kakapanood ko lang ng balita sa TV Patrol tungkol dun sa lalakeng nahulog sa Star Flyer ride ng Star City.
at nung narinig ko yung mga explanations at kwento nung mga nag-imbestiga at nung empleyado, naniwala ako. kasi tama naman db? isa lang yung nag-co-control dun sa mga safety chuva nung mga ganun. kaya nga pagkasakay db, sabay sabay bumababa yung mga harang?
so bakit siya lang ang nahulog sa mga nakasakay? sinasabi nung kamag-anak niya, bakit naman mahuhulog siya kung walang diperensya yung ride. eh tanong ko naman sa kanya, BAKIT YUNG IBA PANG MGA NAKASAKAY HINDI NAMAN NAHULOG? bakit sa dinami-dami ng mga sumasakay sa ride na yun araw araw, siya lang ang nahulog? siguro naman hindi siya ang unang sumakay sa mismong upuan na yun db. so bakit nga?
ewan ko. sabi nila baka suicide. pero hindi ko alam. baka may problema lang siya sa buhay, kaya tinanong niya dun sa babaeng empleyado na mamamatay ba siya dun pag nahulog siya. EWAN. siya lang nakakaalam nun.
siguro oo nga hindi naman talaga maiiwasan ang aksidente. lalo na kung kulang sa safety measures ang rides. tulad na lamang dati nung sa bata na nahulog naman sa Wild River sa Star City din. kung tumalon o tumayo man siya dahil sa takot, walang nakaharang para hindi siya mahulog. kaya ayun, nahulog.
pero ako naman, kung alam mo namang matatakutin ka sa mga ganun at feeling mo e medyo bata ka pa at hindi mo kaya, wag ka munang sumakay. darating din naman ang time na pwede ka na eh. kaya nga may mga height requirements sa mga ganyan di ba? siguro minsan, dapat yung mismong mga sumasakay na rin ang maging responsable sa sarili nila.
though may mga pagkakataon naman na wala sa sumasakay ang pagkakamali. tulad na lamang nung nahulog dati sa octopus sa perya. diba nagka-technical malfunction something ata nun so ayun, nakalas yung sinasakyan nila.
so tanong ko uli, bakit nga ba maraming namamatay sa mga rides?

0 comments:
Post a Comment