thanks for making me love COLLEGE.

*promise. na-touch talaga ko kanina. salamat uli.*



sa kabila ng mga problemang dinadala sakin ni CRS at ng prerog, masasabi kong masaya pa rin ang buhay college.


free na ako. makaka-lakwatsa ako hanggang gusto ko. makakauwi ako ng maaga kapag tapos na ang klase ko. makakagala ako sa kung saan saan. in short nga, malaya na ko.


pero maliban sa kalayaan na kakabit ng buhay kolehiyo, mas may ipinagpapasalamat pa ko. at yun ay ang mga bagong taong nakilala ko na nakapagpapasaya sakin.





pero bago ko sila pasalamatan, kwento muna ko. hahaha..... :))





since wednesday ngayon, ibig sabihin, wala dapat akong pasok. pero pumunta pa rin ako sa UP. because today is prerog day. so maaga pa lang ay andun na ko. sabi kasi ni dana maaga daw sila ni eunika dun sa gym. para makapag-prerog na agad ng PE. eh ako naman dahil nga sumabay na sa mga magulang ko, mga 7:15 pa lang ay nasa UP na ko. so dun muna ko tumambay sa may tables sa labas ng katag. hanggang sa nagtext na si dana na andun na sila sa gym. eh wala naman palang dumadaan na ikot ng ganun kaaga sa waiting shed sa FC. so nag-katipunan na lang ako. badtrip. haha. naglakad pa tuloy ako ng malayo.



pagdating ko sa gym, wala sila sa labas. tapos may mga nakapost na dun na mga bagong bukas na classes. so naghanap ako ng pwede sa sched ko. at marami naman akong nakita. pagkakita namin nila dana, sinabi nilang hinahanap nila sa Santiago at magp-prerog daw sila sa tenpin. edi sama naman ako. pero nagpabalik-balik lang kami sa kung saan saan. akyat baba lang. haha. eh nung pinuntahan namin yung room niya, wala daw siya dun. so naisip naman nila na baka nasa Ever (take note, mga 9 pa lang 'to.) na yung prof. edi punta naman kami dun.


pero to cut the very long story short, wala kaming napala sa ever kaya bumalik kaming UP. pero nang pabalik na, sa AIT dapat kami bababa. pero umabot kami ng philcoa. haha. hindi kasi kami nakapag-para eh. so dagdag 7 pesos sa gastos. then nung papunta nang gym, saka lang naalala ni dana na hindi niya pala dala ang kanyang 26a at form 5 ata o 5a. pati si eunika, ndi din dala yung sa kanya. so in short, ako lang ang makakapag-prerog.


buti na lang nakita ko sila nash at alexis dun sa gym. naghahanap din pala sila ng pe. so sama naman ako sa kanila. at nakaabot kami sa CHK Library kung saan tumatanggap ng prerog sa tenpin. kaya aun. sa wakas ay nakapag-prerog na ko. :)



nung paalis na ko ng gym, nakasalubong ko si klyn. so sabay na kami bumalik sa kabihasnan. sumama muna ko sa kanya sa CMC kasi naki-CR ako. haha. ang layo pa kasi ng AS or CAL or kung saan man eh. kaya ayun. then pagkagaling ko dun, dumiretso na ko sa waiting shed sa tapat ng FC (wala bang tawag sa waiting shed na yun?? ang haba naman kasi palagi ng sinasabi ko eh.) para maghintay ng jeep papuntang SM North.


eh tapos pala inaantay ko na rin yung reply ni Jio kung sabay na ba kami pupuntang Trinoma. then habang nakaupo ako dun, dumating naman si Kylie. nagpasama siya sakin sa City Hall kasi mag-re-renew daw siya nung sa SYDP. so sinamahan ko muna siya, tapos saka na ko pumuntang Trinoma.



habang nasa jeep ako ng SM North, at dumaan kami sa tapat ng Trinoma, parang wala lang. naalala ko lang yung lalakeng nag-suicide daw dun. kabago-bago pa lang ng Trinoma, magiging haunted na agad. haha. wala naisip ko lang.



so pagkababa ko sa SM, tumawid na ko papuntang Trinoma at tinext na sila Yna kung asan sila. then nasa Red Ribbon daw sila so dun na ko dumiretso. pagkarating ko, siya tsaka si Jio pa lang ang andun. sabi niya umalis na daw si Rose kasi may PE pa then babalik na lang daw after. tapos after some time, dumating na si Andrew.



dun muna kami nag-stay at kumain sa Tokyo Tokyo habang naghihintay sa iba pang mga people. then kung anu-ano nang napagkwentuhan. from heroes, to anime, to korean drama, to a blue baby (literal na blue baby daw.), to premature babies, to the doctor who told Jio's parents that he would grow as a *atin atin na lang tong apat* (hahaha. in short, it's a secret!!) but then tignan naman niya ngayon, gusto nang isupalpal ni jio sa mukha ng doctor na un ang form 5 niya. haha. basta ayun. pagkatapos namin dun ay pumunta na kaming National kasi bibili daw si Andrew ng notebook. then dun na lang namin imi-meet si Dj.



pagkarating namin, kanya-kanyang ikot sa loob. ako naghanap nung books ni Paulo Coelho at ni Mitch Albom. pero sa kasamaang-palad, yung kay Paulo (wow, close!) lang ang nakita ko. then sa sobrang dami ng libro niya, nahirapan akong pumili. pare-pareho naman kasing 245 pesos eh. then i asked Jio kung anong mas maganda, Eleven Minutes or The Alchemist. but in the end, i chose Eleven Minutes. kasi mas makapal eh so baka mas sulit yung 245 ko dun. haha. ang babaw ng rason ko.



ay tapos pala, nung nagbabayad na ko nung libro, inalok ako nung babae sa cashier na kumuha nung Laking National card. 60 pesos lang naman daw kasi for students. pag non-students, 100. eh tapos naalala ko, may ganun yung tatay ko. so nainggit naman ako kaya kumuha din ko. hahaha.



tapos nakita na rin namin si Dj dun. nagbabasa-basa ng libro. tapos sabi ni Yna, hindi na daw makakabalik si Rose. (aww..) so napag-desisyunan naming sa Timezone na lang. at dun na namin inubos ang aming oras.


madami kaming nilaro: Dance Revo (i love this!! nakakahingal nga lang. super. pero masaya!!), yung Basketball (Girls vs. Boys; 2 vs. 3 ; Yna and Jesse vs. Andrew, Dj, and Jio; who won? syempre kami ni Yna!!! go girl power!!! hahaha... 21-10 nga pala yung score. ^_^ ), yung video game na may naglalaban na hindi ko alam yung tawag basta yung nilaro nila Andrew at Jio (basahin nang dire-diretso) <Tekken pala tawag dito ayon kay Dj.>, yung Super Trivia Game chorva, Hammer Game (actually si Jio lang naglaro nito. dapat malakas mag-hammer at kelangan umabot sa pinakataas. and in the end, 1 ticket lang ang nakuha. haha.), and yung game na parang Spot the Difference (pero humabol lang ako dito eh. kasi andun ako sa labas nung nag-umpisa sila.).



gusto ko talaga yung dance revo. sarap tumalon. haha. lalo na pag sabay yung left and right. pero nakakapagod talaga. sobrang hiningal ako after. una nga pala kami ni Jio, then Andrew and Dj. sayang si Yna, di naka-try. pero basta. masaya. haha.



merong isang game dun sa labas, Deal or No Deal (American version). pero wala. nakakatuwa lang. instead of cash, tickets ang prize. haha. ang babaw ko na naman.



so after na maglaro, pinapalit na nila yung tickets. they got a green mushroom (as in mushroom talaga. haha. jowk lng.), a chuppa chups lollipop for Dj (since it's his birthday.), and a puzzle (i don't know what kind.).







then bumaba na kami. tapos eto na. my favorite part. hahahaha....




nauna sila Yna and Jio eh. tapos medyo nahuhuli kami nila Dj and Andrew. so pagkarating namin sa Red Ribbon (kasi kukunin daw yung binili nila kanina), andun si Yna sa labas nakaupo. edi umupo muna kami dun. tapos ang tagal nila sa loob. hahaha.. bakit kaya?? secret! haha.. tapos pati si Andrew nawala. bakit na naman kaya? hmm... secret uli!! haha.. tapos.... tapos...... tapos.........................




tapos biglang dumating silang tatlo at may dalang cake.




tapos eto. nung una, akala ko kay Dj lang. since it's his birthday. e tapos napansin ko, wait lang, bat dalawa?? and then nakita ko, yung nasa kanya, 18. tapos yung isa, 17. e tapos they were singing happy birthday na. then nung tinapat na ni yna sakin, saka ko lang na-realize na "hey, akin pala 'tong 17." hahaha... tapos nung una pa nga, chineck ko pa yung dedication. and it says,





Belated Happy Bday Jessel
Better late than never...






so ok. sure na ko na akin nga yung cake!! hahaha... at eto. sa baba,






From Chris Tiu &
Alagad ni Caalim






so parang wow. nawindang ako dun. bakit biglang may Chris Tiu?!?? hahaha... basta.. i love it!! at sinadya bang blue talaga yung color? haha..


btw, ang mga "Alagad ni Caalim" ay ang aking mga Math 17 classmates last sem na under kay Sir JoNathan Caalim (love you sir!!). at si Chris Tiu, well... sino nga ba siya?? haha..



then aun. nag-wish na kami (ang tagal ko ngang mag-isip ng sakin eh. haha.), and then blew na the candle. tapos nilagay na uli namin sa box at pina-ribbon na uli nila. with the "red" ribbon, of course. (huh?? bat biglang sumulpot un? hahaha.. wala naman. bangag lang ako ngayon.)



tapos after that, uwian na. kaming apat nila Yna, Andrew, and Jio, nag-UP campus while si Dj ay hindi ko na alam kung san pumunta.







and there it goes.






my day. :)







basta i just wanna thank you guys. Rose, Jio, Yna, Andrew, and yes, even you Dj.


wala lang. natuwa lang talaga ko kasi kamusta naman yung mga 3 weeks after my birthday biglang may sumulpot na cake?? hahaha... but then sabi niyo nga, "Better late than never".







so thank you.








very much. :)

0 comments: