sa tingin mo, bakit hindi manalo-nalo ang UP sa Men's Basketball sa UAAP? oo nga't nanalo sila once, pero ngayon ay nawawala na naman.
ako, may naiisip akong dahilan.
nung Saturday ko lang 'to napansin after ng game nila against ADMU. (go chris tiu!! haha.)
ANO ang jinx (o maaari rin namang suwerte) sa UP?
.
..
...
....
.....
......
.......
........
.........
..........
.........
........
.......
......
.....
....
...
..
.
yung buhok ni LOPEZ!!
[#7, Mark Lopez]
hahahaha..... ang sama ko noh?!? :))
btw, naging classmate ko nga pala siya sa Eng 1 nung first sem last year. hahaha.. so wala lang. bati ko naman siya eh. di ko siya inaaway. :))
eh kasi naman noh. ganito kasi.
last year, kung maaalala niyo (malamang, oo.), 0-14 tayo. as in wala tayong napanalunan kahit isang game. at kung maaalala niyo, KALBO si Lopez nun buong season. as in he's BALD. NO HAIR.
so parang........ hmm.............................
WALA LANG. :))
tapos, nung pasukan, nakita ko siya sa may AS. at WOAH.
as in WOAH!
nagulat ako.
tanong mo kung bakit.
"BAKEEEET?!?"
kasi nung nakita ko siya, may hair na siya!!! as in hair kung hair talaga. kulot kulot pa nga eh. hahaha. oo, walang koneksyon yun. :))
tas wala lang. nagulat lang talaga ko. at naisip ko, hindi bagay sa kanya may buhok. mas matino itsura niya pag makintab yung ulo niya. :))
eh tapos, nung first game ng UP sa Araneta (against NU), naglaro siya nang ganun yung itsura niya. MAY HAIR.
and guess what, NANALO TAYO, db?!?
although syempre, hindi rin naman natin maiwasang isipin na dahil din sa kalaban. NU eh. lalo na, 0-4 sila ngayon. (hala, ang sama ko!!!) sa kanila ba nalipat ang sumpa sa UP? hahaha.
pero wait ha, ok din naman sila last season eh. natalo nga nila ang Ateneo sa game na importante eh. dahil sa kanila, nawala tuloy ang twice-to-beat advantage ng ADMU!! grr them. haha.
pero ano ba, balik sa buhok ni Lopez.
edi ayun nga. nung first game, may buhok si Lopez, nanalo tayo.
tas eto na naman, nung 2nd game na against UST, nagulat na naman ako. (hai nako, he never fails to surprise me. yak. hahaha!) KALBO nanaman siya, men.
and what, we lost.
hanggang sa 3rd game (vs. FEU).
at sa 4th. (vs. ADMU)
pero sa 4th, di na masyadong kataka-taka. andun si Chris Tiu eh. ano pa ba namang aasahan natin? hahahaha!!!! 4-0 na sila, grabeh. UE, UE, isdatchu?
palihis lang sandali ng kwento. nung saturday nga eh, nung laban nila sa ADMU, nahihirapan akong mag-cheer nun nang buong buo sa UP!! eh kasi naman, next to UP, ADMU ako eh. di lang dahil andun si Tiu, pero dahil naniniwala akong magaling talaga sila. gusto ko sila Baclao, Salamat, Arao (kahit wala na siya), Reyes (?), pati si Escueta. at ngayon, dumagdag pa yang si Buenafe. badtrip, ang galing niyang rookie ha. PERO SI CAWALING KASI ANG FAVORITE KONG ROOKIE EH. last season nga lang. hahaha.
ay nawala na ko.
basta, basta. naisip ko lang naman yun. haha. wala lang, pinaparaktis ko lang ang "non causa pro causa" fallacy. hahahaha. panget eh noh. fallacy tas pinapraktis. :))
oh well, papel, jesselle.
kahit anong mangyari, UP FIGHT pa rin!!
go ADMU and UE din!! hahahaha... :))
ano ang jinx sa UP?
by jesse at 7/21/2008 06:36:00 PM
Tags: Jesse, UAAP, UP Fighting Maroons, UP Life
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment