UE-FEU = an ADMU-DLSU game?
PWEDE!!
na-prove nila yun kanina. ang galing, grabeh. exciting!
Intense talaga. that's how i would describe the UE-FEU game kanina sa ULTRA, 4pm. after ng UP-DLSU game.
so after nga ng game ng UP at La Salle, nag-stay muna ko para manood ng game ng UE at FEU. syempre, to support UE. next team ko yun after UP eh! UE at ADMU. haha. :D
nanood ako for two (or more) reasons:
1) to support UE nga
2) to know kung pano i-ha-handle ng FEU ang problema nila ngayon
wait lang, nabalitaan mo na ba yung nangyari sa isang FEU Tamaraw? si Mac Baracael. kung hindi pa, baka gusto mong magbasa-basa muna para maka-relate ka.
Links: (please open link in New Tab or Window)
FEU star Baracael shot, in critical but stable condition
Baracael now in stable condition
Baracael out of danger; probe ongoing
Video:
Saksi Report - Mac Baracael shot by unknown gunman
(nakakainis yung reporter dito. kita na ngang nabaril na yung tao, hirap na nga, tas pauulanan pa ng sangkatutak na tanong. grr.)
o madami-dami yan. BASAHIN (AT PANOORIN) MO HA!
pero kung tamad ka, sige kkwentuhan na lang kita. ganito kasi yan.
nung thursday ng gabi, July 24, naglalakad si Mac Baracael (12) kasama ang dalawa pa niyang teammates. galing daw ata sila ng gym at papunta sa isang fast food chain somewhere out there. tapos, BOOM!
umm.... ayoko ikwento. basahin mo na lang kasi yung news. mas detalyado. BASTA BINARIL SIYA. pero buhay pa ha! buti na lang talaga.
nga pala, GET WELL SOON, MAC!! :)
isa sa tinitignang motibo ay tungkol sa mga game fixing issues. siya talaga ang target, gusto siyang patahimikin, kasi may alam siya. :|
o anyways, balik na sa UE-FEU game ha. :)
GRABEH TALAGA!!!!!!!! i love their game kanina! super exciting! yung tipong mapapatayo ka talaga sa pagsigaw kahit na hindi mo naman teams yun. haha. ewan ko lang ha. ganun kasi ako kanina eh. :))
super duper close fight til the end talaga ang drama nila. umpisa pa lang, dikit kung dikit ang laban. una, parehong 2-2. tas naging 4! hanggang sa tumaas nang tumaas pero as in magkalapit pa rin. ni hindi ata lumagpas ng 10 yung lamang nila sa isa't isa sa buong game eh. NAGHAHABULAN LANG, kumbaga.
which made it even more thrilling to watch.
kasi, it was anybody's ball game talaga. di mo talaga masasabi kung sino mananalo. kasi kunwari ngayon, lamang UE. after mga 10 seconds, pantay na. tapos FEU na! tapos.... BASTA!
ang saya panoorin ng game nila!!
ngunit mas lalo akong nalulungkot. dahil kanina naiisip ko, parang mas masaya pang mag-cheer sa laban ng ibang teams at para sa ibang team kesa sa sarili kong team. :(
but don't get me wrong. MAHAL KO ANG UP. MAHAL KO ANG UP FIGHTING MAROONS. kahit anong mangyari, kahit mag 0-14 pa uli ngayon at sa mga susunod pang mga seasons (knock on wood), patuloy ko pa ring susuportahan ang UP. patuloy pa rin akong sisigaw ng UP FIGHT!
pero syempre, malabo na tayong maging 0-14 ngayong season. may 1 na tayo eh! BE PROUD! hahaha... :))
o tapos nga. game ng UE at FEU.
ang iingay ng magkabilang teams!! kanya-kanyang cheer at sigawan. kanya-kanyang wave. kanya kanyang drums. et cetera.
sa UP kaya, kelan magiging ganun?
syempre, syempre, bat pa ko nagstay kung di ko rin naman susulitin ang pagtingin nang malapitan (kahit pano) sa peyborit players ko on both teams.
UE:
1. Elmer Espiritu
2. Marcy Arellano
3. James Martinez
4. Hans Thiele (keri naman sa galing eh.)
5. and the rest (talaga!!! lahat sila.)
FEU:
(only) JR Cawaling [15]
ui si Cawaling, next to Chris Tiu ko yan ngayon! so next year, pag wala na si Tiu, si Cawaling na ipapalit ko. hahahaha!!! :))
back to the game na nga.
grabeh talaga. nung 4th quarter ko na talaga na-feel yung super duper todo to the max excitement. habulan kung habulan nga kasi talaga drama nila eh. so db naman, syempre ikaw na nanonood, mapapasigaw ka na lang sa mga pangyayari. palitan lang sila ng pag-sh-shoot eh.
AT nung last 2 minutes na lang ata, ayun. SUMABOG NA. haha.
sobrang ingay na ng audience. kasi, sino ba? sino ba ang mananalo?!
ang saya nung last how many seconds eh. kasi dun talaga, taranta na yung mga tao. haha. yung parang, "ano na?! ano na mangyayari?!"
haai.. at grabeh, last 4 seconds, ngarag ang UE para makahabol. ng mga 2 or 3 pts ata yun? so naiisip ko,
"please.. kung hindi niyo man kayang ipanalo AGAD, kahit i-overtime niyo man lang. at least marami pang pwedeng mangyari sa 5 minutes."
pero wala eh. they failed. :(
i feel bad for them.
BUT I FEEL REALLY REALLY REALLY BAD FOR MAC BARACAEL. sad talaga.
imagine, with just a gunshot, all of his dreams and future plans were shattered?!? madrama, pero totoo. :((
may nabasa kasi ako na nabutas daw yung lungs niya. so db, malabo na siyang makalaro this season. eh unfortunately, LAST SEASON NIYA NA DAPAT THIS YEAR. so ano? wala na. sayang siya. MAGALING SIYA EH.
and i think even in PBA na dream niya, baka mahirapan na siya. kasi basketball requires physical strength db? pano na siya, mahihirapan lang siya. :(
waah. ka-lungkot talaga. so sa kung sino mang may pakana (marami sila. it's a group daw eh.) nito kay Mac mac, humanda kayo. KARMA NA ANG BAHALA SA INYO.
and besides, 'yang pera niyo? DI NIYO NA RIN NAMAN YAN MADADALA KAPAG KAYO NAMATAY EH. tapos mangdadamay pa kayo ng buhay ng ibang taong tapat at totoo na hindi katulad niyo. tsk. tandaan niyo, DARATING DIN ANG ORAS NIYO. :|
hala. nag-iba na yung mood nung post. nawala na ang intensity. haha.
basta, nanalo FEU. 69-71. sayang noh, 2 points na lang eh. pero inisip ko na lang, di bale, their game was for Mac naman eh. so ok lang kahit tinalo nila UE.
alam ko namang babawi sila eh.
INTENSE.
by jesse at 7/26/2008 11:51:00 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment