BACBACAN 2!!

"14.0"

HAHAHA. naiinis ako. HAHAHA.



so nagpunta akong BACBACAN nung Monday, after ng CWTS. kasabay ko si Chloe at Roy (hi co-trans!!). hapon na kaya hindi na tuloy namin naabutan yung Cheerdance, tsaka Mr. and Ms. BACBACAN.

buti na lang nung BACBACAN 1 last year (freshie pa!) nakanood ako.

next year na lang uli siguro.



tapos ayun. edi nag-cheer na us for the Yellow Aztecs! YEY!


nung una, gusto ko sana sa Men's Basketball. kasi you know naman, basketball fan me eh. :D

pero since nagsabay-sabay ang yellow sa Basketball, Volleyball, at Futsal, kelangan namin maghati-hati. so si Chloe, dahil may gustong makita sa Futsal, edi dun kami napunta.

at dito na nagsimulang maging exciting ang BACBACAN 2 life ko. hahaha.


kalaban ng Yellow ang Red.


Yellow kami, Red sila.


haha, wala nang pinatutunguhan 'to.


basta! so ayun nga, edi nanood at nag-cheer na kami sa Futsal. sayang, nung una lamang na kami eh. kaya lang sila pa rin nanalo.

pinaka-nagenjoy ako sa panonood ay nung sa Men's na. eh kasi naman... HAHAHA. naiinis na naman ako.


EPAL EH.


nung bago mag-umpisa yung game nila, basta may something na nangyari na parang sabi ata ng isang official, kung sino lang yung nasa list, yun lang ang pwedeng maglaro. eh bigla namang nag-react to the max itong pangalanan nating si CP.

"sa official rules ng soccer, pwede yung blah blah blah."

to the tone na parang siya ang gumawa ng rules ng soccer na sinusunod sa buong mundo. pasigaw pa ha.

pero wait! umpisa pa lang yan.


edi naglaro-laro na sila. tas syempre kami naman cheer lang nang cheer kahit napaka-konti namin. tas biglang may lumapit na sabi bawal daw sumigaw. clap lang. so parang okaaaay. ANG BORING NUN. ano 'to, opera house?


oh well, balik na tayo kay CP. actually nagsimula lang akong mainis sa kanya nung siya yung titira para sa kanila. eh tapos pala, si Kuya Nico my buddy pa yung parang goal keeper. wala lang, sharing. haha.

tas dun pinwesto nung referee ung bola sa may side namin. as in sa tinatayuan namin. eh tas eto namang si CP, tinanong sa referee (in his unique tone na parang laging nagmamadali at hinihingal) "pwede bang sipain diretso dun [sa goal]?" tas um-oo yung referee.

tapos, edi eto na. pina-usog niya kami [as in KAMI] at hinawi para may space siya to make sipa the ball diretso sa goal. edi kami naman umusog. baka kami pa masipa niya, durog-durog kami kung sakali. INTENSE EH. FEEL NA FEEL.

buti nga nung una, hindi na-shoot. sumobra lakas eh. HAHAHA. tawa ko nun eh. :))

edi nag-pangalawa siya. tas ganun na naman, nagkaron na naman ng parang paghahati ni Moses ng Red Sea. GRABEH ha. pa-importante. kala mo napakagaling.

basta. basta. basta.



naiinis ako. ANG ANGAS.


tas naglaro din siya sa Basketball. potek. napaka-sports minded niya ha. no wonder yun ang course niya.


GRRR... naiinis talaga ko............




ay, hindi pala dapat BACBACAN 2 ang title nito.

dapat related kay 14.0



oi ikaw na nagbabasa!

kung kakilala mo 'tong kinaiinisan ko, WAG MO KO ISUSUMBONG AH. HAHAHA.

kung nakaka-relate ka naman sa inis ko, APIR!!

kung wala kang pakialam at naligaw ka lang dito, SALAMAT NA RIN SA PAGBABASA. HAHA.



0 comments: