SARCASTIC yan, pare.
parang hello?!? yung first day ba naman sa UP kahapon, sasabihin mong hectic?? sus. asa ka naman.
hahaha.... seryoso.. pano mo naman sasabihing napaka-makabuluhan ng naging araw ko kahapon? pumasok ako ng napakaaga kasi 8 am ang first class ko.. tapos pagdating ko ang ginaw. (hahaha.. koneksyon??) ang konti pa ng tao sa MB. sa third floor, may ilan nang mga nagka-klase (as in lesson to the max sila.). first day na first day lesson agad eh noh. buti pa si sir nathan hindi ganun nung first meeting namin sa Math 17 last sem. (hahaha... hindi nga ba??)
tapos pagtingin ko sa MB 322, nakasarado yung door.. tapos may tatlong girls sa labas. so naisip ko, siguro wala pa dahil maaga pa naman. edi umupo muna ko dun sa mga upuan sa gitna. antay antay. text text. lingon sa likod. hanap hanap ng kakilala. in short, i killed time by myself. (ei jio, i got this from you!! hahaha... i MURDERED time!! but then, i'm crazy. haha..)
tapos edi sa kakaantay ko dun, inabot na ko ng 9. so parang, 8-9 ang klase ko at 9:00 na ay andun pa rin ako, naghihintay. kamusta naman un, db?? Sir Wong talaga oh. (haha.. close??) first day pa lang, di na kami sinipot. pano pa kaya sa mga darating na panahon? haai.. oh well. edi aun na nga. ang dami ko nang nakitang tao, nakausap, etc. pero wala pa rin talaga. hindi na nga ata talaga dumating ung prof namin.
so sinamahan ko nlng si jobi dun sa math 100 class nya ng 10. and dun din pala yun sa room ko! so wala lang. haha.. pero after some time, lumipat ako sa MB 321 kasi andun ang aking mga beloved Math 17 classmates and D3 blockmates. pero ilan lang din yung andun. pero kahit na, gusto ko pa rin sumama sa kanila. [:(] magsi-sit-in nlng sana ko sa class nila. eh kaya lang hindi naman dumating yung prof nila.. haha.. so parang wala akong Math 100 experience kahapon.
e tapos pagkagaling na dun sa MB, nag-toki na kami ni jobi papuntang CBA. kasi mage-enlist ako at magpapa-validate/check ng form 5a at subjects ko. habang siya naman ay kukuha ng kanyang TCG. dun muna kami dumiretso sa College Secretary ata. basta yung kinukuhanan nun. hahaha... di ko alam eh. tapos after dun, edi akyat na kami sa 3rd floor. at pagdating namin dun ay parang "WOAH!". as in woah talaga. kamusta naman kasi yung pila?? simula Rm. 308 (P&G Room) hanggang sa front lobby na. hahaha.. so nag-enlist na lang muna ko kasi sandali lang naman daw yun.
then pagkatapos, saka na ko nag-umpisang pumila para dun sa auditions sa PBB. [oops. hahaha.. sorry. may hang-over pa ko ng pbb kagabi eh.. :))] pila for validation. e tapos iniwan muna ko ni jobi kasi pupunta pa dw siyang cashier na hindi ko alam kung saan. at hindi nya na ko binalikan!!! [:((] so andun lang ako sa pila mag-isa. walang kausap. walang kakilala. wala. wala. wala. (read that with drama effect, ok?)
buti na lang ay dumating si Ruphy!!! yey!! may katext ako habang nasa pila.. hahaha... galing na siya dun nung umaga at nasa pinto na siya pero kinailangan niyang umalis dahil may klase na siya. kaya aun. panibagong pila na naman siya.
tapos eto na ung climax eh. nung nasa kalagitnaan na ko nung pila sa labas (kasi may pila pa daw sa loob ng room eh), biglang may nag-announce na extended na daw yung validation until next friday!!!!! so parang huwaat!?!? bat ngayon lang yan tinext sa inyo?? [kasi binabasa niya lang galing sa fone nya eh.] edi aun. sabi na kumpletuhin daw muna yung subjects bago magpa-validate. antayin muna yung results nung enlistment. mag-prerog muna kung kinakailangan. et cetera. gusto kong isigaw na, "bakit ngayon lang?!?!" hindi pa ko naglu-lunch nun. mga 12:30 na yun eh. e tapos kelangan ko nang dumiretso sa NIGS dahil may klase pa ko dun ng 1 pm. so wala na. wala nang lunch lunch kahapon. haai. first day nga naman kasi kaya excited. [asa naman.]
e nung naglalakad pa ko papuntang NIGS, biglang umulan. actually, ambon lang. pero kahit na, nabasa pa rin ako at yung pantalon ko. so pagdating ko dun, basa na yung payong ko. hahahaha... tapos andun na si jobi, at kasama niya si therese. akala ko classmate din namin si therese sa nat sci 1, un pala nde. geol 1 pala class nya dun. so bumaba na kami ni jobi sa Rm. 015 pero andun pa sa labas yung mga tao. sarado na naman ang room. [bat ba parang ayaw ata akong papasukin sa mga rooms ko?!?!] at nang makita ko silang nakaupo sa corridor, naalala ko ang Bio 1 class ko last sem [:(] ganun din itsura namin dati habang naghihintay eh.
tapos after some time, binuksan na yung room at nakapasok na kami. buti na lang aircon yung room kaya masarap matulog. [:)] e tapos pagdating pa nung prof, naramdaman kong magiging boring ang class. edi lalo nang mas masarap matulog. binigyan lang kami nung syllabus, in-explain [hmm.. parang ganun ata yung gusto niyang mangyari.], at pagkatapos ay pinalayas na kami. well, at least may isa akong prof na sumipot, db?
then after ng nat sci 1, Soc Sci 1 naman next class ko. sabay sabay kaming tatlo na pumuntang AS. si jobi, diretso uwi na. si therese, may class pa. ako, may soc sci 1 pa. so aun. pagdating ko naman sa Rm. 304, konti pa lang yung mga tao sa labas. as usual, wala na namang pumasok sa loob dahil ewan ko ba sa kanila kung bakit. edi nakisama na lang ako sa labas. buti na lang talaga may mga katext ako sa mga panahong wala akong makausap.
tapos after some time, dumating na sina Nash, Leane, Alexis, at Gevie. they're my classmates!! yipee! at least may kakilala na ko sa class na 'to. hahaha.. di bale, i'll make new friends soon. pero not now. wala pa ko sa mood eh. hahaha.. tapos aun, hindi na naman sumipot ang prof. buti na lang sanay na ko. kaya hindi na ko na-disappoint. hahaha.. natulog na lang ako.
tapos pala habang naghihintay sa prof namin, may kinwento si marleane tungkol sa math niya. tapos napag-alaman kong si Sir Nathan ang prof niya!!! oh my. naiinggit ako. bat ba naman kasi hindi na lang nag math 100 si sir?!? kahit anong oras pa man yun, siya pa rin ang kukunin ko. kahit 7 am o 4. basta. i want sir nathan!!!! haha. adik. hai nako. ayoko na nga pag-usapan yun. nalulungkot lang ako eh. [:((]
then from AS, pumunta muna kong FC kasi kukuha sana ko ng class card. eh kaya lang tinamad na ko bigla. tapos habang naglalakad, nakita ko si Dana. nakapila siya for enlistment daw. nag-add mat xa eh. then kinwento niya sakin yung tungkol sa bitterness niya dun sa crush nya. hahaha.. emo effect siya ngaun eh. [:))] tapos dumating din si Kylie at sinamahan namin si dana dun sana sa pupuntahan nya. eh ewan ko. hindi ko na alam kung bat kami napunta sa AS eh. hanggang sa nakita namin sina Therese at KBP dun. tapos nag-CASAA na muna kami nina Therese at Kylie kasi sobrang gutom na gutom na ko. HINDI PA KO NAGLU-LUNCH!!! grabeh.. 6:45 pa huling kain ko eh mga 3:30 na ata yun. kaya feeling ko hihimatayin na talaga ko sa gutom. seryoso.
so habang kumakain, dumating na sila dana at kbp. then after some time, nakita namin si chryl at sumama na siya sa table. haai.. halos lahat ata kami ay pare-pareho ang kuwento na hindi sinipot ng prof ang klase. tapos kung anu-ano na napag-usapan. hanggang sa napagdesisyunan na naming umuwi. mga 5 na nun. after umulan ng malakas. pero kami nila Kylie at Therese, stuck sa waiting shed. ang dami dami dami dami [as in madami] kasing mga tao na naghihintay din ng jeep. eh yung mga jeep pa [lalo na philcoa], puno din pagdating. so todo unahan talaga lahat sa pagsakay. natatakot nga ko baka magka-stampede eh. [haha.. ang OA naman.] si therese, sa barracks pupunta. kami naman ni kylie, sa philcoa. eh dahil nga sa dami ng tao, sabi ko sasabay na lang ako sa mga magulang ko. tapos sabi ko sabay na lang din siya samin. kasi sabi ko mga 5:45 naman ako dinadaanan dun.
eh tapos aun.. habang nag-uusap kami tungkol sa kung anu-anong bagay, nakita namin si Manfred at chinika namin. then we reminisced our high school days. ung mga issues noon na tungkol sa loveteams, crushes, etc. tapos grabeh.. ang laki na ng inimprove ni manfred!! physically.. sobra. ah basta. ibang-iba na siya sa manfred nung high school. hahaha.... pero epal yun, laging pinapaalala yung tungkol kay ano. grr. hahaha... tsaka ilang beses nyang pinuri ang sarili niya at sinabing guwapo na daw siya ngayong college. haaii.. oh well, manfred. antok lang yan. hahaha... [pero inpernes, guwapo na nga siya ngayon ah. hahaha... :))]
at aun. luckily, nagtext ang nanay ko ng mga 6:20 ata at sinabing sobrang traffic dun sa katipunan ata o sa balara.. kasi andun pa lang daw siya sa tapat ng UPIS. eh kadalasan, 6:20 nasa bahay na kami!! so aun. nag-philcoa na lang kaming tatlo. si manfred bumaba na sa petron kasi pupunta siyang trinoma. kami naman ni kylie, nag-mcdo na lang muna. tapos nag-sundae ba naman kami. eh parang hello?! ang lamig lamig tapos nag-ganun pa kami.. haha.. pero walang pakialamanan. then nagtext si mami na pa-u-turn na daw sila kaya lumabas na kami. at aun. umuwi na!! yey! natapos na ang unang araw ko sa UP. :)
ngunit natapos man ang unang araw ko, malungkot pa rin ako. unang-una dahil hindi pa ko enrolled. hindi pa kumpleto ang subjects ko. nung pag-check ko kagabi sa CRS, wala. hindi ko pa rin nakuha yung mga inenlist ko kahapon. so in short, prerog na nga talaga ang diretso ko. pero ano pa nga bang magagawa ko? galit ata talaga sakin si CRS eh. ilang beses niya na akong isinuka. tsk tsk. ah basta. sana naman next week makapag-prerog na ko. kahit na hindi ko pa alam kung anong dapat kong gawin dun. kakapalan ko na mukha ko sa prof. bahala sila. kelangan eh. :(
*** sorry kung mahaba ah. at napakadami kong side comments. hahaha... :))
0 comments:
Post a Comment