Isa Pang Pagkakataon.

oo na. tinagalog ko lang yung "One More Chance". haha..


sa wakas naman. napanood ko na rin siya. masyado kasi akong naintriga sa movie na yan eh. ang dami ko kasing nababasa na maganda daw. nakakaiyak daw. et cetera.





so masyadong mataas yung expectation ko nung pagpasok ko sa sinehan.





buti na lang maganda yung cinema sa trinoma.. hahaha...













nagsimula ang araw ko sa pag-gising ng maaga. nagising ako, bukas pa rin yung laptop ko. nakatulugan ko na kasi kagabi eh. si mami naman, hindi pinatay. actually, kahit isara na lang yun eh. so paggising ko, hindi ko na muna pinatay kasi hindi ko pa nagagawa yung hw sa soc sci 1 na research about homo sapiens and linnaean classification of churva ek ek. so todo cram naman ako. buti na lang nakahabol pa ko sa kanila.



at ayun. ordinaryong araw. ordinaryong umaga. as usual, maaga na naman ako sa MB. at as usual, tinamad na naman si prof kaya hindi na naman um-attend samin. tsk tsk. wish ko lang talaga may matutunan ako sa math 100 ngayong sem na to. hmp.



o tapos ayun na nga, pagkatapos ng math, dun na ko dumiretso sa cal lib dahil wala naman akong ibang pupuntahan. at inabot ako dun ng mga 11:15. tapos nagkasalubong kami ni kylie sa FC kaya sabay na kami pumunta sa casaa. nakasalubong din namin si zab kaya tatlo na kaming pumunta dun. nagtext kasi si marjo na ililibre daw niya ko. hmm.... bakit kaya? anong meron?


so aun pagdating namin sa casaa, napakarami na namang tao kaya ang hirap maghanap ng table. buti na lang may table na si marjo kaya dun na rin kami umupo. at nilibre na nga niya ko ng pasta (mac and cheese sa chinatown) at siya naman ay penne something. at kahit na ilang beses ko siyang tinanong kung anong meron, wala pa rin. ayaw pa rin sabihin.


at eto pa. nag-doble kami ng pagkain. kasi hindi ata siya nabusog dun sa una naming kinain. or baka hindi siya nasarapan kaya bumili pa uli kami. sa pasta house naman. at libre na naman niya. waahh.. bakit kaya talaga!?!


then aun. kain. kain. kain. tapos nung 12:45 na, umalis na kami ni jobi kasi baka ma-late na kami sa PINAKAMAMAHAL kong nat sci 1 (ang maniwala, ewan ko sayo.) eh sa NIGS pa naman yun. pagdating namin, konti pa lang tao at nakapatay pa ang ilaw at aircon. haai. ah basta. nung nagle-lecture na, hindi ko na mapigilan ang talukap ng aking mata na unti-unti nang bumabagsak upang tuluyan nang takpan ang aking mga mata. ay ang gulo. basta natulog na naman ako. eh kasi naman noh. ka-antok-antok naman talaga. wala na nga kong maintindihan sa pinagsasasabi ng prof ko na tinatawanan ang sarili, aircon pa yung room. edi lalo nang mas masarap matulog nyan. so aun. out of 4 meetings, wala pa kong nabuong klase na gising ako. as in sa mga kalagitnaan na, tulog na ko. haai. sorry, sir. haha.



tapos after na ng tulugan time, soc sci 1 naman. hindi ko masyadong nabasa yung ni-research ko eh. nag-quiz pa naman. buti na lang nabasa ko yung kingdom, phylum, at class ng homo sapiens. kaya nasagot ko. :)


in fairness, marami akong natutunang bago kanina sa soc sci. like, only primates can smile. and kapag nakakita ng face ang baby, mag-s-smile siya. kahit na mukha pa ng monster. eh kung mukha mo kaya? haha. peace! :)



after ng soc sci, nag-CAL lib na lang uli ako para sana tignan yung movie schedule sa dyaryo. eh wala naman palang nakalagay na time dun. so wala ring silbi. edi nag-browse na lang ako. at nakita ko na naman yung mga hotel listings. kinuha ko yung mga website para i-check. naghahanap na kasi ako ng pwedeng venue ng debut ko eh. [any suggestions? haha. :)]



tapos nung 5 na, syempre magsasara na yung lib, so pumunta na kong casaa. nung pagdating ko sa waiting shed, nakita ko si kylie na nakasakay sa jeep at siya rin naman, nakita ako. eh tinext ko kasi siya nung medyo maaga pa. hindi niya pala na-receive. so nauna na muna ko sa casaa kasi gutom na ko. tapos sumunod na lang siya. at ayun. kumain. nagdaldalan. naghintay. umalis.





tapos ayan. fast forward.




edi nasa trinoma na kami. mami, dadi, jesse. may ka-meeting pala kasi si daddy dun so naisip ni mami na dun na lang din kami manood. nga pala, may libreng passes kasi si mami eh. dalawa. so kaming dalawa na yun. haha. ang saya talaga pag libre.


eh nung pagdating na namin dun sa taas, 7:20 pa pala yung next na umpisa. eh mga 6:15 yun. eh ayoko naman manood ng hindi umpisa. ang panget kaya ng ganun. so sabi ko antayin na lang namin yung 7:20. ang hirap pa naman kumbinsihin ni mami. pero sa huli, wala rin siyang nagawa. haha.



napag-desisyunan namin na kumain na lang muna. although kakakain ko pa lang pero para lang maubos yung oras, kumain na lang uli ako. nagpa-ikot ikot muna kami para maghanap kung san pwede. hanggang sa nadaan kami sa taco bell. eh andun kasi si dadi tsaka yung ka-meeting nya. eh kaya ayaw ni mami dun kasi nakakahiya daw. so aun. hanap hanap. muntik na sana kaming mag-sbarro eh kaya lang SUPER daming tao eh. as in puno hanggang loob at labas. ang haba pa ng pila. bakit kaya laging ganun?


hanggang sa nauwi kami sa KFC. hahaha. ako na nag-order dahil ako na rin naman ang gumastos eh. 100 lang daw kasi yung dala ni mami. so parang kamusta naman yun?!? manonood ng sine at pupunta ng mall, isandaan lang ang dala?? kaya ayun. ako na bumili ng pagkain namin. fully loaded meal at caesar gogo. busog pa naman kasi ako eh kaya konti na lang.


tapos nung mga 7:15 na, umakyat na kami. at sakto pagpasok namin, isang trailer, tapos start na nung movie. at grabeh ah. as in GRABEH. pagpasok namin, puno yung buong sinehan. as in PUNO talaga. haha. ang OA na ba? pero seryoso naman kasi. ngayon lang talaga ko nakakita ng movie house na super puno. kaya ayun. medyo natagalan pa kami maghanap ng upuan. buti na lang sa wakas may nakita kami sa medyo harap pero sa gitna. ok na yun. sakto saming dalawa. then ayun na nga.





start na.






tulad nga ng sinabi ko kanina, mataas ang expectations ko bago pa man ako pumasok sa sinehan. kasi nga ang dami dami ko nang nababasa na maganda nga daw. nakakaiyak daw. at kung anu-ano pa. so ako naman naniwala.



ayoko naman isa-isahin yung mga nagustuhan ko at ayaw ko. ang dami naman kasi. basta kanina ko lang na-realize, masaya pala pag madami kang kasabay manood. lalo na yung puno talaga. kasi as in pag may nakakatawa sa scene, sabay-sabay tumatawa. so nagiging malakas tuloy. so parang wala lang. natuwa lang ako. haha. sori ang babaw ko.


may ibang mga nagsabi, nakakaiyak daw. so hinanda ko na yung sarili ko para umiyak. pero bakit ganun? hindi ako naiyak!!! :((



may ilan lang mga scenes na "naluha" ako. yung nasa mata ko lang yung tears, pero hindi tumulo. haha. isa yung scene ni maja at john lloyd.




G: mahal mo pa ba siya?
B: hindi ko kayang makita kang nasasaktan.

*pinikit ni G yung mata ni B.*

G: mahal mo pa ba siya?
B: I'm sorry.




waah. naawa talaga ko kay Trisha (maja) nun. haha. yung na-feel ko yung sakit niya kasi siyempre all this time, sinasabi ni Popoy (john lloyd) na mahal niya siya. so parang diba, ang sakit nun. ah basta. muntik na talaga kong maiyak dun. pero hanggang sa mata ko nga lang yung luha. hahaha.


siguro isa sa mga nagustuhan ko sa movie ay yung ilang scenes na comedy. actually hindi mismong scenes eh. mga banat lang na nakakatawa. lalo na si janus. halos lahat ata ng lumabas na punchlines sa bibig niya eh nakakatawa. as in yung mga tao (inuulit ko, MGA TAO) sa sinehan eh tawa nang tawa. nanay ko enjoy na enjoy din eh. at inpernes naman, natawa din naman ako. hahaha. nakakatuwa din kasi ang spontaneous nung mga linya nila. yung natural lang. hindi nagpupumilit magpatawa. so aun.



pero ang nakakainis, hindi ako masyadong nakapag-concentrate sa panonood!! eh kasi yung nanay ko, ang gulo gulo. ang ingay ingay. e tapos nanonood pa siya ng tv habang nanonood ng sine. so parang kamusta naman yun db?! kaya ka nga nasa sinehan kasi para panoorin mo yung pelikula. eh nakaka-distract kasi yung liwanag na nagmumula dun sa tv. at feeling ko pati yung katabi niya sa kabilang side, naiirita na rin. kasi ako din eh. grr talaga.



and speaking about grr. badtrip. bakit sa UST pa? pwede naman sa UP ah. dun sila sa mga bench sa Sunken Garden. maraming puno dun. tapos kung gusto nila ng background na building edi yung lumulubog na Main Lib. or better yet, CBA na lang. hahaha. wala lang. nangengealam lang naman. :p




haai... ok naman yung movie. siguro ang kasalanan ko lang, masyado akong nag-expect kaya nung pinapanood ko na, hindi ko na din masyadong na-appreciate. kasi alam nyo yung feeling nung ganun? yung bago mo panoorin, iniisip mo sobrang ganda. sobrang nakakaiyak. basta sobra lahat. so pagdating mo tuloy sa mismong panonood, wala nang excitement. :(



e tapos pa naman, nung premiere night kasi niyan, nagyaya si tita sants na manood. ay actually si mami lang pala niyaya niya. haha. eh akala ni mami pwede akong sumama. so wala lang. eh dalawa nga lang yung ticket. so siya na lang sana. pero hindi na rin siya sumama eh. so sayang. waah. sori ang gulo ko na kausap. haha.






"sa buhay natin, marami tayong chances. we just don't grab it. because we settle for OK LANG." -- donnie geisler.

[wala lang. may narinig lang kasi akong line ni bea na may "ok lang" dun sa movie. :)]





**kagabi dapat 'to eh. kaya lang nakatulog na ko kaya hindi ko na natapos. hahaha. :D

0 comments: