Isadora's death. Registration delays. Obama's win. And everything in between.

haba ng title ah. :))



Iisa Pa Lamang fans out there!

Anong masasabi niyo na pinatay agad si Isadora gayong may dalawang araw [gabi] pa namang natitira?

ako, BORING!


wala na. wala nang thrill... nung una nga sabi ko, "hai nako. hindi ako maniniwalang patay yan hanggang sa last episode. naihagis pa rin niya yung granada, kaya hindi siya sumabog."

but no.... sabi ni Sophia, "wala na si mommy.. chuva chuva."


meaning, nagkadurog-durog ang pinakamamahal kong si Isadora?! NO!!!


haha. whatever.


i'd definitely miss her and her oh-so-kulit na mga banat. promise. binago niya ang imahe ng mga kontrabida. haha. siya lang ang kontrabidang nakakatuwa.


sayang lang, siguro kung namatay siya nang buo, edi sana yung heart nya yun na lang yung ginamit pang-transplant kay katherine. edi wala silang problema. tas at least, parang buhay pa rin si Isadora. at may connection pa rin sa kanila ni katherine. black heart nga lang ang dating.


pero kahit wala na si Isadora, keri pa rin naman yung mga susunod na mangyayari.

dahil healthy naman ang heart ni rafael, pwede sana yung puso niya. kaya lang di pwede live heart eh. kaya aun. nagpakamatay. ADIK.

si miguel naman, ayun, nagpatirik na rin ng mata. nagpakamatay na rin ata in his own way. haha.


pustahan sa huli nyan, lahat sila mamamatay din. :))

OR, si scarlet lang ang matitirang buhay!! hahaha. ang "Iisa Pa Lamang", magiging "Iisa Na Lamang." HAHAHA. ayoko na. :))




Barack Obama WON.


yehey. Congrats!


haha. parang contest lang eh noh. :))


but no, seriously, i really wanted him to win. parang wala lang. for a change. tutal sabi naman niya, "Change We Can Believe In" eh.

tsaka i believe we (or the US) need some fresh and new ideas from young (or even not so young) people. umaapaw na kasi sa mga "trapo" ang ating mundo. kelangan ng new blood.


we need a worldwide blood transfusion! [HUH? parang mali. :)) ]



sobrang haggard ng enrollment ko kanina ha. kung tutuusin, wala naman na dapat akong maging problema eh. dahil kumpleto naman na ang 18 units ko sa 3rd pre-enlistment pa lang. (CRS really loves me.) so dapat, hindi na ko abutin ng tanghali sa UP.


pero hinde, umabot pa ko hanggang 6 pm!! grr.


thanks to my V.I.P. Stat 101 grade.

as in Very Important P******** Stat 101 grade.


in short, sa tagalog, "napaka-paimportanteng Stat grade"


before lunch pa lang ay hawak ko na ang PUNO (puno na kasi siya ng subjects) kong Form 5a after ng Advising.

pero naka-move on lang ako sa Post-advising na kasunod ng Advising (sa steps ko dapat. kumpleto na nga kasi ako, so no need for prerog.) pagdating ng alas kwatro ng hapon. dahil si Mam Stat, nang oras lang din na yun sinubmit ang aming grades.


KASALANAN BA NAMIN KUNG SOBRANG PAST THE DEADLINE (Oct. 30) NA IPINASA ANG AMING MGA GRADO!?

KASALANAN BA NAMIN KUNG SOBRANG BUSY SIYA KAYA HINDI NIYA NAASIKASO AGAD ANG AMING MGA EXAMS NA KELANGAN I-CHECK, AT MGA GRADES NA KELANGAN I-COMPUTE?!

KASALANAN BA NAMIN?

eh bakit kelangang kami (o ako, actually) ang mag-suffer sa paghihintay ng bilangin mo kung ilang oras?


i know we should understand her, because she's our prof.

i know we can't do anything, because we are just her students.


but i just find it unfair for us, who waited for i dunno how many hours until we can go on with our enrollment, when we know it wasn't our fault.


PASALAMAT NA LANG TALAGA NATAPOS KO PA RIN SA LOOB NG ISANG ORAS LAHAT NG KELANGAN KONG GAWIN HANGGANG ASSESSMENT.


KUNDI.......................



0 comments: