What's happening to UP?

ito ang reaksyon ng isang freshie sa nangyaring walk-out at boycott ng mga klase noong july 10. at maraming di sumasang-ayon sa mga pananaw nya. sasali ako. ;)


------------------------------------------- start of post ---------------------------------------------------


(FYI for those who don't know: kanina me mga estudyante nag-walk out to call for the resignation of our president due to a lot of things)


1. the most important question of all...if PGMA resigns, who will replace her?? VP De Castro?? come on! i know YOU are smarter than that. VP De Castro is a good vice president but i don't think he will be a good president, and i think he knows that too. (good man, that guy)


2. you're whimpering like a battered dog about oil price hike. it's a GLOBAL thing. Oil price hike is not an isolated case in the Philippines. it's happening EVERYWHERE. I know the times is hard but, be UNSELFISH sometimes. I know that everyone is selfish and only thinks of theirselves [ate, themselves po. :))] and their families and loved ones but we should realize that the whole world doesn't revolve around us. It's not the government's fault if the oil price increases. It's happening everywhere you look and if you wanna get to the root of the problem, here it is:


a. resources: we all know that oil is a limited resource and that we are slowly exhausting this valuable resource, i know you were all brilliant high school students and that you were taught basic economics, but if you forgot, let a freshie refresh you: the higher the demand, the lesser the supply, the higher the price. basic. i don't need to elaborate, right??

b. war. let's face it, (no offense meant but) it's all USA's fault. This war that they got themselves into is killing a lot of people and when there's chaos and war, it will be harder to get the oil. (i don't need to explain right? i'm sure you understand why...if not, here's a clue: COMMON SENSE; but they do say common sense is not so common nowadays)
there, now yo know why the oil is that expensive.


3.you're telling the government to cut down tax. OMG. it's as if you're asking your mom to donate ALL her blood to you just for you to live. I assume that you know what taxes are for...but then, if you do, you wouldn't rally right?? let me refresh you again. tax is the bloodstream of the government, take it away, the government will crumble down faster than a badly-baked caked. so, will you let your mom sacrifice her blood for you?? OMG. what a horrible person you are. you're asking your mom to abandon her other millions of children for you. very SELFISH, but, a TYPICAL human being.


4.Tuition fee increase. alright. let me tell you this. kaming mga freshie lang ang may karapatang magreklamo tungkol sa tuition fee increase. bakit, kayo ba ang naapektohan d naman db?? tnx for the care but i think i understand the government why. quality comes with price. come on, we're the best university in town (heck, in the country) and our tuition fee is way low. d b keo nakokonxenxa sa mga prof nating mga doctors and masters?? ang gagalin nila pero ang baba ng sweldo nila...buti nga ln, nagtu2ro p rin cla d2 ee...d sa mga private schools who could definitely pay them better.


5. oh yeah, before i forgot, don't you know that civil unrest (that is, the rallies, the protests, the war inside the country) is affecting the economy? more chaos=less investors, less investors=less work, less work=no money, no money=no food. MORE CHAOS=NO FOOD. is this your goal?? coz, ur not helping our country prosper, you're just us helping dig our own grave.


time to be a Filipino.

but i think it would be unfair for me to just say stuff and not give a solution...


i think that the only way for our government to be stable and everything to be alright is through a civil war. it's harsh but it's reality. without a civil war, there will be no nationalism. I mean, if there was a war, people will offer their lives for the country and we'll all remember what the past heroes did and we would honor our country, just like what happened in other countries, after their civil war, they become united.


that is not the best solution but well, it is the only thing i could think of at the moment...don't worry, as we course throught different philosophers in soc sci 2, i'll offer more insights. right now, we're still in plato and what he's saying is too futuristic and there would be a revolution if we do that "abolishing of family" thingy.


p.s: for those who don't know, i'm a pol sci major, and a freshie ^_^


-------------------------------------------- end of post ---------------------------------------------------


mang-aaway ako!! >:)


1. no comment.

(hahaha!! unang-una pa lang, NO COMMENT na agad eh!! :)) jesse, akala ko ba mang-aaway ka?! XD)


2. Oil Price Hike. mainit na issue yan ngayon. laging laman ng balita. yes, it is a global thing. i admit wala akong masyadong alam tungkol dyan, pero kung titignan naman natin ang mga nangyayari ngayon dito sa'tin, iba ang sitwasyon kesa sa ibang bansa. kasi dito, ilang mga kumpanya lang ang may hawak at may desisyon sa presyo ng ibinebenta nilang gasolina (etc.). at sa tingin ko dahil yun sa Oil Deregulation Law. kaya yun ang laging naririnig kong isinisigaw sa mga rally. kasi obligasyon o tungkulin ng gobyerno na i-regulate ang mga presyo dito sa Pilipinas. pero hindi nila ginagawa.


naaalala ko pa nung high school, may kinwento si Sir Bacabac na noon daw, nung panahon pa ni Marcos, nung sinabi ng mga may-ari ng kompanya ng langis na malulugi daw sila kung hindi nila tataasan ang presyo, ang sinabi ni Marcos, "Edi magsara kayo!". bakit kaya ngayon, wala nang ganun? masyadong maluwag? EWAN.


na-discuss namin sa Econ 100.1 (go mam monsod! sir arcenas! and of course, sir JJ! haha.) ang tungkol sa mga market failures. imperfect competition. monopoly. oligopoly. et cetera. at dahil dyan, may government intervention. one of their roles is to assure that there is price stability in the economy. but can we see our government doing that well? i don't know. but if there's such a thing as market failure, there is also government failure.


you're talking about being UNSELFISH, but don't you think you're being SELFISH yourself? You said it's not the government's fault if the oil price increases, but are they doing anything to at least try to bring it down? yes, they give subsidy to those public transport drivers, but it's not enough. as they say, Prevention is better than Cure. hindi ba't mas maganda nang gamutin ang sakit through operation, kesa bigyan mo lang nang bigyan ng gamot ang isang may sakit, without any assurance na gagaling siya? ok, i think i'm commiting a false analogy (wow, may natutunan ako sa eng 10!), but i hope you get what i'm trying to say. :D


at tsaka bakit parang puro oil lang ang iniisip mong problema natin ngayon? nakita mo na ba yung mga taong nakapila nang pagkahaba-haba para lang makabili ng NFA Rice? siguro sa balita, narinig o napanood mo na. pero sinubukan mo naman kayang intindihin yung sitwasyon nila? na-imagine mo kaya kung anong feeling pag ikaw yung nakapila sa katanghaliang tapat, sa ilalim ng init ng araw (at ulan), sa loob ng ilang oras? tas minsan pa, pag malapit ka na sa trak, saka sasabihin na ubos na?
ang saklap di ba?


2a. resources:

yes, i know that oil is a limited resource. and i think it's partly our fault why Peak Oil is slowly becoming a reality (no, it has long been a reality). time will come that oil would be history. and i think that time isn't far. (maybe tomorrow?)


eto malupit eh: YES, I BELIEVE I WAS A BRILLIANT HIGH SCHOOL STUDENT. NO WONDER I GRADUATED FROM A SCIENCE HIGH SCHOOL. OOPS, CORRECTION: REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL. AND YES, WE WERE TAUGHT BASIC ECONOMICS (thanks to sir bacabac).[ sorry naman, nagmamayabang lang. hayaan na.... :))]


and no, i'm sorry but i didn't forget that the higher the demand is for a product, supply goes down, price increases. BASIC. of course you don't need to elaborate. but girl, wag mo masyadong ipangalandakan na FRESHIE ka. PROUD KA MASYADO EH.


2b. war

o tignan mo, maninisi ka rin pala. pero actually, ako din eh. :)) noon pa lang naman, hindi na ko pabor sa pag-ratrat ng US sa Iraq (and others). i don't even know if until now, i still believe that 9/11 was perpetrated by them (ykw). kasi may mga narinig nga ko na mga kung anu-ano tungkol kay Bush. oh well. off topic. that's why Obama: Change We Can Believe In.ngeh. hahaha. ano ba.


3. i think another false analogy. but anyway, sige papatulan ko.

OT: mahilig kang mag-refresh no? kanina ka pa refresh nang refresh eh. :))

ate, wag mo namang gawing tanga yung mga nag-ra-rally. malamang naman alam nila kung para san ang tax di ba? bakit, feeling mo ba ikaw lang ang may alam nun? at kelangan mo pa talaga kaming i-refresh? if so, ang galing mo naman. pang-summa cum laude ka na.

at sa tingin ko naman, may mga magulang (o nanay, tulad ng sabi mo) ang handang magbigay ng lahat ng dugo sa kanyang katawan, para sa ikabubuti ng anak niya. kesa anak niya ang mamatay, mas gugustuhin niya nang siya na lang. [though walang konek yung sinabi ko sa sinabi niya. :))]

and besides, hindi naman tatanggalin TOTALLY yung tax eh. babawasan lang. kasi mabigat na nga yung original price, dadagdagan pa ng e-vat, edi patay na. buti sana kung yung ibinabayad, may nakikita tayong concrete results na pinagdadalhan nila. eh ano, ipinambabayad utang lang, o di naman kaya'y diretso na sa bulsa ng ibang mga hindi ata tinatablan ng konsensya. hai.


4. dito talaga ko na-inspire mag-post eh. yung sa sinabi niya.

"kaming mga freshie lang ang may karapatang magreklamo tungkol sa tuition fee increase. bakit, kayo ba ang naapektohan d naman db??"


magpapaka-barubal ako. walang pakialamanan.


hoy, ang kapal naman ng mukha mong sabihin na kayong mga freshies lang ang may karapatang magreklamo. BAKIT, KAYO LANG BA ANG NAAPEKTUHAN?! HINDI NAMAN DI BA?! sa pagkakaalam ko kasi, sa batch '07 pa lang eh nagsimula na yang 300% increase na yan. ibig sabihin, inabutan din kami. ibig sabihin, NAAAPEKTUHAN DIN KAMI.


at kung dun mo naman sasabihin sa mga upper class, WALA KA RING KARAPATAN. pasalamat ka nga may pakialam pa sila eh. pasalamat ka, ipinaglalaban pa nila yung KARAPATAN MO. KARAPATAN NATIN. kung tutuusin, hindi na nga nila dapat problemahin yun eh. dahil nga hindi naman sila inabutan. pero naiintindihan ko yung ipinaglalaban nila. tulad nga ng sabi nila, EDUCATION IS A RIGHT, NOT A PRIVILEGE. what more kung sa UP db? lahat ng mga magagaling at matatalino, may karapatang pumasok di ba. pero wala eh. nababalewala yung mga walang kakayahang magbayad ng ganyang kalaking tuition.


siguro naman nabasa mo na yung kuwento nung Chemistry freshman na nag-dropout dahil sa tuition na yan? pero siguro din, binasa mo lang. hindi mo inintindi. hindi mo fineel. parang, care mo nga naman db? basta ikaw, makakapag-aral ka pa. tsk.


we are the best university in the country? maybe. but our tuition is waaaay low? pano mo nalaman? compared sa ateneo, la salle, etc.? siguro nga malayo ang 20K+ sa 100K+. pero sa tingin ko, nasasabi mo lang na waaaay low ang tuition natin kasi kaya mo pa ring magbayad. malay ko ba kung barya barya lang sa'yo yan. way low nga naman, db? pero again, isipin mo yung iba. hindi lang naman ikaw ang freshie eh.


bakit kaya may mga profs na pinipili pa ring manatili sa UP kahit na mas marami namang opportunities sa iba? sa tingin ko, kaya nila pinipiling mag-stay, dahil iba pa rin ang feeling na nagtuturo ka sa Unibersidad ng Pilipinas. and i guess that's the true meaning of sacrifice. ;)


5. WOOOW.... clap, clap, clap.

ang galing mo naman..... ALAM MO NA CIVIL UNREST IS AFFECTING THE ECONOMY. and wow uli, na-konek mo yung MORE CHAOS=NO FOOD. bravo.

...... WHATEVER.


pare, may pa-civil unrest civil unrest ka pa. parang galit na galit ka sa mga nag-ra-rally ah. inaano ka ba nila? sila pa nga ang nakikipaglaban para sa mga karapatan mo eh. sa karapatan ng bawat pilipino. pero ano, minamasama mo pa. tas in the end, kapag nakamit na nila ang tagumpay, makiki-celebrate ka. makikinabang ka rin naman sa mga ipinaglaban nila.



time to be a Filipino? tell that to yourself.




now to your suggested solution........


CIVIL WAR ba? yun ba ang gusto mo? tsk tsk. mag-isip isip ka muna, ate.


at ok ka, ha. dinamay mo pa si Plato. :))



at, tulad ng sinabi ko kanina, WAG MONG IPAGMAYABANG NA FRESHIE KA. or kung hindi naman yun ang intention mo, WAG MO NA LANG IPANGALANDAKAN NA FRESHIE KA. NAKAKAIRITA NA KASI.

and another thing, PolSci Major ka? ...... TINATANONG BA?



ate, in case you forgot, let me refresh you, isang buwan ka pa lang dito sa UP. malamang sa malamang marami ka pang hindi alam sa mundong pinasok mo. siguro after ilang sems, maiintindihan mo na rin kung ano talaga ang kasalukuyang sitwasyon ng UP at ng Pilipinas.


tsaka di ba sabi mo, we're being SELFISH? eh ikaw?


for me, you're being too self-centered. hindi lang ikaw ang pilipino sa mundo, kaya hindi mo pwedeng sabihin na kung ano ang pwede sayo, pwede rin sa iba. siguro mayaman ka, o may-kaya kaya? kasi parang hindi ka naman affected sa kung ano man yung mga nangyayari sa'tin ngayon eh. NAKAKA-SURVIVE KA PA NAMAN KASI. eh pano yung ibang mga hindi kasing-swerte mo? naisip mo ba sila? naisip mo na ba kung anong nararamdaman nila sa sitwasyong pinagdadaanan ng bansa natin ngayon?


tsk. FRESHIE KA PA NGA LANG.



for her original post and other hot comments:

http://yoopee.multiply.com/journal/item/3449/my_piece?replies_read=14



* kung sa tingin niyo'y may mga mali rin akong pananaw, feel free to comment. :D


0 comments: