muntik na.

akong hindi makapag-enroll..



pero actually, hindi nga talaga ako nakapag-enroll.


haha... badtrip kasi ang UP eh.




panira ng buhay at pangarap ng mga estudyante.

[yung enrolment process lang ang tinutukoy ko dito, hindi yung mismong university. :)]






nagsimula ang araw ko ng masama. may sipon kasi ako kaya hindi ako nakatulog ng maayos. so pagkagising ko, super sakit ng ulo ko. at inaantok pa ko. at umpisa pa lang ng araw, puro kamalasan na. late kami nakaalis ng bahay. at nung andun na kami sa may litex, naalala ni dadi na naiwan pala nya yung lisensya niya. so bumalik na naman kami sa bahay para makuha niya. edi lalo na kaming na-late. sus. malas nga ata talaga tong araw na 'to.



edi pagkarating sa UP, nagmamadali na ko sa paglalakad papuntang Math. mga 7:45 na kami nakarating sa up. 8:00 ang class ko. pero 8:15 dumating ang prof. buti na lang talaga ay umabot kami ng 9:00 kanina. sa wakas. pagkatapos ng tatlong meetings, sinagad niya ang time. kamusta naman kasi yung one time na 8:30 siya dumating, 8:45, dismissed na. o db ang saya? wish ko lang may matutunan ako.



nagkita kami ni kylie sa math. wala silang klase. nakita namin si burag sa canteen, at chinika namin siya. pagkatapos ay nag-Ikot na kami. sa CBA ako bumaba dahil balak ko nang mag-enroll dahil last day na DAW ngayon. so ako naman, naniwala. lahat naman eh.



pagkarating kong CBA, umakyat muna ko sa P&G Room pero sinabi sakin na dun daw sa 105. so bumaba na naman ako at pumasok na sa loob. nagpa-validate. SANA. pero may nakita yung nag-check. WALA YUNG SOC SCI 1. baka daw tinanggal ako sa class list. ang sinabi niya, pumunta ko sa department. ako naman si uto-uto, pumunta nga dun. [eh kelangan naman kasi talaga eh.]


nang nakarating naman na ko sa FC, hinanap ko pa kung anong department ang Soc Sci 1. at matapos ang ilang pag-iikot, natagpuan ko ito sa Dept. of Anthropology. pero hindi muna agad ako pumasok. umupo muna ko dun sa hagdanan sa harap. ang hindi ko napansin, inabot na pala ko ng halos isa't kalahating oras sa ka-u-upo dun. wala naman akong napala.



tinext ko si jobi. nagpasama ako sa kanya. pumunta muna kaming PHAN kasi sabi niya dun daw yung Soc Sci. pero wala yung guard. kaya bumalik kaming FC. at dumating na naman kami sa tapat ng Dept. of Anthropology. napagdesisyunan ko nang pumasok dahil kelangan na talaga. at nang ipa-check ko, WALA NGA AKO SA CLASS LIST. so naisip kong antayin na lang ang prof ko para sa kanya itanong. o makapagpa-prerog na lang. pero iniwan ako ni jobi kasi kelangan niyang umalis para pumuntang city hall dahil sa scholarship (SYDP). kaya si kylie naman ang tinanong ko kung nasan. pinapunta niya ko sa CASAA. at dun kami nag-lunch. at super daming tao. buti na lang may nahanap siyang table. donut lang kinain ko. diet eh. at nagtitipid. at nagmamadali. at wala na talaga kong ganang kumain. dahil naiiyak na ko. sa inis sa nangyayari sa buhay ko. sa galit sa proseso ng enlistment at enrolment. sa UP.



pagkatapos namin kumain ay bumalik na naman kaming FC. sa hagdanan na naman. pero inabot na kami ng 45 mins ay hindi pa rin dumating ang prof. ayoko na. suko na ko. sabi ko aabangan ko na lang siya dun sa next class niya. 1:00 PH 422. ngunit pagkarating namin dun ay wala pa siya. pero inantay ko pa rin. at matapos ang ilang minuto ay naisipan na namin maghiwalay ni kylie, siya ay papuntang gym at ako ay sa FC. ngunit nang pagkarating ko sa 1st floor, nakita ko ang prof ko!! kaya't inunahan ko siya pabalik dun sa 422. at ayun. pagkarating niya ay tinanong ko na kung ano ba. at in short, nag-prerog ako sa kanya. badtrip. enlisted ako dun nung batch run pa lang, tapos biglang nawala dahil hindi napa-validate? prerog pa tuloy ang labas ko nito.



pagkapirma niya ay tumakbo na ko papuntang Dept. of Anthropology. at dun ay nagpa-validate na. sa wakas. kumpleto na ang subjects ko. ay. hindi pa pala. kulang pa ko ng mst. pero wala na kong pakialam. basta naka-16 units na ko.



dumiretso na kong CBA pagkatapos magpa-validate. at doon ay nagpa-validate uli. validate. validate. validate. epal yang validation na yan. pinahirapan ako masyado.



at bumalik na naman akong 105. pero ang dami pang tao. buti na lang ay nagtext si joan na papunta din siyang CBA para magpa-validate. kaya lumabas muna ko para hintayin siya at sabay na kami. mga 2:10 na kami nakapasok uli sa loob. validation. kuha ng form 5 sa RVC. fill up. dun kami sa lib para may table. pagkatapos ay bumalik na naman kami sa 105 pero library clearance pala muna dapat. so balik na namang lib. tapos balik 105. assessment. post-advising. bumalik dun kay ate para ipa-check uli. at sinabi niyang for payment na yun. then lumabas na ko. ngunit nang si joan na ang lumabas, tinanong niya ko kung nagbayad na ko nung council fee. sabi ko hindi pa. san ba un? yun pala, dun sa mga taong nakaupo sa sofa. so pagbalik ko, nagbayad na ko. 80 pesos. pero buo yung pera kong 100. so yung bente, donation ko na daw sa batch. ok fine. tapos ang dami daming pinapirmahan sakin. [actually, dalawa lang. haha.] at ayun. nakilala ko sila patrick, rica, and klyonne. batch reps.




at eto na ang pinaka-"HIGHLIGHT" ng araw ko. oo, HIGHLIGHT talaga.



pagkarating namin sa AS lobby, dun sa entrance, nakapost na extended ang registration hanggang Nov. 21, wednesday, at ang payment hanggang Nov. 23, friday. o db? nagpakapagod kaming madaliin yung ginawa namin sa BA. at ako, nag-absent pa ko sa Nat Sci 1 (1-2:30) at Soc Sci 1 (2:30-4) subjects ko ngayong araw para lang makapag-enroll. tapos malalaman ko na lang na extended pala!??! what the.



pero sige, pumasok pa rin kami. at nawindang kami sa H-A-B-A ng pila. talagang MAAAHHAABBAAA.......... first floor pa lang yun. edi umakyat kami sa 2nd floor. siguro kung ico-compare sa baba, mas maikli na yung sa taas. so dun na lang kami pumila. edi ayan. pila. pila. pila. ngayon ay naniniwala na ko na ang UP ay hindi lang Unibersidad ng Pilipinas kundi UP -> University of Pila. tell me you agree.




at matapos ang halos 45 mins ng pagpila, biglang.....




may tumayo sa harap nung nasa harapan ko. may hawak na papel. at sinabing,

"hanggang dito na lang. puputulin na namin yung linya. hanggang 4:30 lang kasi eh."


grabeh. those words hit me so hard. pero hindi pa naabsorb ng utak ko nung una. parang, "ah
talaga? putol na yung line? hanggang dyan na lang? ok."


pero nang maisip ko na, "hey wait. halos mag-i-isang oras na kaming nakapila dito. tapos biglang ganun?! bigla niyo na lang puputulin?? bat hindi na lang dun sa taong pagkatapos namin ni joan. bat hindi pa kami umabot? baket, porke ba maganda yung last na tao dun sa pinutol niyong line? ewan ko sa inyo. panira kayo ng buhay."



badtrip talaga. tapos may isa pang babaeng nagpainit lalo ng ulo ko. kasi nung sinabi na nga na hanggang dun na lang yung pila, edi kami naman ni joan umalis muna. actually, ako lang muna eh. sinilip ko kung mahaba pa yung pila. eh sumunod si joan. edi nawala na kami sa pila. eh yung ibang mga nasa likod, hindi pa. eh so tinry naming bumalik dun sa pwesto namin. eh tapos yung nasa harap namin na isang guy at yung nasa likod din naman ni joan na mga tao, umalis na dn. eh yung girl na epal na yun, sinabi, "miss, nakapila ko." [basahin mo yan in a mataray, maldita, suplada, masungit, antipatika, and nakakairita way. yung tipong ang sarap supalpalin ng mukha. yung masarap itulak sa hagdanan. basta nakakainis.] gusto ko nga siyang sagutin eh. "hoy miss, fyi, nauna kami sayo. kanina pa kami nakapila dyan noh." eh tapos pinipilit niya yung kuya na nag-cut na paabutan sa kanya. hai nako. sana hindi siya umabot. maghintay siya hanggang 4:30 tapos HINDI SIYA AABOT. ouch yun pare. nakoo sana talaga. epal siya.



edi aun. naghiwalay na kami ni joan pagkagaling dun sa pila. may pupuntahan pa daw kasi siya eh. ako naman, sa waiting shed. gusto ko na sanang umuwi dahil pagod na pagod na ko. pero hindi pwede dahil nasa akin na ang pera. baka maholdap pa ko bigla, nawala pa pang-tuition ko. kaya sabi ni dadi, sunduin na lang daw niya ko dun ng 5. eh 4 pa kami umalis sa pila. so isang oras akong naghintay. nakoo talaga. kamalasan ng araw na 'to.



eh tapos gusto ko sanang pumunta sa concert dun sa quesci. eh kaya lang stressed out na ko. as in super duper stress and haggardness to the max. kaya hindi ko na kaya. at tinamad na rin ako. so nung dumating si dadi, dinaanan na namin si mami sa traffic light sa balara at dumiretso na kaming Ever. bumili ng pang-regalo kay JC. at ako, kumain as usual.



hai nakoo. pasalamat ka UP, mahal kita. kaya kahit pinapahirapan mo ko ng ganito, hindi pa rin ako sumusuko. pero tandaan mo na may hangganan ang lahat. wag mo nang hintayin na mawala ako sayo, dahil kung hindi, pinapangako kong pagsisisihan mo. well, it's your loss, not mine. [hahaha... kakapalan talaga ng mukha.. :))]






sana naman matapos ko na lahat ng kelangan kong tapusin sa monday.




desperado na talaga ko. :(

0 comments: