SuperManuel is still my "El Ultimo Participante"

yes... Manuel Chua, Jr. is the real winner for me.

Naniniwala ako na siya ang karapat-dapat na maging ka-una-unahang El Ultimo Participante ng Pinoy Fear Factor. Kung paramihan rin lang ng World Records, at ng mga pinangunahang stunts, obvious na obvious naman na kung sino dapat ang nanalo. DI BA?

sa dinami-dami ba naman ng mga stunts na pinagdaanan nila, sino ba ang laging nangunguna? sino ang laging kinatatakutan? kanino laging ikinukumpara ang mga participantes? sino ang nagsisilbing standard at benchmark pagdating sa pagalingan? sino ang gusto ng karamihan na manalo?


... tinatanong pa ba yan?


edi si SUPERMANUEL!!






Si SuperManuel lang naman ang:

- kumain ng Combo dun sa Candy Shop stunt nila. siya ang kumain ng halu-halong mga ipis, worms, scorpions, at dalawang hilaw na DAGA. yes, kakapatay lang nung daga at fresh na fresh pa. haha. habang yung iba, isang klase lang ang kinain, siya lang naman ang sinuwerteng kelangan kumain ng lahat. At nagawa naman niya.

- naka-break ng World Record dun sa naka-hang na car tas paunahan makuha sa hood ang key at buksan ang pinto. HABANG UMUULAN. (kasama sa stunt)

- naka-break din ng World Record sa helicopter stunt na lilipat from one side to another habang nakasabit sa net. o diba, SuperManuel na, SpiderManuel pa!! san ka pa??

- nakapagpa-suko sa kabayo dun sa stunt nila na kakaladkarin sila paikot ng ilang beses sa putikan. ayos di ba, kahit kabayo hindi siya kinaya. :))

- ilang beses nang na-feature sa Pharmaton segment. sige nga, bilangan nga tayo ng na-feature dun na mga participantes, ILAN KAYA YUNG KAY MANUEL?

- ilang beses na ring na-save sa mga ronda ronda dahil laging nangunguna.

- at marami pang iba na hindi ko na maalala dahil sa sobrang dami. HAHA.




fine. i know 3 days na ang nakalipas mula nang matapos ang Pinoy Fear Factor. pero di pa rin ako maka-get over. BITTER pa rin ako ha. kasi naman, kasi naman.... hindi ako masaya sa kinalabasan. HINDI. HINDI. HINDI.

oo nga't umabot si Manuel hanggang sa Fearless Four. pero siya naman ang unang natanggal sa apat. hmp. AT, alam kong hindi naman talaga dapat siya ang natanggal!! grr.


sige.. maglibot ka sa mga forums at makikita mo na marami ang hindi sumasang-ayon sa nangyari nung elimination. KASI NAMAN. kitang-kita naman na nalugi si Manuel eh.

kasi yun nga. yung stunt nila nun is yung tatabunan ng buhangin habang nasa ilalim tas huhukay para makalabas.

ang dalawang pinakamatagal, sila Janna at Manuel. inaamin ko matagal talaga si Manuel. at mali naman kasi talaga yung diskarte niya nun. palpak siya talaga kumbaga.

pero ang hindi ko lang matanggap ay yung nangyari nun kay Janna. kasi habang naghuhukay siya palabas, naguhuan siya nung buhangin so nabaon siya uli. eh tapos, yung mga Argentine staff or whatever, TINULUNGAN SIYANG MAGHUKAY. as in NAGHUKAY DIN SILA. kahit na sabihin pang sinabi ni Janna na "I'm okay, I'm okay." at tumigil na sila, NAGHUKAY PA RIN SILA at MALAKING BAGAY DIN YUNG NAIBAWAS NILA. buti sana kung binalik eh, PERO HINDI. so ang nangyari, NABAWASAN NA YUNG HUHUKAYIN NI JANNA.

eh kung tutuusin, part naman talaga ng stunt yung ganun ah. yung naguguhuan ng buhangin. kasi kung bawat maguhuan eh tutulungan nila, ano pang silbi ng stunt stunt na yan? WALA. kung sila rin naman pala yung maghuhukay...

AND, to give more details about what happened sa stunt, eto.. nakuha ko from http://pinoy-fearfactor.blogspot.com/2009/02/super-manuel-out-na.html

--------------

"MANUEL WAS CHEATED!!!
1. Janna started even before the timer starts! Kung naalala nyo dati si Savanah nagkaroon ng penalty dahil hinawakan nya ang padlock before the timer starts, kahit binitiwan nya yun ulit nagkapenalty pa rin sya di ba? So, bakit si Janna walang Penalty dito????

2. When the FF argentine staff helped Janna, nabawasan na ang buhangin na nakatabon sa kanya, may camera naman sa loob di ba? nakikita naman nila dun kung ok pa si Janna di ba? at paano na ang nabawas na buhangin sa kanya? ganun na lang un? sasabihin lang nila na for safety reason kaya tumulong yung staff? WTF!!! para saan pa ang camera nyo sa loob?!!!!

3. Janna said help me! help me! I want to get out! pero ano walang tumulong? bakit???? kung ung natabunan sya hindi sya nanghingi ng tulong tinulungan sya, tapos ng nanghihingi na sya ng tulong deadmahin ba naman sya!!!!!!! why again? because she didn't use the give up sign! Darn!!!

Sino ba naman ang hindi maniniwala na hindi nadaya si Manuel! ....of course ung mga anti-manuel lang! pero ang Pro-Manuel at neutral viewers I'm sure they would be one in saying that Manuel was cheated!

KAHIT ANONG DAMAGE CONTROL ANG GAWIN NYO! AT KAHIT ANONG INTERVIEW KAY SUPERMANUEL NA SABIHIN NYA NA "BILOG ANG BOLA SA PFF", AT HINDI NYA NA-ANTICIPATE ANG MAIPIT ANG BINTI NYA! HINDI PA RIN AKO KUMBINSIDO NA NATALO SYA DAHIL SA MISCALCULATION NYA SA STUNT!..... ILANG SECONDS LANG ANG DIFFERENCE NILA NI JANNA, IF IT WAS NOT FOR THE ARGENTINE STAFF WHO HELPED HER TO REDUCE THE SAND AND IF PROPER PENALTY WAS GIVEN TO HER FOR STARTING BEFORE THE TIMER STARTS...PAG PINAGSAMA SAMA MO LAHAT LALABAS NA SI JANNA TALAGA ANG DAPAT NA NATANGGAL!!!!"

-----

o ano, gets mo na? ako OO. GETS NA GETS ko. kasi napanood ko mismo. ano, bitter na naman ako? FINE. bitter naman talaga ko eh. HAHA.


kaya after nung elimination, HINDI NA KO NANOOD. HANGGANG SA HULING EPISODE, HINDI KO PINANOOD. SERYOSOOOO.... BOYCOTT KUNG BOYCOTT.

so wala na kong pakialam kung sinong nanalo. si Jommy? fine. KANYANG-KANYA NA YUNG 2 MILLION. pati yung bahay. pakasawa siya dun.

I have learned in Economics the difference between Short run and Long run. and I know that material things don't last forever. ang mahalaga ay ang mga taong sumusuporta sayo kahit sa kabiguan. kahit talo ka, MARAMI pa ring naniniwala sayo. di ba JOMMY??? di ba??


anyway, marami akong nabasang mga kung anu-ano pa tungkol kay SuperManuel. like this:

"Balita namin ipapasok daw si Manuel sa Bahay ni kuya for this upcoming PBB Season 3 Celebrity edition. Dahil dito, madami tagahanga ni Manuel ang natuwa at nasabik na muli siyang masilayan sa pinakasikat na bahay sa buong bansa ang "Bahay ni kuya". Kabayaran ba ito ng ABS CBN management sa nagawang irregularidad sa huling stunts nya sa Pinoy fear factor na naging dahilan upang sya ang matanggal sa naturang reality show?

Matatandaang naging paborito sya ng mga tagahanga ng show dahil sa mga nagawa nyang New world record na nagpataob sa lahat ng fear factor records. Hindi rin matatawaran ang kanyang pagiging ulirang ama sa kanyang anak na gagawin ang lahat mabigyan lamang ng magandang buhay ang anak at pagiging isang tunay na kaibigan nang minsan ay kinalimutan nya ang sarili bagkus ay ipinagkaloob pa niya ang kanyang premyo sa kapwa participantes na nagbigay daan upang makausap nila RJ, Savanna at Janna ang mga kani-kanilang pamilya sa Pilipinas.

Tunay nga na kahanga-hanga si Manuel sa kanyang ipinamalas na galing sa Pinoy fear factor. Hindi kagulat gulat na marami ang tumanggap, nagmahal at nag-abang sa kanya sa naturang show. Ngunit, ang daming reaksyon ang lumabas mula sa fans nang siya ang matanggal sa huling linggo ng pinoy fear factor dahil ayon sa mga fans ay dinaya at walang consistency daw ang rules ng naturang show. Kaya umaasa ang mga Manuel fans na makakapasok sya sa PBB after ng Pinoy fear factor.

Malalaman kung gaano karami ang supporters at nagmamahal kay Manuel sa pamamagitan ng text votes. Makikita na ba ang tunay na galing ni Manuel sa pangalawang pagkakataon na ito at maririnig na kaya ang boses ng masa kung sino ang kanilang nais mahirang na PBB Big winner Celebrity edition na walang ibang kung hindi si SuperManuel? Abangan natin ang kanyang muling paglipad!! Uno, dos, tres, Vamos!"

from http://pinoy-fearfactor.blogspot.com/2009/02/super-manuel-out-na.html

---------

say ko? PAGKAKAKITAAN NA NAMAN SIYA NG ABS. ganyan naman lagi eh. ipapatalo sa isang contest, tas pagkakaperahan sa isa na namang contest dahil alam nilang maraming taga-suporta. ganyan maglaro ang ABS. hindi pa ba naman kayo nasanay sa sangkatutak na seasons ng PBB at PDA??

akala ko pa naman iba ang Fear Factor. pero hindi rin pala. sumablay pa sila sa huling linggo. kahit ano atang ipalabas sa ABS may kababalaghan eh. at ako naman, patuloy pa rin na nagpapauto. haai..


ah basta.. ako, kung sa totoong buhay, si Spiderman ang favorite superhero ko. pero sa Pinoy Fear Factor, isa lang ang TUNAY na kasing-lakas at sing-galing ng superhero. OBVIOUS BA?


edi si SUPERMANUEL!!!!


ok. na-hack ang account ko?

pano ba malalaman pag na-hack yung account? kasi kasi.. feeling ko na-hack talaga ako. pero ayoko pa munang maniwala.

ganito kasi.. nagstart siya nung mga 2 or 3 weeks ago. pag-open ko ng site ko, nakita ko sa guestbook na may bagong message. hindi ko siya kilala. tapos nakita ko dun sa may part na pag-t-type-an ng message, may nakalagay:


Stop being gay --
you were hacked

by TcH0Rt


syempre natakot agad ako pagkabasa ko. pero sabi ko baka joke lang yan. kaya binura ko na lang yung bagong message sa guestbook, kasi baka pag dinelete ko, mawala na rin yan.

tas nawala naman.



tapos.. tapos...


kagabi, nung nag-ch-check ako ng inbox ko dito sa Multiply, nakita ko may bagong post AKO pero hindi naman ako. nagulat talaga ko.......


so tinignan ko. tapos eto yung nakalagay sa blogpost:






so ayan. wala na. natatakot na ko for my account. i love my Multiply!! waah. tulungan niyo naman ako kung may alam kayo sa pag-ayos ng mga ganito.. please, please, please....


-------------------------------------------------------------------


EDIT: grabeh. ka-loka. paranoid naman ako masyado. haha. kasi pinuntahan ko yung class blog namin sa BA 180.1 dahil titignan ko kung may nag-post na ng website review. tapos nakita ko yung post sa taas. yung "some words of encouragement?".

si mam pala nag-post nun!!!






waaaah. halos mamatay naman na ko sa kaba, tapos yun lang pala. haai..

pero yung TcH0Rt, totoo yun.. may ganun talagang lumabas. :-S


pero wait, bakit ganun, yung pinost niya dun sa blog, na-post dito sa Multiply ko? BAKIT?


Ma'am, hacker ka ba? HAHA.


ah alam ko na... siguro dahil naka-enable yung cross-posting ko. so nung nag-post siya sa blog (na admin din ako), na-post dito! yey! alam ko na! alam ko na!!


pero yung TcH0Rt.................................. sana wala lang yun.....



bakit ba maraming namamatay sa rides?

kakapanood ko lang ng balita sa TV Patrol tungkol dun sa lalakeng nahulog sa Star Flyer ride ng Star City.

at nung narinig ko yung mga explanations at kwento nung mga nag-imbestiga at nung empleyado, naniwala ako. kasi tama naman db? isa lang yung nag-co-control dun sa mga safety chuva nung mga ganun. kaya nga pagkasakay db, sabay sabay bumababa yung mga harang?

so bakit siya lang ang nahulog sa mga nakasakay? sinasabi nung kamag-anak niya, bakit naman mahuhulog siya kung walang diperensya yung ride. eh tanong ko naman sa kanya, BAKIT YUNG IBA PANG MGA NAKASAKAY HINDI NAMAN NAHULOG? bakit sa dinami-dami ng mga sumasakay sa ride na yun araw araw, siya lang ang nahulog? siguro naman hindi siya ang unang sumakay sa mismong upuan na yun db. so bakit nga?

ewan ko. sabi nila baka suicide. pero hindi ko alam. baka may problema lang siya sa buhay, kaya tinanong niya dun sa babaeng empleyado na mamamatay ba siya dun pag nahulog siya. EWAN. siya lang nakakaalam nun.


siguro oo nga hindi naman talaga maiiwasan ang aksidente. lalo na kung kulang sa safety measures ang rides. tulad na lamang dati nung sa bata na nahulog naman sa Wild River sa Star City din. kung tumalon o tumayo man siya dahil sa takot, walang nakaharang para hindi siya mahulog. kaya ayun, nahulog.

pero ako naman, kung alam mo namang matatakutin ka sa mga ganun at feeling mo e medyo bata ka pa at hindi mo kaya, wag ka munang sumakay. darating din naman ang time na pwede ka na eh. kaya nga may mga height requirements sa mga ganyan di ba? siguro minsan, dapat yung mismong mga sumasakay na rin ang maging responsable sa sarili nila.

though may mga pagkakataon naman na wala sa sumasakay ang pagkakamali. tulad na lamang nung nahulog dati sa octopus sa perya. diba nagka-technical malfunction something ata nun so ayun, nakalas yung sinasakyan nila.


so tanong ko uli, bakit nga ba maraming namamatay sa mga rides?





alam ko na ngayon ang feeling ng mawalan ng cellphone.

I lost my phone.


hindi ko na-break ang curse.


malas talaga ako sa Friday the 13th.


----


so nagpunta nga ako ng Loverage nung Friday. mag-isa akong pumila at pumasok sa loob. buti na lang pagpasok ko, nakita ko sila Mich at Nat. tas nood, nood.

tapos after some time, nakita ko sila Ate Tin, Ate Jam, Ate Abi, Ate Majo, at Kuya RC. so sumama na lang ako sa kanila. tas nagkita-kita na rin ng iba pang ABAMers.

nag-perya perya sila. yung mag-babato ng piso tas pag na-shoot sa loob ng box, mapapanalunan mo. may isa kong nakita ang galing niya. expert ata sa ganun.

tapos lumipat sila dun sa may parang darts tsaka sa may pellet gun. gusto ko din sanang mag-try kaya lang nagtitipid eh. ;)


pero nung nagyaya silang mag-caterpillar, sumama ako. tagal ko na rin kasing hindi nakakasakay dun eh. elementary pa ata yung last. so na-excite naman ako...


at ayun.. masaya naman. ang bilis umikot.


AT...........


pagbaba ko, nung kinakapa ko na yung phone ko, wala na.




alam ko umiral ang katangahan ko kaya nawala siya. nasa bulsa lang kasi ng bag ko.


hindi ko alam kung dinukot o nahulog nung nasa caterpillar kami.


nung kinapa ko na sa lahat ng bulsa ko baka nailagay ko dun at wala pa rin, hindi pa rin nag-si-sink in sakin. parang wala lang. natulala. lumutang yung isip ko. hindi ko na alam. blangko.


salamat nga pala kila ate tin at ate jam kasi nung napansin kong wala na yung phone ko, tinawagan nila. pero unattended.

naisip ko, baka kung may kumuha, pinatay na. kung nahulog sa caterpillar, baka sobrang lakas ng impact kaya nawasak at namatay.

pero ewan, nawala talaga ako sa sarili ko...

naisip ko agad, YUNG SIM CARD KO.

mahal ko yun eh. Grade 5 pa lang ako, yun na sim card ko. ilang cellphones na ang pinagdaanan nun, pero matatag pa rin. 2nd year college na ko, gamit ko pa rin. tapos, biglang sa isang iglap, mawawala nang ganun ganun lang?


OUCH.


may sentimental value yun. SOBRA. tapos yung mga contacts ko sa phonebook, andun lahat. mga messages ko since time immemorial, andun din lahat. so nung naglaho siya, naglaho na rin lahat ng memories.


tapos yung cell phone. kahit China phone yun, mahal ko yun! isa't kalahating taon din kaming nagkasama. iniisip ko pa naman noon, papaabutin ko yun ng dalawang taon sakin nang hindi nasisira. pero wala.... hindi na siya inabot ng 2nd birthday niya.


at naisip ko rin siyempre kung pano ko sasabihin sa mga magulang ko. magagalit sila, alam ko. mas madaling sabihing na-holdap ako kaya nawala ang phone ko. wala kasi akong magawa. pero yung nawala siya dahil sa sariling katangahan ko? pano ko ipapaliwanag? MAHIRAP.


tas sinabi ko nung habang nasa kotse ako, hindi ako iiyak. HINDI KO IIYAKAN 'TO.

cellphone lang yan. sim card lang yan. mas mabuti na yung nawala siya o nadukot kesa naman na-holdap ako tas pinatay ako. mas masaklap yun di ba?


pero kinabukasan, hindi ko na napigilan. NAPAIYAK NA KO. as in IYAK. hagulgol and all that stuff. kaya pagkatapos kong mag-crying session, ayun, magang-maga yung mata ko. kaya nakita ng nanay ko at tinanong kung anong nangyari.

so no choice naman ako kundi sabihin na. sinusubukan ko kasi muna sanang tawagan at itext eh baka sakaling mag-reply at mabawi ko pa. pero wala na talaga eh. ring lang nang ring. parang nagsasayang na lang ako ng load ng nanay ko.


so ayun. kinwento ko habang patuloy na umiiyak. eh wala eh. di ko mapigilan. at buti naman hindi ako pinagalitan. buti na lang talaga.

Thank you Lord for giving me such understanding parents.


so kahapon, Valentine's Day, nag-Greenhills kami at bumili ng kapalit. sabi ko nga wag na muna eh. pero sabi naman ni mami mahirap din daw kasi kung wala akong gagamitin. edi GO. :)


Salamat sa lahat ng mga tumulong sa pangungulit sa number ko. Ate Tin, Marjo, Ate Jam.. sobrang thank you. Ate Adz, salamat sa pagtatanong kay Ate Tin, sorry naabala pa kita.


Sa ABAMers, salamat kasi nagkaron ako ng kasama nung Loverage, kundi ewan ko, boring siguro ng gabi ko. sayang lang di ako nakasama sa backstage!


Sa mga JJs na nanggulo, sige lang, magpapansin lang kayo. dyan naman kayo magaling eh. ipagpatuloy nyo lang yan.


Sa kung sino mang may hawak ng phone ko, sana'y maging masaya ka sa buhay mo. ilang beses na kitang tinawagan, pero hindi mo sinagot. gets ko na ang ibig mong iparating. pero hindi pa rin ako titigil. tatawagan ko pa rin nang tatawagan ang number ko (09198667485, tawagan niyo rin. haha.)

hindi mo rin naman magagamit yan eh. kasi wala kang charger. china phone yan, san ka hahanap? kaya sana, kahit yung sim lang ibalik mo. please lang.



Friends, Romans, Countrymen, give me your number.

And save mine as well.


it's 09192850311.


Thanks!


LOVERAGE 3: Break the Curse / JJ alert!

Na-break nga ba ang curse ng Friday the 13th? Hindi ko alam.

Basta ako alam ko minalas pa rin ako. NAWALA ANG CELLPHONE KO sa Loverage.



idagdag mo pa ang riot na nangyari, thanks to the ever-papansin na mga JJ.


panira ng event, ng mood, at ng FENCE.

pati mga walang kamalay-malay na bricks sa oval dinamay pa.

TSK.


---------------


last UP Fair 2008, LoveRage 2 ang pinanood ko. first ever UP Fair ko yun, syempre dahil first year pa lang ako nun. at natuwa naman ako, kaya nag-promise ako na kung mag-U-UP Fair man ako every year, sisiguraduhin kong sa LoveRage pa rin ako pupunta.

though nung Loverage 2 din, ginawa na ng mga JJ ang trabaho nila. pagpapansin at panunulak at pagtalon at pagbabanggaan na parang mga life-size Beyblade.

pero keri lang, nakauwi naman ako nang buhay. so ngayong UP Fair na 'to, maaga pa lang bumili na ko ng ticket for LoveRage 3. excited eh.

------------

pagdating ng hapon ng Friday the 13th, mag-isa akong naghintay at pumila para makapasok. gabi na rin yun. malungkot. kasi wala akong kasama. LONER.

nasa labas pa lang ako, kitang-kita ko na ang iba't ibang mga klase ng tao na manonood din ng concert. naisip ko, keri ko kayang manood mag-isa? baka mamaya bigla na lang may lumapit sakin at bigla na lang akong saksakin ng icepick.

ayoko pang mamatay. may exam pa ko sa BA 99.2 sa Sunday.

pero sige, go with the flow. nakipila ako. mahaba.. umabot pa ata hanggang AS. seryoso.

pagkatapos ay pumasok na ko. pinunit ang ticket ko. tinatakan. binigyan ng flyers. at ayun. sa wakas nasa loob na ko. marami-rami na rin ang tao. pero mas marami pa rin ang nasa labas. naisip ko, hindi naman kaya abutin na nga valentines 'tong mga tao sa labas sa kakapila?

hindi ko naman inakalang yung mga taong yun din pala ang magiging dahilan ng pagkahinto ng concert.


tatlong araw akong pumuntang fair dahil may booth kami dun. pero masasabi ko na ngayong Loverage at Friday ang pinakamarami (as in PINAKAmarami) akong nakitang tao. JJ man, estudyante ng UP, pamilya, at kung sinu-sino pa.

siguro dahil sobrang na-publicize 'tong event, o dahil sikat lang talaga yung mga banda, o baka dahil Friday at walang pasok bukas kaya maraming tao. masasabi kong SIKAT at pinupuntahan talaga ang Loverage. kaya nga sila umabot ng 3 eh.

--------------

STOP. na-bo-bore na ko.

--------------


basta ang gusto ko lang naman sabihin kaya ako nag-post, nakakainis ang mga kumag na JJ na yan. kung wala naman silang magawang matino sa buhay nila, sana wag na silang mandamay ng ibang taong trip lang magsaya. at kung yun ang paraan nila ng pagsasaya, puwes wag sila sa UP maghasik ng lagim.

nagpupunta ang mga matitinong tao sa concert para makikanta sa mga banda, para makita at makipag-picture sa mga idol nila, o para magliwaliw lang. wala yung mga magbabatuhan ng bote ng mineral, magtutulakan at magbabanggaan na parang mga kiti-kiti, at aasta na parang mga bangag na high na mga kaka-tira lang.

siguro may mga magsasabi na wag masyadong mag-discriminate. tao rin naman sila. pero bakit sila ba, iniisip nila kung may nasasaktan silang ibang tao? naiisip ba nila kung nakaka-perwisyo at nakakagulo lang sila? HINDI. dahil kung oo, walang mangyayaring kaguluhan sa mga concert, ke may Chicosci pa dyan o Greyhoundz.

at kung talagang may karapatan silang igalang, sila mismo dapat marunong gumalang. hindi naman porke hindi sila nakapasok (dahil walang ticket o dahil puno na sa loob) eh mambabato at maninira na sila ng bakod. may mga nasaktan, may mga duguan. kawawa naman yung pulis. yun, naisip ba nila? HINDI rin. dahil kung oo, hindi sila tatakas nung dumating na yung iba pang security.


siguro oo nga masyadong na-j-judge ang mga JJ. pero hindi rin naman kami masisisi kung ganito kami makapagsalita sa kanila. kasi sila mismo ang gumagawa ng ikinasisira nila.

------------

sana sa susunod na Loverage (kung magkakaroon pa nga ng kasunod), maging mas maayos na. dagdagan ang security. ayusin ang sistema ng tickets. kung kinakailangang mag-abang ng sampung firetruck sa paligid ng sunken, gawin nila. kasi siguro sa ngayon, mas mabuti nang sugatan lang yung mga biktima. sana hindi na umabot sa point na may mamamatay pa dahil sa UP Fair. siguro naman walang may gusto ng ganun, di ba?


at siguro kung pagbabawas (dahil alam kong imposibleng mawala) lang din sa mga JJ, baka pwedeng wag nang mag-imbita ng mga banda na nakapag-papa-wild sa kanila. kasi parang pag tumugtog na yung isang banda na hinihintay nila, biglang nagiging parang mga asong ulol na sila. sorry kung panget yung term, pero ganun ko sila nakikita eh. yun ang ipinapakita nila.

i know wala nang sense 'to. naging blog post for JJs na lang. ayan, masaya na sila. pinapansin na sila.