The "disadvantages" of being a Filipino

sa mga panahong ganito, hindi ko masisisi ang mga aktibista, rallyista, kudetista (yung mga nag-c-coup de etat. haha.), at kung sino sino pang lumalaban sa gobyerno.



sa mga panahong ganito, lalo lang ipinapakita ng pamahalaan kung anong klaseng pamumuno ang gusto nilang itatak sa utak ng mga mamamayan.







mga *toot* sila.


[fill in the *toot*.]






hai. sa dami ng mga nabasa kong blog posts tungkol sa nangyari kahapon, hindi ko maiwasan na ma-inspire na gumawa ng sarili ko. kasi parang hindi ako kuntento na sa reply ko lang nailalabas ang mga sarili kong saloobin sa buhay eh.





WARNING: sorry kung magulo ang mga susunod mong mababasa. hindi siya organized eh. basta kung ano lang pumasok sa utak ko, diretso type. kaya sorry din kung may mga typo. sorry din kung mahaba at parang wala nang patutunguhan, pero ganyan talaga eh. at huli sa lahat, sorry kung may mga vulgar words dyan. can't help it.











kahapon habang nasa UP ako, wala pa akong alam sa kung anong bagong nangyayari sa Pilipinas. pero dalawang beses kong narinig ang pangalan ni Trillanes. una, sa Ikot na jeep. pangalawa, sa SC. sabi pa nung isa kong narinig, "ewan ko ba naman kasi sa mga tao kung bakit binoto pa yun eh." so naisip ko, ano na naman kayang meron kay Trillanes at parang pinag-uusapan siya ngayon? balak ko pa nga sanang itext yung tatay ko para itanong kung anong meron kay Trillanes eh. pero naisip ko, wag na lang siguro. baka busy si dadi eh. nakakahiya naman maiistorbo ko pa.



so natapos ang araw ko ng ganun. nawala na sa isip ko ang tungkol kay Trillanes. kaya't nang pagkarating ko sa bahay (mga 5:30), nawindang ako sa balita sa tv at ipinapakita ang isang tangke na sinisira ang Manila Peninsula. parang, ha?! anong nangyayari?! at aun nga. ipinakita yung mga tao sa loob habang may "press con". nagsalita si Brig. Gen. Danilo Lim. at ininterview din si "Sen. Antonio Trillanes IV".



balita ko pa, tinira daw sila ng tear gas. lupet talaga. grabeh. may kasama pang gun shots. kaya tuloy napag-desisyunan nila Trillanes na sumuko na lang. kasi hindi daw kaya ng kunsensya nila na madamay pa ang media. para daw wala nang dumanak pang dugo. buti pa sila may konsensya. buti pa sila kahit pano eh iniisip ang kapakanan at safety ng ibang tao.


eh yung iba kaya?? basta makapagpasabog lang, masaya na. basta maipakita lang sa mga tao na malakas sila, makapangyarihan sila, magagaling sila, masaya na sila. tsk tsk. matatapang lang kayo kasi may mga armas kayo. pero pag nawala yan sa inyo, pare-pareho lang tayong lahat, tandaan niyo yan.




tumagal pa yung tensyon ng hanggang gabi. hanggang sa ipinakita yung mga taga-media na nakayuko habang pinapalabas, si Trillanes binitbit sa sinturon habang dinadala sa bus, yung ibang media people naka-posas din. in short, pinagmukha silang mga kriminal. takte talaga. yang mga militar na yan, ang tataas ng tingin sa mga sarili nila. akala nila porke may mga armas sila, para na silang mga Diyos kung umasta. tangna niyo.



at may narinig pa ko na iniinterview at tinanong kung pano yung mga nasira sa Manila Pen, sino daw dapat habulin dun. grabeh nung narinig ko yung sinagot na si Trillanes daw dapat ang habulin sa mga damages, parang WTF?! para silang mga gago. bakit, sinabi ba ni Trillanes na "hoy! tangke lang ang makakapagpalabas samin dito!" pota. pakshet silang lahat. ang o-OA nila. ano yun, para ipakita na sila ang makapangyarihan?! tangna nila kung ganun.


unang-una, sino ba namang matinong tao ang makakaisip na magpasok ng tangke sa loob ng isang 5-star hotel?! bakit, hindi ba pwedeng tirahin na lang nila yung mga salamin dun? hindi ba pwedeng sa likod sila dumaan? sa ibang entrance? tapos nung nasira na, isisisi nila sa ibang tao. takte.




tapos nung nakalabas na yung ibang mga tao, nagkagulo naman dahil nga yung ibang mga taga-media (from ABS-CBN), gusto nilang isama dun sa Bicutan. para daw i-check kung talagang taga-media nga sila. kasi may nakapagsabi daw na yung ibang Magdalo eh pwedeng mag-disguise as taga-media. parang, duh?! kaya nga may id ang mga media people di ba. for identification. ano pa kayang silbi nun?!



may isa pa kong nabasa dito, "Obstruction of Justice" daw yung pwedeng charges sa kanila. eh parang hello naman. bakit, andun ba sila sa mismong gitna nung mga pulis or kung sino mang militar at sila Trillanes? as in nakaharang ba sila para hindi mahuli yung mga may pakana nung coup de etat na yun? andun lang naman sila to cover the events eh. para ipakita sa mga tao kung ano yung mga nangyayari sa loob. kung isasagot ng mga pulis na ginagawa lang nila yung trabaho nila, then, ako ang sasagot sa kanila na these mediamen are just doing their jobs as well. pare-pareho lang silang nagtatrabaho dun.


kung tutuusin nga, mas matino pa yung trabahong nagawa ng media kahapon kesa sa militar eh. at least sila, naiparating nila sa mga taong nag-aabang kung ano talaga yung mga nangyayari sa loob. eh yung isa, puro pasikat. pakshet.



oo na. sige na. ginagawa lang nila trabaho nila. eh so what?! ginagawa nila yung trabaho nila para kay GMA. para hindi tuluyang mapaalis si GMA sa puwesto. para maipakita na malakas at matatag pa rin ang rehimeng Arroyo. tangna. talk about "serving the Filipino people".




sunod naman yung Curfew. naibalita rin na ipapatupad ang curfew from 12 mn - 5 am. nung unang narinig ko, MARTIAL LAW ang unang pumasok sa isip ko. who wouldn't, in the first place? kahit na hindi pa ko buhay nung panahon ni Marcos, alam ko naman kahit pano kung ano yung mga nangyari nun. kaya kung ipatupad man ni GMA ang mga yun sa ngayon, edi Martial Law nga ang dating.



oo sige tama yung palusot nila na para naman yun sa safety ng mga tao. para makasigurado na wala nang iba pang manggugulo. pota. hindi ba nila alam na lalo lang nagkakagulo ang mga tao dahil dun?! may mga napa-paranoid na baka Martial Law na ang kasunod (isa ako dun.), may mga naabala sa mga plano nilang gawin kagabi, yung mga nasa trabaho na hindi alam na may ganun palang ipinatupad, etc. basta lalo lang nilang pinagulo yung sitwasyon.





eto din naman kasing sila Trillanes, bigla na lang naisipan mag-walk out at sumugod sa Manila Peninsula. ni hindi man lang nagpasabi sa ibang mga tao na pwede sanang sumama sa kanila. edi sana madami sila. sana kahit pano nagkaron ng chance na maging successul yung balak nilang gawin. siguro masyado silang nagtiwala na pag andun na sila, madami nang susunod. pero hindi eh.



at yun nga ang problema sa mga "Pilipino" ngayon. madami kasi na nag-a-abang na lang sa mga susunod na mangyayari. naghihintay na lang ng kahihinatnan at kalalabasan ng mga pangyayari. madami sa ngayon ang parang wala nang pakialam. para na lang silang nanonood ng telenovela sa tv na abangan ang susunod na kabanata.



pero sa tingin ko nga rin kasi, sawa na mga tao ngayon. EDSA 4? matagal-tagal pa siguro bago uli masundan ang EDSA Series. mag-declare muna ng Martial Law si GMA bago uli magising ang mga Pilipino sa totoong nangyayari sa bansa natin. kasi naman, gusto pang pinapahirapan muna nang matindi bago lalaban. maarte masyado eh.






madami pa sana kong gustong ibahagi sa inyo eh. pero sa sobrang dami, naghahalo-halo na sa utak ko. sa tingin ko naman pare-pareho lang tayo ng pananaw sa mga nangyayari eh. kaya ikaw na bahala.




eto nga pala. para naman may alam ka sa mga nangyayari sa paligid mo, basahin mo 'to.

para naman hindi ka masabihan na walang pakialam sa bansa mo.


Sundalo, Tagapagtanggol ng Pilipino.


(credits: link from stacy.)






epilogue.



KARMA. naniniwala ako diyan eh. iba man ang pagkakaintindi ko diyan sa salitang yan, naniniwala pa rin ako na kung ano mang mga katarantaduhan ang gawin mo dito sa mundo habang nabubuhay ka pa, babalik at babalik yan sayo. kaya sige lang GMA, sige lang mga masasamang tao. magpaka-gago kayo dito hanggang gusto niyo. tutal kayo rin naman ang magdudusa pagdating ng panahon eh.





kaya humanda kayo.

0 comments: