Congrats UE, it was a battle well fought.

When I say "it", I mean the whole Season 70 of UAAP.


Eventhough they failed to win the championship title, I still believe they won in the hearts of those people who believe in them.



Habang nanonood ako ng game, marami akong isinulat sa papel na hawak ko. Mga kung anu-anong bagay na naiisip ko at gusto ko sanang ilagay ngayon dito sa post ko. Pero nung pagkabukas ko ng multiply ko, sa message board, maraming mga posts tungkol sa pagkapanalo ng La Salle. They were all happy. Good for them.


Yung mga naisulat ko sa papel, puro bitterness. OO. bitter nanaman ako. Pero since marami nga akong nabasang posts about THEM, e parang ayoko namang maging dakilang kontrabida sa celebration nila. So I thought it would be better if I would just shut my mouth. I think you'd agree.


But hey, I thought of a better way to release my anger. ilalagay ko pa rin dito yung mga isinulat ko sa paper. If you're a Lasallian (or just a mere fan), I guess you wouldn't be able to read it. Only those who know how to spell the name of their school could, sorry.

so kung mabasa mo, ibig sabihin marunong kang mag-isip. mautak ka. maabilidad. (taga-UP ka noh? Ateneo? UST? or other schools except *toot*. haha. i'm soo bad.)


just some random thoughts:
* pano naman hindi tataas ang turnovers ng UE, kung every galaw na lang nila eh pito nang pito (as in whistle) ang mga referees?!
* mataas ang freethrows ng La Salle. syempre.. ano pang aasahan mo, they have ALL their chances.
* define TSAMBA: for me, it is "winning the most crucial games".
define MAGALING: it is "winning several games STRAIGHT." (14 to be exact. haha.)
* minsan iniisip ko na lang, "hayaan mo na, basketball lang naman yan eh. pagdating naman sa ibang larangan wala na SILA. dyan lang sila nabubuhay. baka pag inalisan mo pa sila ng karapatan dun eh mag-suicide pa sila. ano pa nga namang ikabubuhay nila pag nawala ang UAAP? or worse, ang basketball? tgnan mo nga, nanalo lang wala na silang pasok the next day. super pinapahalagahan pa nila yan kesa sa studies. so hayaan mo sila. (ok, hindi ko nilalahat ang mga estudyante nila. cguro ung mga ganito lang talaga.) *edit!*




haai.. ganito kasi yan eh. ok lang naman saken kung La Salle ang manalo. Kasi hindi naman na kasali ang school ko eh so ano pang pakialam ko kung sinong magcha-champion?? Pero sana, nakikita kong nananalo sila PURELY nang dahil sa sarili nilang galing. Yung walang tulong ng IBANG tao. Inaamin ko naman magaling talaga ang La Salle eh. Nung grade 6 nga, sa kanila pa ko kampi kesa sa Ateneo eh. Pero nagbago yun nung high school na ko. Secret na kung bakit. (haha.)


kasi, pare-pareho lang naman silang nagpapagod at nagpapakahirap para manalo ang mga teams nila. Sila-sila ang mga nagpapatayan sa court para makuha ang title. Kaya sana, kung kutsilyo, kutsilyo lang. Kung baril, baril. Hindi yung kutsilyo lang ang hawak ng isa tapos baril yung sa isa. Unfair naman yun diba? Sana nage-gets mo kung anong gusto kong sabihin.



haaaii... di bale UE at ATENEO (xempre UP din!), mahal ko pa rin kayo kahit anong mangyari at kayo pa rin ang patuloy kong susuportahan hanggang sa huli. Pag sinabi kong hanggang sa huli, hindi lang hanggang sa dulo ng season. HANGGANG SA SUSUNOD PANG MGA SEASONS. at hangga't sinusuportahan ko sila, patuloy pa rin akong magpo-post ng kung anu-ano dito sa blog ko sa multiply. At kung tinatamaan ka (at ang school mo) sa mga nakalagay dito, edi wag mong basahin. As simple as that.


by the way, 64-73 nga pala ang score. Ang layo noh. Ang laki ng lamang. Eh ano naman?!?!



tsaka nga pala, CONGRATS din kay Manny Pacquiao. Panalo na naman. Sayang hindi nya agad na-knockout si Barrera. Pero okay lng. Unanimous decision naman eh. At kamusta naman si Barrera ah. May mga dirty tactics pa siya. Ayun tuloy nagka-deduction pa. Buti na lang hindi siya pinatulan masyado ni Pacquiao. Kahit pano daw ay nagpaka-gentleman pa siya. (sabi nung mga commentators)

At tsaka nga pala, napag-alaman ko na si Chris Tiu daw ay nanood ng live nung laban. Sayang naman. Edi kung nalaman ko ng maaga-aga eh sana siya na lang ang hinanap ko at hindi ko na pinanood yung mismong laban. hahaha. kaya pala nung awarding ceremonies sa UAAP, hindi siya yung kumuha nung trophy niya.



ok.


nakakainis. feeling ko ang boring boring nitong post ko. kasi gusto kong mang-away eh!!! pero sabi ko nga, i'll just shut up. pero mamaya na ng konti. hindi pa ko tapos eh. ay eto nga pala yung status ko sa ym:

"shet naiiyak ako!!! naiiyak ako sa GALIT!!! pota! || magwawala ako sa multiply.. pramis. asahan nyo yan.. || UE vs. DLSU? huh. maniwala ako. || kung la salle fan ka, wag mo kong kausapin!! baka sau ko maibuhos lahat ng galit ko!!"



oo yan talaga status ko. complete with the punctuation marks and the mura parts. eh kc grabeh inis na inis tlaga ko knina nung as in pgkatapos nung game. sobrang sigaw ako ng sigaw dito sa bahay.. gigil na gigil talaga ko. seryoso. at grabeh kitang-kita ng mga magulang ko habang nagkakaganun ako.. haha. pero wala silang magawa. so ayun. ibinuhos ko sa status ung inis ko. hahaha..




basta. basta. basta.




ito na ang season-ender post ko. nakakalungkot naman. parang kelan lang opening pa lang ng Season 70. Tapos ngayon, may champion na. Buti na lang, kahit na 0-14 ang UP, kami pa rin ang Champion sa Cheerdance Competion. haai.. nakakalungkot talaga. Buti na lang nakabili ako nung UAAP Magazine. So may souvenir ako ng UAAP Season 70. Itatago ko yun. Promise. Yun ang remembrance ko ng unang taon kong pagiging adik ng UAAP. At alam ko na hanggang sa mga susunod na seasons, patuloy pa rin akong susubaybay dito. Hindi lang sa school ko, kundi pati na rin sa iba. Kahit La Salle.


haai... anyways, Congrats to everyone!


Congrats to those players who got special awards.

Special mention to Chris Tiu for being one of the Mythical Five. Although hindi nga siya yung kumuha ng trophy niya.



Congrats to UP Pep Squad for being the 2007 UAAP Cheerdance Competiton Champions!!

You're the best!!



Congrats to the winners of the other events in UAAP!! (like Swimming, Volleyball, Judo, etc.) I'm sorry if I don't know anyone. But then, you know who you are. haha.




And lastly, Congratulations (oh buo pa yan ah.) to the De La Salle Green Archers for being the UAAP Season 70 Men's Basketball (Seniors) Champion. Welcome back.





By the way, University of the Philippines will be the hosts for Season 71. It coincides with the University's Centennial celebration. I'm so excited.



Ok, 'til the next season!! Au revoir!! :)



** for the latest news, articles, and photos about UAAP (even NCAA) Season 70, visit UBELT. **


...... pahabol lang. eto may naisip akong banat kanina habang nagsusulat ako dun sa papel ko habang nanonood nung game.


"Stop being BITTER. hindi ka naman ampalaya eh.."


WEEHH... hahaha.. ang korneeh ko. sorry naman ah. :)

0 comments: