LOVERAGE 3: Break the Curse / JJ alert!

Na-break nga ba ang curse ng Friday the 13th? Hindi ko alam.

Basta ako alam ko minalas pa rin ako. NAWALA ANG CELLPHONE KO sa Loverage.



idagdag mo pa ang riot na nangyari, thanks to the ever-papansin na mga JJ.


panira ng event, ng mood, at ng FENCE.

pati mga walang kamalay-malay na bricks sa oval dinamay pa.

TSK.


---------------


last UP Fair 2008, LoveRage 2 ang pinanood ko. first ever UP Fair ko yun, syempre dahil first year pa lang ako nun. at natuwa naman ako, kaya nag-promise ako na kung mag-U-UP Fair man ako every year, sisiguraduhin kong sa LoveRage pa rin ako pupunta.

though nung Loverage 2 din, ginawa na ng mga JJ ang trabaho nila. pagpapansin at panunulak at pagtalon at pagbabanggaan na parang mga life-size Beyblade.

pero keri lang, nakauwi naman ako nang buhay. so ngayong UP Fair na 'to, maaga pa lang bumili na ko ng ticket for LoveRage 3. excited eh.

------------

pagdating ng hapon ng Friday the 13th, mag-isa akong naghintay at pumila para makapasok. gabi na rin yun. malungkot. kasi wala akong kasama. LONER.

nasa labas pa lang ako, kitang-kita ko na ang iba't ibang mga klase ng tao na manonood din ng concert. naisip ko, keri ko kayang manood mag-isa? baka mamaya bigla na lang may lumapit sakin at bigla na lang akong saksakin ng icepick.

ayoko pang mamatay. may exam pa ko sa BA 99.2 sa Sunday.

pero sige, go with the flow. nakipila ako. mahaba.. umabot pa ata hanggang AS. seryoso.

pagkatapos ay pumasok na ko. pinunit ang ticket ko. tinatakan. binigyan ng flyers. at ayun. sa wakas nasa loob na ko. marami-rami na rin ang tao. pero mas marami pa rin ang nasa labas. naisip ko, hindi naman kaya abutin na nga valentines 'tong mga tao sa labas sa kakapila?

hindi ko naman inakalang yung mga taong yun din pala ang magiging dahilan ng pagkahinto ng concert.


tatlong araw akong pumuntang fair dahil may booth kami dun. pero masasabi ko na ngayong Loverage at Friday ang pinakamarami (as in PINAKAmarami) akong nakitang tao. JJ man, estudyante ng UP, pamilya, at kung sinu-sino pa.

siguro dahil sobrang na-publicize 'tong event, o dahil sikat lang talaga yung mga banda, o baka dahil Friday at walang pasok bukas kaya maraming tao. masasabi kong SIKAT at pinupuntahan talaga ang Loverage. kaya nga sila umabot ng 3 eh.

--------------

STOP. na-bo-bore na ko.

--------------


basta ang gusto ko lang naman sabihin kaya ako nag-post, nakakainis ang mga kumag na JJ na yan. kung wala naman silang magawang matino sa buhay nila, sana wag na silang mandamay ng ibang taong trip lang magsaya. at kung yun ang paraan nila ng pagsasaya, puwes wag sila sa UP maghasik ng lagim.

nagpupunta ang mga matitinong tao sa concert para makikanta sa mga banda, para makita at makipag-picture sa mga idol nila, o para magliwaliw lang. wala yung mga magbabatuhan ng bote ng mineral, magtutulakan at magbabanggaan na parang mga kiti-kiti, at aasta na parang mga bangag na high na mga kaka-tira lang.

siguro may mga magsasabi na wag masyadong mag-discriminate. tao rin naman sila. pero bakit sila ba, iniisip nila kung may nasasaktan silang ibang tao? naiisip ba nila kung nakaka-perwisyo at nakakagulo lang sila? HINDI. dahil kung oo, walang mangyayaring kaguluhan sa mga concert, ke may Chicosci pa dyan o Greyhoundz.

at kung talagang may karapatan silang igalang, sila mismo dapat marunong gumalang. hindi naman porke hindi sila nakapasok (dahil walang ticket o dahil puno na sa loob) eh mambabato at maninira na sila ng bakod. may mga nasaktan, may mga duguan. kawawa naman yung pulis. yun, naisip ba nila? HINDI rin. dahil kung oo, hindi sila tatakas nung dumating na yung iba pang security.


siguro oo nga masyadong na-j-judge ang mga JJ. pero hindi rin naman kami masisisi kung ganito kami makapagsalita sa kanila. kasi sila mismo ang gumagawa ng ikinasisira nila.

------------

sana sa susunod na Loverage (kung magkakaroon pa nga ng kasunod), maging mas maayos na. dagdagan ang security. ayusin ang sistema ng tickets. kung kinakailangang mag-abang ng sampung firetruck sa paligid ng sunken, gawin nila. kasi siguro sa ngayon, mas mabuti nang sugatan lang yung mga biktima. sana hindi na umabot sa point na may mamamatay pa dahil sa UP Fair. siguro naman walang may gusto ng ganun, di ba?


at siguro kung pagbabawas (dahil alam kong imposibleng mawala) lang din sa mga JJ, baka pwedeng wag nang mag-imbita ng mga banda na nakapag-papa-wild sa kanila. kasi parang pag tumugtog na yung isang banda na hinihintay nila, biglang nagiging parang mga asong ulol na sila. sorry kung panget yung term, pero ganun ko sila nakikita eh. yun ang ipinapakita nila.

i know wala nang sense 'to. naging blog post for JJs na lang. ayan, masaya na sila. pinapansin na sila.




0 comments: