What's new, right? Siguro naman sanay na tayo sa ganyan. Na mas malaki yung number sa right side kesa sa left. sus, naka-survive nga tayo last season na 0-14 eh. at least ngayon may 1 win na kahit pano. haha.
Game ng UP at DLSU kanina sa ULTRA, 2pm.
nabubuwisit ako, pramis. inis na inis at asar na asar talaga ko kanina habang nagchi-cheer. bakit? ewan. halo-halo eh.
una, naiinis ako dahil sa mga referees. langkwenta, mga epal sila. first quarter pa lang! mga first 2 or 3 minutes pa nga lang ng game eh. pinag-iinitan na nila sila Jay Agbayani at Magi Sison.
yun bang parang bawat galaw nila eh may pipito agad. Foul agad. lech. parang wala nang ibang makita yung mga referees kundi sila. grr.
kaya tuloy halos sa karamihan ng games ng UP eh hindi sila nakakatapos, lagi silang na-f-foul out nang maaga. arrghness.
pangalawa.
si Woody Co.
kilala mo?
si Woody Co. Woody Mo. Woody nating lahat.
ewan ko ba ha. pero kasi, nung first (hanggang 2nd ata?) quarter, karamihan ng tira, pasa, rebound, at kilos niya eh palpak. as in. ultimo freethrows, sablay!
eh hello?!? knowing Woody Co, matino naman siya eh! tapos biglang ganun? siguro nga wala lang siya sa kundisyon masyado kanina nung umpisa. pero ewan. parang may iba eh. MUKHANG SADYA?
ewan ko ba. pero kagabi kasi, namulat ako sa mundo ng game-fixing eh. dun sa mga betting chuva chuva sa mga games. yung tipong, may mga binabayarang players para ipatalo yung game. siguro naman gets mo, kasi gasgas na yung issue na yun eh.
wala akong ini-imply na anything ha. pero kanina talaga, nung napapanood ko yung laro ni Woody nung UMPISA, di ko maalis na maisip yun. haai... sama ko. gusto ko naman si Woody Co eh. isa nga siya sa mga matitino sa UP eh. :(
pero buti na lang, nung nag-progress na yung game, nag-progress na rin siya. umasenso na. nakaka-score na't nakaka-shoot na ng freethrows. masyado lang siguro akong mapag-isip ng kung anu-ano. :|
sorry Woody Co. :)
pangatlo!
wala lang. badtrip lang talaga ko kasi La Salle ang kalaban. eh hello naman. since last season naman against na talaga ko sa DLSU. ewan ko ba, pero malayo lang talaga ang loob ko sa kanila. MASYADONG HOT ANG BLOOD KO SA KANILA! :))
pero at least kanina, mas may reason ako para i-cheer down (BOO! haha.) sila. lalo na yung mga players na ayaw ko. tulad ni *****. calculator, men. AYOKO TALAGA SA KANYA. naiirita ko pag nakikita ko pagmumukha nya sa TV. si maierhoffer naman, gusto ko kasi.... matangkad? hahaha. siya lang gusto ko sa la salle. kasi magaling (at mayabang) naman siya. (si calculator din naman eh. KEY PLAYER nga siya, db?)
pang-apat.
syempre, ang usual mistakes (mistakes pa nga ba?) ng Maroons. kanina ko talaga nakita ang difference ng UP "Fighting" Maroons sa ibang teams. as in maiyak-iyak na talaga ko habang naiinis/sumisigaw/nag-ch-cheer para sa kanila. kasi, andami nilang mga kapalpakan sa buhay.
sa tingin ko, ang kulang sa kanila, aggressiveness. KULANG NA KULANG sila nun. parang ang lamya lamya ng laro nila. pag nasa court, basta lang masabi na naglalaro at tumatakbo at nagpapasa sila eh keri na. yun bang pag pinanood mo sila (or yung iba lang naman), parang wala kang makitang determination na "OI, KELANGAN KO 'TONG I-SHOOT! BABANGGAIN KO LAHAT NG EPAL NA HAHARANG SA DADAANAN KO!" wala. walang ganun.
kaya ayun. puro turnovers.
tsaka isa pa. mahilig silang magpasa. yun bang kahit halos andyan na siya sa ilalim ng ring, ipapasa pa rin niya sa mas malayo. kung sa ibang team yun, malamang i-sh-shoot na yun. andun na yung chance eh, bat mo pa palalampasin? pero sila, PASA NANG PASA. parang takot mag-step up at mag-shoot. minsan nga, lay-up na lang di pa ginagawa eh.
AT. parang naguguluhan sila sa buhay nila. natataranta sila pag hawak na nila yung bola. HINDI NILA ALAM KUNG ANONG GAGAWIN NILA. kaya ayun, naaagaw pa tuloy ng kalaban. which results to MORE turnovers.
pang-lima!!!
wala, hindi siya naglaro. BANGKO LANG SIYA BUONG GAME. hmm... bakit kaya? ayan tuloy natalo na naman tayo. hahahaha.
pang-anim.
ang pangit ng pwesto namin (cheerleading classes) kanina. nasa corner. hmp.
pero buti na lang may naging masaya din.
syempre, UP Pep Squad, the bEST!
astig talaga sila, ever! super nice ng halftime performance nila. astig. astig. astig. UP Pep Squad ROCKS! no doubt.
at, nung mga 4th quarter na, yung isang Kuya Pep, ang kuleeeet. kung anu-ano kinukwento at pinagsasasabi para lang mag-cheer kami nang bukal sa loob. hahaha. like, sabi niya, hindi nila (players) alam ang gagawin nila sa bola pag hawak na nila. so dapat daw, mag-cheer (at sumigaw) kami ng "Shoot that ball!" para marinig nila.
eh syempre karamihan naman samin uto-uto. ayun. nagsisigaw nga.
AT!
may isa na naman akong napansin/na-observe/naisip kanina.
lagi na lang SIGLO Lanyard ang suot ni Coach Aboy. try kaya niya na yung "University of the Philippines" ang isuot. baka sakaling manalo tayo. hahaha.... :))
oh well. ayoko na. puro disappointment lang naman nararamdaman ko everytime na nanonood ako ng game eh. basta, i-e-enjoy ko na lang ang pagiging Cheerleading class ko at mag-ch-cheer ako nang mag-ch-cheer kahit na palaki na lang nang palaki ang margin ng loss natin. para naman hindi masayang ang pagpunta ko every week sa ULTRA. :)
sana lang talaga........... SANA.
magtino na sila. :|
sori. may naisip lang uli ako. nung opening pa ata 'to.
"'UAAP'' WILL NEVER BE COMPLETE AND WILL NEVER BE THE SAME WITHOUT 'UP'."
gets?
pag walang UP, AA lang.
hahaha. corny ko, sori. :))
UP @ 1-5.
by jesse at 7/26/2008 11:00:00 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment