and i feel sad about it.
pero anong magagawa ko? kelangan na talagang pumasok eh. ang hindi ko lang talaga maintindihan hanggang sa ngayon, ay kung bakit Friday ang first day ng classes. Ang lakas talaga ng topak ng admin. Di ba kadalasan, Monday ang simula? Tapos, first day agad eh marami pa ngang hindi pa kumpleto ang subjects. Marami pang hindi enrolled. At isa ako dun.
Masisisi ba nila ang mga estudyanteng nang-aaway sa CRS? Ang mga taong minumura araw-araw, minu-minuto ang CRS? Kasi naman, oo nga't swerte na kami ngayon dahil may CRS na. Hindi katulad dati na 5:30 pa lang ng umaga ay nasa UP na ang mga estudyante para makipag-unahan sa pila sa pagkuha ng subjects. Online na ngayon ang registration. Sosyal db? High tech na. Pero sa kabila ng pagiging moderno ng paraan na to, hindi pa rin maiiwasan ang problema. Iniisip ko nga, mas mabuti pa yung mga tao dati, kasi kahit na pumila sila dyan, at least sigurado at assured sila na makukuha nila yung subject. Hindi katulad ngayon na oo nga't pipindot na lang kami, pero sigurado ba kami na makukuha namin yun? Mahirap umasa. Lalo na kung ang mga kalaban mo ay 200, 500, at may 1000+ pa. Lahat kayo nag-aagawan sa 30 slots. Sabi nga ng ilan sa mga kakilala ko, online enlistment is a gamble. CRS enlistment is like a game of lottery. Online lotto kumbaga. Ang premyo? Yung subject na gusto o kelangan mo.
haaii... bakit ba masyadong seryoso? kasi malungkot ako eh. tapos na ang sembreak. ang unang sembreak ko sa college. halos isang buwan din yun. ibig sabihin, isang buwan na kong nakatunganga dito sa bahay. isang buwan na kong kain lang nang kain. isang buwan na kong hatinggabi matutulog at tanghali gigising. isang buwan na kong online araw araw. at isang buwan na kong walang exercise. (hahaha... un talaga ung huli eh..)
isang buwan nang ganito ang buhay ko. nakakalungkot lang na matatapos na to ngaun. hindi na ko makakapag-puyat. hindi na ko buong araw makakapag-online. hindi ko na magagawa ang gusto kong gawin.
pasukan na bukas. papasok na ko sa UP kong mahal. pamantasang hirang. ngeh. hahaha. basta. malungkot talaga ko. kaya kung ano ano na lang nandito. ikaw naman, binabasa mo pa e alam mo namang walang kwenta laman nito. pero sige, just keep on reading. hindi naman bawal eh. :))
gusto ko sanang ilabas dito lahat ng galit, inis, at sama ng loob ko sa CRS eh. kaya lang, wag na. wala rin namang mangyayari eh. wala rin namang silbi. magpapagod pa ko, eh hindi pa rin naman maibibigay sakin ni CRS ung mga kelangan kong subjects. tsaka pagod na pagod na ko. sawang-sawa na ko. yung status ko sa ym araw araw tungkol sa CRS. pero ano? wala pa rin. kulang pa rin ako ng MST at PE.
Lately ay may sakit na kumakalat sa mga UP students. Ito ay ang "CRS sickness" o "crsickness" [pronounced as "see-ar-es-sik-nes"] ayon sa isa kong kakilala. (go DJ. haha..)
pero may sinabi siyang iba eh. as in like "CRsickness". bakit? kasi kapag sinusumpong ka ng sakit na to, mapapa-CR ka. as in mapapa-CR ka sa inis. and well, ang sistema ng CRS na yan ay parang CR. or pang-CR? ah basta. CRS is the main (well, not really) pahirap sa buhay ng isang UP student. or baka naman sakin lang?? hahaha...
Ang symptoms ng crsickness? Ayon din sa mga kakilala kong ito (Jio and Dj, special mention kayo dito.),
1. you complain a lot about CRS
2. hindi makatulog
3. constipation [ewan ko kay Jio kung san nanggaling to. hahaha... :))]
4. nasisira ang ulo dahil sa CRS [in simpler terms, nagiging lokaret. hahaha... dj, sayo galing to!!]
5. hysteria
6. mouth diarrhea [ewan ko kay dj kung san napulot to.]
7. kung anu-ano na pinagsasasabi.
ayan. kaming tatlo ang unang nakaalam na may crsickness pala kami. natuklasan lang namin to nung nag-conference kami sa ym. pero kasama namin si rose dun na hindi naman apektado ng crsickness dahil kumpleto na subjects nya. enrolled na nga siya eh. pero andun siya to give moral support. hahaha. sinasabi nila na sa akin daw nanggaling ang crsickness. sila daw ang hinawahan ko. pero naniniwala akong hindi!! ako ang biktima!! ako ang nahawahan!! hahaha. ayan. isa yan si sintomas. nababaliw na. tsk tsk.
kung anu-ano na napag-usapan namin. mula sa CRS, hanggang sa mga profs, hanggang sa mga third kind, sa paggamit ng chuva at chorvah, hanggang sa pag-ca-camp out ng mga estudyante para makipag-unahan sa prerog, hanggang sa mumu sa sunken, yung ghost rapist na nang-re-rape ng dalawang lalakeng nag-uusap pa habang nire-rape, hanggang sa mga violence na kailangang gawin sa mga "non-esfers" (from jio), yung mga kelangang lunurin sa septic tank, ipako sa krus, at kung anu-ano pa. ikaw, alam mo ba ang ibig sabihin ng CRS? kami alam namin. Crappy Retarded S**t.
marami pa sana kong gustong ikwento sa inyo eh. pero inaantok na ko. at kelangan ko nang matulog ng maaga ngayon, dahil bukas ang first day of classes. pasukan na. at katulad ng kanina ko pa sinasabi, nalulungkot ako. pero wala akong magagawa. alam ko ikaw rin. :(
0 comments:
Post a Comment