but i doubt it.
hahaha....... wala lang.
eh kasi naman eh...................... :((
ngayon ang first meeting namin sa PE 2 BW-T (Tenpin Bowling).
WBC W 8-10 am
ayun lang.
thanks sa pagbasa!! :)
hahaha..... syempre joke lang yun.
ano ba yan.. wala ako sa mood mag-blog.
malungkot kasi ako eh. :(
o aun na nga. first day ng pe ko ngayon. sa Ever Gotesco Commonwealth. so maaga pa lang, andun na ko. mga 7:15. eh kasi sumabay na ko kila daddy para libre pamasahe na. haha. pagdating ko sa entrance, wala pang tao. mga lima pa lang. tapos dalawa dun, feeling ko tenpin din. kasi naka-white din sila eh. haha. tapos pumunta na ko dun sa likod ng Ever, e parang sarado pa. so naghintay muna ko sa labas ng entrance. tapos medyo madami nang dumating kaya sumunod na ko sa kanila.
haai. wala talaga ko sa mood. sorry.
basta after some time, nakita ko si mara, groupmate ko sa comm 3. nanghiram kasi siya ng "any adhesive" para sa picture. so pinahiram ko yung glue stick ko. and then aun. sabay na kami pumunta dun sa table para maghintay. si kylie kasi hinihintay ko eh ang tagal tagal. hanggang sa in-open na yung lights, monitors, etc. so kami naman ni mara, pumunta na dun sa upuan na nakalimutan ko na agad kung anong tawag. haha. kasi may dinikit dun, tapos nakalagay kung ano yung mga kelangan namin ilagay sa index card. eh tapos sabi nung nasa mic, yung lanes 17 pataas daw, i-occupy ng gentlemen. then yung lanes 4-16, babae naman. eh nung una kasi, andun na kami sa lane 19. so umalis tuloy kami at lumipat sa malayong lugar.
ah basta. nagkahiwa-hiwalay kami. kainis kasi.
dun ako napunta sa lane 9. kasi may apat nang nauna dun, tapos kelangan pa nila ng isa. so dun na ko umupo. :(
tapos si kylie napunta dun sa malapit sa lane 17!! tapos nung dumating naman sila nash at alexis, dun din sila napunta. so ako, OP. haha.
sad talaga. nakita ko pa naman kasi kanina yung crush ko. nung andun na kami sa lane 19, katabi na namin yung lane niya!! eh tapos pinalipat pa!! badtrip. ayan tuloy. napalayo pa. as in MALAYO. hmp. d bale, ka-college ko naman siya eh. haha. :))
tapos ayun. binigyan kami ng handouts (4), kinolekta yung index cards, kumuha kami ng bowling shoes. size 5 yung akin! haha.. wala lang.
then diniscuss yung nasa handouts. tapos after some time, pinag-warm up na kami. sunod ay pinakuha na kami ng bola.
nakakatuwa nga pala yung mga nagbabantay samin. umm.. nakalimutan ko na yung mga names eh. basta ang naaalala ko lang, si coach pete! haha. sikat eh. laging siya yung binabanggit.
tapos ayun na. pinaglaro na kami. period.
haai. sad talaga.
after ilang minutes ng paglalaro namin, umalis na yung mga groupmates ko. haha. iniwan ako!!! :))
pero ok lang. na-solo ko naman yung lane.. hahaha... masaya na rin. :)
tapos nung unang tira ko pa nga pala, WALA akong natamaan.
as in like, canal, gutter, or whatever kung ano mang tawag dun. haha.
pati sa pangalawa. wala din. kaawa-awang bata naman ako. hahaha..
eh kasi, kanina ko lang na-realize, DUCKPIN Bowling is really different from TENPIN Bowling.
*sa duckpin, maliit ang bola. walang butas for the fingers.
*sa tenpin, malaki na mabigat.
*sa duckpin, hindi madulas yung lane. [in short, puro gasgas. haha.] yung tipong kung saan mo itapon yung bola, dun talaga siya pupunta. (maliban na lang talaga kung may sariling direksyon yung bola. kasalanan na ng baku-bakong lane yun. haha. -> may ganyan talaga sa lanes ng alumni center.)
*sa tenpin, may oil daw yung lanes. so madulas. at kahit na diretso ko binitawan yung bola, gumigilid pa rin. kaya sablay.
*sa duckpin, kahit anong rubber shoes lang suot mo, ok na.
*sa tenpin, may sariling shoes pa. [maarte. haha.]
*sa duckpin, pwede kang tumira nang sunud-sunod.
*sa tenpin, 10 years pa bago ka makatira uli. [eh kasi ang bagal nung kung ano mang tawag sa device na yun. basta yung nagtataas nung mga pins. ang tagal din bago makabalik nung bola.]
*sa duckpin, manual ang pagtayo ng pins. at pagbabalik ng bola. [seryoso. :)]
*sa tenpin, sosyal.
*sa duckpin, 375 lang binayaran ko.
*sa tenpin, 1,200. [di bale, aircon naman eh.]
*sa duckpin, walang handouts, formal lessons, or whatever. practical lang. as in naglalaro ka lang talaga buong sem.
*sa tenpin, may mga kung anu-ano pang handouts na binibigay. may quiz pa. [the games should be recreational dapat eh. wala nang mga ganyan ganyan.]
*sa duckpin, mas masaya kasi hindi hiwalay ang girls sa boys.
*sa tenpin, ewan ko kung bakit kelangan pang magkahiwalay. [hmp.]
sa duckpin, madami akong napapatumba.
sa tenpin, palpak.
in short, NAMI-MISS KO NA ANG DUCKPIN!!!!
or siguro sa ngayon lang yan. first meeting pa lang naman kasi namin eh.
pero kahit na. malungkot ako.
hindi ba mas masaya kasi kung kasabay mo maglaro ay yung mga friends mo?
sila, close na eh. so ok masaya sila pag naglalaro.
eh ako? asan yung mga friendships ko?
anduuun!!!!!!!!!!!!!!! *turo sa malayo*
nasa malayong lugar. pati crush ko andun din. kaya mas nakakalungkot. :(
basta. tapos ayun. after na nga nung class, nag-ikot muna kami ni kylie sa ever. langkwents talaga compared sa ibang malls. haha. ang sama ko.
kumain muna siya ng lasagna sa greenwich. tapos nag-arcade na kami. una, yung racing chorva ek ek. sunod, yung technodrive. at huli (na 2 tokens ang katumbas), yung bang bang. hahaha... basta yung may baril. grabeh. sumakit yung braso ko dun. ang bigat nung baril eh!
tapos umakyat pa kami kasi naghanap si kylie ng dance revo. eh wala. [sabi na nga ba, bulok eh. tsk tsk.] so bumaba na kami dahil nag-take out pa ko nung Fat Boy's pizza. nung una kasi, gusto ko sana, Magoo's. tutal naman kasi nadaanan na namin yun palabas. tapos Greenwich naman sana. eh kaya lang ang mamahal eh. haha. [gumana na naman kakuriputan ko.] so dun nga ko nauwi sa fat boy's.
tapos umuwi na.
this is a bad day for me. :(
(Hairspray is....................... bad for the environment.)
[hahaha.... bat biglang may ganyan!?! wala lang. may hangover pa kasi ako ng Hairspray kahapon. si zac kasi pamatay kumindat eh. ayan tuloy. haha. :))]
Bowling could be fun.
by jesse at 11/21/2007 06:05:00 PM
Tags: UP Life
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment