anong gusto kong i-imply? WALA NAMAN.
ikaw na bahala kung anong gusto mong isipin.
luto yung laban?
SUNOG na nga eh.
tustado pa.
basta ako, UE ang sinusuportahan ko sa finals. hindi lang dahil ayoko talaga sa kalaban nila, pero dahil naniniwala ako na mas magaling talaga sila.
MAS DESERVING SILA.
nagpakapagod sila para ma-sweep ang eliminations at makarating sa finals. 14-0? hindi biro yun. bakit, kinaya ba yung gawin ng kalaban nila?
marami akong nakikitang maganda sa team nila.
siguro una na dito yung, as a team talaga sila naglalaro.
walang star player, "WALANG PASIKAT".
although syempre hindi naman talaga mawawala ang ganun sa bawat team. mga points per game (ppg) ng bawat player, halos 10 or below lang ata.
pero kasi, kalat ang points nila. lahat sila nagtatrabaho. lahat sila gumagawa. lahat sila nakaka-point kahit isa. hindi katulad ng iba na kung sino na yung first five, yun na hanggang huli. nagpapasok lang ng bench players kapag pagod na yung nauna.
hindi sila buwakaw sa bola. tulad nga ng sabi ko, WALANG PASIKAT.
oo nagdadrama na naman ako ng wala sa lugar. hindi naman ako taga-UE eh. pero bakit ba ko nangengealam sa game nila? eh kasi tulad ng sabi ko, sinusuportahan ko sila dahil naniniwala akong sila ang mas karapat-dapat.
game proper.
kainis. hindi ko naumpisahan yung game mismo.. kasi mga 3:30 na ko nakarating sa bahay eh. pero basta.. naiinis talaga q. hmp.
ayon sa ipinakita na naman nilang figures, 13, 416 ang paying patrons. sila ang mga nanood ng live. syempre hindi pa kasama dyan yung mga nanonood sa bahay tulad ko. wala lang. gusto ko lang i-share.. mas madami pa rin talaga yung last game ng ateneo-la salle.. 23, 315.
hmm.. mejo random na lang yung mga ikkwento ko. badtrip ako eh.
eto. unang una kong babanggitin, epal ang referees.
pinag-initan nila si thiele kanina (sa pagtawag ng mga fouls), kasi alam nilang isa siya sa mga maaaring magpatalo sa team na kailangan DAW manalo. (again, wala akong gustong i-imply.)
kunwari, tinawagan nila siya ng traveling. eh hello?!?! pano makakapag-traveling yun e nakahiga na nga?!?! sus. alam ko wala akong enough knowledge about basketball. pero sana naman reasonable yung mga banat nila.
haai.. iba talaga pag ikaw ang referee. kayang-kaya mong manipulahin ang game. kahit na magtawag ka lang nang magtawag ng foul, ok lang kasi wala namang magagawa yung coach at players eh. pag nag-reklamo nga naman sila, baka ma-technical pa.
tsk tsk. the POWER OF THE WHISTLE nga naman.
uulitin ko, wala akong gustong palabasin sa mga sinasabi ko. pero problema mo na yun kung manhid ka at sobrang slow mo.
at kung in denial ka.
hai.
game uli.
eto. kasi sabi ko naman, kapag seconds na lang ang natitira sa game, hindi na dapat nagt-take ng risk na mag-3 points. lalo na kung 1 point lang naman ang lamang ng kalaban mo.. mas mabuti nang 2 points na lang pero sure na mash-shoot.
ayan tuloy, 63-64 pa. e kung sa loob na lang nag-shoot imbes na sa 3 points edi panalo pa sila. hai.
siguro nga totoo yung sabi nila na kinalawang na ang UE dahil sa tagal nilang nagpahinga at naghintay ng kalaban. hmm. baka nga..
masakit ang unang pagkatalo. pero doble ang sakit nun sa UE kasi unang tikim nila ng pagkatalo, sa finals pa. makakaapekto kaya yun sa mga natitira pa nilang laban? wag naman sana....
haaaii.. pero cge, kahit naman ayaw na ayaw ko sa La Salle (dati pa), aaminin ko naman na may strong points rin talaga sila. malupit ang defense nila kanina. makikitang nahirapan talaga ang UE kaya naka-commit sila ng 31 turnovers. ok rin naman ang offense nila kanina. malupit din si TY Tang. tsaka si villanueva na rin.. hmm. si casio? ewan ko ba pero ayoko talaga sa kanya. kahit na sabihin pang magaling siya, care ko. naiirita ko pag nakikita ko siya eh. isa pa, feeling ko siya yung patalo sa kanila nung mga unang games nila laban sa ateneo. yung isang game na hindi na-count yung last shot ni maierhofer, siya yung huling nag-attempt na mag-shoot nun eh. pero nanatiling attempt nga kasi hindi na-shoot kaya nag-rebound pa c maierhofer. di ba yun din yung 5 points lang ang nagawa niya sa buong game?
hai talaga.
feeling ko super sama ko na. pero bakit ba, tulad ng palagi kong sinasabi sa mga blog posts ko, walang pakialamanan. ayoko sa kanila eh.
-.- kaya nga pala may mga red at green dyan, malapit na kasi mag-pasko. excited na ko eh. tingin mo, intended ba yung words na red at green ang color? hindi ko alam.
*** for game details, go to UBELT. ***
... sabik ako sa comment. kaya pag nabasa mo to, comment ka naman dun sa baba oh. salamat. (kahit na murahin mo ko kung taga-la salle ka. promise hindi ako magagalit. ^_^ )
kasalanan ba ng UE kung hindi sila kasing yaman ng kalaban nila?!
by jesse at 10/04/2007 07:35:00 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment