alam ko na ngayon ang feeling ng mawalan ng cellphone.

I lost my phone.


hindi ko na-break ang curse.


malas talaga ako sa Friday the 13th.


----


so nagpunta nga ako ng Loverage nung Friday. mag-isa akong pumila at pumasok sa loob. buti na lang pagpasok ko, nakita ko sila Mich at Nat. tas nood, nood.

tapos after some time, nakita ko sila Ate Tin, Ate Jam, Ate Abi, Ate Majo, at Kuya RC. so sumama na lang ako sa kanila. tas nagkita-kita na rin ng iba pang ABAMers.

nag-perya perya sila. yung mag-babato ng piso tas pag na-shoot sa loob ng box, mapapanalunan mo. may isa kong nakita ang galing niya. expert ata sa ganun.

tapos lumipat sila dun sa may parang darts tsaka sa may pellet gun. gusto ko din sanang mag-try kaya lang nagtitipid eh. ;)


pero nung nagyaya silang mag-caterpillar, sumama ako. tagal ko na rin kasing hindi nakakasakay dun eh. elementary pa ata yung last. so na-excite naman ako...


at ayun.. masaya naman. ang bilis umikot.


AT...........


pagbaba ko, nung kinakapa ko na yung phone ko, wala na.




alam ko umiral ang katangahan ko kaya nawala siya. nasa bulsa lang kasi ng bag ko.


hindi ko alam kung dinukot o nahulog nung nasa caterpillar kami.


nung kinapa ko na sa lahat ng bulsa ko baka nailagay ko dun at wala pa rin, hindi pa rin nag-si-sink in sakin. parang wala lang. natulala. lumutang yung isip ko. hindi ko na alam. blangko.


salamat nga pala kila ate tin at ate jam kasi nung napansin kong wala na yung phone ko, tinawagan nila. pero unattended.

naisip ko, baka kung may kumuha, pinatay na. kung nahulog sa caterpillar, baka sobrang lakas ng impact kaya nawasak at namatay.

pero ewan, nawala talaga ako sa sarili ko...

naisip ko agad, YUNG SIM CARD KO.

mahal ko yun eh. Grade 5 pa lang ako, yun na sim card ko. ilang cellphones na ang pinagdaanan nun, pero matatag pa rin. 2nd year college na ko, gamit ko pa rin. tapos, biglang sa isang iglap, mawawala nang ganun ganun lang?


OUCH.


may sentimental value yun. SOBRA. tapos yung mga contacts ko sa phonebook, andun lahat. mga messages ko since time immemorial, andun din lahat. so nung naglaho siya, naglaho na rin lahat ng memories.


tapos yung cell phone. kahit China phone yun, mahal ko yun! isa't kalahating taon din kaming nagkasama. iniisip ko pa naman noon, papaabutin ko yun ng dalawang taon sakin nang hindi nasisira. pero wala.... hindi na siya inabot ng 2nd birthday niya.


at naisip ko rin siyempre kung pano ko sasabihin sa mga magulang ko. magagalit sila, alam ko. mas madaling sabihing na-holdap ako kaya nawala ang phone ko. wala kasi akong magawa. pero yung nawala siya dahil sa sariling katangahan ko? pano ko ipapaliwanag? MAHIRAP.


tas sinabi ko nung habang nasa kotse ako, hindi ako iiyak. HINDI KO IIYAKAN 'TO.

cellphone lang yan. sim card lang yan. mas mabuti na yung nawala siya o nadukot kesa naman na-holdap ako tas pinatay ako. mas masaklap yun di ba?


pero kinabukasan, hindi ko na napigilan. NAPAIYAK NA KO. as in IYAK. hagulgol and all that stuff. kaya pagkatapos kong mag-crying session, ayun, magang-maga yung mata ko. kaya nakita ng nanay ko at tinanong kung anong nangyari.

so no choice naman ako kundi sabihin na. sinusubukan ko kasi muna sanang tawagan at itext eh baka sakaling mag-reply at mabawi ko pa. pero wala na talaga eh. ring lang nang ring. parang nagsasayang na lang ako ng load ng nanay ko.


so ayun. kinwento ko habang patuloy na umiiyak. eh wala eh. di ko mapigilan. at buti naman hindi ako pinagalitan. buti na lang talaga.

Thank you Lord for giving me such understanding parents.


so kahapon, Valentine's Day, nag-Greenhills kami at bumili ng kapalit. sabi ko nga wag na muna eh. pero sabi naman ni mami mahirap din daw kasi kung wala akong gagamitin. edi GO. :)


Salamat sa lahat ng mga tumulong sa pangungulit sa number ko. Ate Tin, Marjo, Ate Jam.. sobrang thank you. Ate Adz, salamat sa pagtatanong kay Ate Tin, sorry naabala pa kita.


Sa ABAMers, salamat kasi nagkaron ako ng kasama nung Loverage, kundi ewan ko, boring siguro ng gabi ko. sayang lang di ako nakasama sa backstage!


Sa mga JJs na nanggulo, sige lang, magpapansin lang kayo. dyan naman kayo magaling eh. ipagpatuloy nyo lang yan.


Sa kung sino mang may hawak ng phone ko, sana'y maging masaya ka sa buhay mo. ilang beses na kitang tinawagan, pero hindi mo sinagot. gets ko na ang ibig mong iparating. pero hindi pa rin ako titigil. tatawagan ko pa rin nang tatawagan ang number ko (09198667485, tawagan niyo rin. haha.)

hindi mo rin naman magagamit yan eh. kasi wala kang charger. china phone yan, san ka hahanap? kaya sana, kahit yung sim lang ibalik mo. please lang.



Friends, Romans, Countrymen, give me your number.

And save mine as well.


it's 09192850311.


Thanks!


0 comments: