha??
Isadora to Miguel: O, tingnan mo yang pasa mo ha. Nakaganti ka man lang ba? Naku, ikaw sa susunod nga ha. Galing-galingan mo yung pag ilag mo, yung parang si Pacquiao. O kaya, wag ka namang huminto hangga't hindi ka nakaka ganti! Laki-laki ng katawan mo, nagpasapak ka sa Rafael na yun.
nung naitulak ni Isadora si Lola Aura sa hagdan...
"Aura! Aura! HOY! Huwag mo nga akong artehan ha. Hindi naman ganyan kataas ang hagdanan mo. Kumilos ka nga dyan. Aura! Aura! Hoy!" -Isadora
Isadora: School, school, school. Puro ka na lang school. Kita mo namomroblema nga ako eh! Ikaw talaga napaka-selfish mo!
Sophia: Ma, may mga tao!
Isadora: Naku, lintik na! -- ay, si Aura lang pala... kaya ko 'to!
Ang Hacienda Amadesto hindi pang kawang gawa... gusto mo ba talaga palitan si Rosa Rosal?
Sophia: Mommy, tama na. Hindi ako bulag.
Isadora: Oo, alam ko. Hindi ka bulag. Pero sana pipi ka nalang kasi
naririndi na ako sa mga pinagsasasabi mo.
"Natuto lang ako sayo.. ang bilis mo naman makalimot.. hindi ba, binili ka rin ng asawa mo para maisalba ang hacienda amadesto? kaya wag kang mag-malinis.. pareho lang tayo!!" - Katherine to Miguel
"Huwag mo nga akong i-interrogate diyan na parang pinapakain mo ako!" - Isadora to Miguel
Isadora: Anak, dapat mag-English ka!
Batang Sophia: Mommy, bakit ko naman kailangang mag-English! Nakakaintindi naman sila ng Tagalog!
Isadora: Ano ka ba? Lahat ng mga mayayaman dito sa Maynila, nag-e-English! Remember, isa kang Castillejos, kaya dapat mag-English ka rin!
Batang Sophia: Ayaw ko Mommy!
Isadora: Haay naku! Kapag sinabi kong mag-English ka! Mag-English ka!
Isadora (to S): Anak, dapat magpa-party ka! Isa kang Castillejos - mayaman, maganda, sosyal!
Katherine: Hindi ba't pareho lang tayong nakikinabang sa mga yaman ni Martin!
Scarlett: Anak ako! Dugo't laman!
Katherine: Anak ka lang. Asawa nya 'ko. Lahat ng pag-aari ni Martin, pag-aari ko na ngayon.
Scarlett: You're just a GOLD DIGGER IN RED!
(sinampal ni Katherine)
Scarlett: DAMN YOU!
Katherine: SAME TO YOU, ANAK. Same to you.
Scarlett: Ano ba 'yan! Nagsi-swimming ka lang naka-diamonds ka pa!
Katherine: Siyempre, DIAMONDS ARE FOREVER… LIKE ME!!!
Estelle (to R): You're in love with somebody else, and THAT SOMEBODY ELSE IS NOT WORTH IT, RAFAEL!
Isadora (to K): Wow! Ang ganda-ganda mo na ngayon Katherine. ANG SARAP MONG PATAYIN!
Isadora (to K): Ahhhhh… Mataray ka na ngayon ah, di naman bagay.
Isadora (to K): Kung gaano ka katayog lumipad, ganun ka rin kabilis lalagapak. OUCH!!!
Katherine (to M): Senior Vice President ako ng kumpanyang ito. Ako ang legal wife ng may-ari ng kumpanyang ito, tauhan lang kita! At higit sa lahat, madrasta mo ako! Kaya layuan mo ako. Get out of my sight! Leave! Now!
Scarlett: Sabagay... bored na din ako diyan sa divisoria look mo eh.
Scarlett (to K): Look who's here, my favorite step-mother. Ang dating gold digger in red, isa na ngayong MERRY WIDOW IN BLACK!
Scarlett: Kung sa bagay mas bagay sayo yang itim, kakulay ng budhi mo!
Katherine: Bakit ka nga ba nakaputi? PARA PAGTAKPAN ANG MAS MAITIM MONG BUDHI?
Katherine: Ako bang pinariringgan mo? Kung ayaw mo sakin, simple lang naman eh. Di umalis ka!
Scarlet: Ako pa talaga ang pinalayas mo? Kahit saan tayo makarating, sampid ka lang! At ako ang tunay na Dela Rhea!
Katherine: Bakit? Sino bang nagsabing "mixed breed" ka?
Scarlett: Ikaw ba, totoong nagdadalamhati ka? Kasi napansin ko, kaya mong mag-biro. Kaya lang ang corny mo! Anyway, gusto ko lang malaman mo na lahat nang 'to, hindi 'to permanente. Lahat nang iyan, babawiin ko iyan sa 'yo!
Katherine: SIGE! MAGLARO TAYO! AGAWAN NG YAMAN! Pero kung ako sa'yo, kakabahan ako, kasi ako sanay sa hirap. Eh ikaw?
Isadora: Gusto mo ikaw ang itali ko? Pa-sweet sweet ka pa diyan, ganid ka rin pala!
Katherine: Ang bigat naman ng salitang 'yon Isadora. Pero totoo, oo ganid ako! At gusto ko, ni singko walang matira sa'yo! Kaya manginig ka na Isadora, dahil uubusin ko ang lupang tinatapakan mo!
Katherine: Iba na ang sitwasyon ng ayon Isadora. Marami akong pera, kaya ko nang bilhin ang kahit na ano. Kahit ikaw, magkano ka ba?
Isadora: Hayop ka! Kahit kelan hindi mo ako mabibili, at hindi mo ako kayang bilhin!
Katherine: SABAGAY, AYOKO SA'YO! MUMURAHIN KA EH! Pero yung anak mo ibebenta mo ha?! Sige na! PROMISE, HINDI AKO TATAWAD Kahit used goods na, ok lang. Pag-isipan mo.
Katherine: Pagod ako. Huwag kang loloko-loko. Baka gusto mo IHAMPAS KO 'TONG BAG KONG MAS MAHAL PA SA'YO!
Isadora: SABAGAY, AKO RIN EH! PAGOD MAKIPAGHAMPASAN. Next time, ok? In fairness ah, ang ganda ng damit mo. Pahiram minsan ha?
Katherine (to S, parinig kay I): Pakisabi sa bisita mo, ayokong nangangamoy basura ang bahay ko.
Scarlet: Good luck bitch.
Katherine: May the best bitch win.
Katherine: How do I look?
Scarlet: You look like a dirty whore who is about to do her job
Katherine: Well thank you, coming from you, I’m flattered!
Scarlet: Blood is always thicker than canal water.
Katherine: Blood may be thicker than water. Pero sino ba naman ang may gusto ng infected blood?
Katherine: Anak ka nga talaga ni Isadora, nakuha mo lahat sa kanya. Mata-pobre, mayabang, at higit sa lahat, bastos!
Sophia: Don't you dare say bad things about my mother! KUMPARA SA'YO ANGHEL ANG INA KO!
Katherine: Anghel na may sungay!
Sophia: Oo, may sungay. PARA SUWAGIN KA! PARA MAUNA KA NA SA IMPIYERNO!
Katherine: Hmm… Matagal-tagal na kayong inaantay dun. IN FACT, BALITA KO, SI STANAS MISMO ANG SASALUBONG SA INYONG MAG-INA!
Lola Aura (to K): Panandaliang donya, habang buhay na busabos!
Isadora: Yan, dyan ka bagay sa madudumi.
Aura: Ah ganun madumi pala ah. (sabay tapon ng mga tuyong dahon na may lupa)
Isadora: AAAAAYYYY!! ang dumi, hindi pa ako tpos sayo, babalikan kita.
Scarlett: Mamamatay tao ka! You killed my father!
Katherine: KUNG MAY GUSTO AKONG PATAYIN, IKAW YUN SCARLETT!
SCARLET: open your eyes miguel.. your precious katherine is a coldblooded killer, she deserves to rot in jail and you know what the best part is? ako ang susi na kakandado sa selda niya!!!
Scarlet: Mga wala kayong utang na loob!
Katherine: Di ka lang pala spoiled brat. Loser ka rin.
Scarlet: Tandaan mo, magtutuos pa tayong dalawa.
Katherin: Ok, bye. Tsupi. Alis.
Isadora (to Kumare): Haay naku Mare! Alam ko ang kuwento tungkol dyan. Bayaan mo at sasabihin ko sa'yo… PERO, BAWASAN MO MUNA NG 10,000 UTANG KO SA'YO!
Scarlett: Gusto kong makita na luluhod ka sa harapan ko at magmamakaawa ka na tanggapin kita ulit!
Miguel: KUMAIN KA NA. GUTOM LANG 'YAN!
Isadora: Oh aren't you excited to see me?
Scarlett: Excited? Alam mo bang mas excited pa akong magpunta ng dentista at mag pa root canal kesa ang makaharap ka?
Isadora: Ikaw naman, nagpapaka-funny. KUNG ANG LAHAT NG BULOK NA NGIPIN AY KASING GANDA KO, O DI WALA NG BIBILI NG TOOTHPASTE… I'M SO WITTY!
Scarlett: Ano ba talagang pakay mo? I'm sure hindi naman ang kapakanan ng dental industry ang pinunta mo dito di ba? BUSINESS? MONKEY BUSINESS?
Isadora: OO, AT NAPAKADISENTENG MONKEY BUSINESS! Politics.
Isadora: Ba't mo ko sinampal, biyenan mo ko!
Scarlett: Di lahat ng biyenan, pinagbibigyan! Di lahat ng biyenan pinapatulan! Para yan sa mga BIYENANG BAKULAW tulad mo!
Scarlett (to K): Tapos ka na sa gold digger in red. Tapos ka na rin sa merry widow in black. Ngayon, baka pwede ka ng DIRTY MISTRESS IN DIRTY BROWN.
Scarlett (to K): Same to you anak, remember? Pareho na tayong nasasadlak ngayon. DAMN YOU, DAMN ME. KARMA'S A BITCH AND SO ARE WE!
Isadora (nang maghihirap na): Hay, eto pala ang feeling ng hampas-lupa. Kaloka!
Isadora (nang mawala na ang mga ari-arian): Ito na kasi ang uso ngayon. Oh diba ang ganda? Very minimalist!
Katherine: Walang hiya ka Isadora! 'Pag napatunayan ko na may kinalaman ka sa pagkamatay ng tatay ko, papatayin kita! Papatayin kita!
Isadora: PWES PUMILA KA MUNA DHIL MARAMI NANG NAUNANG NANINIGIL SA AKIN! AT MAS NAKAKATAKOT SILA KAYSA SAYO!
Sophia: Shut up Katherine!
Katherine: Ikaw ang shumut-up dyan!
Mortgage Agent: Kayo po ba si Isadora Castillejos?
Katherine: Bakit?! MUKHA BA AKONG DEMONYO?!
Katherine: Hay naku Isadora! Si Miguel? Kawawa naman si Miguel. Walang kalaban laban kay Rafael. Talo na siya kay Rafael! Kaya kung ako sayo, sumuko ka na.. Dahil kung meron mang dapat lamunin ang kumunoy, ikaw yun
Isadora. Yun ay kung hindi ka isuka ng kumunoy na sinasabi mo…
Isadora: Hmmmm… Kagaya ng pagsuka sayo ni Estelle Torralba? Huwag ka ngang feeling Katherine! Dahil hindi kayo pwedeng magkatuluyan ni Rafael. At kahit si Rafael ang manalong congressman ng Amadesto, sigurado akong hindi ikaw ang mapipiling first lady…
Reporters: Ano ba ang mayroon kay Miguel Castillejos na wala si Enrique Torralba?
Isadora: Cuteness at kabataan!
Isadora (to E, R, and Reporters): So… May the best and cutest congressman win...
Isadora: Alam mo naman ako, kung saan yung ligaya at sarap, nandun ako!
Isadora: Masyado ka kasing pa-involved!
Isadora: Katherine... WHAT A BWISIT SURPRISE!
Scarlett: From now on, may bago na akong motto: NEVER SETTLE FOR SECOND BEST BECAUSE I AM THE BEST!
Isadora (to K): Scarlet was wrong about you, you're not a gold-digger. ... YOU'RE A LEECH! ALAM MO BA KUNG ANO ANG LEECH? Linta! Isa kang LINTA na kumakapit at umuubos ng kabutihan ng isang tao!
Secretary: Ma'am, di po talaga pwede. Wala po kayong appointment.
Isadora: Anong appointment? Hindi ko kailangan ng appointment. Gusto mong sapatusin kita dyan?!
Isadora: Alam mo Rafael, akala ko pa naman, matalino ka! Pero pagdating kay Katherine, BOBO KA! MAKAALIS NA NGA RITO AT DUMARAMI KAYO!
Isadora: Inday, pakisagot ang telepono!
Manag Elvie: Ma'am hindi po Inday ang pangalan ko, Elvie po…
Isadora: Ah ganun ba… PWES, INDAY! PAKISAGOT ANG TELEPONO! AT KAPAG HINANAP AKO PAKISABI, PATAY NA AKO!
Isadora: Ano na namang gimik ito ha?!
Manang Elvie: Mam, aalis na rin po ako dito... ilang buwan na ding hindi niyo po ako sinesweldohan eh!
Isadora: Aba! Ang kapal ng mukha mo! Wala kang utang na loob ha?! So paano? Pera-pera na lang?! Hindi mo ba naisip na kinuha kita galing sa bundok, binihisan at nakatikim ka ng corned beef dahil sa akin ha?!
Manang Elvie: Eh wala na rin po akong makain dito....
Isadora:: Hoy, anong wala? Eh di ba, kayo ang umuubos ng grocery ko? Ha? Di ba? Kapal ng mukha nito, tapos ngayon magmamalaki- malaki ka na? Sige! Gusto mong lumayas sige... lumayas ka! Layas! Huwag ka nang babalik dito! Layas!
Scarlett: I'm not your cash cow anymore...
Isadora: Nakidnap si Katherine! (smile) Sabi na nga ba't tama ang horoscope ko. Today is my lucky day!
Miguel (to S): Lagi mong sinasabing karma's a bitch. Look at what happened… Na out-karma ka na, na out-bitch ka pa.
Isadora: Di pwedeng mawala sa akin ang Amadesto. Di pwedeng mapunta yun kay Aura! Anong gagawin niya dun? Home for the aged?
Isadora: Yes, I'm one in a million! I'm one in a million pesos!
Isadora (to Vernon, Jestoni Alarcon): Ikaw naman! Sa lahat ng kriminal ng kilala ko eh, ikaw ang pinaka-honest!
Isadora: Buntot mo, hila mo!
Lola Aura: Oo, may buntot ka nga! Buntot ni satanas!
Isadora: Oo tama ka! Kaya mag-ingat ka. Baka mahagip ka nito at tumilapon ka! Kasama ng apo mong haliparot!
Sophia: Ma, naputulan tayo ng kuryente.
Isadora: Sus, ito naman. Sabihin pa ba ang obvious?
Isadora: Gusto mo ipag-bake kita ng pizza? (Laugh) Wala tayong pizza. Ipagbubukas na lang kita ng de lata.
Isadora: Katherine Ramirez, Viuda de dela Rhea... Torralba? Hahaha. ILUSIONADA DE PRIMERA.
Isadora (nagsindi ng kandila): Sa lahat ng mga namatay, ikaw lang ang pinagsindi ko Rolando..... .. Walang hiya ka, ang lakas mo sa akin! O siya, hanggang dito na lang Rolando at baka matunaw pa ako sa harap ng birhen. Rest in peace na lang.
Isadora: Hoy! Pati ba naman basura hahalughugin niyo!
Police: Maaring nandito ho ang pumatay kay Rolando Ramirez.
Isadora: Nandyan? Nandyan sa basura? KAKASUHAN KO KAYO NG HARASSMENT Kakasuhan ko kayo ng harassment, tsaka stupidity! Pati ba naman basura papatulan nyo!?
Scarlet: Misery loves company. You're Misery no. 1, and I'm Misery no. 2.
Isadora: Tumigil ka muna sa pag-aaral.
Sophia: Ma?! Pa'no 'yung education ko?
Isadora: Anong education? 'Yung nagtitinda nga ng kalamay diyan nakakatapos ng pag-aaral.
Katherine: Ikakasal na ako sa isang disenteng lalaki. Hindi na ako dapat nagpapa-eskandalo sa mga babaeng sinasapian ng asong ulol dahil sa selos. Kung gusto mong magkalat ng rabies, wag dito!
Scarlet: Hahaha! Ako, parang asong ulol? Huwag kang mag-alala Katherine dahil hindi ako ang sasagpang sa iyo kung hindi ang mga preso sa correctional na gustung-gusto ang mga tisay na katulad mo. Hinihintay ka na ng selda mo.
Scarlet: Huwag kang mag-alala. Baka naman pwede mo pang gapangin 'to. Bakit hindi mo pakasalan ang piskal o kaya ang judge para ma-abswelto ka na naman? Or else ang dating gold digger in red, MAGIGING JAILBIRD IN ORANGE! Hahahaha! Nakakatakot! Hahahaha!
Isadora: Hay naku Katherine! WALA NA AKONG PANAHONG MAKIPAGBALAGTASAN NGAYON! TAPOS NA ANG LINGGO NG WIKA! DI KA BA NAABISUHAN?!
Isadora: Ako? Kelan ba naman ako naglaro ng marumi?
Scarlett (to K): Pagod na kasi akong makipag-agawan ng yaman… Ngayon, agawan naman ng mapapangasawa!
Scarlett: Gusto ko pang makipaglaro! BAHAY-BAHAYAN… YAMAN-YAMANAN… AGAWAN NG YAMAN… AGAWAN NG ASAWA…
Estelle: Nagbago na isip ko sa pagbili ng hacienda
Isadora: Sige na Mare… Presyong kaibigan naman… May kasama pang kabayo….
Estelle: EH TALAGA NAMANG MAY KABAYO DUN!
Estelle: At wala akong alam sa pagpapatakbo ng hacienda
Isadora: Mare tutulungan kita. MAY MGA SEMINARS AT WORKSHOP NAMAN… Pwede kitang samahan.
Isadora (to E): Mare baka puwede mo naman akong pautangin? Di ba close naman tayo!
Isadora (to E): Haay naku Mare! Mabuti pa kumain na lang tayo! Treat mo ako ha! AT GUSTO KO YUNG SA CLASS!
Estelle: Mare, ang dami mo nang nainom! Ngayon ka lang ba nakatikim ng wine na 'yan?!
Isadora: Ano ka ba Mare? Marami kaming ganito noong Pasko! IPINAMIGAY KO NGA LANG!
Katherine (to S): Hindi mo pa ba alam? Ako ang witness laban sa'yo? ANO PANALO NA BA AKO O GUSTO MO PANG MAKIPAGLARO?
Isadora: Bakit mo naman ipinamimigay ang lupa sa mga yan? Baka wala nang matira sa akin!
Aura: Sila ang nagpakapagod diyan. Kaya may karapatan din sila dyan!
Isadora: Alam mo Aura hindi ka nag-iisip! Negosyo ang haciendang ito! ANONG GUSTO MO PUMALIT KAY ROSA ROSAL?
Scarlett: Walang hiya ka!
Katherine: Mas walang hiya ka!
Scarlett: Whore!
Katherine: Adultress!
Scarlett: Home-wrecker!
Katherine: Slut!
Scarlett: Black widow!
Katherine: Desperate housewife from hell!
Katherine: Ako na ang nagma-mayari ng Dela Rhea Foods! At gusto kong tawagin mo akong Ma'am!
Scarlett: At kanino ka naman nakakuha ng malaking pera? Wala kang pera! Sabagay, mukha naming kumabit ka na naman sa isang matandang mayamang madaling mamatay! ONCE A SLUT, ALWAYS A SLUT!
Katherine: Ang hirap kasi sa'yo, hindi mo kinikilala kung sinong babanggain mo! By the way, pagpasok ko, GUSTO KONG IPAGTIMPLA MO AKO NG KAPE. YUNG BLACK! YUNG VERY BLACK! SIMPAIT NG BUHAY NA IPAPATIKIM KO SAYO!
Scarlett: GOTO HELL!!! GO TO HELLL!!! GO TO HELLL!!!
Katherine: I'LL SEE YOU THERE!!!
Scarlett: Anong gusto mong palabasin, tita? Na mas mahusay na presidente si Katherine kaysa sakin?
Katherine (papasok sa pinto ng conference room): Oh yes!! Scarlett, Milya-milya naman talaga ang layo ko sa'yo. Nagdududa ka pa ba?
Scarlett: Dyan ka naman magaling eh. Backdoor! Backstabbing! Backbiting! Palibhasa, ayaw mong ipakita yang pagmumukha mo dahil nababahiran na ng putik!
Katherine: Bago mo pansinin ang putik sa mukha ko, TIGNAN MO MUNA YANG PUSALI SA MUKHA MO! Alam mo, di na natatakpan ng mamahalin mong pabango ang nabubulok mong pagkatao. Actually, umaalingasaw na nga eh.
Scarlett: Hindi ako ang naaamoy mo. Kundi ang naaagnas na katawan ng papa ko. Minumulto ka dahil binababoy mo ang kumpanyang binuo niya!
Katherine: Kahit ano pang sabihin mo, Scarlett, wala ka nang magagawa. kaya umalis-alis ka na dyan sa trono ko, DAHIL NAGBALIK NA ANG TUNAY NA REYNA!
*if you wanna repost this, please credit or link back to this post. Thanks! :)
http://theunderscorecourt.blogspot.com/2008/11/iisa-pa-lamang-lines.html
http://www.pinoylottowinner.com/2008/10/iisa-pa-lamang-quotes-episodes-video.html
http://natoreyes.wordpress.com/2008/10/13/the-boardroom-brawl-and-tonights-iisa-pa-lamang-awesome-quotes/
http://pinoytvjunkie.com
0 comments Tags: Jesse, Other Life, repost
Isadora's death. Registration delays. Obama's win. And everything in between.
by jesse at 11/05/2008 06:36:00 PM
Iisa Pa Lamang fans out there!
Anong masasabi niyo na pinatay agad si Isadora gayong may dalawang araw [gabi] pa namang natitira?
ako, BORING!
wala na. wala nang thrill... nung una nga sabi ko, "hai nako. hindi ako maniniwalang patay yan hanggang sa last episode. naihagis pa rin niya yung granada, kaya hindi siya sumabog."
but no.... sabi ni Sophia, "wala na si mommy.. chuva chuva."
meaning, nagkadurog-durog ang pinakamamahal kong si Isadora?! NO!!!
haha. whatever.
i'd definitely miss her and her oh-so-kulit na mga banat. promise. binago niya ang imahe ng mga kontrabida. haha. siya lang ang kontrabidang nakakatuwa.

sayang lang, siguro kung namatay siya nang buo, edi sana yung heart nya yun na lang yung ginamit pang-transplant kay katherine. edi wala silang problema. tas at least, parang buhay pa rin si Isadora. at may connection pa rin sa kanila ni katherine. black heart nga lang ang dating.
pero kahit wala na si Isadora, keri pa rin naman yung mga susunod na mangyayari.
dahil healthy naman ang heart ni rafael, pwede sana yung puso niya. kaya lang di pwede live heart eh. kaya aun. nagpakamatay. ADIK.
si miguel naman, ayun, nagpatirik na rin ng mata. nagpakamatay na rin ata in his own way. haha.
pustahan sa huli nyan, lahat sila mamamatay din. :))
OR, si scarlet lang ang matitirang buhay!! hahaha. ang "Iisa Pa Lamang", magiging "Iisa Na Lamang." HAHAHA. ayoko na. :))
Barack Obama WON.
yehey. Congrats!

haha. parang contest lang eh noh. :))
but no, seriously, i really wanted him to win. parang wala lang. for a change. tutal sabi naman niya, "Change We Can Believe In" eh.
tsaka i believe we (or the US) need some fresh and new ideas from young (or even not so young) people. umaapaw na kasi sa mga "trapo" ang ating mundo. kelangan ng new blood.
sobrang haggard ng enrollment ko kanina ha. kung tutuusin, wala naman na dapat akong maging problema eh. dahil kumpleto naman na ang 18 units ko sa 3rd pre-enlistment pa lang. (CRS really loves me.) so dapat, hindi na ko abutin ng tanghali sa UP.
pero hinde, umabot pa ko hanggang 6 pm!! grr.
thanks to my V.I.P. Stat 101 grade.
as in Very Important P******** Stat 101 grade.
in short, sa tagalog, "napaka-paimportanteng Stat grade"
before lunch pa lang ay hawak ko na ang PUNO (puno na kasi siya ng subjects) kong Form 5a after ng Advising.
pero naka-move on lang ako sa Post-advising na kasunod ng Advising (sa steps ko dapat. kumpleto na nga kasi ako, so no need for prerog.) pagdating ng alas kwatro ng hapon. dahil si Mam Stat, nang oras lang din na yun sinubmit ang aming grades.
KASALANAN BA NAMIN KUNG SOBRANG PAST THE DEADLINE (Oct. 30) NA IPINASA ANG AMING MGA GRADO!?
KASALANAN BA NAMIN KUNG SOBRANG BUSY SIYA KAYA HINDI NIYA NAASIKASO AGAD ANG AMING MGA EXAMS NA KELANGAN I-CHECK, AT MGA GRADES NA KELANGAN I-COMPUTE?!
KASALANAN BA NAMIN?
eh bakit kelangang kami (o ako, actually) ang mag-suffer sa paghihintay ng bilangin mo kung ilang oras?
i know we should understand her, because she's our prof.
i know we can't do anything, because we are just her students.
but i just find it unfair for us, who waited for i dunno how many hours until we can go on with our enrollment, when we know it wasn't our fault.
PASALAMAT NA LANG TALAGA NATAPOS KO PA RIN SA LOOB NG ISANG ORAS LAHAT NG KELANGAN KONG GAWIN HANGGANG ASSESSMENT.
KUNDI.......................
Need Cash?
by jesse at 11/04/2008 11:10:00 AM
Do you want to have an extra $100 to spend this Christmas?
Does the thought of $100 going straight to your Paypal account sounds cool?
Then you might want to try this new contest by Blogsivy.com
Here are some of the contest highlights:
- The winner will get $ 100 USD direct into Paypal.
- The next two runner ups will get a top level domain (must be available & within $10) of their choice.
- Next two will get 1 month free 125 x 125 ad spot at LetsSermo & Blogsivy respectively.
- The contest runs for 1 month i.e from 1 November to 1 December.
- Winners will be announced on 1 December.
- A leaderboard page would be developed where I’d [admin] keep a track of participants & their points.
- You can participate in the contest at any time.
for more details, go to http://blogsivy.com/win-100-usd-cash-in-your-paypal/
If you are the type of person who
If you are the one who doubts these kinds of stuff, then i would still convince you to join. (haha!)
If you don't want your busy net life getting disturbed, then I'm sorry. But please do join!! (hahaha.)
Again, here's the link: (don't worry, there's no referrer id in there! haha.

http://blogsivy.com/win-100-usd-cash-in-your-paypal/
Thanks!

0 comments Tags: Jesse, Other Life
Bugoy Drilon's Story in MMK
by jesse at 11/03/2008 11:07:00 PM
7 parts sa YouTube. ;)
talagang nagtiyaga akong maghintay ng 7 parts na halos tig-10 minutes sa youtube. syempre para kay Bugoy. :))
at grabeh ha. pinalungkot niya ko. nakaka-sad yung buhay niya. :(
korny ba? sorry naman. :|
pero basta. syempre ewan ko kung totoo nga ba lahat ng pinakita dun or for added drama na lang. pero kahit na. BUGOY PA RIN AKO!! hahaha. konek? :))
at in fairness ha. ang galing ni Mark Bautista. kuha niya yung mga mannerisms at galaw ni Bugoy.
natawa ko nung scene na papunta sya sa auditions. kasi sobrang akala ko si Bugoy talaga yung naglalakad! hahaha. kasi yung lakad na unique kay bugoy. ganun. haha.
tas yung mga pag-bite ng nails, bugoy na bugoy. :))
kahit nga pagsasalita dun sa ibang parts eh. galing. elibs ako. ;)
tsaka pati yung iba ding mga kasama, magagaling din. yung nanay tsaka yung tatay. lalo na nung mga umpisang scenes. nung nagwala yung tatay nya. NA-CARRIED AWAY AKO. haha. babaw. :))
tas sobrang nalungkot ako (na muntik nang mapaluha. HAHA. seryoso.) dun sa scene na binigay ni Bugoy yung medal niya as Star Scholar sa tatay niya. tas kung anu-anong kadramahan ang pinagsasabi ng tatay niya. NAKAKALUNGKOT.. :((
actually nung una nga, parang nainis pa ko kay Bugoy eh. kasi malayo yung loob niya sa tatay nya. kasi mahirap nga sila di ba. so yung tatay niya, naburyo ata, nagpaka-lasenggo and stuff. tas umabot sa point na binubugbog na yung nanay niya (tsaka siya).
e pero naisip ko, bat di niya na lang intindihin? KASI SYEMPRE NAHIHIRAPAN DIN NAMAN YUN. tutal hindi naman yun ganun dati. dala na lang din siguro ng sobrang kahirapan kaya nagkaganun.
tapos nung lumaon na, naging tahimik na lang palagi yung tatay niya. nagmamasid na lang. so ayun. wala lang. NALUNGKOT LANG TALAGA KO. :(
oh well. at least nagkabati din naman sila in the end. :))
ok ang acting. not superb, but commendable din naman. :)
kaya lang bat ganun. di na lang tinawag na Goofy yung kalabaw? pag ina-address siya ni Mark, "Pare koy" lang yung sinasabi. SAD. :(
tas sana dun sa ibang mga singing scenes, si Bugoy na lang talaga. kasi doon parang nag-mukhang OA si Mark eh. KASI SI BUGOY LANG TALAGA YUNG MAKAKAGAWA NUNG MALILIKOT NA GALAW SA STAGE HABANG KUMAKANTA. :))
at syempre dahil mahal ko si Bugoy, at natuwa ako sa last part, kaya eto, i-e-embed ko siya dito. :)
pero wait, pahabol lang. napanood ko na naman yung Speech niya. at syempre, natuwa na naman ako. kaya eto din:
"Maraming, maraming salamat po. KAHIT HINDI MAN AKO ANG GRAND STAR DREAMER, SA PUSO KO, GRAND STAR DREAMER PA RIN AKO. Mahal na mahal ko kayo. Salamat sa suporta at tiwala niyong ibinigay sa'kin. Hindi ko 'to makakalimutan sa buong buhay ko. Mangarap po tayo! Kahit simpleng tao, pwedeng mangarap!"
yeahboi. GO BUGOY!!! hahaha.
nami-miss ko na yung "Pa'no na Kaya". di na kasi ako nakaka-pakinig ng radyo eh. lagi ko pa naman yun naririnig dun. tsk. HAHAHA. :))
0 comments Tags: Jesse, Other Life
bati na kami ni CRS. yehey. :)
by jesse at 11/01/2008 10:03:00 AM
DIAZ, MARY JESSELLE CRUZ 200703978
Bachelor of Science in Business Administration (CBA)
Priority: Regular
Schedule | |||||
---|---|---|---|---|---|
Time | Monday | Tuesday | Wednesday | Thursday | Friday |
08:30 AM- 09:00 AM | | BA 99.2 THR1 | | BA 99.2 THR1 | |
09:00 AM- 10:00 AM | CWTS 1 - CBA MCJ/CWTS 2 - CBA MCJ | BA 99.2 THR1 | Econ 100.2 WFC/FK2 | BA 99.2 THR1 | Econ 100.2 WFC/FK2 |
10:00 AM- 10:30 AM | CWTS 1 - CBA MCJ/CWTS 2 - CBA MCJ | | | | |
10:30 AM- 11:00 AM | CWTS 1 - CBA MCJ/CWTS 2 - CBA MCJ | L Arch 1 THDE | | L Arch 1 THDE | |
11:00 AM- 12:00 PM | CWTS 1 - CBA MCJ/CWTS 2 - CBA MCJ | L Arch 1 THDE | PE 2 ST WFE | L Arch 1 THDE | PE 2 ST WFE |
12:00 PM- 01:00 PM | CWTS 1 - CBA MCJ/CWTS 2 - CBA MCJ | | | | |
01:00 PM- 02:30 PM | CWTS 1 - CBA MCJ/CWTS 2 - CBA MCJ | BA 180.1 THW2 | BA 181 WFW | BA 180.1 THW2 | BA 181 WFW |
02:30 PM- 03:00 PM | CWTS 1 - CBA MCJ/CWTS 2 - CBA MCJ | | | | |
03:00 PM- 04:00 PM | | | | | Econ 100.2 WFC/FK2 |
04:00 PM- 05:30 PM | | Nat Sci 2 THY | | Nat Sci 2 THY | |
Rank | Class Code | Class | Status |
---|---|---|---|
42003 | Nat Sci 2 THY 3 units SATURAY, RICARIDO JR TTh 4-5:30PM lec NIGS 015 | enlisted | |
17706 | BA 99.2 THR1 3 units TBA TTh 8:30-10AM lec BA 303 | enlisted | |
16631 | BA 180.1 THW2 3 units TBA TTh 1-2:30PM lec BA 303 | enlisted | |
16639 | BA 181 WFW 3 units TBA WF 1-2:30PM lec BA 306 | enlisted | |
67272 | Econ 100.2 WFC/FK2 3 units TBA WF 9-10AM lec SE AUDI; F 3-4PM disc SE 124 | enlisted | |
24946 | PE 2 ST WFE (2) units PAGADUAN, JEFFREY WF 11AM-12PM lec/lab JUDO RM | enlisted | |
16653 (16654) | CWTS 1 - CBA MCJ (3) units TBA M 9AM-3PM lec BA 104 CWTS 2 - CBA MCJ (3) units M 9AM-3PM lec BA 104 | enlisted | |
11749 | L Arch 1 THDE 3 units TBA TTh 10:30AM-12PM lec Archi 103A | enlisted |
18 units!!!
no need for prerog.
woohoo!!!
mwaah, CRS.
