hmm.. wala lang.. naisip ko lang mag-post nito.. affected kasi ako dun sa isang napuntahan kong site. umaapaw sa school pride. kaya ako din, ipagmamayabang ko ang school ko.
madalas habang naglalakad ako papuntang AS, CAL, MB, SC, Vinzon's, at kahit sa terminal, marami akong nakikitang nakasuot ng shirt na may nakalagay na,
"So what kung UNO ka? Eng'g ka ba?!"
meron pa,
"Kung di ka sikat... di ka STAT."
meron dn ngaun bago,
"Your dream. My Reality."
pero xempre, ndi pwedeng mawala ang,
"University of the Philippines (Diliman)"
simple lang yan. pero mabigat ang dating. kaya mo ba??
haaii.. grabeh kanina habang nag-iikot ako sa site na un, andami kong gustong ilagay dito sa post ko.. pero bat ngaun biglang nawala lahat?? hahaha... pero cge.. try ko pa rin.
dati, habang nagliliwaliw ako sa peyups.com, napadpad ako sa isang thread na ang title ay, "Why do you hate UPians?". syempre ako naman si usisera, tinignan ko. so aun. wala lang. nagbasa ko. hahaha.. tapos aun nga, habang binabasa ko ang bawat pahina, nakaabot ako dun sa part na may mga nagsabing naiinis sila sa mga "angas shirts". aun ung mga katulad nga nung mga nasa taas. kasi parang ang yabang daw ng dating. (well, actually walang parang dun sa post nila. ako lang naglagay. haha.) yung porke nasa UP daw, ang lakas na ng loob magyabang. basta mahaba ung thread eh. at hahaba pa un nang hahaba.
basta ang bottomline, marami daw sa mga "isko at iska" ngaun ay mayayabang dahil nga nakapasok sa Unibersidad ng Pilipinas.
pero ako naman, hindi naman sa pagmamayabang un eh. for me, there's a big difference between "boasting/bragging" and "being proud (in a positive way) ". sino ba namang hindi magiging proud na nag-aaral siya sa kinikilalang pinakamataas na pamantasan sa buong Pilipinas? (o walang aangal. kahit magpakita kayo ng rankings or whatsoever na gusto niyo, kami pa rin ang nasa taas.) hindi lahat ay nagkakaroon ng pagkakataon para makapasok at makapag-aral dito. kaya dapat nating i-appreciate na may karapatan tayong tawagin ang unibersidad na ito, na sariling atin. (oo angkinin na natin to! haha.)
o ayan. proof na agad yan ng pagmamayabang. hahaha.. ang gulo ko.
pero ano ba, hindi naman yan ung gusto kong ilagay dito eh. gusto ko sana puro tungkol sa STATEMENT SHIRTS, or ANGAS SHIRTS, or basta kung ano mang gusto niyong itawag sa mga shirts na yan. kasi inspired ng isang site (actually multiply site din) itong post na to.
aun. basta sa site na un, super punung-puno sila ng school pride. oo. SCHOOL PRIDE. (wala lang. gusto ko lang i-ALL CAPS. haha.) but wait, there's more! kasabay ng school pride nila, ay BASKETBALL PRIDE din. pero actually, kasama na nga rin sa school pride ung pride na un eh.
pero wait, let's define PRIDE muna. tulad ng pilit nilang ipinangangalandakan dun tungkol sa sarili nilang word na ginagamit (may nagsabi daw kasi na redundant ung mga nasa shirts nila), marami ring kahulugan ang pride. nasa tao na lang yan kung pano ang pagkakaintindi niya. pero eto, from webster:
pride n.
1. self-respect; self-esteem.
2. gratification arising from association with something laudable. (nosebleed ito.)
3. conceit; arrogance.
4. haughty behavior
ayan. SCHOOL PRIDE? ikaw na bahala.
pero oo. aminado naman ako. maganda din ung shirts nila. actually nakakatuwa nga eh. at eto. unang kita ko ng ganung shirt, sa UP pa. take note, sa UP. From malayong lugar, napuntang Diliman. WOW. pano kaya nangyari yun?
pero ung nakita ko naman hindi naman ung msmong pangalan ng school eh. kasi ung mga kumakalat ngaung ganung shirts, walang name nung school (tama ba ko? paki-correct naman po kung mali. sori!) dinadaan nila sa color. so ganun din un. haha.
basta ung andun sa shirt nung dalawang gurl na nakita ko na magkasama at parehong-pareho pa sila ng damit, ung color pink ang text with the name of that guy **kahit guwapo xa, mas gusto q prin c tiu!! haha. ateneo eh. oo, cge na, biased na ko..** (basta kung taga-dun ka, alam mo na un!! hahaha. sori allergic ako dun kea ndi q masabi ung mga details about them. obvious ba? haha.)
at eto pa, aminado rin ako na malulupet ung mga banat nila. basta ung mga magkaka-rhyme sa name. nakakatuwa. hahaha..
and, maganda rin ung mga photos nila.. aun.
at nga pala, na-feature na rin sila sa... anu nga ba un?? waah.. nakalimutan ko na.. seryoso. sana may makapagpaalala saken. basta dyaryo un eh. haai..
o ayan pinuri-puri ko na sila. tama na.
so aun nga, i admit i like their shirts. but still, I'm proud to say,
"UP ako. Ikaw?"
("Kayo?" sana eh.. pero ayoko namang lahatin.. haha.. ang bad ko talaga!!!)
o eto pa. bonus!!! hahaha.. nung napadpad nga ko dun sa site nila, xempre nag-ikot-ikot ako.. tapos napunta ko dun sa blog post about sa sinasabing redundancy sa ginagamit nilang term. tapos hanggang sa super haba na ng mga comments, replies, etc. hanggang sa may nag-away nnaman. xempre dahil nanaman sa away ng dalawang schools na ewan ko ba kng kelan matatapos at kng matatapos pa nga.. tpos eto, nabasa ko. natuwa ako eh. kasi sapul nung nagreply ung gusto kong sabihin eh. lalo na ung "SAME TIME" na naka-quotation marks. hahahaha.... i am so mean!!!
****** saidsa basketball lang....sa basketball lang. tandaan mo.************* saidnaku kawawa tlga ateneo kahit kelan.. talo nlang lage.. ^^
they study. AND play ball at the "same time" <----in quotation bka may mag comment pa eh. tas pahiya din pagkatapos
o ayan. wala lang. hahaha.. ang sama ko talaga.
kaya cge lang, awayin mo ko kng naiinis ka na sa lahat ng mga pinagsususulat ko dito sa blog ko.. sbihin nyo lang kng napipikon na kau kasi baka nga nman below the belt na ung ibang mga banat ko. but still, tulad ng plagi kong sinasabi, blog ko to eh. gawa ka nlng sarili mo, owkei? :D
* oi peace tau ah.. hahahaha... :) *
0 comments:
Post a Comment