Bugoy Drilon's Story in MMK

alam ko halos one month na after ipalabas 'to. pero sorry naman. ngayon ko lang napanood eh. haha.

7 parts sa YouTube. ;)


talagang nagtiyaga akong maghintay ng 7 parts na halos tig-10 minutes sa youtube. syempre para kay Bugoy. :))


at grabeh ha. pinalungkot niya ko. nakaka-sad yung buhay niya. :(

korny ba? sorry naman. :|


pero basta. syempre ewan ko kung totoo nga ba lahat ng pinakita dun or for added drama na lang. pero kahit na. BUGOY PA RIN AKO!! hahaha. konek? :))


at in fairness ha. ang galing ni Mark Bautista. kuha niya yung mga mannerisms at galaw ni Bugoy.

natawa ko nung scene na papunta sya sa auditions. kasi sobrang akala ko si Bugoy talaga yung naglalakad! hahaha. kasi yung lakad na unique kay bugoy. ganun. haha.

tas yung mga pag-bite ng nails, bugoy na bugoy. :))

kahit nga pagsasalita dun sa ibang parts eh. galing. elibs ako. ;)



tsaka pati yung iba ding mga kasama, magagaling din. yung nanay tsaka yung tatay. lalo na nung mga umpisang scenes. nung nagwala yung tatay nya. NA-CARRIED AWAY AKO. haha. babaw. :))


tas sobrang nalungkot ako (na muntik nang mapaluha. HAHA. seryoso.) dun sa scene na binigay ni Bugoy yung medal niya as Star Scholar sa tatay niya. tas kung anu-anong kadramahan ang pinagsasabi ng tatay niya. NAKAKALUNGKOT.. :((


actually nung una nga, parang nainis pa ko kay Bugoy eh. kasi malayo yung loob niya sa tatay nya. kasi mahirap nga sila di ba. so yung tatay niya, naburyo ata, nagpaka-lasenggo and stuff. tas umabot sa point na binubugbog na yung nanay niya (tsaka siya).


e pero naisip ko, bat di niya na lang intindihin? KASI SYEMPRE NAHIHIRAPAN DIN NAMAN YUN. tutal hindi naman yun ganun dati. dala na lang din siguro ng sobrang kahirapan kaya nagkaganun.

tapos nung lumaon na, naging tahimik na lang palagi yung tatay niya. nagmamasid na lang. so ayun. wala lang. NALUNGKOT LANG TALAGA KO. :(


oh well. at least nagkabati din naman sila in the end. :))



ok ang acting. not superb, but commendable din naman. :)



kaya lang bat ganun. di na lang tinawag na Goofy yung kalabaw? pag ina-address siya ni Mark, "Pare koy" lang yung sinasabi. SAD. :(


tas sana dun sa ibang mga singing scenes, si Bugoy na lang talaga. kasi doon parang nag-mukhang OA si Mark eh. KASI SI BUGOY LANG TALAGA YUNG MAKAKAGAWA NUNG MALILIKOT NA GALAW SA STAGE HABANG KUMAKANTA. :))



at syempre dahil mahal ko si Bugoy, at natuwa ako sa last part, kaya eto, i-e-embed ko siya dito. :)


pero wait, pahabol lang. napanood ko na naman yung Speech niya. at syempre, natuwa na naman ako. kaya eto din:


"Maraming, maraming salamat po. KAHIT HINDI MAN AKO ANG GRAND STAR DREAMER, SA PUSO KO, GRAND STAR DREAMER PA RIN AKO. Mahal na mahal ko kayo. Salamat sa suporta at tiwala niyong ibinigay sa'kin. Hindi ko 'to makakalimutan sa buong buhay ko. Mangarap po tayo! Kahit simpleng tao, pwedeng mangarap!"


yeahboi. GO BUGOY!!! hahaha.


nami-miss ko na yung "Pa'no na Kaya". di na kasi ako nakaka-pakinig ng radyo eh. lagi ko pa naman yun naririnig dun. tsk. HAHAHA. :))



0 comments: