SUICIDE.

nagbigti.

naglaslas.

nag-overdose.

kumain ng lason.

binaril ang sarili.

tumalon sa building/billboard/tulay.





minsan naiisip ko, bakit ba may mga taong nagpapakamatay?

bakit mas pinipili nilang tapusin na agad ang buhay nila, kesa antayin kung kelan talaga plano ng Diyos na kunin 'to.


bakit pinangungunahan nila?




siguro kung makaka-interview ka ng isang nag-suicide, iba-iba ang rason na isasagot nila.


may mga hindi na nakayanan ang hirap ng buhay, kaya mas pinili pang putulin na lang.

may mga hindi na makayanan ang iba't ibang pressure na dumarating sa kanila.

sa pag-aaral, sa pamilya, sa mga kaibigan, sa lovelife.



kung sa point of view ng religion, mortal sin ang pumatay. what more kung sarili mo.

kung sa point of view ng society, minsan hindi maiiwasan na may ibang mag-isip na may sira ang ulo ng isang taong nagpakamatay.


pero ganun eh. kanya-kanyang trip lang yan.


kung pinili niyang mag-suicide, wala ka nang magagawa dun.

kaya nga kadalasan, yung mga nagpapakamatay, mag-isa lang. sa kwarto, sa CR, etc. basta gusto nila walang ibang tao. kasi, alam nilang pipigilan lang sila. kaya feeling ko, desidido na talaga sila.


pero pag iniisip ko, oo nga't tapos na ang paghihirap nila dito sa mundo. pero hindi ba nila naisip na mas matinding paghihirap ang dadanasin nila sa kabilang buhay dahil sa ginawa nila?

siguro nga hindi na nila naisip yun.


hindi naman kasi lahat Katoliko.

hindi lahat naniniwala sa life everlasting.

basta ang alam nila, TAPOS NA DITO.


o siguro nga may mga nakaisip din nun. pero siguro sa sobrang tindi na ng emotions nila, nasapawan na yun. mas nanaig ang kagustuhan nilang mamahinga.



alam ko mukha namang walang patutunguhan 'to.

pero ewan ko, gusto ko lang mag-blog ng tungkol dito.

kelangan kong ilabas.


at para sa'yo Marky:

kung nasaan ka man, sana maging matahimik ang buhay mo ngayon. nawa'y magkaroon ng kapayapaan ang iyong puso. May you rest in peace, Marky. Good luck on your journey. Paalam.



mula sa kanta ng Parokya ni Edgar -- Buloy:

"...nagulat nalang ako nung narinig ko ang balita
akala ko pa naman na marunong kang magdala
nalaman ko na lang na ika'y nagpakamatay na."




0 comments: