Congrats na naman UP!!

yep, yep!!



CONGRATS!! ^_^





grabeh.. iba talaga pag UP. ang lupet. at pinatunayan na naman nila na ang mga taga-UP, hindi lang puro acads ang alam. hindi lang puro grades ang inaatupag. all-around ata kami noh!! yeah!! <:-P






hmm... ano nga bang ipinag-ce-celebrate ko? wala naman. trip lang.



hahaha... nde jowk lang.





kanina kasi, pumunta kong UP Theater para manood ng 2007 FUBU StreetDance Invitational Challenge. kasama ko sila alexis, nash, at kylie. eh kasi, yung prof namin sa Tenpin Bowling, nagbenta nung ticket (take note, complimentary tickets yun ah.) sa class namin. tapos ang sabi, may plus daw pag nanood. edi ayun. bili naman kami.






basta dun na kami nagkita-kita sa labas. at medyo mahaba din yung pila. buti na lang pagpasok namin, may bakante pa. actually, unahan talaga sa upuan eh. nagkakagulo yung mga tao nung pagpasok. buti na lang may designated na upuan yung bawat school. yung UPD, sa gitna na likod. so nung kami na, dun na kami napunta sa pangalawang row sa dulo sa likod. pero may mga lumipat kasi sa harap kaya nakalapit din kami kahit pano.



tapos aun. after ng ilang minuto ng paghihintay, nag-umpisa na. yung mga hosts, sila Kakai something tsaka yung isa pang girl na hindi ko alam yung name. yung kakai kilala ko eh pero yung isa hindi. haha.



nagkwento muna sila ng ilang mga impormasyon tungkol sa FUBU. like FUBU stands for "For Us, By Us". at naipakilala yun dito sa Manila noong 2001. then after na nga nun, inintroduce na nila yung mga contestants.




1) De La Salle University (DLSU)
2) UP Manila (UPM)
3) Mapua Institute of Technology (MIT)
4) University of Asia and the Pacific (UA&P)
5) Colegio de San Juan de Letran-Calamba (CSJL)
6) Technological Institute of the Philippines (TIP)
7) College of the Holy Spirit (CHS)
8) UP Diliman (UPD)
9) UP Los Banos (UPLB)





at after some time, start na. :)






First Batch:


una nga yung DLSU. ang masasabi ko lang, grabeh ah. minahal ko ang la salle dito. (dito lang. haha.) wala lang. eh kasi, may guwapo kaming nakita!!!! yung guy na naka-yellow green na checkered na pants. basta. parang sa malayo nga, kamukha niya si elmer espiritu eh. (you know him?) basta. siguro kasi pareho yung hair nila. pero basta. ang gwapo niya talaga. haha. hindi ko tuloy napanood ng maayos yung BUONG group kasi nga siya lang yung pinanood kong sumayaw. hahaha. adik. cute din naman yung sa kanila. ang kukulit nga nila eh. kaya ayan tuloy. parang nag-iiba na tingin ko sa mga taga-la salle. (hmm. pero hindi pa rin siguro. haha.)


next ay UPM. nung umpisa ng sayaw nila, sira ata yung music. ay basta. panget yung reception nung tugtog kaya ayun, pinaulit sila. hmm. ok din naman yung sayaw. syempre support din kasi kapwa UP unit yan eh. :)


Mapua. ayon nga kay Nash, ang panget ng kulay nila. parang hindi na gumanda. hmm. actually, mukha nga. red, blue, and white. philippine flag. tapos sila pa yung mga naka-jacket (as in yung makakapal na jacket) at cap at kung anu-ano pang ka-echosan sa buhay. basta. hindi ko sila gusto. hahaha.




Second Batch:


UA&P naman yung next. sila yung mukhang mga race car drivers. yung costume kasi nila eh. at yung umpisa na rin. naalala ko tuloy si gaby (aww.) kasi nga cars. so wala lang. wala na kong maalala sa sayaw nila eh. in short, hindi tumatak sa utak ko.



sunod naman yung Letran. wala na rin akong maalala sa kanila. haha. sorry.


tapos ayan. TIP na yung next. astig din 'to eh. simple pero cool. haha. sila ba yung naka-brown? ay. di ko na maalala. basta ang alam ko gusto ko yung sa kanila eh. so aun.




Third Batch:


CHS. yeah. Holy Spirit. alma mater ko dati. pero College of the Holy Spirit sa Manila 'to eh. School of the Holy Spirit sa BF Homes ako. pero kahit na. Holy pa rin pareho. so syempre, exclusive sila kaya all-girls yung mga sumayaw. mga afro na babae. and siguro sila yung may pinaka-simpleng costume. Shirt and Pants. kung gano ka-arte yung sa iba, ganun naman ka-simple yung sa kanila. pero sorry ah. ang alam ko kasi na-bore ako sa kanila eh. haha.





at ayan. next na ay University of the Philippines Diliman!!! grabeh. as in nung in-announce na sila, sobrang tayuan yung mga taga-Diliman at todo sigaw to the max. ang saya nga makisigaw eh. haha. talk about school pride, baby. so ayun. sayaw na sila. at parang every galaw ata nila eh nag-ch-cheer yung mga tao. (tao means diliman people.) so ang saya. tapos pala!!!!! may isang guy dun, sa pinakaharap sa gitna, parang si mike gamboa!!! pramis, pare. seryoso. ang tagal ko siyang tinitigan at pinanood habang nagsasayaw pero wala talaga eh. si mike gamboa talaga nakikita ko. kasi pareho silang maliit (sorry.), pero ma-muscle. and the hair. pareho din. so ayun. sa simula at hanggang sa pagtatapos ng sayaw nila, todo cheer ang mga people of Diliman.



and the last but definitely not the least, UP Los Banos. maganda din yung sa kanila. syempre UP eh. makapigil hininga din. hahaha. seryoso.




so aun. after na ng lahat, may intermission muna. may mga nag-perform na mga rappers. at dahil sa kakornihan nung mga hosts, "christmas rapper" at "lumpia rapper" daw. grabeh. corny.



at grabeh ah. ang tagal nung mga nag-perform na yun. sobrang nasayang yung oras. imbes na maaga na nakauwi eh. pero sige. hayaan na.





tapos ayan. announcement na ng winners!! pero wait pala muna. sabihin ko muna yung sarili kong bet.


2nd runner up: TIP
1st runner up: UPLB
CHAMPION: UP Diliman




but oh no. eto ang mga nanalo.



2nd runner up: UP Los Banos
1st runner up: Mapua
CHAMPION: University of the Philippines Diliman




bakit ganun?




bakit ganun?!?!?! :((





wala lang. TIP gusto ko eh. costume pa lang ayoko na sa mapua eh. tsaka hindi naman tumatak sa isipan ko yung sayaw nila eh. in short, walang dating, pare. oo na. masama na naman ang labas ko nito. kayabangan ko na naman. mapanglait na naman ako. eh so what? paki mo?? [inaaway ko lang yung mga inaaway ako. kung ok lang sayo yung sinasabi ko, edi peace tau!! :)]




haaaii... ah basta. paninindigan ko ang aking sariling ranking. walang pakialamanan. :)




tsaka nga pala, 4th ko nga pala, ung La Salle. i love them. magaling din naman sila eh. so aun. hahaha. talagang siningit eh noh. basta. o so eto na.


4th: DLSU
3rd: TIP
2nd: UPLB
1st: UPD!!! [brings back UAAP Cheerdance memories. :)]




yey. ang gagaling nila. mga adik. hahaha. aun aun.






sa pbb nga pala, hindi naman lumabas si mariel. eh kasi sabi ni kuya last week di ba aalis na siya ngayong saturday? eh pero aun. hindi pa siya pinalabas eh. kasi naman dalawa agad yung nabawas. mcoy at ethel. kaya pati si baron, pinilit na rin nilang ipasok uli. kasi kung hindi, wala na. ubos na mga housemates. wala na ring buhay. in short, magiging boring na. so aun. kahit ano gagawin na nila. ultimong ipasok nila si Angel Locsin as Special Celebrity House guest. tsk tsk. desperado.





aun. CONGRATULATIONS uli sa UP Diliman!! and congrats din sa UPLB! at Mapua(fine.)!



congrats din sa la salle because for me, you're also a winner. and of course sa TIP din. i believe na you deserve to get into the top 3.






basta lagi kong isisigaw.







UP Fight!!!! :)

0 comments: